jannos

ChanBaek 2012-present playlist 💕

2012
- Crush by David Archuleta
2013
- Fallin by Janno Gibbs
2014
- I hate U I love you by gnash (( SERIOUSLY ))
- Almost Is Never Enough (( REALLY ))
2015
- A Little Too Not Over You by David Archuleta
2016
- I Think I’m in Love Again by Kat Dahlia

My Ship Square Playlist!

Originally posted by packitandgo

I’ve composed my Ship Square playlist! It’s super long so it’s under the cut but these are the songs (and some significant lyrics) I listen to when I’m writing a scene featuring one of the ship squares!

I got gif-happy. I love gifs.

I’m always adding songs, so if you have a song, send it to me! :D

Youtube Playlist, Spotify

Keep reading

GIRLS

Elmo Magalona:

Good morning, Julie! See you later. 😊

Ito agad ang bumungad sa kanya pagkagising na pagkagising niya pa lang. Pupungas-pungas siyang nagreply sa message nito.

Me:

Good morning, Elmo.

Ang tanging sabi niya lang. Nagtungo na siya sa cr para maligo at magbihis at pagkatapos nun ay bumaba na siya para saluhan ang pamilya niya sa almusal.

“Andito pala kagabi si parekoy. Hindi ko man lang nakausap.” ani Tito Jonathan sabay inom sa kape niya.

“Ah. Opo.” tipid na sagot niya.

“Mukhang saglit lang naman siya dito, papa eh.” ani naman ni Tita Marivic sa asawa. “Diba anak?”

“Opo. Pinractice lang namin yung kakantahin namin.”

“May duet uli kayo ate?” tanong ng dalawang kapatid. Kibit-balikat naman siya habang ngumunguya.

“Not sure. Baka kasi biglang magbago yung ihip ng hangin and iba ang kasama kong kumanta.” sabi niya.

Pagkatapos niyang mag-almusal ay hinanda na niya ang mga gamit saka na sila umalis patungong GMA.

Pagdating sa studio ay agad siyang sinalubong ng mga kaibigan.

“Julie!” tawag ni Christian sa kanya.

“Hi, kuya!” masiglang bati niya sabay yakap sa Kuya Christian niya.

“Tara sa may stage. Andun sina Mark at Jen. Stalk natin. Hahaha.” hinatak na siya ni Christian at saka na sila nagpuntang stage para na rin sa rehearsals. “Oh and by the way, duet daw tayo sa opening.”

“Ha? Akala ko…”

Alam na agad ni Christian ang tinutukoy niya kaya inakbayan niya si Julie saka ginulo ang buhok.

“Andito kasi eh. Kaya alam mo na.” sabi ni Christian.

“Ah okay. Sabi na eh. Sabay silang umuwi kahapon.”

“Hahaha. Jelly nanaman ang little girl ko.” asar nito sa kanya.

“Adik! Hindi no. Hahaha.” sabi niya.

Nanuod sila ng mga nirerehearse na prod at naisipan nilang pagtripan sina Mark at Jen.

“Tara picture tayo.” sabi ni Christian sabay labas ng phone niya at nagpicture nga sila.

“Hoy hoy hoy ano yan?” tanong ni Mark nang makita silang nagppicture.

“Wala!” sabay na sabi ng dalawa.

*****

Dumating si Elmo sa studio at agad siyang nagtungo sa dressing room.

Chineck niya ang phone niya at nakitang may message si Julie sa kanya.

Julie San Jose:

No duet today.

“Ha? Why?” tanong niya sa sarili. Agad siyang nagpunta sa may gilid ng stage para tignan ang program flow at nakita na wala nga ang duet nila na pinractice kagabi.

Take Me Home (opening)
Julie and Christian

“Ouch.” sabi niya.

“Hi, Moe!” nagulat siya sa bumati sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang nakangiting si Sarah.

“Oh. Hey, Sam!” bati niya.

“Anong tinitignan mo?” tanong ng kaibigan sabay tingin sa manila paper na nakatape sa dingding. “Oh. You were supposed to sing with her sa opening diba? What happened?” pagtataka nito.

Umiling si Elmo saka bumulong sa kanya.

“Janine happened.” sabi niya saka na lugmok na naglakad pabalik sa dressing room.

Sumalampak siya sa isang upuan saka tumitig sa phone niya at mabilis na nagtype ng message.

Me:

Sorry.

Agad namang nagreply si Julie sa kanya.

Julie San Jose:

For what?

Me:

For what’s happening to us. I want to sing with you. I really do. 😞

Julie San Jose:

We can’t do anything about it, Moe. It’s the management’s decision.

Suminghap siya at saka sinandal ang ulo sa headrest saka pumikit.

*****

Naghahanda na si Julie para sa prod niya with Kyla at Dennis. Excited siya dahil makakasama niya ang crush niya sa isang prod at di talaga niya mapigilang di mapangiti ng malapad.

“Lapad ng ngiti ah.” puna ni Sarah.

“Eeeh! Sam, Dennis Trillo kasi eh.” kinikilig na sabi niya.

“Ayie! May duet nga pala kayo no? Haha. Chance mo na Jules!” asar naman ni Sarah.

“Daya mo student ha? Duet kayo ng asawa ko.” sabi naman ni Barbie.

“Haha. Okay lang yan, mentor. Minsanan lang to.” kindat niya naman. “Uy! Galing mo kanina sa VS ha.” sabi niya dito.

“Syempre! Pak na pak eno? Hahaha.” tumatawang sabi ni Barbie.

“Yup.” sabay na sabi nila ni Sarah.

“Julie, kayo na next.” tawag sa kanya ng staff. Tumango na si Julie saka na siya nagtungo sa stage.

Pagkatapos nilang kumanta nila Kyla at Dennis ay nagtungo sila ni Kyla sa selfie station sa labas.

“Lapad ng ngiti ah.” ani Kyla.

“Haha. Eh kasi ate si crush eh.”

“Ha? Sinong crush?” pagtataka ni Kyla.

“Eeeh! Si Dennis po.” kinikilig na sabi niya.

“Aysus! Sumbong kita kay Elmo eh. Haha.”

“Eh. Hayaan mo siya diyan ate. May Janine naman siya.”

“Ayun pala. Nagseselosan kayong dalawa ganun?” sabi ni Kyla. “Bata pa nga kayo. Hahaha.”

Ngumiti na lang si Julie sa sinabi ni Kyla. Habang hinihintay nila ang segment nila ay nagcheck siya ng phone niya. Lumapad naman ang ngiti niya nang mabasa ang message ni Elmo.

Elmo Magalona:

Buti pa siya nakaduet mo. I’m jealous. 😕

Mabilis siyang nagtype ng reply dito.

Me:

Grabe ang lambot ng kamay niya. Omg kinikilig pa rin ako! 😍😍😍

Elmo Magalona:

Nakakamatay ang selos alam mo ba yun?

Me:

Whatever. May Janine ka naman.

Elmo Magalona:

Wala naman kaya. Julie lang naman ang meron ako. But I guess my Julie has her eyes for someone else. 😭

Nagpigil ng ngiti at kilig si Julie lalo na nang kalabitin siya ni Kyla dahil malapit na sila mag-on air.

After ng segment nila ay nakita niyang lumabas si Janine para sila naman ang sumunod sa Selfie Station. Hindi siya pinansin ni Janine kaya siya na ang unang lumapit dito para makipagbeso.

“Hi, Janine.” nakangiting bati niya.

“H-hi Julie.” ani Janine. Nginitian niya na lang ito at saka pumasok na sa loob at nagdiretso sa green room.

*****

“Elmo, you’re up next.” sabi ng staff sa kanya. Tumango si Elmo at nagpunta na sa gilid ng stage.

“Uy dude.” bati ni Aljur.

“Uy. Musta?”

“Ayos naman. Umitim ka ah!” asar ni Aljur sa kanya.

“Haha. Bora eh.”

“Yeah. Sabi nga ni Julie saken.”

“Yup. She was supposed to come there with me pero kasi nga ang dami niyang regional shows. And you know Julie.”

“Haha. Yeah. Mas gusto nun magtrabaho kaysa magrelax.”

“Uh-huh. Ewan ko ba dun. She has no time for anything except for work. Kahit saken wala na eh.” himutok niya.

“Hahaha. Busy ka din naman sa promotion mo so patas lang.” ani Aljur saka na nagpunta sa stage para kumanta.

Sinaluhan na rin niya si Aljur at sumunod naman si Alden. Kumanta na sila at naeenjoy niya ang ginagawa.

“They’re just girls breaking hearts
Eyes bright, uptight, just girls
But she can’t be what you need if she’s 17
They’re just girls
They’re just girls”

Pagkatapos ng prod nila ay nagpalakpakan ang lahat.

“Closing na after the commercial! Mga artista! Stage na po tayo!” tawag ng floor director sa artists.

Habang nagsasalita sina Heart, Janno, Jaya at ibang hosts ay abala naman siya sa paghahagilap kay Julie. Palinga-linga siya at nang makita iyon ay ngumiti siya.

Nang marinig niyang nagpaalam na sila Heart ay agad siyang naglakad papunta kay Julie.

“Hey.” untag niya rito sabay beso sa dalaga. Halatang nagulat si Julie sa ginawa niya at napatingin sa kanya.

“Uh…” hindi nakapagsalita si Julie. Imbes ay tumakbo na ito pabalik ng backstage.

“Oh. Anong nangyari dun?” pagtataka ni Mark.

Iiling-iling na tumawa si Elmo.

“Alam mo, ganyan din si Jen saken nun eh. Bigla-biglang tatakbo palayo pag nananakawan ko ng halik. Yun pala kinikilig lang. Hahaha.” hagalpak ni Mark.

“First time ni Julie yan, Papi. Kapag kinikilig naman siya, it’s either hahampasin niya ko or susungitan ako eh.”

“Hahaha. Nagkapalit sila ni Mhamine. Ganyan si Jen ngayon eh. Brutal na pag kinikilig.”

Napailing na lang silang dalawa saka sabay na bumuntong-hininga.

“Hay. Girls.” sabay na sabi nila. Siniko na siya ni Mark saka tumango patungo sa direction na tinakbuhan ni Julie.

“Habulin mo na, brad. Nagpapahabol lang yan.”

- THE END -

“Haven’t afforded a new mic, stand, popfilter, or shock mount… RockBand USB mic (suprisingly good sound), 70cl Jack Daniels bottle with water as stand (awesome night emptying it), bubblewrap and tissues held with ducttape as shock mounts, old steel coat hanger and the metal edge of a can together with an worn out old (washed) sock make a pop filter…"

Submitted by Janno Sinclair BuzzBazz