isip muna

napaisip ako.

kung nakikita ko nga kaya kung pano mo ko iyakan gabi gabi, ipagpapatuloy ko parin kaya to? kung alam ko kaya kung pano mo ko ikwento sa mga kaibigan mo, kung pano mo ko isumbong, kung pano ka mag-drama, kung pano mo ko ipagmalaki sa kanila, ganto parin kaya yung tratong ibibigay ko sayo? pano kaya kung one day, bigla ko nalang marealize na ikaw na nga pala talaga. ikaw na pala yung taong lagi kong pinagppray kay God. pano kaya pag ikaw na nga pala talaga yung taong hinihingi ko sakanya? yung taong iintindi sakin. yung taong pagt-tiyagaan ako. yung taong hindi ako susukuan. kasi diba, ikaw naman talaga? ginagawa mo na nga diba? ayan ka na nga oh. ginago na kita lahat lahat, andyan ka parin. andami nang sinasabi ng iba sayo about sakin, andyan ka parin. tinulak na kita palayo lahat lahat, andyan ka parin. pano nga kaya kung one day, bigla ko nalang marealize na ikaw na nga pala talaga, gagawin ko parin kaya lahat ng to? papasakitin ko parin kaya ulo mo? sasaktan parin kaya kita? papahirapan? papaiyakin? iiwan?

diba, ganyan? ganyan yung nasa isip mo. at ganyan rin yung gusto mong maisip ko.
siguro kung sobrang lakas lang talaga ng loob mo, matagal mo na kong pinabaril ng shot gun sa lalaking naka-color brown na leather jacket sabay papadukot mo utak ko tas papabigay mo kay jimmy neutron para ma-program nya sa lab nya tas papalagay mo lahat ng yan sa utak ko.
hoy ikaw, tigil na okay? naiintindihan ko.
maniwala ka, naiintindihan ko. pls lang wag mo na ko pahanap sa lalaking naka-color brown leather jacket na yan.

pero ikaw ba, naiintindihan mo rin kaya ako? bukod sa mga pinaintindi ko sayo, naiintindihan mo rin kaya yung mga bagay na hindi ko sinubukang ipaintindi sayo?

sana alam mo kung gano ko gustong mag-travel from north to south. and from south back to north, mapuntahan ka lang. mapatahan ka lang. ma-comfort ka lang sa personal. ma-hug ka lang. sa tuwing naiyak ka, gusto kong hawakan yung mga pisngi mo, gusto ko na ako rin mismo yung magpunas ng mga luhang dulot ko. dahil kung nagawa ko sa ibang tao yan, mas gusto kong gawin sayo. kahit pa-ulit ulit pa yan, kahit nakakapagod na, okay lang. hindi ako magsasawa kasi ganyan yung mga gawaing gusto ko. at ikaw yung gusto kong gawan ng mga yan. kaso wala. malabo.
sana alam mo na gusto kong makabawi sayo. sana alam mo na willing ako patunayan na totoo lahat ng sinasabi ko.

sana alam mo rin na hanggang ngayon, ikaw pa rin yung gusto kong pagkwentuhan at pagtanungan ng lahat lahat. andami nang nangyari sakin at sa lahat ng yun, ikaw yung una kong gustong pagsumbungan. gusto kong isumbong sayo yung science teacher ko na parang alien na nanghihigop ng enerhiya ng tao kasi sobrang nakakaantok talaga sya. tas one time nasita ako kase lagi ako natutulog sa class nya. eh bat ako, sinita ko ba sya kase lagi sya parang alien? di naman diba. tas meron pa kong new classmate na sobrang foul ng personality, as in nakakainis talaga, sobrang annoying. pero ginagawa ko yung best ko para di magalit kasi goal ko this year yung maging kasing bait ni Pope Francis kaya ang ginagawa ko nalang lagi ko syang kinakausap tapos lagi ko syang tinatanong tas sya naman ang effort sumagot sa mga tanong ko di nya alam puro oo lang ako sakanya pero di ko naman talaga sya pinapakinggan. pero seryoso, nagpapakabait na talaga ko.

sana alam mo rin na alam ko na sa tuwing tinutulak kita palayo, binibigyan ko na rin ng chance yung ibang lalaki na agawin yung trono ko. sana alam mo rin na kung nap-praning ka sakin, mas nap-praning ako sayo. sana alam mo rin na sa iilang punto ng buhay at pagkatao ko, tama ka, selfish nga talaga ako.

nabanggit ko na sayo to. pero sana alam mo kung gano ko ginustong sabihin sayo ng harap harapan na “pwede bang ako lang?” kasi gusto ko ako lang. kahit na gago ako, kahit na tarantado ako, kahit na maloko ako, kahit na paulit ulit nalang at di na talaga ko nagbago, pwede bang ako lang? gusto ko ako lang.

siguro sa sobrang pagka-maloko ko, may times na napaisip ka na di na talaga ako seryoso. at mukang di ako magkaka-time para dito. gusto kong malaman mo na may insecurities rin ako. malinaw sakin na anytime, kayang kaya kang agawin ng kahit sino. nagseselos ako. kahit wala pa yung hinayupak na mang-aagaw na yun, nagseselos na agad ako. kasi gusto ko nga ako lang.

gusto ko sakin ka lang maiinis. gusto ko ako lang magpapasakit ng ulo mo. gusto ko ako lang yung iiyakan mo. gusto ko ako lang yung magiging dahilan kung bat 12am gising ka pa, nagd-drama sa zizzum mo. nagrereklamo kung bat ba napaka-hirap ko intindihin. kung bat ba napakaharot ko. kung bat ba di ako mapirme sa isa. tas mags-send ka ng screenshot sakanya ng kung ano anong nonsense na pinagsasabi ko sayo tapos papagalitan ka nya kase ayan ka nanaman. gusto ko sakin ka lang ganon. at gusto ko ako lang. gusto ko ako lang yung haharot sayo. gusto ko ako lang nakakaalam ng about sainyo ni gatorade girl. gusto ko ako lang.

sorry. alam ko kung gaano ako ka-komplikadong tao. alam ko na bago tayo mapunta sa ganto, sobrang daming tanong ang sumagi muna sa isip mo. alam kong di ka sigurado sakin dahil nga pabago-bago ako. alam ko na pagdatin sakin, mapapa-dalawang isip ka talaga kasi kanina, okay tayo. ngayon, hindi. bukas, andyan pa ko. kinabukasan, wala nanaman. sorry sa lahat ng confusions na dala ko. sorry kung talo pa kita sa sobrang gulo ko. siguro nga, hindi pa ako tapos. hindi pa ako buo. hindi pa ako sigurado kaya kahit ako sa sarili ko, naguguluhan pa.

sorry kung may commitment issue ako at mas gusto ko yung pa-fling fling lang. sorry kung wala pa kong balak magseryoso ng full time. sorry kung napakaharot ko. sorry kung napaka-isip bata ko to the point na parang nilalaro ko lang lahat ng bagay. sorry kung lagi akong nagc-cause ng overthinking mo. sorry kung sa iilang punto, napaka-immature ko.

thank you. thank you sa pagtitiis. thank you sa pagt-tiyaga sakin. thank you kasi kahit ilang beses na kita pinagtulakan palayo, andyan ka pa rin. alam mo, sobrang ikakatuwa ng parents ko pag nalaman nila na bukod sakanila, meron pang taong nagpumilit na umintindi sa anak nilang napagka-hirap hirap intindihin. sobra talaga kitang ina-admire as a person. yung tipo na pag nagkaron ako ng homework ng “list of people you admire the most”, ikaw yung ilalagay ko sa number one. sobrang swerte ko talaga kasi nagkaron ako ng ikaw. thank you for that always-open-door. thank you for the second chance. for the third, fourth, and so on. thank you for all of the chances you gave to me. hindi ako magsasawang magpasalamat kay God kase binigyan nya ko ng chance sa'yo. at hinding hindi ako magsasawang kausapin sya at paki-usapan ng paulit ulit na baka p-pwedeng ibigay nya sayo yung pinaka-the best life ever kasi deserve mo yun. at alam kong alam nya rin yun.

minsan napapaisip ako, sobrang gago ko talaga kasi tignan mo yan, di ko maintindihan kung bat dumadating ka sa puntong sarili mo yung sinisisi mo. hindi tama yun kasi kung meron mang dapat sisihin dito, ako. ako. at ako lang yun. wala kang kasalanan. wala kang nagawa na kahit ano para maging dahilan kung bat tayo napunta sa ganto. ayokong sisihin yung sarili mo. ayokong mag-isip ka ng mag-isip kung san ka nagkamali kasi wala naman talaga. ayokong matulad ka sa iba na ang tingin sa sarili nila may something wrong kasi walang ganon. okay?

wala akong iba. wala akong babae dito o ano. sorry nalang talaga. sorry kung out of nowhere, narealize ko na hanggang ngayon affected parin pala talaga ako sa ex ko. sorry kung nasasaktan parin ako sakanya na dapat hindi na talaga. sorry rin kung dumating sa point na pakiramdam ko naglolokohan nalang rin tayo. na kaya lang tayo nagkakaganto kasi eto yung meron tayo ngayon. sorry kung masyado kong binig deal lahat ng mga nangyari. sorry kung sobra akong nagalit sayo nung sinaktan mo ko kahit na alam kong ginawa mo lang naman yun para sakin. sorry kung kinuha ko na yung pagkakataong binigay mo para tuluyan nang makatakas dito. sorry kung biglang isang araw, nagising nalang ako, ayoko na. pagod na ko. pagod na ko maging dahilan kung bat lagi kang naiyak, kung bat lagi kang nasasaktan, kung bat lagi kang naguguluhan.

wala nang rason para mag-exist pa sa mundo mo. sobrang bigat ko na at wala na kong balak magpa-bigat pa sayo. kaya kung magpapaalam man ako, hayaan mo nalang. tanggapin mo nalang nang hindi ka na nag-iisip kung bakit, kung san ka nagkamali, kung ano nanaman ba yung nagawa mo o ano. isipin mo nalang na nangyayari to dahil tapos na. tapos ka na sakin. tapos na ko sayo. tapos na tayo. natutunan na natin yung mga bagay na dapat matutunan. nakuha na natin yung dapat makuha. ubos na yung rason para makilala pa natin ang isa’t isa dahil nakilala na natin ang isa’t isa. at hindi na siguro natin trabaho yung magkakilanlan pa. pero gusto kong isipin mo na gusto ko pa. gustong gusto pa. yun nga lang sa puntong to, kailangan na nating makuntento sa kung anong meron tayo.

kuntento na ako sa kung anong naging meron tayo. kuntento na ako na nakilala kita. at naging parte ako ng buhay mo. kuntento na ako na meron akong maipagyayabang sa iba at masasabi ko sakanila na minsan na ko nagkaron ng tao sa buhay ko na kahit anong kalokohan yung gawin ko, tanggap parin ako. na kahit napaka-hirap kong intindihin, iintindihin ako. at kahit pagtulakan ko palayo, pag binalikan ko, tatanggapin at tatanggapin parin ako.

ayokong sabihin kung gano kita kamahal, ayokong sabihin sayo na “mahal na mahal na mahal kita” kasi gusto ko sa paraan ng pagsulat ko, ikaw mismo maka-realize nun. i want you to be enlightened and be informed that there are things na kaya mong gawin na never mong inimagine na kaya mo pala. like this, honestly, di ko parin talaga trip tong shit na to. ayoko talaga magsulat. kasi unang una sa lahat, nakakatamad. pangalawa, ang drama. pangatlo, ang korni. pero ewan ko ba, there is something in you that makes me want to write everything. ubos na ubos na ako sa salitang gagamitin pero sa bawat bagay na ginagawa mo, sa bawat bagay na pinapakita mo, unintentionally mo kong nar-refillan ng mga panibagong salita. pagdating sa'yo, hindi ako mauubos. you will always be a big part of me na hindi kayang agawin o palitan ng ninuman, kahit future girl ko pa yan. i will forever be grateful to God because of you. and you will forever be the reason why this korning blogger named supermakhtan exist.

irina angela lising de guzman, it was a great adventure. and it’s a big pleasure of mine to have an adventure with you. when i grew older, i will never forget na when i was young, i fell in love with a girl na kasing bait ni mama mary that soon became my rapunzel. and i will never ever regret na nangyari yun kasi it’s the best thing that has ever happened to me.

i would like to thank your friends, for always making you happy. and for treating you right. to your parents, because of them, you exist. and to God, for you, for this wonderful experience, for everything. this is the best blessing ever, you are the best blessing ever. thank you Lord.

there is always an ending — “we” end. there will be no more kulitans between you and me. those pa-ulit ulit na paga-away and pagtatalo. and so much more. the time will come na mawawala na talaga lahat ng ‘to. there will be no more source of information. there will be no more communication. but always put this in mind, a part of me will always be this much in love with you. and if i will be given a chance to say kung ano yung pinaka-gusto kong sabihin talaga sa'yo it’s just, “i wish you the very best”.

this is the last time that i will write. that supermakhtan will blog. please, take my words and our memories together with you, always.

this is the end of us. and the beginning of you, and me.

love,
supermakhtan | flynn rider, 2014.

my 13 year old student: SIR MAHAL KO PO TALAGA E *cries*

me outside: naku madami pa dyan, mag aral ka muna hija. *fake smile*

at the back of my head: AY PUKING INANG IYAN! TRESE ANYOS?! ANONG ALAM MO SA PAG MAMAHAL?!? SAMPALIN KAYA KITA NG SCIENTIFIC NA CALCU NG MA-SOLVE YANG PROBLEMA MO!?!?!?? IPAKAIN KO KAYA TONG DICTIONARY NG MAG KA-MEANING YANG BUHAY MO NG DI PURO LAB YANG NASA ISIP MO?!!?!? PERPEKIN MO MUNA UNG VERB TENSE NA EXAM NA BINIGAY KO?!?!?!

Aba'y ang bata gang iyun ay nakaka-pang galaite e.

Sana bago mo sinabing mahal mo ako, sana alam mo ang mga pwedeng mangyari, alam mo yung pwede mong harapin kasama ako. Sana matapang ka para hindi maapektuhan sa lahat ng mga desisyon tatahakin natin. Sana nung sinabi mo ang mga matatamis na linyang yan, sana nagdalawang isip ka muna. Kung kaya mong panindigan at patunayan sakin at sa mundo kung tunay at tapat ba yan pagmamahal na yan. kasi ngayon, parang iba na eh. parang hinihintay mo nalang na sabihin mong mahal kita. parang nagiging kampante na, na akin ka, at sayo lang ako. parang inapakan mo yung pedal ng preno sa paglimita mo o pagbawas mo ng mga gawain at mga pwede mong sabihin para mapatunayan mo sakin mahal mo ako. Anong nangyari? ganyan ba ang udyok ng panahon habang ang pagmamahalan ng dalawang tao ay tumatagal sa pagusbong? ang buong pagaakala ko kasi, habang tumatagal ang pagmamahalan dapat mas pinapatatag ito, dahil mas maraming problema at pagsubok ang nadadaanan kung saan pwedeng magpahina sa nararamdaman natin para sa isa’t isa. hindi yung ganyang konsepto kung saan habang tumatagal, nagiging “bahala na” ang lahat. na parang pinadadaan nalang ang bawat araw sa kalendaryo. nakakalungkot man isipin, na ganito na ang nangyari. unti-unti nang nauubos na parang bulok sa isang mansanas na unti-unti nang kinakain at nawawala ang pagasa na tayo’y magtatagal pa. ngunit, batid ko ang pagtitiwala at kumpiyansa, pagkat ako ay isang tao hindi kaagad sumusuko sa laban, lalo na sa ganitong klase na mala-giyerang laban ng buhay. Ang pagmamahal ay mapusok, matalim at malawak. kaya magiging sundali din ako sa giyerang ito at isang klase ng tao na patuloy na maniniwala na maayos pa natin ang lahat lahat. Ang lahat ng nawala, ang lahat ng nabulok, ang lahat na namatay na pagmamahal. ibabalik natin, aayusin natin. Siguro ang pagmamahal ay parang gulong kung saan may taas na parang langit ang sarap sa pakiramdam, ngunit sa isang parte ay gugulong din ito kung saan mapupunta tayo sa ibaba, kung saan andiyan ang pagsubok, at pangamba na tapusin nalang na pwede natin maranasan, ngunit ito’y isang gulong. gulong na kung saan sa patuloy na pagpaparamdam sa atin ng poot at hirap, ay may kapalait naman itong sarap at mala-langit na pakiramdam.
—  Ako at si pagmamahal.
  • Walang perpektong relasyon. - May mga araw na masaya kayo, mag mga araw din naman inuulan kayo ng problema. Minsan nagkakasundo kayo, minsan naman may mga bagay na pinagtatalunan kayo. Maliit na bagay pinapalaki, dumagdag pa yung pride, edi isang malaking away. Pero hindi naman ibig sabihin nun eh hindi kana niya mahal. Ang selos, tampuhan at away naman ay parte din ng pakikipagrelasyon. Kung wala yung mga yan hindi niyo rin maa-appreciate kung gaano kasarap magmahal at mahalin.
  • Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan. - Bago ka magdesisyon, mag-isip ka muna. Huwag kayo magpadala sa galit, minsan kasi kapag galit tayo may mga bagay tayo na nasasabi, nakakasakit tayo pero hindi naman talaga totoo yung mga sinasabi natin. Subukan niyo munang mag-usap, linawin niyo ang mga bagay-bagay, pakinggan niyo ang isa’t isa. Tsaka dapat matuto din kayong umunawa, dapat hindi lang yung sarili ang pinapakinggan. Kung dapat magsorry, magsorry! Kung dapat mag-effort, mag-effort! Matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at matuto din tayong humingi ng patawad.
  • Kung gusto palaging merong paraan. - LDR ba kayo? Magkalayo ba kayo ng school? Busy ba kayo sa mga schedule niyo? Sa tingin ko hindi yan sapat na rason para hindi mo magawang i-text at kamustahin yung taong mahal mo. 24 hours a day, 7 days a week, 30-31 days a month, grabe naman na sa mga oras na yan wala ka talagang panahon para sa taong mahal mo? Kahit sa simpleng tawag at text, matutuwa na yan na naalala mo siya kahit madami kang ginagawa. Kahit yayain mo siyang magsimba para mapanatiling matatag yung relasyon niyo, hindi mo ba kayang gawin? Kahit maglaan ka lang ng konting panahon sa kanya, malaki na aabutin niyan. Lahat naman ng bagay nagagawan ng paraan, maliban nalang kung ayaw mo din talaga na mag-effort para mapasaya siya.
  • Ayaw ng parents ko/Ayaw ng mga kaibigan ko/Umiepal si Ex. - Sabi nga nila, sa lahat ng lovestory may kontrabida na sagabal at haharang sa magandang takbo ng relasyon. Boring din naman siguro kung wala nun, kung walang problema kasi hindi niyo din mapapatunayan sa isa’t isa kung gaano katatag yung pagmamahalan niyo. Masusubok din yung kung gaano kayo katatag para ipaglaban yung isa’t isa, dyan masusukat kung hanggang saan ang niyong isakripisyo para mapanatiling matatag at masaya yung relasyon niyo.

Kung nasaktan mo man siya, bigyan mo muna siya ng oras para makapag-isip. Yung siya lang muna mag-isa. Wag mo muna siyang kulitin, wag mong inisin, wag mo munang kausapin. Mas mapapadali ang pag iisip at pagdedesisyon niya kapag ganun. Pero wag mo siyang iwan, wag mo siyang susukuan, wag mong itigil ang pagpapakita at pagpapadama na mahal mo siya. Oo nagkamali ka, pero dapat na makita at maramdaman niyang hindi mo na mauulit yun at nagsisisi ka na.

Bago ka magalit, mag-isip ka muna.

May mga tao na nagdesisyon na gawin ang isang bagay para sa isang tao tapos magagalit kapag yung kinalabasan ay hindi yung ineexpect nya. Yung isusurprise nya tapos sya pa yung nasurprise na kabaliktaran yung nangyari. Tapos magagalit, magtatampo, sasama ang loob. Eh diba ikaw naman yung pumili na isurprise sya? Malay nya bang isusurprise mo sya? Ito yung isang halimbawa kung kelan dapat mong isipin kung may point ba yung pagkagalit mo sa kanya. Minsan kasi nasisisi mo yung taong yun dahil nasaktan ka nya nang hindi nya alam or hindi nya sinasadya. 

Kung alam mo naman na sarili mong desisyon yung naging dahilan kung bakit masama ang loob mo ngayon, wag kang magagalit sa kanya. Dahil hindi nya ginusto yun. Wala naman sa inyong dalawa ang may gusto na sumama ang loob mo. Nagkataon lang na nainis ka dahil hindi yun yung gusto mong mangyari. Yung tipong naiimagine mo na kung ano yung mga mangyayari tapos total opposite nun yung naganap. Masaklap talaga. Pero wala ka nang ibang magagawa kundi tanggapin nalang. Hindi na maibabalik ang mga nangyari na. Ngumiti ka nalang. Madami parin ang dapat ipasalamat kesa magalit ka sa isang bagay na hindi mo na maibabalik pa.

Para sa mga taong hindi seryoso mag mahal. 

Alam niyo, kung sa umpisa palang hindi niyo kayang pag gampanan yung taong pina fall niyo sainyo, wag na kayong manligaw o kaya wag niyo ng sagutin. Wag na kayong mag bigay ng motibo para paasahin yung tao. Kapag nag bitaw ka ng salita, dadamdamin yan ng taong pinag sabihan mo. Siguraduhin mong tapat at totoo yung mga sinabi mo sakanya. Walang halong biro, hindi porke bored ka at gusto mo lang may malandi, makaharutan, ka relasyon, ka fling, e lolokohin mo na. Wag kang pa-fall, wag kang pa-asa, wag kang pabebe, wag kang malandi, wag kang gago. Wag mo lolokohin ang isang taong minahal ka ng tapat, ibinigay ang atensyon sayo, nag bigay ng todong efforts tapos babalewalain mo nalang ng ganon ganon. Dahil kapag na fall yan sayo, mamahalin ka niyan kasi yung taong niloko mo, minamahal ka ng totoo

Para naman sa mga taong mabilis ma-fall. 

Alam niyo, hindi porke araw araw kayong nag uusap, masaya siyang kausap, makulit, o di kaya nararamdaman mo yung pag ka care niya sayo lalo na yung mga sweet words na sinasabi niya sayo, wag kayong mag papadala don. Oo, kinikilig ka at natutuwa dahil sakanya kasi palagi siyang nandyan para sayo. Pero pigilan mo yung nararamdaman mo para sakanya. Mahirap ma fall lalo na kung kaka-kilala mo palang sakanya at hindi pa kayo ganon katagal mag kakilala. Dahil hindi naman natin alam kung seryoso ba talaga o niloloko ka lang. Masasaktan ka lang kapag na fall ka pero hindi ka naman pala kayang saluhin sa huli. Kaya kung ma fall ka ulit, isipin mo muna sarili mo. Wag kana mag paka tanga. Unahin mo muna yung isip mo bago ang puso mo. Dahil kapag hindi mo ginamitan ng utak yang nararamdaman mo, maloloko ka ng manloloko dahil nag pa-loko ka kasi inuna mo ang puso mo at binigyan mo siya ng dahilan para saktan ka niya sa huli.

miongpole  asked:

Imagine you magically traveled back in time to phil-am war TAPOS SI GOYONG UNG UNANG NAKAKITA SAYO HABANG NALILIGAW/NALILITO KA ANO GAGAWIN MO ODK

“PUNYETA!”
“ITIGIL ANG PAGPUTOK NG INYONG MGA ARMAS!”

“sino ka?” isang lalake—putangina si gOYONG TANGINA GAGO PUTA IS TANGINA GOYONG sabi ng dalaga sa isip nito Magpapabebe mode muna ako at pa-innocent dagdag niya sa kaniyang isip.

“Bakit ka nandito?” Tanong niya ulit sa binibining halatang nawawala at naguguluhan.

“Hindi ko alam” sabi nito gamit ang kaniyang maliit ng boses. Tinitigan lamang siya ng maginoong heneral.

Nagulat na lamang siya nung inihandog ni goyong ang kaniyang kamay sa kanya “Sumama ka sakin,” Hindi alam ni goyong ang kanyang gagawin basta’t ang alam niya ang binibini ay nasa tabi niya at ligtas.

-

SO AYUN NA NGA THEY WILL HELP YOU KASI YOURE WEARING YOUR CLOTHES AKA DAMIT SA PANAHON NATIN NGAYON theN FUCK LETS CONTINUE THIS