ipones

Ang hirap mag ipon kapag palaging gutom.

Di ata palaging gutom dapat yung term. Naninimawa lang. Gusto lang kumain ng kumain kasi stressed at depressed.

Apat na taon sa mass comm, tapos pagkagraduate kelangan maghanap ng trabaho. Pag may trabaho na, mag-ipon para sa law school. Kapag may sapat ng budget, aral ulit for law. Tapos, tatanda na akong mag-isa pagkatapos. Hahaha. Puñeta eh mamamatay rin lang ako jusko. Hahahahaha.

anonymous asked:

Normal lang ba kuya sa isang tao na wala kang gusto sa buhay? -jayah

What do you mean walang gusto? Do you mean career? or nothing at all? Kasi kung career lang, well, I know some people na parang wala talagang interest sa kahit anong field ng work not even business. How I wish I could read their minds nga e. Pero siguro, it just a matter of maturity. Kapag wala ka ng choice, siguro yun yung time na you have to work your ass off. Demnding yourself to move. Just take a break, dont rush. Just set time. Na sa ganitong buwan dapat nagwowork kana, or sa ganitong age dapat may ipon kana. Im sure may hilig ka. Kahit food, gadgets, celebrity or what. Gawin mo yung goal

I’M PAINTING & WRITING AGAIN

Hindi naman ata big deal sa inyo diba, pero sobrang big deal para sakin na nagsusulat & nagppaint na ulit ako. Pero hindi na ako masyadong nakakapagbasa, because palagi na lang ako may sakit. HAHAHAHAHA loser. Wala lang, ayun. Puro journal pa rin nasusulat ko but at least sinisipag ako na mag-journal in english kasi dati tamad na tamad ako kaya tagalog eh. Nagppaint na din ako pero hindi muna sa canvas. KAILANGAN KO MAG-IPON PARA SA MIBF. MIBF. Woo. Lapit na you. One month na lang! Tapos The Scorch Trials. Tapos Mockingjay pt. 1. Wow grabe, saya ng buhay ko diba. Lalabas na din pala third book ng Miss Peregrine’s, pati fourth book ng Cinder. Ayun lang, share lang na nagppaint at nagsusulat na ako because I am so proud of myself, wat. HAHAHAHAHA

Mas malaki pa yung nagagastos ko kesa sa baon ko. Wala nang ipon, abonado pa. Puro ako pagkain pero ‘di naman ako tumataba. Whyyy 😭

Nung sinabi tuloy un ni Daddy sakin, parang gusto ko muna talaga magpahinga.

Hindi ko alam, sa sobrang dami ng dapat kong unahin pano ko pa ba sya magagawang isingit. Ayoko nman maramdaman nya un nararamdaman ko ngayon kasi alam ko kung gano kasakit. Un walang oras. Gusto ko na lang munang gawin lahat ng dapat gawin ko sa buhay. Tas if ever babalik ako kapag ok na lahat.

Hindi ko alam. Honestly, hindi ko na talaga alam anong gagawin ko sa buhay ko. Ano ba dapat kong unahin pag graduate ko, pano makakapag ipon. Kahit ngayon, hindi ko alam panong gagawin para kahit unti-unti ma-achieve ko na un goals ko. Hays. Ang hirap ng tumatanda. Ang laki na ng nagiging responsibilidad mo. Sana bata na lang ulit ako. Un batang naglalaro sa labas ng bahay na ang tanging problema lang ay ang sugat sa tuhod.

Maligaya akong nagrerender ng resignation na. Patapos na ang yugto ng buhay ko na isa akong call center agent. Babalik na ko uli sa tinapos ko at mag-aaral at magsusunog ng kilay para sa panibagong board exam. Masasabi kong sa loob ng isang taon at limang buwan, marami akong natutunan tungkol sa pagkayod at pagbudget maging maglagay ng priorities sa mga bagay bagay. Proud ako kasi natutunan kong mag-ipon para sa sarili ko. Hindi yung puro materyal na bagay kahit sobrang hirap magcontrol. Naisip ko kasi yung ganda ng porma mo, yung dami ng gadget mo eh nakakaturn off pag tinanong ka, may ipon ka na ba? Tapos kapag nangangailangan, mangungutang. Mas okay yung may naitatabi para sa kinabukasan. Kahit wala ka mang planong umalis doon o kahit sa mga di mo inaasahan, tulad pag nagkasakit ka, emergency, o ano.

Hindi naman sa pagbuhat ng bangko. Pero narealize ko to nung mga oras na nauubusan ako ng pera tapos manghihingi ako ng pera sa nanay ko na nakakahiya na kasi tapos na ko eh. Dapat hindi na niya responsibilidad pa rin yun kasi may sweldo na ako. Kahit yung pambaon ko sa review pinag-ipunan ko rin bago umalis sa trabaho kasi nakakahiya namang humingi pa rin. Hindi naman kami mayaman. Sa totoo lang hindi naman ganun ka-independent ang lagay ko. Yung pagkain ko sa bahay kay mama pa rin. Ako lang ang nakatoka sa ilaw at internet, minsan sa gasul saka sa cable. Eh syempre ako rin naman kasi ang gumagamit nun. Mahirap kasi matulog sa umaga kaya madalas erkon ang bagsak namin saka ako lang naman yung naghohoard ng bandwidth ng internet namin madalas sa kakadownload ng kung anu-ano. Anyway, yun nga. Kahit yun lang ang responsibilidad ko minsan kahit akala mo okay na yung sweldo mo pag dumating ang kwentahan ng gastos at bayarin parang kulang pa rin. Nakakaputi ng pubic hair magbudget, girl. Partida yun palang yun. Iniisip ko pano kapag kami na ni Leo ang nagsasama tapos sa sarili na naming sweldo ang pagkukunan ng panggastos sa bahay, ilaw, pagkain, ipon, luho, at kung anu-ano. Siguro kelangan ko pang mas maghanda para doon. Matagal tagal pa at marami pa kong kelangang kaining bigas.

Mamimiss ko rin siguro magtrabaho lalo yung mga kasamahan ko pati si TL. Wala akong masabi dun sa taong yun. Sobrang supportive saka marami akong pabor sa kanya para sa mga schedule ko ng training. Saka natouch ako nung sinabi niyang “Naniniwala kong magiging successful ka. Malayo ang mararating mo.” Pwedeng sobrang liit na bagay kung maririnig mo. Pero yung sa direct supervisor mo na naniniwalang may potensyal ka malaking bagay na sa'kin yun.

Natutunan ko rin sa trabaho ang makisama. Kahit hindi maiiwasan na may mga taong plastic. Narealize ko wag na lang pansinin. Sabi nga “let your work speak for yourself” magperform na lang ako ng maayos kesa ubusin oras ko sa pagreretaliate sa mga ka-immaturean nila. Basta alam ko nagcontribute ako ng numbers sa LOB. Kahit maliit man yun.

Saka nakakagrow pala as a person to kahit sabi ko mahirap o madalas akong magreklamo. Andami ko pa ring natutunan.