jeyarphoto

Robinson Galleria Victoria. Yan pala yung kagagawang mall dito samin. Hindi pa din sya tapos ngayon pero yung ibang part bukas na. Maliit lang sya kumpara sa mga malls sa ibang lugar, pero malaki na yan kumpara sa mga mall dito sa bataan. 

Lola. Nakakatuwa kanina nung nasa Mcdo kami ni Dastin. May katapat kaming dalawang matanda na ang cute panuorin habang nagkukwentuhan sila. Kumakain sila ng chocolate sundae at french fries. Para silang teenagers kanina. Ah basta nakakatuwa silang panuorin kanina. Ang cute kasi. :)

Tumblr. Dahil maaga ako nagising naghanap ako ng pede kunan ng picture sa bahay. Gumawa ako ng photowalk dito sa aming bahay hahahaha, Yan ang una ko nakuhanan. Mga toys ng pinsan ko. hehehe Goodmorning guys. 

Stand Out. Wag mong ipilit na maging katulad ng iba. Just be yourself at tignan mo, na better ka pala sa inaakala mo na gusto maging katulad.

Combat Shoes. Yan yung nabili kong combat shoes sa ukay-ukay for 150 PHP. Di ba? ang mura lang. Tyagaan lang talaga sa paghanap minsan sa ukay. Minsan inaabot kami ng oras dun ng mga classmate ko. Meron kasi dito samin na ukay na 20 lahat ng damit na makikita mo, tapos 50 pag tatlo lang. Kaya nakakagana mamili. hahaha. Tinakot pa ako kanina ng friend ko, sabi nya “Nako friend, baka matulad ka sa movie na segunda mano, baka namatay na may ari nyan”. Mukang tanga lang, nanakot pa, pinatong ko bigla sa kanya yung paa ko, sabay sabi “Ayan dasalan mo. Ng matahimik ang kaluluwa nya, kalerqui ka, tatakutin mo pa ako”. HAHAHA Sino sa inyo mahilig din mag ukay?

2

Backpack. I doodled my classmates bag yesterday. Super bored kasi kami nun, tapos habang naghahalungkat ako ng bag nakita ko yung pentel pen ko kaya naghanap ako ng bag na pede sulatan. Kaya ayan yung pinagkakaabalahan ko nun para di ako mabored. Simple lang yan. hahahaha

Lotus feet. Sa tangkad ko na 5'9, ang paa ko size 6 lang. kaya nahihirapan ako minsan maglakad or tumayo kasi nahihirapan ako ibalance sarili ko kasi sa sobrang liit ng paa ko. Kaya nga yung uso na kung ano yung size ng paa un din size ng anu… hahahaha ako na nagsasabi sa inyo. HINDI TOTOO YUN. hahahaha