jbanoiol

               Just because almost no one is online.

Ang hirap nun ah! Yung kakalimutan mo yung taong mahal mo. Ewan ko ba dun sa iba parang ang dali dali sa kanila na lumipas yung mga araw na wala na yung mahal nila. Paano kaya nila nagagawa yun? Yung parang ganun ganun na lang tapos okay na sila. haaayyy Saan kaya pwedeng matutunan yung ganun? Minsan kasi parang gusto mo nadin makalimot eh. Pero wala talaga mahal mo pa siya. Konting kita mo lang ng mga bagay na may koneksyon sa kanya, parang nagfaflashback na lahat nung tungkol sa taong mahal mo. Minsan makita mo lang yung pangalan niya parang ang bilis na agad ng tibok ng puso mo. Parang palagi mo nalang siya mamimiss pero hindi mo na dapat siya mamiss kasi kailangan mo dumistansiya eh. Kasi ayaw niyang nasasaktan ka kaya dapat umiwas nalang. Ang hirap na pag iwas yung naging solusyon para maayos yung sitwasyon. Sa totoo lang di ko alam kung naayos ba talaga nung pag iwas. Pero ginagawa ko nalang to kasi ito naman nakakatulong sa kanya. Ayaw ko naman kasi na makakausap ko siya tapos sasabihn niya na ang sakit sakit nung mga ginagawa ko. Ayaw ko siyang nasasaktan. Ayaw na ayaw ko yun. ;’(

              Just because almost no one is online. 

Nakakatakot yung sunod sunod na araw kang masaya. Kasi baka masanay na ka nang masaya eh. Hindi naman kasi palaging masaya. Yung ang sarap sarap ng tawa mo at ang saya ng mga mata mo pero hindi mo alam kung hanggang kelan. Yun nga daw ang mahirap sa pagiging masaya, yung baka bukas hindi na. Sana pwedeng palagi nalang masya. Ako kasi parang nagets ko na yung buhay ko. Yung kapag puro masaya may susunod palaging di magandang mangyayari. Kaya kapag may rason para tumawa, ineenjoy ko nalang eh. Sinusulit ko yung bawat oras na pwede akong maging masaya. Nagpapakapositibo nalang ako. ganun naman kasi yun dapat diba? Magpakatatag sa buhay. Siguro hindi naman talaga malungkot, mas masaya lang siguro yung mga nagdaang araw. Yun nalang iniisip ko. Pinapaniwala ko yung sarili ko na ganun. Araw araw kailangan ko yan ipaalala sa sarili ko.

              Just because almost no one is online

I am the less important friend. I am that person who have a lot of friends but never felt so close to them. Because I am the problem. I don’t exert efforts for them. I don’t talk to them for weeks and even for months and I can’t explain how I didn’t notice that it’s been that long. But I never forget about them. I always look after them quietly so I don’t have to ask how are they doing with their lives. I still get updates from them by reading their posts. And I believe that’s the art of being connected in an online social network. I watch them have more friends and forget about me. And seeing them meet new friends and be closer to them than how we were as friends, somehow made me feel bad for myself. :( It’s the same feeling you get when you’re in a relationship and you’re thinking that maybe you’re not enough. The worst part of the story is when you are the reason why your friends met their new friends yet they left you. But I get used to that kind of situation. I sometimes think that some people enter my circle just to take away a fraction of it.

It's fair to say that I don't really care that much about that anymore. I already know that in the end none of these will matter. That all these explanations in my mind may not be valid. But i'm very sure that this is how I understand it.

And it’s okay with me because I don’t really demand for a friend. Nobody should demand for one. I completely understand the situation and I know that I have mistakes too — that I can be the better friend but I chose not to. I don’t want to compete with their new friends because that’s not who I am. And it’s okay with me if they’ll forget about me because technically the way I play my role in their lives, it seems like I forgot about them beforehand. 

I believe that friends are important and God knows how much I value my friends even if I my actions to show it falls short. I think friendship is all about being there for your friend no matter what. And in that sense, I don’t always mean that it should be in physical aspect. Because you can always feel for them and no one can take that away. You can always care for your friends even if you don’t verbalize it. Not everyone can show how they love people even if they wanted to because that’s simply who they are. And I believe that it doesn’t make them less of a friend. I can only speak for myself to conclude all these. And having said that I think I have to admit that on some point in my life I know that i’d been a bad friend and I wish I can fix that. I hope my friends will never feel that they’re losing me because I will feel that i’m losing them too.

See? I’m not asking for too much of you as my friend and I hope you won’t replace me, because I will never do that to you even if i could. I wish that even if i’m not the best kind of friend anyone could have, you won’t give up on me. I can’t be perfect but I swear to God i’d be you’re friend for a lifetime. Honest.

               Just because almost no one is online.

August 21, 2011 - Naging active ako dito sa tumblr, katulad nung mga ginagawa ko bago ako maging inactive, kinukwento ko yung mga nangyayari sa buhay ko, sa buhay namin. Ang sarap kasi talaga mag blog kapag tungkol sa love diba? Yung parang gusto mo ikawnto yung lahat nung mga masasayang nangyari sa inyo. Siyempre andun nadin yung hindi magagandang nangyari, parang dito mo na kasi naeexplain lahat.

Siguro kung hindi naging kami nung ex ko nung August 21 nung taon na yun, wala siguro tong blog na'to. In short, medyo produkto ng love story namin ‘to. Ang saya lang din pala talaga alalahanin. Siya kasi naging dahilan kung bakit talaga ako sinipag magblog. :P Wala eh, naenjoy ko talaga. Dahil din dito nakilala ko best friend ko na parang nakidnap kasi ang tagal nawala, basta mahabang kwento yun. 

Lagpas 3 months din akong active dahil dun. November kasi nagbreak na kami kaya parang wlang gana ulit. Nakakadepress din kasi talaga yung ganun, siyempre nakasanayan mo na eh tapos mawawala bigla. Pero nagtumblr padin naman ako. Pero halos wala nadin.

September 2012, Ayan bumalik na naman ako sa tumblr. Ito na yung active na talaga ako. kahit kasi 2010 pa tong blog ko, hindi ko naman talaga ako nakakapagblog. Basta September 2012, nirevive ko yung hesezrawr. Siyempre inspired na naman eh. Naisip ko nga puro love nalang dahilan. hahahaha walang hiya din talaga tong buhay na to, siyempre nagbreak din kami. Pero dahil madami nakong kaibigan nung time na yun, di nako nag inactive. Tuloy tuloy na talaga. Dumating ang December 2012 at natapos ng April 2013. Yun na lang ang kwento niyan. 

Ngayon August 21, 2013 anniversary na ng blog ko, biruin mo buti pa tong blog ko umabot ng anniversary. ☺ Wala eh, ganun talaga. Sana bumalik na yung sipag ko magblog. Ayun lang. Good job hesezrawr! 

                 Just because almost no one is online

there are those “good days” when you feel happy, contented, and you laugh a lot with your eyes. you tell a lot of stories to your friends, joke about nonsense things, sing stupid songs, dance with your both left feet, draw the weirdest shapes, and make the most out of your time thinking that nothing else matter in this world but your happiness. because you feel good, you forget all your problems – you’re in the best mood ever.

but there are these nights when you don’t feel like talking to anyone, and nothing feels worth it anymore. nobody can make you feel any better because you won’t let them do so. this is the “i-want-to-break-trophies” kind of night. you know you don’t feel fine. and it’s okay. no, it’s not okay. then you’ll start to think that “things-will-get-better” advice is bullshit. and things get confusing. and you don’t know what to feel anymore. you’ll feel sick but you’re not sick, just tired – or sad. 

it’s the kind of  night when you’ll remember everything you thought you’ve already forgotten. it’s like going through those same damn nights after she left. and you can’t do anything about it. because feelings are more powerful than your mind. you will remember and it will start to hurt you over again. you will hear the exact words she said right in your face; that she doesn’t love you anymore. she. doesn’t. want. to. be. with. you. anymore. and it will keep on resounding until pain is all that you’re feeling. and in that moment you’d wish you have a chance to change the way things happened that night. that you’d wish she didn’t walkaway, you’d wish she loved you enough to make her stay. i don’t know :c

               Just because almost no one is online.

Mahal tayo ni Lord. Akala natin minsan napapabayaan Niya tayo. Akala natin minsan di Niya na naririnig yung prayers natin. Pero mali yung akala na yun. Kasi ang Diyos kahit gaano kahina yung dasal mo, minsan nga kahit sa isip lang, naririnig Niya yan. Minsan ganun talaga siyempre madaming problema at talagang nakakalungkot ang buhay. Pero madaming beses din naman niya tayo pinasaya diba? Madaming pagkakataon na masaya ang buhay. Kung magbibilangan ng masaya sa malungkot, panigurado mas matimbang ang kasiyahan kesa sa lungkot. 

Minsan akala natin yung hindi na maaayos ang problema pero magugulat nalang tayo nakangiti na pala tayo kasi naayos na. :) Ang sarap nung kahit anong lungkot mo pilit Niyang binabalik yung mga ngiti sa labi mo. Hindi man Siya mismong ang gagawa pero siya padin ang may pakana nun. Binibigay niya ang mga tamang tao para sa atin, para alagaan tayo, mahalin at pasayahin tayo. Salamat God. >:)< The best ka.

                Just because almost no one is online

Pano kaya kung isang araw biglang bumalik lahat nung mga taong nang iwan satin? Pero yung mga buhay lang siyempre. Nakakatakot naman kung pati mga patay bumalik. Paano kaya yun no? Paano kung bigla mo nalang ulit sila makita tapos yakapin ka nila?

Nakakatakot siguro yun. Kasi isipin mo, sinubukan mong magmove on sa kanila tapos bigla na naman silang susulpot para guluhin yung feelings mo. Nakakatakot kasi baka isang yakap lang nila makalimutan mo na lahat nung mga bagay na nagawa nilang mali sayo, yung mga nakasakit sayo. Siguro ang tanga tanga mo na nun, kasi ganun ganun lang nakapasok na ulit sila sa buhay mo. :c

Pero diba okay din naman yun? Kasi baka kapag bumalik sila, maayos na yung lahat. Baka mawala na yung sakit, baka mapatunayan nila na kahit papano pwede padin magbigay ng isa pang pagkakataon. :c 

Kaso sa mga ganun, nakakatakot sumugal, kasi paano kung di mo pa naman pala kaya na nandiyan na ulit sila? Paano kung okay ka na wala sila tapos bigla silang dadating? Paano kung hindi mo na mapigilan yung sarili mo kahit alam mong mali na mamahalin mo sila ulit? Paano kung walang internet eh di hindi ko pa napost ‘to. :c

               Just because almost no one is online.

77 days after the break up. Few days ago we had a short conversation and  I knew that she’s happy with someone else now. I knew it because she said so. I don’t know what to feel that time, I just wish that who ever it was, he’ll love her more than I did. I hope he will always make her smile and he’ll understand her whenever she’s moody.

77 days have passed and I still miss her. I missed her yesterday, today and I know I will still miss her tomorrow. Everyday I have to tell myself that I should stop missing her but I can’t do that. It was never easy to forget how things used to be. I can’t just forget everything. I can’t forget her. I never will. I still remember every little details of “US”. Yes, “us” used to exist months ago.

77 days of waking up early in the morning and waiting for her text message which I know will never come. I know I will never receive the same text messages from her. Not even in some other time of the day.

There's no more "good morning mister, I love you... ingat ka magpapakasal pa tayo." kind of morning greetings, there's no more "ingat ka pagpasok sa school, mag aral ka mabuti para sa future natin ha? ha?" , there's no more "date tayo ha?" whenever we have free time during weekends or even after classes. There's no more us and I have to remember that. I'll keep that in mind and i'll keep her in my heart.

               Just because almost no one is online.

61 days after the break up. Dati ang binibilang namin ay monthsary namin, tapos mga plans ng anniversaries. Ngayon, binibilang ko kung gaano na ba kadaming araw ang lumipas simula nung mawala siya sa aken. 

April 6, 2013 dapat nagcecelebrate kami niyan ng another monthsary pero sa mismong araw na yan, nagbreak din kami. Yung araw na yun, hindi naman nag sink in agad. days, weeks, months, ganun na pala katagal, umabot na ng 2 months. Eksaktong 2 months ngayong araw. :(

Sa mga nagdaang mga araw, naging okay kami, nung first month sobrang okay naman eh, pero nitong nakaraang linggo lang, alam ko ang labo na ng lahat. Nagalit kasi siya. Ewan ko ba kung papanong lumaki ng ganun yun. Basta alam ko sobrang nagalit siya. Sabi niya araw araw na daw siyang depressed at sana daw hinid na nga siya nagigising tuwing umaga kasi ang sakit lang daw. Infinite pain daw ako sa kanya. Siya yung nakipaghiwalay saken. At alam ko naman wala akong kasalanan sa relasyon namin at sa kanya, kaya hindi ko maintindihan yung part na ako pa yung may kasalanan kung bakit siya ganun.

Nakwento ko na yung ibang nangayri sa iba kong posts, kahapon alam ko na mag 6th na naman, siyempre kasunond ng 5 ay 6. haaayyy Kaya alam ko mas mahirap to kesa sa iabng mga araw. Hindi okay pakiramdam ko simula pa nung nakaraan, kaya maaga ako nakatulog kagabi. Nagtext siya kagabi:

05/06/13 23:51 "Darwin. Ahm. Di ko alam ang una kong sasabihin pero gusto kong magreply ka dito. Please?"

Siyempre hindi ko agad yan nabasa kasi tulog nga ako. Pero nagising ako ng 2:50AM, nagcheck ako ng messages at yan nabasa ko, natulog lang ako ulit. Nung umaga di padin okay pakiramdam ko kaya, nung tanghali nako nakareply. Humihingi siya ng sorry at peace na daw kami. At sabi niya malaya na daw ako. Sa text niya, wala akong naramdaman. Hindi tulad nung iabng messages dati, parang nagbasa lang ako ng isang ordinaryong text, Hindi ko alam. Wala naman kasi akong galit sa kanya, siya lang naman ang nagkaroon nun sa amin. Kaya tinaggap ko naman sorry niya. Sa pag uusap namin mukhang okay na naman. 

Ngayon, mas okay naman na. Dumidistansya nako kasi kailangan ko talaga yun. Hindi nako nangingialam sa buhay niya. Kahit ang hirap talaga na kapag nakakausap ko yung mga kaibigan niya, di ko mapigilan na maisip siya. Yung best friend niya iniiwasan ko kausapin, pero yung isa niyang kaibigan nakakausap ko pa. Haaayyy. Bakit kaya ganun, akala ba nila sila lang nasasaktan? Siyempre nasasaktan din kaming mga lalake sa break up. Pero kahit masakit, hindi ko nagawang magalit. Kasi minahal ko yun eh. Mahal na mahal ko. :’( Kaya nga ganito. Kasi kahit papano nagdadasal padin ako na maayos kami. Pero mukhang sabi ng Diyos, malabo daw ata. :’( Hindi nga ata kami para sa isa’t isa. :(

Akala ko ang korni nung mga matagal makamove on, pero pag minahal mo pala talaga, di pala talaga madali. Hindi pala kaya, kahit gaano mo idivert yung attention mo sa ibang bagay, kapag ikaw nalang mag isa, maeemohearstxz ka. Wala eh, ganun talaga. Ginawa ko naman lahat, naitaya ko na pati pamato at pananggulo. Hanggang dito nalang talaga. Salamat nadin sa Diyos at naranasan kong magmahal ng ganito, kahit ang sakit pala, alam ko nagawa kong magmahal ng totoo.>:(< Mahal na mahal kita, sana maging masaya kana at mapatawad mo ako. Pasensiya na. I love you misis. ~

               Just because almost no one is online.

Bihira yung mga permanenteng kaibigan dito sa tumblr. Masakit man isipin pero yang mga kaclose ko ngayon? Hindi ko naman alam kung hanggang kelan yung ganitong relationship namin. Napansin ko kasi totoo yung sabi ng iba, na after ilang weeks or months, mawawala nadin yung communication niyo. Ang dami na kasing ganung kakilala ko dito. Bigla nalang kaming hindi nag usap. At pagkatapos nun, bumalik kami sa pagiging strangers. Sa tingin ko 1 month yung span ng time para malaman kung magsstay ba ang kaibigan mo dito sa tumblr sa buhay mo. Paglumagpas na dun, medyo kampante na ako. 

Sa totoo lang, alam niyo ba masaya ako kasi yung mga gusto kong maging kaibigan eh nakakaclose ko. Lahat ng gusto ko makilala, nagkakaroon ako ng chance na makilala sila. Yung relationship na meron kami ngayon, yung mga usapan at mga trip, sobrang nakakatuwa yun. Kung pwede lang talaga at sana mangyari yun, eh sana hindi sila matulad dun sa ibang kaibigan ko na hindi ko na nakakausap. Kasi sila din yung main reason kung bakit masaya ako dito a tumblr eh. Real talk to mga frens, mahal ko kayong lahat. mwa

                Just because almost no one is online

someone: ano na ba relationship status niyo?
ako: bawal umasa, dapat happy lang.

ang hirap kasi sagutin, kasi wala namang “kami”, at not any time soon nakikita ko na magiging kami kasi nga hirap na hirap ako bumwelo para sabihin sa kanya yung nararamdaman ko para sa kanya. ang hirap talaga ng ang combo ng personality mo eh joker x torpe, kasi kapag ganun parang dinaig ko pa yung mga ligaw na kaluluwa sa puro paramdam lang. yung puro pasimple lang, hindi ko masabi nang diretso na “ mahal kita, pwede bang malaman kung saan yung bahay niyo tapos mameet na parents mo, sana walang shot gun tatay mo. kasi liligawan kita.” (originally, tinype ko na name mo diyan, kaso baka mabasa mo ‘to kaya siyempre inedit ko 'tong part na 'to para idelete yun.)

ilang beses ko na sinubukan na sabihin pero hirap na hirap ako, ewan ko nga ba, simpleng bagay pero parang kinaduduwagan ko pa. ayokong umasa pero ano pang magagawa ko, minsan nga ang gulo na kasi parang asang asa na ako. no no no yon, kasi kapag umasa na, dun na masasaktan lalo na kapag di naman pala mutual. sa tingin ko yun yung part na takot ako, inaamin kong takot lang naman talaga ako na baka hindi mo naman pala ako gusto katulad ng pag kagusto ko sayo. 

di naman ako nagmamadali kasi ilang months narin tayong ganito, at hindi naman majority ng panahon na yun ay sobrang okay. siguro nga kung pwede lang nagcelebrate pako ng monthsaries kahit hindi pa tayo. hahaha bad trip diba. at pasensiya ka na kung sa tingin ko ganito, na baka masabihan ka ng hindi maganda dahil lang sa ginagawa mo. basta ang alam ko hindi naman kita sinisisi sa nararamdaman ko, kasi ako ang may control ng feelings ko. ako lang 'to. ako palang 'to, wala naman kasing 'tayo’.

baka kasi; masaya ka lang na kausap ako, baka natutuwa ka lang saken, baka kasi madami ka lang time para makausap ako, baka sobrang bait mo lang talaga para imention yung mga bagay na nagagawa ko na hinahangaan mo, baka caring ka lang talaga kaya moko pinapaalalahanan sa mga bagay na wala namang nagpapaalala saken, oo alam ko namang hindi ka 'baka’ kasi tao ka, pero baka naman kasi ganito ka sa lahat… na hindi naman 'to special treatment, na wala lang pala lahat 'yun, na hindi naman pala dapat gawing malaking bagay, kasi normal lang naman yun sayo. na natural lang na ganun ka, nakakainis naman kasi dahil sa mga ganung bagay na ginagawa mo, natural mas nagustuhan kita.

               Just because almost no one is online.

44 Days after the break up. Wala naman akong balak bilangin at iupdate sa buhay ko kung ilang araw na nga ba yung nakalipas simula nung nagbreak kami. Pero ngayong araw parang ang sakit padin. Haaayyy di talaga madali magmove on. Palagi nalang tinatamaan ng pagka emoheartsxz sa tuwing makikita kita o kahit pangalan mo lang.

Haaayyy kingina ang hirap gawin ng post na to. :( Naka ilang edit nako. Dinelete ko yung ibang mga natype ko kanina. :(( Haaayyyy Ang daya naman kasi. Kayang kaya mo talagang wag ako pansinin eh. ;( At ang sakit nun. Samantalang ako, sa lahat ng ginagawa ko naalala kita, sa lahat nung mga pinupuntahan ko parang nakikita padin kita. Bakit kasi ang dami nating ginawa ng magkasama? Bakit ang dami daming masasayang memories tapos lahat yun kapag naalala ko, parang nalulungkot ako? Kasi lalo kita namimiss. :( Araw araw, tangha tanghali (push ko tong sa tanghali) , gabi gabi, buong araw, kitang namimiss. At ang hirap makamiss sa isang taong di na ata ako namimiss. 

Alam ko nagmomove on kana at iniiwasan mo ako para mas mapadal pagmove on mo. Naintindihan ko yung part na yun. Pero ang bigat padin sa pakiramdam na yung dating nagpapahalaga sayo ng todo, pinaparamdam na wala nang time para sayo. :( Hindi ko alam kung nagbabasa ka pa dito sa blog ko. Sana hindi na. 

  Queued post na 'to kasi hindi nako pwedeng magpuyat dahil sa OJT.
                Just because almost no one is online.

Pakiramdam ko wala nang exciting sa buhay ko ngayon. Ganito pala yung pakiramdam na ang dali mo maintindihan yung mga bagay bagay na nangyayari sayo. Yung kumbaga sa hierarchy of needs ni Maslow, nasa self-actualization ka na. Ang hirap kasi parang wala na yung curiosity sa buhay, yung wala nang excitement, wala nang stupid questions. Parang ang boring. Iba’t ibang araw pero same routine na lang. Walang diversion. Kahit dito sa tumblr wala nakong nararamdamng excitement. Nawawala na yung appreciation ko sa mga simpleng bagay. Nakakainis yung hindi ka malungkot pero di mo din masasabing masaya ka. Yung parang “wala lang” saktong galawan lang sa buhay. Di ako sanay na walang mystery sa buhay na sinosolve. The fact na wala akong masyadong problema, pinoproblema ko yun kasi hindi yun normal. Mas okay pa nga paminsan kapag emoheartsxz nalang ako kasi feeling ko naeexpress ko yung sarili ko ng maayos. haaayyy.

              Just because almost no one is online. 
And today's the end of this year.

269 Days after the break up. “You know, those first couple of weeks after you left, I thought my world was flipped upside down. I felt free, something I hadn’t felt in awhile, and I took that as a bad thing. Who am I going to text all night long until one of us falls asleep? :( How am I going to function without you there? During those couple weeks I had to think, time to reflect, and time to learn from my obvious mistake. Do you know what I realized? You aren’t my everything. You never really were. Sure, it’s been a long time to be with someone, but that doesn’t mean I’m going to fall apart without you. The beginning was rough, yes, but I moved on. I grew up, and you, well, you’re still the same. ”

That’s how I exactly feel now. A part of me says that it’s the time to finally give up everything. That I should never think about you in such a way that makes me feel the zoo in my stomach again. Sobrang mahirap din talaga. Kahit na nga parang nakakalimutan ko na eh, akala ko kasi okay na talaga. Akala ko kayang kaya na. Kasi ang tagal na. Sobrang tagal na panahon na yan para lang makamove on sa isang relationship na hindi nagwork. Siguro masyado lang talaga tayong naging masaya kaya parang ang sakit balikan nung mga panahon na yun. kaya ang sarap sarap iwan ng blog na ‘to eh, kasi puro ikaw naman laman nito. 

Halos buong taon akong nagblog para “saten” hanggang sa tumagal, naging “ako” nalang. Kasi iniwan mo naman na ako. :(( hahahaha kayang kaya ko itype pero di naman talaga masaya. Paano ba magiging masaya na maiwan? Lahat ata ng puntahan ko naalala padin kita. bad trip diba? Tuwing pinipikit ko yung mga mata ko nakikita padin kita. Nakakainis na nga talaga paminsan kasi parang pinapaalala lang lahat ng nangyari.

Hindi na ulit magiging tayo. Hindi na kita ulit mamahalin ng ganun. Nakakahiya nga aminin na iniwan lang ako nung taong mahal na mahal ko. Parang paulit ulit nalang ako sinusuntok sa gwapo kong mukha kapag may nagtatanong kung ano na nangyari kay “misis”. At hanggang ngayon masakit padin sabihin na failure yung relationship natin. :’) :((( Nakakatamad nadin iexplain kung ano nangyari eh, at wala nadin namang point para gawin pa yon.

Yung “happy kid” mong mister, emoheartsxz na. nanghawa nadin ako ng ka-emoheartsxzan dito. Ilang buwan ding naging miserable tong blog na to hanggang sa tinigilan ko nalang. Ngayon eto na naman, inaalala ko na naman. At ito na yung part na sasabihin kong “Salamat sa lahat lahat. :(( Salamat sa mga masasayang pangako, sa mga napuntahan natin na magkasama, sa mga nagawa ng magkasama, sa lahat ng mga taong naging parte ng buhay ko kasi parte sila ng buhay mo. Lahat sila minahal ko din para sayo. :’< Sila mama mo na lagi natin pinagpapalusutan ng mga excuses natin, si papa mo na never ko makakalimutan yung tingin kapag kasabay natin siya kumain. Yung kapatid mo na nagugulat kasi nasa kwarto ako lagi. Yung anak ng yaya niyo na gumigising saten. At yung yaya mo na sobrang matanong. Mga classmates mo. Si baby Patt.

Masaya ako na nagawa kong magmahal ng isang taong hindi ko inexpect na mamahalin ko ng sobra sobra. Thank you for making me realize that I can love someone so much that it hurts way too bad. I love you misis. And you’ll always be one of the best things that ever happened to me.

              Just because almost no one is online. 

78 days after the break up. I’m starting to let go of everything that reminds me of her. During the first month, I changed my perfume. I used to have this perfume from bench which she personally chose. She really loves it. And she always say that it reminds her of me every time she smells it. Whenever I go to their home I spray that perfume to her bed sheet and pillows so she’d misse me a little less. And also I spray that to her school bag so she can still feel my presence when she’s in school.

Today, I bought a new school bag which is a lot different from the one she gave me. It was a really small body bag. I must let go of Patt too but i’ll always love that bag. Yes, that bag has it’s name. She gave it to the bag. That was our first born child (bag).

There’s so much memories of her left on me. And that’s what is killing me, that fact that all that I have now are memories. From the food that we eat, places that we go to every time we go for a date, the fast food, the church, the overpass, the sidewalk, she’s just everywhere — There’s no easy way to forget someone you’d been loving for the longest time. There’s no way to get rid of the flashbacks. Our memories and I are chained, and it hurts and maybe that would be an understatement.

78 days of trying to not miss her — not to think of her, not to see her in places that I have been avoiding, not to feel her kiss and hugs every time i’m on my bed. I can’t think of other ways not to remember how everything seems to be the most perfect love story ever.

Now i’m writing this up hoping that tomorrow i’ll wake up not longing for her. I pray every night that the days to come will be easier. But there’s no such thing. It’s been 78 days yet everything seems fresh. I love her, present tense.

               Just because almost no one is online.

Kawawa yung mga tulog na. Hindi nila nararanasan yung ganitong mood ng tumblr. Wala yung mga immature na puro issue sa tumblr inatupag sa buhay. Walang mga adik sa notes. Walang nagpapapromote. Wala yung mga puro kaartehan sa buhay na posts, Payapa yung ganitong dashboard.  Mas nakakaenjoy yung ganito. Parang yung mga sasabihin mo kasi real talk lahat.

Naiisip ko ang swerte nung mga taong online ng ganitong oras kasi parang kahit anong ipost mo eh ayos lang. Kahit magwala ka sa dashboard wala nang magagalit sayo. Kasi yung mga nagpupuyat naman alam ko mas malawak yung pag intindi nila. Para saken mas malalalim mag isip yung mga taong gising pa ng ganitong oras. Yun bang parang mysterious sila kasi mapapasiip ka talaga kung bakit gising pa sila. Ganun. Kaya sa lahat ng emoheartsxz , MORNYTERS at mga lutangerz rak lang mga frens.

PS: Mamaya hindi alam nung iba kung ano meron dun sa mwa, huehuehue, Seen, it’s mornyt. #MedyoKawawaSila di niala naenjoy yun.

A serious conversation with another blogger.
  • Ivan:(GM) Lovelife ko parang blog ko lang. Wlang kwenta. Hard. Good evening. :)
  • Ako:Love life ko parang blog ko, pawala na. #Harder
  • Ivan:(matapos ang ibang napag-usapan) Move on na :(
  • Ako:Agad agad. Wew di ganun kadali yun fre
  • Ivan:Alam ko naman. Pero unti untiin mo na.
  • Ako:Di ko gagawin yun. Not until sabihin niya right in front of my face na di niya na ako mahal. You don't give up on people you love fre.
  • Ivan:But just because you love them you have to keep on clinging on invisible things already. Yang hindi niya pagtetext sayo kahit alam niyang may problema kayo sign na. Lovers don't go to bed without solving their problems.
  • Ako:Most relationships fail because they don't even give a damn trying to fix things. We must learn how to fight for the ones we love, or hold on even if it sounds stupid for the very least. And just because we're not talking doesn't mean that love wasn't there.
  • Ivan:But fighting for someone who doesn't even appreciate every ounce of effort you're giving is not worthy to receive your attention. You're like a warrior having an armor, yet if a spear impales you, you're gonna be a dead mat. Kuya Dar. Think over and over and over if you should fight for that. Srsly. I just don;t wanna let you feel the pain because I know how painful it is fighting for someone yet they don't care about it. Srsly. :(
  • Ako:Hey little kid, this one's different. We aren't you and your past, don't stereotype. Sure thing.I thought about everything. And yes she's worth-fighting. -- much more than I think someone would be.
  • Ivan:Mmmkay. I was just trying to make you think about things. Okay.
  • Ako:I did. The gesture was highly appreciated. Srsly bro. Dami ko naisip sa mga sinabi mo. Yes it is possible that things might just end up that way. But I won't let that happen, not to us. .. I still chose to be optimistic. It may sound blinded by love I just say I don't give up easily.
  • Ivan:Thank yow. Nyahaha sakit kasi sobra. yung ikaw yung lumalaban pa. Tapos yung isa lumalandi pa sa iba. shutangina lang.
  • Ako:alam ko naman yun. Real talk to, I feel you.Kahit di ako dumaan sa ganyang sitwasyon, alam ko kung gaano kasakit. Ang hirap magpakapositive kung nagago ka. But things don't always work that way. Di lahat ng tao ganun.
  • Ivan:Yeah. I hope misis would talk to you already.
               Just because almost no one is online.

“Happy 6th Misis. Iloveyou BuKo! :”) Salamat kay Lord at ginaguide niya tayo. Alam ko medyo di tayo nagkakasama pero mahalnamahalkita, lagpas forever na yan. Ikaw talaga blessing saken ni God. Wag ka sanang magsasawang mahalin ako ha? ha? Missnamissnakita. :’( :“”) Araw araw, oras oras, minu-minuto at bawat segundo ng buhay ko mahalnamahal kita at namimisskita. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko Mrs. Ricamonte. *Yakap ng mahigpit". ~ 06-04-13 - 12:05AM

"Good morning mister ko. :")) Happy monthsary satin mister! :")) 
ang late ko na bumati.  Ahaha miss nadin kita mister. Hay. Opo
mag iingat po ako. Ikaw din ha ha ha? Mag ingat ka. Kayo ni baby
Patt.:") Iloveyoumister ko. Moaaaa! Happy 6th satin."
~ 06-04-13 11:38PM

Yan yung palitan namin ng mothsary greeting. Diyan palang alam ko may problema na kasi siya yung tipong bumabati ng eksaktong 12:00AM eh. Pero iba yung araw na yan. Grabe to, sobrang mahal na mahal ko. Haaayyyy ewan ko nga ba. Di ko din malaman kung bakit nagkaganito nalang kami. Bigla nalang nawala yung “love”. Ang nakakatawa pa sa nangyari, na at the same time sobrang masakit ay yung magbreak kayo sa mismong araw ng monthsary niyo. :’( :) Ang galing talaga. Punong puno talaga ng surpirses ang buhay. At nung time na yan, sorbang nasurprise ako. Nice one! Ang dami kong gustong ikwento pero wala namang mababago ang pagkwekwento. Hindi na babalik yung umalis. Hindi na babalik yung nawala. Buong buhay ko magiging significant tong araw na 6. Buwan buwan kong maalala na nung 6th day ng month na yun, nawala saken yung taong minahal ko ng sobra pa sa kakayanan kong magmahal. 

               Just because almost no one is online.

Hey it’s me! Yes this is the real one. The person who used to own this blog. The one who writes about how much he loves this someone. 

It’s been 122 days since the break up. I’m really good in counting, am I not? I just don’t know what to feel about us. I mean there’s no more us anymore. It’s just me now. I can’t say that I want her back. I don’t want to do that. I just don’t know how I feel now. I’m not sad, but I can’t say that i’m happy. It’s just like one of those nights which I think about how happy we were. And now nobody cares anymore. It’s the 6th day of the month. It’s been 4 months since she left me. Amazing.