iyldp

Galing kaming munisipyo kanina. Mwahahaha bumisita kami eh. Grabe, ang tagal ni ate aera huhu. Kung di pa namin pupuntahan, di pa magigising! HAHAHAHA. Sobrang traffic pa jusme. Lahat na ata napagusapan namin sa jeep pero di pa din kami dumadating dun :( After 372156139287384 years, nakarating na kami. Huehuehuehue. Busy pala sila. Hahahaha! Sila bea saka ciara andun na. Si kuya aikus nga andun din eh! Inaasar pa ko hays. Namiss lang ako nun eh ;) HAHAHAHAHA Nag-ayos lang kami ng ibang papers tas tumambay nalang. As usual, kwentuhan kami nila bea saka te aera. Laughtrip pa si kuya jacjac hahahaha. Sayang wala yung iba hays. Mga tokis amp :(( Dapat sa susunod kumpleto tayo ha? :)) I miss you guys :**

050413/IEYMConcert- Silent Sanctuary & Spongecola

Eto kasi yun eh. Hahaha. Project to ng IEYM. Free concert to, basta member ka. Kaya yun, dagsaan yung mga tao. Pwede na nga yung 13 above eh.  Kami ni justin, na assign sa crowd control so dun kami sa entrance nakatoka. Pero mamaya pag andun na sila yael, dun na kami sa harapan =)) Well, Hahahahahahaha! 

^ Mga ka crowd control ko. Haha! Hi Anna and Terry!

^Jan Rey, Ate Zelah, Justin

Yaan, habang naghihintay pa ng mga dadating. Mga 7 na ata nagstart. May 4 bands na magffront-act bago yung spongecola saka silent sanctuary. Isa lang ata yung naenjoy ko na magfront-act. Yung nognog liwanag ba yun. Hahah. Di ko sure yung pangalan nung banda nila basta astigin kamo sila. XD

May bokalista rin silang babae, kaso di naman marinig yung boses. Psh. Sayang. :( Well, ang cool pa rin nila. Hahaha.

After nila, Spongecola na! Syempre, IY kami kaya nasa unahan kami. Hahahhaha. Crowd control eh ;) Nung may nagsalita na, na galing sa likod, hiyawan na yung mga tao kasi si yael na nga yon. 

Ayaaaan. Hahahahha. Yael eh :“>

Kinanta nila yung mga kanta nila shempre. XD Party party nga eh. Bait bait pa. Pumapayag magpapirma. Hahaha. Muntik na nga yang mahulog eh! Jusmiyo, hinihila kasi nung mga fans nya. HU. Grabe makatulak men. Kamusta naman kami sa harap ng stage diba? Hahaha. Buwis buhay talaga to. First time ko kayang umattend ng mga concerts na ganito. Di kasi talaga ko pinanganak na makigulo para lang mahawakan yung artista na yun or para makipag-autograph. Okay na ko sa picture. Hahaha. Pero dito kasi libre tapos may priviliges pa kami kasi IY. So, ayos na din. Haha

Ge, imagine nyo nalang kung gano kami kalapit sa unahan. HAHAHAHHAHA. 

Marami rami rin silang nakanta, after non, umalis na sila =)) Silent Sanctuary naman.

Uhm, di talaga ako fan ng silent sanctuary. Huhu. Sorry na :( Yep, I admire their songs but…. LONG STORY. Haha. Eh, basta yun. Pero nakipicture na rin ako! XD

Parang may pinanghuhugutan talaga tong lalakeng to. Hanep men. Iba makatingin. Hahaha. Jusmiyo. nung asa backstage kami, sya pala yung nakatabi ko. HAHAHAHAHHA. Okay di ko alam. XD 

Pero ang galing nyang kumanta =)))

Bait din nito eh. Papirma everywhere! =)) Hahaha.

Yuuun, nakauwi na kami mga 12. HU. Buti nga pinapasok pa ko ng nanay ko sa bahay.Haha Pero super na enjoy ko to pramisssss. First time eh :”>

Hehe. Si Maliksi ulit nanalo =)))

Wala eh, syempre IY ako no kaya maliksi kami. Hahahahaha! Pag natalo kasi sya, wala ng IY. Kaya grabeng pagdadasal namin na sana siya pa rin manalo. O dibaa. Pati si Vice-Mayor sya parin nanalo. Owells. Proud IY here :)

041213/IYLDP GRAND REUNION

Sa O Resort gaganapin to. Kila LA kasi to eh, na ka-IY namin. Edi yun, sa may greengate kasi yun pero pwede din sa may open canal. Kami nila Ate Aera saka Justin yung magkasabay. Sabi ni Ate Aera, 3 pm sharp daw. AS IN SHARP. Tapos sya pa yung late. HAHAHAHA 

Pumunta na kami sa Robinson kasi sasabay kami kay Mica, dun nalang daw magkita-kita. Pagdating namin dun, wala pa si Mica kaya bumili muna ng tsinelas si Ate Aera, rich kid eh. XD At dahil bagong sweldo sya, nilibre pa kami ng black pearl! Ohaaaaaaaa. =))

Nagtext na si Mica na padating na nga daw sya so tumawid na kami kasi sa 7/11 nalang daw tas andun na nga sya kasama yung lola saka lolo nya ata yun. Then, kwentuhan sa loob ng sasakyan tas dumating na kami sa Resort.

Andami na pala nila dun. Puro TANGLAW-LAHI! Yeaaa! Hahahaha. Si Kuya Aikus nga ang bungad sakin Relampango! HUHUHUHU. Di ko nga niyakap. Hahahaha. Payakap pa sya. :P Nagkamustahan, kwentuhan, picturan as always tas yun umupo na kami sa tables. AT WALA NANG KATAPUSANG KWENTUHAN. HAHAHAHA. Ayun, naglaro lang ako sa ipad ni ate anna eh.Inaasar ko pa sya dun sa picture nya sa screen lock. HAHAHA. Artista shet! XD ANG GALING PA NI LORENZ SA 4pics! Si ate aera din eh! Kaelibs men! XD

Tapos kainan, kwentuhan ulet tas SWIMMING NA SHET. Hahahaha. Kanina pa kami ligong-ligo ni ate anna eh. Kaso parang nagdadalawang-isip pa ko magswimming kasi wala. Basta, pero ayun napilit ako ng dalawang bruha. Hahahha. Kaya yun, palit palit din. Nakipagkwentuhan pa ng konti kila Kuya Rye saka Kuya Aikus. AS USUAL ANG TAWAG SAKIN NI KUYA AIKUS “Relampango" HUHUHU So bad. Grabeeeee. Ang sama sama. Si Kuya Rye naman namiss lang ako eh. Hahaha. Di na daw ako nagtetext. Tas yun di daw siya magswimming tas si kuya aikus mamaya pa daw pag wala na kami kasi nakabrief nalang daw sya nun. EWW RIGHT. HAAHHAHAA. 

Yuuuun, nagswimming na nga kami. Laptrip pa nga eh, kase sabi ni anna umihi daw sya. Sabay alisan sa pool eh. HAHAHAHAHAHAHAHAHA Grabeng tawanan lang. XD Naglaro din kami ng monster monster pero wala din. Hahaha. Tas maya-maya tumambay nalang kami dun sa gilid. Si justin, ate anna, shai, christine, allen, alvin, saka ako. Kwentuhan, asaran. Hahaha. Grabe, pag waley yung banat, wisikan ng tubig eh. XD Tapos maya maya, umahon na rin kami kasi nilalamig na kami. At dahil sa katangahan ko, di ako nakapagdala ng plastic na lalagyan ng basang damit. Buti nalang si Sese meron! Boyscout! XD HAHAHA. Si justin naman, hiniram ko yung towel nya. Wala kase kong dala shet. Hahaha. Si christine naman sya lang may dala ng suklay! HUHUHU MGA HULOG NG LANGIT TONG MGA TO. Salamat nga fre! =) 

Nung hinihintay namin yung multicab na maghahatid samin sa labasan, si kuya rye bigla kong tinawag. Birthday na daw nya sa next sunday. Tapos kung ano daw regalo ko sa kanya. Sabi ko libre nya nalang ako. Tapos sabi nya, GWIYOMI DAW. Whut. HUHUHUHUHU Magvideo daw ako ng gwiyomi ko. Jusmiyo, di ko alam kung pano gawin yun tapos di pa ko cute. HUHUHUHU Dapat daw may message sa dulo na Happy Birthday chenes! HUHUHUHU KUYA RYE NAMAN EH. Seryoso daw sya dun :( Sabi ko nga kung pwede, kanta nalang eh kaso gusto nya gwiyomi talaga =(( Aish. Bahala na. KUYA RYE KASI EH! XD  

Si Kuya John naman, nun ko lang nakita. Hahahaha. Ayun kwentuhan tapos si Kuya Aikus inasar na naman ako. Tas sabi ni Kuya John "Oy, wag mong inaaway to. Tropa ko kaya yan”  Ohaaaaa. Mahal na mahal ako ng mga yan eh. Hahahahaha

Tas yun, hinatid na kami dun sa may labasan tapos sumakay na kami ng jeep, siksikan nga eh. Dami ba namang taga-golden. Hahahaha. Tas yun, sabay kami nila Ate jean, Ate maisoon, ako tas justin. Isa isa kaming nababawasan eh. HAHAHAHA 

HI IY! Sobrang saya netong reunion na to kahit wala yung iba. I miss you guys! Next time ulet ha! =)))

Nagchachat kami ni ate Aera tungkol sa survival.
  • Ako:Ilan dala mong damit nun?
  • Ate Aera:6.
  • Ako:Wala naman daw ligo ligo eh T.T
  • Ate Aera:Magpalit naman kayo. HAHAHAHAHAH
  • Laptrip ang putek. Nga naman, magpapalit nga kami ng damit sa loob ng 3 days eh. HAHAHAHAHA
121012/Linggo ng Kabataan

First Day sa Munisipyo! 

Nagflag ceremony muna kami sa may plaza tapos pumunta na kami nila Kuya Joshua saka Kean sa department namin. Masaya naman. Haha. Laptrip lage. Wala naman kaming masyadong ginagawa. Tambaaaaay lang. Lakas namin maka-aircon eh. Hahaha

Nung lunch, pumunta na kaming Mcdo nung mga taga seton saka si Shai. Tas pumunta na kaming Seton kasi mag-eexam sila. And yes, naka-uniform kami ng pumunta dun. HAHAHAHAHA. Grabiiii, nakakahiya lang. Buti nalang inikot-ikot nila kami dun. Super enjoyyyy. Babait nga nila eh <3 HI GAIS!

Nauna na kami sa kanila umuwi. Dumaan pa kami sa Savemore kasi nagugutom na kami ni Ate Aera, si shai pumasok pa sa school nila. Super enjoy din. Dami naming napagkwentuhan eh. Hahaha!

HI GAIS! Sobrang nag-enjoy ako ngayon! :)) Salamat sa inyo! Next time uleeeeet!:))

1207-0912/IYLDP CAMP

Kauuwi ko lang galing camping at sobrang worth it nun. Bonding kung bonding ang nangyare. Haha!

  • Pagtulog sa parang kubol lang na ewan at mukha kaming mga nasa evacuation center.
  • Yung bago ka makaligo aabutin ka ng 3 oras sa pila.
  • Yung kwentuhan with Kuya Pat, Kuya Jacjac, at Kuya John sa may CR sa dulo kasi binabantayan nila kami dun. O'diba, ang babait <3 
  • Yung hirap kang makatulog kasi sa sobrang sikip nyo.
  • Yung mga cheers and jingles ng group 3.
  • Yung amazing race!
  • Yung buwis buhay kong pagtakbo para lang hindi mabasa nila Kuya Pat at Kuya Jac. 
  • Pakikipagkwentuhan ng katatakutan.
  • Pagkkwento ng lovestory ni Ate Shein at Kuya Aikus.
  • Jamming with Group 3 boys.
  • Paglalakad sa may palayan tuwing umaga.
  • Pakikipagkwentuhan kay Hoferrrrr<3
  • PICTUREEEEEEEEEEEEEEEE.

At syempre,

  • Ang pagsayaw ng gangnam style. HAHAHAHAHHAHAHAHA. Everytime na papatugtugin yon, dapat sasayaw kami. Ang cuteee<3

Nakakainis kaninan nung pauwi na, nagusap-usap yung per group. Ughhh, Nagspeech sila kuya Almar, Ate Shein at Kuya John at naiiyak nako. Hahaha. Pigil na pigil eh. You knoww, I hate goodbyes kaya ganito ako. Hahaha!


Nagkaron din kami ng exams. Mygaawd, walang review review eh? Haha. 14 lang nakuha out of 35. Hahahaha. Nagbotohan narin ng Mayor, Vice-Mayor at Councilors. Executive Assistant ako sa Disaster and Chevernes. Oh, HI GAIS!

Salamat nga pala kina Kuya Jacjac at Kuya Patrick kasi kung hindi sa kanila, hindi ako makakarating ng farm ni Mayor at makakauwi ng bahay namin. Huhuhu.Wala kasi akong barya, buo yung pera ko kaya ayun. SALAMAT TALAGA MGA KUYA<3 Tatanawin kong utang na loob to senyo habang buhay. Hahaha!

Mamimiss ko to, Pramis <3 Tanglaw lahi Batch!

3 day camp na namin bukas sa IYLDP,hanggang sunday kami dun. Dun kami sa farm ni mayor at excuse kami sa klase bukas. Nakakainis lang kasi hindi pa kami inexcused dun sa drill para sa magleleader sa scouting, kelangan patuloy naming pumasok nang 6:10 at nakarover uniform. Ang haggard lang kasi dala pa namin yung mga kailangan sa camp. Haaaay. 

Nakakainggit pa kasi sila mama uuwi ng Lucena kasi namatay yung kapatid ng lola ko. Hanggang sunday ata sila dun. Okay, inggit na inggit ako. Ughh. Gustong-gusto ko pa namang umuwi:( 

At oo, hindi pa ko nakakapag-ayos ng gamit. Haha. Kelangan ko pang gumising ng 4:30 para lang magpatuyo at mag-ipit ng buhok </3 Haaaay. Well, ingat tayong lahaaaaat! :)

11/IYLDP

Fieldtrip namen to =)))))

Akala ko nung una hindi magiging masaya kase wala si Ate cza so kinakabahan ako kasi baka mamaya wala akong mausap or baka  maOP ako dun. Pero hindi naman pala, jusko SUPER SAYA! Dun kami sa likod nila trisha, jean saka ate janica. Laughtrip lang eh. Tas close na buong Group 3, asaran na lang lagi eh. Hahaha.

  • Slaughter House
  • Yung sa Jail sa Imus
  • Imus Vocational School
  • Oishi <3
  • Fire Department

Yan yung mga pinuntahan namin. Nagpicture picture lang kami dun. Hahahaha

Omggggg<3 Excited na ko sa 3 day camp namin saka sa Boys and Girls Week! Hahahaha.

HI GAIS!

10/IYLDP

Hindi ko na naman kasabay sila Justin. Pano ba naman sabi ko 7:30 dumaan eh mga 6:30 nasa labas na ng bahay namin. Di pa ko nakakaligo non kaya pinauna ko na sila. Hinatid ulet ako ni mama dun sa munispyo.

Pagdating ko, andun si Kuya Rye :) kaso aalis din daw sya kakausapin lang nya si Mommy Nahney :( Umupo na ko tas nakipagdaldalan kila tricia. Laughtrip pa habang hinihintay yung speaker. Naging kaclose ko naren sila Ate pau:) Kwentuhan lang kasi ang tagal nga nung speaker. About SK chevernes yung diniscuss. After non, naglipatan dun sa kabila tapos katabi ko naman nun sila Ate Dianne saka Ate Shaine :) Discuss,discuss,discuss! Ang dami nga naming speaker ngayon eh 5 ata yon. Nung natapos na, nagpicturan pa sila. Haha.

Pumunta pa kami kila Isa =) Magmo-movie marathon dapat kami kaso nagkaroon kami ng conversation with God<3 Haha. Yeah, seriously.  Kaya ayun di naman kami pwede magpagabi kaya di na namin natapos yung Hunting in Connecticut. Worth it paren naman <3 Nagpicture picture na kami tas umuwi na. Salamat pala kina Isa, Ate Lyka, Ate Shaine, Memae, Justin, Lorenz, LA, Ate Danielle, Ate Aera :>

One of the best sessions. Last na to eh :( Well anyways, may tour pa saka 3 day camp so HAYAHAYYYY<3 Hahahha:))