janellespeaks

Kahit hindi sya gusto ng tropa basta mahal mo sya, sapat na .

Kadalasan talaga isa sa mga ikino-consider nating mga kabataan kapag nakikipagrelasyon tayo eh yung sasabihin ng mga kaibigan natin. Dapat boto rin sila.

Eh paano kung hindi nga sila boto ? Bibitawan mo ba yung taong mahal mo para lang sa mga kaibigan mo ?

Kapag mas pinili mo ang mga kaibigan mo :

• Meron ka paring matatawag na friends.

• Iiyak ka naman at makakaramdam ng pagsisisi dahil nasasaktan ka.

• Pwedeng mamiss mo yung taong para na sana sayo.

• Iiyak ka

• Iiyak ka

• Iiyak ka.

Kapag mas pinili mo naman yung taong mahal mo kesa sa mga kaibigan mo :

• Sasabihing nagbago ka na

• Wala ka daw kwentang kaibigan

• Makokonsensya ka at makakaramdam ng guilt

• Iiyak ka

• Iiyak ka

• Iiyak ka

Totoong ang kaibigan ay mahalaga. Lage silang nakasuporta sayo. Para mo na silang kapamilya at mas matagal mo ng makasama. Sila din yung nagbibigay sayo ng advices at nagmamalasakit ng sobra.

Pero kung TOTOONG KAIBIGAN ang mga yan. Susuportahan nila ang pakikipagrelasyon mo dahil sa nauunawaan at naiintindihan ka nila dahil nagmamahal ka at mahal ka nila. Kung wala naman reason para ayawan nila ang taong mahal mo go lang as long as alam mong deserving naman ang taong ipinaglalaban mo.