isa ora

#2

Ikalawa

Isa, dalawa
Dalawa ang bilang ng aking mga mata
Ngunit sa paningin ko, ikaw ay nag-iisa

Isa, dalawa
Sa bawat oras, minuto, at segundong tumatakbo
Dalawang paa ko ang nais tumakbo patungo sa'yo

Isa, dalawa
Yan ang bilang ng aking mga mata, labi, kilay, kamay at paa
Sa katawan ko'y marami pang parte ang magkasamang dalawa
Ngunit pansinin mo ang puso kong nag iisa
Dahil ikaw ang hinahanap nitong kapareha

—  100 Tula Para Sa Kanya

bare presence. |
September 03, 2017  
10:31PM


naninikip ang dibdib.
namamatay ang kaluluwa.
nalilito ang isip.
nasasaktan ang puso.

magsimula tayo kay tadhana na napakakulit.
subukan natin siyang tanungin kung ano nga ba ang kaniyang pakay sa mundo.
palagi na lang tayo nagtatanong sa mga pangyayari,
kung karapat-dapat ba natin itong maransanan.

pinagtagpo tayo para makakilala ng bagong katauhan,
pinagsama tayo dahil parehas tayo ng kagustuhan,
nagmahalan tayo sapagkat sigurado na tayo sa isa’t isa,
ngunit ang oras lang talaga ang humadlang sa’tin.

mapapatanong ka na lang kung anong nangyari,
laging magsisimula ang mga tanong sa “ano“, “paano“, “saan“, “bakit“, at “kailan“.

ano ang naging dahilan ng iyong pahimakas?
paano lunasin ang puso kong marupok?
saan ako huhugot ng lakas upang bumangon muli?
bakit ang bilis maglaho ng ating pagsasama?
kailan pa magwawakas ang pait na nadarama?

napapaisip ako kung sino sa atin ang may sala.
pero alam kong walang nagkamali sa ating dalawa.
wala namang naganap na hidwaan,
sadyang may humadlang lang sa atin.

ang tadhana na mismo ang nagsabi na hindi pa natin oras,
ngunit gusto kong patunayan na ngayon na ang tamang panahon.
alam kong mahirap kalabanin ang oras,
pero gagawin at patutunayan ang lahat upang masabing karapat-dapat tayo sa isa’t isa.

nagdarasal ako na patigilin na sana ang takot na nararamdaman,
ang pangamba at panlulumo ay tila nagsama upang malunod ako sa sarili kong paglingap.
pinaghahandaan na ang sarili sa maaaring mangyari,
sapagakat ako’y masasaktan sa malapit na hinaharap.

ngayo’y nawasak na ang ating saglit na pagmamahalan.
iilang buwan lamang tayo ngunit naramdaman kong iilang taon ang ating pagsasama.
kailangan ko nang i-distansya ang aking sarili mula sa’yo,
dahil ang iyong presensiya ay tuluyang mawawala.

Medyo nasasanay na yung katawan ko matulog nang isa o dalawang oras everyday. Iba na talaga pressure kapag graduating, hindi ka na pwede magchill and every hour counts para tapusin mo lahat ng school works.

Mahal ko,

Araw araw may mga taong sumusuko na sa taong mahal nila. Maraming pwedeng dahilan para sumuko ang isang tao. Maaaring hindi na kasi sila nagkakaintindihan o pwede namang ayaw na mag-open ng isa. O kaya walang oras sa isa’t isa. Pero hinding hindi ako susuko sa'yo. Bibigyan kita ng oras, kahit gaano katagal maghihintay ako, pero hinding hindi ako susuko sa atin.

I WILL NEVER GIVE UP ON YOU.

Kahit gaano pa katagal para mapatunayan ko sa'yong hindi ako mawawala, gagawin ko. Nung sinabi kong hindi kita iiwan, seryoso ako don. Kahit gaano pa kahirap, mananatili pa rin ako. Kasi worth it ka sa lahat ng sakit. Sana hayaan mo akong mahalin ka lalo.

Nandito lang ako, tandaan mo yan. Hinding hindi kita susukuan. Hindi kita iiwan.

Sana ako rin huwag mong iwan.

Hanggat may pagkakataon kang makasama siya, lubusin mo. Iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal, kung gaano niya kinukumpleto ang bawat araw mo at iyong pagkatao. Huwag sayangin ang bawat tyansa sapagkat may ibang mga tao na ginagawa ang lahat ng paraan makasama lamang ang taong mahal nila kahit sandali ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon. Maswerte ka. Dahil abot kamay mo lamang siya, kahit kailan mo gustuhin ay makikita mo siya at makakasama sa tuwina. Masuwerte ka. Dahil hindi mo inaalala kung paano kayo magkikita, kung saan, anong oras kayo bibyahe makita lamang ang isa’t-isa at kung anong oras kayo uuwi. Hindi limitado at hawak niyo ang oras niyo pareho, hindi kayo nag-aalala. Tipong tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para sa inyong dalawa. Maswerte ka. Dahil nabibigyan ka ng pagkakataon upang iparamdam sa kanya ang pagmamahal mo samantalang ang iba, kailanman ay hindi yan natamasa. 

Palaging tanong sa akin kung may forever ba talaga? Ito ang tanong na never kong masasagot. For me? Just enjoy the process of loving someone and the rest will follow. Lam nyo yun? Yung tipong pahalagahan niyo lang lagi yung isa’t-isa, magkaroon palagi ng oras sa inyong dalawa at intindihin palagi yung partner kapag wala lagi sa mood niya.

Hindi naman mag eexist ang forever na yan e. Ilang relasyon na rin ang napagdaanan ko at sinabi ang forever na yan pero sa huli kapag nanghina yung isa at hindi ito sinagip nung isa ay madalas mauwi sa hiwalayan. Sa tingin ko sa huli niyo pa mapapatunayan kung meron talaga. Kailan ba mag uumpisa at kelan mo mapapatunayan na may forever? Kapag ba kinasal na kayo? Kapag ba sa huling hininga mo ay siya pa rin ang nasa harap mo?

Imbis hanapin ito. Bakit hindi na lang iparamdam na sobrang mahal mo siya at importante sya sa buhay mo? Magkakaroon lang nyan kapag willing kayong gawin yun. Kapag sobrang mahal niyo ang isa’t-isa. Kapag walang pride na sobrang taas, sobrang tiwala at faith, marunong mag sorry kapag may kasalanan at marami pang iba.

Kaya relaks lang. Enjoy mo lang yung process kaibigan

2

Hayaan mo, darating yung rin araw na magiging masaya ka. Darating yung araw na may taong mag ma-mahal sayo at tatanggapin ka kung ano ka man at siya ang nandyan para sayo sa tuwing malungkot ka at makapag papasaya sayo. Hindi ka niya hahayaang maging malungkot at umiyak ulit. Yung mapag sasabihan mo ng problema at tutulungan ka niya sa mga yon, hindi ka iiwan mag isa sa mga oras na kailangan mo ng kasama. Hahawakan niya yung kamay mo at sasagipin ka niya at hindi ka niya hahayaang mapunta ulit sa nakaraan. Nakaraan kung kailan ka malungkot, palaging nag iisip, may problema, at palaging umiiyak. Darating rin yung tao na yon, wag kang mag alala. Dahil handa siyang pasiyahin kang muli. 

Committed.

As long you guys stay committed sa isa’t-isa. Feeling ko sobrang minimal lang ng problema. 


Committed.. meaning may oras kayo palagi sa isa’t-isa. Hindi man buong oras ang maibigay mo sa kanya, ipakita mo sa kanya na ginagawan mo palagi ng paraan para makausap siya.


Committed.. meaning may lugar lagi sa pasensya. Alam mo kasi na hindi naman kayo perpektong dalawa kaya need mo palagi ng pasensya para intindihin ang mga bagay na nangyayari sa inyong dalawa.


Committed.. meaning may pakialam ka lagi sa mararamdaman niya. Hindi ka magiging insensitive. Hindi mo siya hahayaang masaktan, hindi mo siya hahayaang mag-alala. Palagi mo siyang i-uupdate sa ginagawa mo para hindi siya mag-alala. Hindi naman literal na bawat segundo mong ginagawa. Basta i update mo lang siya kapag pakiramdam mo ay nag-aalala lang siya.


Committed.. meaning handa kang mag sakripisyo para sa ikakabuti niyong dalawa. Hindi ka magiging makasarili sa mga desisyon na gagawin mo. Palagi mong iisipin ang ikakabuti ng relasyon niyong dalawa.


Ilan lang yan sa mga bagay na posibleng magpatibay ng relasyon niyo. As long na committed kayong dalawa. Andiyan yung trust, faith at loyalty. Kasi dalawa kayong kumikilos. Umalis ka sa relasyon mo kung sa tingin mo ay one sided love ito. Hindi mo matatawag na relasyon ang one sided love. Hindi masaya ang one sided love. Never naging masaya yun :)

DIFFERENT TYPES OF LOVE STORIES.

-I hate you then I love you. Yan yung lovestory na inis na inis sa isa’t isa nung una. May something talaga sa kanya kung bakit ka naiinis sa kanya. Pakiramdam mo kasi ang yabang nya, kapag sa lalaki naman pakiramdam mo ang arte-arte nya. Minsan naman hindi lang talaga naging maganda yung umpisa ng pagkikita nyo kaya sa tuwing magkikita kayo, palagi kayong nag-aaway. Pero habang tumatagal, na-iinlove na pala kayo sa isa’t isa. Yung dating I HATE YOU naging I LOVE YOU.

-Not so pretty loves a prince like guy. Eto naman yung na-inlove si girl sa isang napaka-gwapong lalaki. Halos lahat ng babae nagkakagusto sa lalaking yun kaya walang chance para mapansin sya ni guy. Nakukuntento na lang sya sa patingin-tingin at pagiging stalker minsan. Sya yung halos hindi maganda sa mga babaeng nagkakadarapa kay guy, pero sa hindi inaasahan, sa kanya magkakagusto si guy. Lahat ng magagandang babae, tinaob nya.

-Poor girl over a rich guy. Eto naman yung maganda si girl, gwapo si guy. Walang kaso sa itsura nila. Ang issue naman dito yung level nila sa buhay. Para silang langit at lupa. Mahirap lang si girl pero sya yung mahal ni guy kaya kahit marami silang pagsubok na pagdaanan, kakayanin nilang dalawa. Pera lang naman kalaban nila dito, if true love exist.. mas mananaig yun. May mga times nga lang na susuko sila, kasi nga sobrang hirap na pero sa huli sila pa rin talaga.

-Love over a cancer. I prefer to use cancer para sa word na illness. Isa ‘to sa nakakaiyak na lovestory. Yun yung okay na ang lahat, mahal nyo ang isa’t isa, walang tumututol sa inyo, masaya kayo palagi, wala na kayong nakikita sa future kundi ang isa’t isa pero suddenly dahil sa sakit magiging mahirap ang sitwasyon nyong dalawa. Bigla nyo na lang malalaman na isa sa inyo malapit na palang kunin ni Lord. Wala kayong magawa. Wala kayong kalaban-laban sa sakit na yun. Kahit magalit kayo, kailangan tanggapin. Kailangan nyo na lang mahalin ang isa’t isa habang may oras pa.

Revenge Love. Eto yung nagmahalan sila nung umpisa. Pero malalaman ni girl na niloloko lang pala sya ni guy. Ilang taon ang lilipas, magpapaganda sya.. magpapayaman at isang araw babalik sya ulit para maghiganti sa lalaking nanloko sa kanya. Pero kahit na nasa paghihiganti si girl, hindi nya mapagkakaila na mahal na mahal pa rin nya si guy at muli silang babalik sa dati. Pero this time, wala ng lokohan. Mahal na talaga nila ng isa’t isa.

One-sided Love. Eto yung nainlove ka sa isang tao na hindi ka kayang mahalin. Inamin mo na sa kanyang mahal mo sya. Pinaparamdam mo kahit mukha ka ng tanga. Naghihintay ka kahit alam mong wala ng pag-asa. Umaasa ka pa rin na baka isang araw mamahalin ka na rin nya. Kaso hindi talaga, isa lang sa mga taong magiging parte ng pagkabigo mo sa pag-ibig. Isa sya sa magiging dahilan kung bakit ayaw mo ng ma-inlove ulit.

Ikaw ano ang lovestory mo?