jaxkillcity

"2012"

 

I met this girl during my last year in high school; by some freak accident we suddenly became seatmates, I barely know her but I never complained. She provides answers to my problems… from math to chemistry, but barely recognizing the later between us.

We’ve been classmates ever since.

She became my #1 critic and #1 fan; I would show her all my writings and art about teen angst, love, hate or whatever my testosterone tells me, but not a single line speaks of her in my work for the past 5 years. She became my melody, and even with my lack of timing coordination, I became her steady beat making sure I wouldn’t lose a single one.

During my last year as a college student in one of our class together, our “last” class together to be exact, I made her my first piece about her, about us, about the incoming end. 2012 it is.

For the whole class to hear. 

Cal building, March 15 

(1:04-2:00pm, sa silid sa kaliwa pag akyat ng hagdan.)
5 taon halos araw araw magkatabi nakaupo,ako sa kanan siya sa kaliwa. Nasanay na ang aking kanang braso kabigin siya tuwing may nakikitang babae na meroon malusog na hinaharap. Di na nasanay umuwi mag isa. Ngayon na marahil ang una.
Sa harap na linya, nakikinig ng mga istorya mula sa mga kamag aral di nabigyan chansa makilala ng mabuti. Maya’t mayang napapatingin sa bintana at sa reaksyon ng kanyang muka. Nagkataon pula ang langit gaya ng aking mga mata. Ngunit may pambihirang kaba akong nadarama. Walang ideya, ngiti lang ang sinagot niya. Nagkataon pula ang langit gaya ng aking mga mata.

(2:01pm)
Naipon ang hangin sa aking lalamunan pilit inaaliw ang aking mga mata saking mga nakikita, sa silid na napapaligiran ng bintana. Ang mga istoya at ingay ay nag mistulang letra, hindi na maipinta aking nadarama. Wala silang ideya.

(2:10-2:28pm)
Dahandahang dinikit ang labi sa kanyang tenga binulong na wag mangamba pag patak ng kamay sa trenta.
Hawak kamay natin tutunguin ang harap ng linya.
Sabay nating papanoorin ang pagmamakaawa ng iba.
Pagkasunog ng balat ng mga bata at pagkalusaw ng mata ng kanilang ina.
Ultimo ang diyos maawa sa kanayng nagawa.
Sa isang iglap pula na lang tuluyan ang makikita, gaya ng aking mga mata.

(2:29pm)

Pilit tinatago ang takot at kaba, hinawakan kanyang kamay at inaya sa harap ng linya, ng walang kasiguraduhan kung saan papunta. Nagkataon pula ang langit gaya ng aking mga mata. 

Nagkataon bumabagsak ang langit, gaya ng ating mga mata. 

"THE DASH"

“bang”

Hudyat ng simula,

Habulan ng mga paa

“Kaliwa, kanan, kaliwa,”.

Tuluyang naglaho

“pagod” sa bokabolaryo

Takot sa mga mata

Di na mapuna,

Tanging pulang mga linya natitira,

Walang bakas ng kaba.

Wala ng lingunan sa kalaban

Baka pa maabutan

Kapag ‘di nasa unahan,

Hahamunin na lang ng suntukan

Puso ang puhunan

Sa ganitong larangan

Tanging sandata,

Ipod sa kamay

Tusok sa bulsa.

“putangina”

Heto nanaman at tumira,

Kilabot ng maynila.

"."

May mga bagay na bigla na lang natatapos, likha ng napakaliit na salarin. Gaya ng isang tuldok, na kahit gaano kahaba ang iyong istorya, kaya tapusin ito ng isang mahiwagang tinta.

Sa buhay ko ang aking tuldok ay bigay ng aking mga mahal na guro.

Capital “ay. Capital “en”. Capital “si” at ang bahid sa aking pangarap na tuldok. Hyper combo finish ika nga.

Kada semester, sa aking 15 units mahina na ang 3 pangarap na sinira ng tuldok.

Delikwente?

Marahil hindi.

Marahil masyadong mahal ko lang ang aking sarili.

O marahil mas mahal ko lang si Sora Aoi

thank you for 2011 brickcity

Sa panahong ‘lang tiwala

Tao sa aking ideya

Salat sa aking mata

Pinupuna bawat linya

Nawalan na ng pagasa

Sa’king piniling eksena

Flip top na lang makata

Kala porama ang rakista

 

Mga batang kapos puso

Pagbanda ginawang luho

Lahat ng sikat si kristo

Lahat ng payat emo

Bagong diyos ng mga tao

Si Jericho dahil gwapo

Kahit lamang si tado

Talo dahil mukang gago

 

Kung pasa mga salita

Daig ko pa terorista

Patay ang pekeng artista

Sabay sa uso ang tema

Mas matapang mga kanta

Kesa sa mga istorya

Limot na kada pahina

Kanta’y sigaw bawat koda

 

Kayo ay nagbigay daan

Para lang mintindihan

O kaya ipagpilitan

Sating mga kababayan

Pati na rin sa ‘sang libutan

Ang tunay na kahulugan

Ng Malabo kong isipan

Pawis ang aking basehan

 

Salamat at naniwala

Kinunsinte utak tanga

Inintindi bato’ng mura

Likod ko inyong kinuha

Galit aking binubuga

Armas na tono at letra

Tayo mismo mag mimitsa

Ng sarili nating gera