jeric marco gray fortuna

To the greatest Team Captain and Point Guard of the UST Growling Tigers,

Dear Jeric Marco Gray Fortuna,

Idol! Patuloy mo pang mahalin at pagbutihin ang pag-babasketball. LOL. Parang close kami kung magbigay ng message eh. Hahaha. Pero kidding aside, kahit ga-graduate ka na this academic year, susuportahan pa rin kita all the way. Manonood ako ng lahat ng laban mo sa D-League. Sana lagi kang dumalaw sa UST. It has been a privilege seeing you play in your final year in UST. Kahit na ngayong taon ko lang nalaman ang existence mo, (Huhuhu. Nagsisisi tuloy akong hindi kita pinapansin last year.) and it’s super late na, patuloy pa rin kitang hahangaan at susuportahan.

Para sa team captain ng UST na sobrang galing mag-dougie.

At sobrang napaka-cute kahit anong gawin niya. Kahit dumila pa siya.

Na kahit umarte at magmukhang gay ay guwapo pa din.

He’s talking about Mario Maurer here.

Sorry. Ang gay lang talaga ng tingin ko sa kanya dito. LOL. May hawak pa sa dibdib na kasama.

Na laging binu-bully ni Kim Lo, Ron Javier at Jeric Teng. Joke lang.

At sa taong sobrang lakas ng sense of humor.

Natawa ako dito eh, sorry.

Sa nag-iisang Tiger King ng University of Santo Tomas.

HAPPY HAPPY BIRTHDAY. :D May you have many more birthdays to come :))

Good luck din sa game niyo mamayang 2 pm against SWU. Alam kong mananalo kayo. :D

Nagpapasalamat pa rin ako hanggang ngayon at pumayag kang mag-papicture tayong dalawa. Nang dahil diyan sa picture na iyan, naging isang masugid mo akong tagahanga. LOL. I can still remember the feel of your skin on mine <3. Chos.

Uyyy, debut na niya. Manlibre ka naman! :D

Sana mabasa mo itong post ko na ito. Asa naman ako. :(

One Step Forward

oh yeah I guess the title is a pretty bit too much, I just kinda forgot how tumblr rly works, so I guess I just wanna draw some attention from you guys and see if anybody is reading my posts XD

Well I just wanna make a short introduction of myself before I make this acct my official diary xD

I am Darlene Hazel Serran, currently living wild, young and free, 17 yrs old from Cavite. I am a CTHM student (CTHM - College of Tourism and Hospitality Management), studying in UST which is my dream school, as in srsly! ever since I was an elementary student I already wished that I could study there and now here I am :) 

I am 100% single and desperate to change that status and make it “in a relationship” nuh just kidding :) I am a very very very very big fan of Japanese groups most especially Jpop groups as in srsly I am a fan for almost 6 yrs though I know that is not rly something to brag about..but still.. xD

anywayz my ichiban group is ARASHI! ARASHI! ARASHI!

they really inspired me ever since. they’re also the reason why I chose this course tourism coz they’ve been producing airplanes with their faces on it so I wanna work there as an FA (Flight Attendant) however, when I became a college student many things changed. Before, I spend a lot in fangirling Arashi but because of soooo many demands in life, I can’t do that anymore. I have also taken interest in UAAP which I really can’t believe especially in basketball, I almost hate that game because I don’t understand it but ever since I became a Thomasian many things changed. UAAP really do boosts up your school spirit and since I love cheering and screaming at the top of my lungs I always watch the basketball games in arenas :) my favorite team of course is UST’s Growling Tiger and my favorite member is JERIC MARCO GRAY FORTUNA! the outgoing captain, it’s just so sad that he’s a graduating student :( Don’t leave us!!! *me*

 

moving on, I love clothes :“> as in srsly now I have tons of clothes that there are some that I haven’t used yet… hehe and I used to be a cosplayer too :) but I am not that active now because I don’t have someone to go with and it’s very expensive too so I’d rather buy new clothes or accessories or shoes xD

and I guess that’s it for now.

I just really want to update this account and sorry if my grammar sucks :)

The advantages of living in Lacson St.

1. Malapit lang sa Ilar’s.

Mehehe. Ito yung kaisa-isang kainan na alam ko na super sarap na tapsilog, may extra rice at sobrang mura. 48 pesos lang may tapsilog ka na with extra rice :) O ha. Puwede na akong endorser ng Ilar’s LOL.

2. Isang sakay lang mula dito, nasa SM San Lazaro ka na.

Pag galing kasi ako sa dorm, lalabas lang ako ng gate at sasakay na ako ng jeep para makapunta sa SM San Lazaro. Kaya kapag nasuspend ang klase dahil sa bagyo at medyo bored ako sa dorm, lalabas lang ako para makasakay ng jeep para tumambay sa SM San Lazaro. Hihihi.

3. At higit sa lahat, puwede mong makasalubong si Jeric Fortuna kahit 7:00 na ng gabi. Hahahaha.

Kaya ko ito naisama sa isa sa mga advantages dahil nakasalubong ko si Jeric kagabi. Hahahaha. Ganito kasi ang kuwento nun:

Niyaya ako at si Frances ni Ate Lia para magpunta ng Mercury Drug para bumili ng Cetaphil. Paglabas namin ng dorm, dumaan kami sandali sa Yellow Cab para kumuha ng voucher para sa bibilihin naming pizza sa Monday. Paglabas namin ng Yellow Cab, nakita ko si Tata Bautista! Naisip ko “Sh*t si Tata, malamang kasama nito si Jeric.” Hindi ko agad nakita si Jeric kasi nasa likod siya ni Tata nun, naglalakad sila. Nung tignan ko yung nasa likod ni Tata, may nakita akong maliit na lalaki na naka-hoodie. Si Jeric nga! Hahahahahaha. Ayun, natulala lang ako sa kanya habang naglalakad kami. Actually tatlo sila, pero hindi ko na namukhaan yung isa kasi na kay Jeric lang yung buong atensiyon ko. Si Ron Javier siguro iyon. Dumaan din siya sa mismong tabi ko kaya lalong nawindang ang utak ko. Ang bango niya. Hahahahaha. Paglampas namin sa kanila, doon ko lang na-realize na nakatulala lang ako kay Jeric. Nakakahiya na nakakapanghinayang. Sana nakapag-hi man lang ako sa kanya or naitaas ko yung kamay ko para makakaway sa kanya. LOL. Anyway, dahil sa nangyaring iyon, lalo tuloy akong na-inspire na mag-aral ng Rizal at Physics. Mehehehehe. It was really an awesome experience. Sana maulit uli! And this time, makapag-hi na ako sa kanya. Dapat pala mga alas-siyete ako lumalabas para makita ko siya. LOL. :)

Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon.

So it’s been 3 days, 4 hours and 45 minutes ago since nagpapicture ako kay Tiger King Jeric Marco Fortuna sa Quadri Pav. Ayun. Ang saya-saya ko pa rin hanggang ngayon. Sobrang bait ni Captain. Paano nga bang nangyari na nakapagpapicture ako sa kanya? Here’s the story:

After ng nakakamatay na quiz namin sa Biosci, pinilit ko si Jess at Deen na magpunta sa Quadricentennial Pavilion para magpapicture sa Growling Tigers, around 3:30 pm yun. Since sasamahan ni Deen yung best friend niya na si Ai sa Health Service, nagpasya kami ni Jess na kumain muna sa cafeteria sa 4th floor ng main building para antaying matapos si Deen. After namin kumain, mga 4:30 pm yun, pumunta kami sa health service para sunduin si Deen at pumunta na sa Q Pav para makita ko na si baby Jeric ko. Hahaha. Habang papunta kami, ang lakas ng tibok ng puso ko (seryoso) kasi kinakabahan ako. So ayun, nung nakarating na kami sa Q Pav, problema naman namin kung paano makakpasok kasi sobrang higpit nung mga guards. Nariyang magpanggap kami na Sport Science interns, (since okay lang kasi taga-CRS din kami) nagkunwaring mag-CCR, iinom ng tubig sa drinking fountain, etc. We were really desperate to come inside. So ayun, naupo na lang kami sa mga bench dun sa gilid ng covered court. After 10 minutes siguro, lumabas si Coach Pido! Grabe. Sobrang gusto din naming magpa-picture sa kanya kaya lang sobrang nagmamadali siya nun saka ang babagal magsitayo nila Jess at Deen kasi nahihiya sila. Sayang tuloy </3. 

Ayun, after 30 minutes tapos wala pa ring lumalabas sa Growling Tigers kahit isa. Nagdecide si Jess na umuwi na at si Deen na balikan si Ai sa Health Service. Bumalik kami kahit labag sa loob ko. Hahaha. Nung nakalabas na kami ng Health Service, nagpunta kami dun sa bagong bukas na 7 eleven sa carpark para bumili ng Slurpee (Yum!). Tapos umuwi na rin si Deen at Ai, at naiwan akong mag-isa! Oo, ako na lang mag-isa nun. Kahit anong gawin ko, ayaw na sumama ni Deen. :(( Anyway, nung pabalik na ako sa Q Pav, umupo uli ako sa bench sa gilid. Mga 5:30 siguro yun nung isa-isang naglabasan yung Growling Tigers! Una si Karim Abdul, di na ako nakapagpa-picture sa kanya kasi nagmamadali siya saka may kausap siya sa phone. Nung si Kevin Ferrer naman yung lumabas, napatayo ako kasi na-fefeel ko na lalabas na din sila baby Jeric. Magpapa-picture sana ako sa kanya kaso may kasama siya. Nahiya ako bigla. Tapos nakita niyang kinakagat-kagat ko yung straw ng Slurpee ko kasi sobrang kinakabahan ako tapos natawa siya. Nakakahiya grabe. Hahaha.

Nung lumabas na si Jeric, sobrang nagkagulo na yung mga tao. Hahaha. Lumapit na din ako dun sa may entrance ng Q Pav. Grabe. I just stand there for about 2 minutes biting at my straw while staring at him. And then I came back to my senses. Bumalik ako sa covered court, pinatong yung ubos na Slurpee sa bench (ayoko kasing magkalat sa Q Pav), bumalik uli ako tapos pinatong ko yung bag ko sa may stairs at kinuha yung tablet ko. Nakakahiya pa kasi dun ako sa Ate na taga-CTHM nagpakuha ng picture. Tapos I was shaking when I handed my tablet to her kasi kinakabahan talaga ako. Hahaha

Ako: Ate, ano pong pangalan ninyo?

Ate na taga-CTHM: Rain.

Ako: Ate Rain, puwede po bang pakuha ng picture? Iniwan po kasi ako ng mga kasama ko. (paawa effect) *inabot yung tablet*

Ate Rain: O sige.

Ako: *kinalabit si Jeric Fortuna* Kuya, puwede po bang pa-picture?

JForts: O, sige. *nilagay yung kamay niya sa likod ko*

-After nung shot-

Ako: Thank you! Thank you po. Good luck po sa game niyo bukas. 

JForts: Thank you. *smiles*

SHOCKS! Nakakakilig! Deym. Ang ganda nung mata niya saka nung smile niya. Kahit ganoon lang kaikli yung interaction namin, sobrang happy ko kasi nagawa ko yung sinulat ko sa planner ko, to meet him in person and have a picture with him before he leaves UST. Yieeeeee. Ang saya saya talaga. Sobrang nagbunga yung pag-aantay ko. 

Ang guwapo talaga ni JForts. Gusto kong ding ilagay yung kamay ko sa likod niya pero nahihiya ako. Hahaha. Sayang di lumabas si Jeric Teng at Aljon Mariano. (or di ko na sila naantay) Gusto ko rin sanang magpa-picture sa kanila. If there’s a will, there’s a way talaga. :)) Next goal, Jeric Allen Teng. ;) Cheers!