ipon

Mga pinag-iipunang phones.

Samsung Corby II :)) Nakita ko sa mall mga 4,500+ yan. Eh plano kong bumili pag January sana bumaba yung price ahahahaha :))

MyPhone Q19i :)) Yan yung phone na bibilhin kong pantext lang. Para di masyadong agaw pansin sa mga SNATCHERS. Isa pa qwerty sya kaya gusto ko :)) Mura pa ahahahahaha mga 1,500+ yan by January bababa na rin price nyan! >:)) ahahahahaha

Saving for the Rainy Day

Sometimes, you really have to make sacrifices. Di lang dahil may gusto kang makuha o mangyari pero na rin para may matutunan ka. Ang pag-iipon, mahirap sa umpisa. Mag-aalangan at mag-aalangan kang simulan. Para kang lulunok ng espada sa perya. Pero pag nagawa mo ng isang beses, tuloy-tuloy na yan. Ika nga, sanayan lang yan.

 Walang mahirap gawin sa taong may pinagdadaanan. Yung tipong gustong-gusto mo ang isang bagay pero wala kang kakayahang makuha ito sa oras at paraan na gusto ko, mag-ipon ka. Ang pag-iipon ay ang magiging pinakamatindi mong sandata sa hinaharap. Hindi mo alam kung anong mangyayari o kung anong dadating sa buhay mo. Kumbaga sa kotse, pag naplatan ka ng gulong , tsong may spare tire ka pa. Malaki pa rin ang tsansang mapuntahan mo ang destinasyon mo. Mahirap na kasi ang puro asa na lang sa ibang tao. Lalo pa sa panahon ngayong lahat ay kabilaan. Kumbaga lahat ay may kapalit. Mahirap na lang manaya.   

 Napansin mo ba na napakanormal gumastos kapag hindi mo pinaghirapan ang pera, para ka lang nagi-inhale exhale, kumpara sa perang pinagpaguran mo. Para sa'ken, ang pinakamasarap waldasin na pera eh yung pinaghirapan mo. Hindi lang dugo’t pawis kundi pang-uuto sa sarili na ginawa mo. Nadadagdagan yung pleasure ng paggastos kapag yung perang ipambabayad mo eh alam mong naging bahagi talaga ng sarili mo.

Heto ang ilan sa mga tips (The Baliwbaliwan way) para makapag-ipon

 

1. Load

Kung adik ka sa text ( gm man o personal ), matanda ka na. Kailangan mong maglatag ng priyoridad sa araw-araw. Walang masama sa pagtetext pero hindi naman ibig sabihin nun eh mabuting ibahagi mo pa kahit nasa loob ka ng banyo para jumerbax. Hangga’t maaari eh magpaload lang ng 3 araw sa isang linggo. Pwedeng isang araw na lang at wag ng magrereply sa mga taong ang tanging tinetext lang eh mga talinhaga’t kasabihan na kahit ikaw eh mapapaisip kung naintindihan ba talaga nila.

2. Pagkain

 A. Wag kang patay-gutom. Not literally. Yung tipong pag may nakita kang masarap kainin or sa tingin mo eh masarap kainin eh kakain ka. Tapos dun sa mahal pa. Tandaan mong may mga taong sapat ng kumaen tatlong beses isang araw. Kapag nate-tempt kang kumain for indulgence at hindi lang dahil sa nagugutom ka, ilagay mo sa isip mo yung mga bata sa kalsadang hindi kumakain. Hindi naman masama mag-indulge, ang siste lang eh hindi dapat araw-araw. Meron akong kakilala na sa lahat daw ng bagay eh hinding-hindi niya panghihinayangan gastusan ang pagkain. Pero sabi ko, dapat mong tandaan na merong tinatawag na GLUTTONY. Hindi sa lahat ng oras kailangan ng katawan ang pagkain. 

 B. Matutong kumain sa pangmahirap na kainan. Pwedeng karinderia na nag-oofer ng student meals, turo-turo na other term din na karinderia ( pampahaba lang ng text post), lugawan,  pwede ngang magbaon na lang etc. Ang mahal na pagkain at ang pagkaing mumurahin eh pareho lang nakakabusog. Kung gusto mo talagang makatipid, eat wisely(practically).

 C. Kapag nakikipag-usap sa mga kaibigan, bumangka sa usapan. Idaan mo sa sense of humor kumbaga. Tapos more more dukot na lang sa mga hawak nilang pagkain. Hindi na nila mahahalata yun. Nakipag-socialize ka na, nabusog ka pa. Medyo nagmukha ka lang buraot at literal na patay-gutom pero at least nakatipid ka. Wag mo nga lang sanayin. Minsan lang pag kailangan na kailangan lang talaga.

3. Sasakyan

More more dyip. Wag ng mag fx o mag-taxi. Kahit ano sa mga yan ang piliin mo, makakarating-at makakarating ka sa pupuntahan mo. Lalo na kung di ka naman Jeprox, walang karapatan mag-inarte sa init. Muli kong ipapaalala na isa kang Pilipino na nakatira sa Pilipinas. Given na yung init, traffic, polusyon, baho at kung ano-ano pa. Kung ayaw mong ma-late, gumising ng maaga. Kung ayaw mong mainitan, manahimik ka sa bahay. Simple. Nasa Equator ang Pilipinas kaya wala kang karapatang magreklamo tungkol sa init.

Kung malapit lang naman ang pupuntahan o walking distance ika nga, maglakad na lang. Sabi nga sa isang TV ad, sayang ang Miles. Kung ayaw mo maglakad kase matagal, tumambling. Mas mabilis. Mag cartwheel ka, mas mabilis ng konte.

4. Save Wisely

Kahit pa anong gawin mo dun sa mga naunang nabanggit, magiging walang kabuluhan kung wala to.

 A. Iwanan ang ipon sa bahay. Mahirap pigilin ang sarili kung alam mo namang dukutin ang wallet mo at kunin ang pera. Hinding-hindi nauubusan ng biglaang pangangailangan ang tao lalo na ang isang estudyante kaya hindi maiiwasang mabawasan ang ipon lalo pa kung dala-dala mo.

 B. Wag pagsamahin sa iisang wallet ang ipon at ang panggastos. Likas ang katangahan sa tao kaya hindi mo mamamalayang ubos na ang inaakala mong naiipon mo.

C. Kung iiwanan sa bahay ang ipon, itago itong mabuti. Andaming elemento* sa bahay niyo na hindi mo aakalaing banta sa ipon mo. Lalo na kung wala kang sariling kwarto.

* A.1 KAPATID - given na to. Self-explanatory.

 A.2 NANAY

- wag na wag mong sasabihin sa nanay mong nag-iipon ka. May mga pagkakataong pwede silang mag-take advantage. Kahit may pera eh magpapaawang wala tapos kung ano-anong sasabihin. Kesyo kulang pambayad sa kuryente, tubig, renta at marami pang iba.

 - wag mo basta-bastang itatago kung saan. Laging nagge-general cleaning ang mga yan.

 - wag maniniwala sa utang.  Mahirap maningil ng magulang. Baka isumbat pa ang pagpapalaki sa'yo, wala kang laban.

 * Gamitin mo instinct mo. Hindi ko sinasabing pagdudahan mo ang magulang mo sa lahat ng oras. Mararamdaman mo naman kung may pangangailangan talaga ih. Sa ganitong panahon, pwede mo ng isipin yung sakripisyo nila sa pagpapalaki sa'yo para bukas palad kang magbigay. Wag ka ng maningil, kapal naman ng mukha mo.

 

D. Mag-ipon sa banko. Ito ang pinakabest na mapapayo ko. Wag yung saving tapos may ATM ka. Walang kwenta yun. Dapat yung hindi mo pwedeng ma-withdraw sa oras ng gusto mo.  Malaki ka na, hindi mo na kailangan pang turuan kung paano mag-apply sa bangko. Dun ka sa bangko na kumikita ng interes ang pera mo ha.

Yung iba diyan parang kalokohan lang. Yung iba talagang makatotohanan. Nasa sa'yo na lang kung paano mo gagawing epektibo kase lahat yan, sa maniwala ka’t sa hindi nagawa ko na.

 Maraming nagsasabi na para lang daw sa mahihirap ang pag-iipon. Para lang sa mga kapos at may matinding pangangailangan. Tandaan mong kahit gaano ka pa kayaman o kapulubi na gastador, waldasero, one-day- millionaire, galante kuno etc., kailangan mong matutunang mag-ipon. Kumbaga, turning point yan ng pagkatao mo.

 Tandaan mong wala ako habambuhay para paalalahanan ka. Walang mawawala sa'ken kung hindi ka maniniwala. Andito lang ako para mag-trigger, mag-suggest. Sa huli, kailangan mo pa ring matuto sa sarili mong pagkukusa. Sa sarili mong kagustuhan kase ang pinakamortal mong kaaway eh ang sarili mo din.

Huwag mo kasing iniipon

Ang problema sa ilang relasyon kaya ang bilis bilis lang ng tinatagal nila e iniipon nila ang kasalanan ng isa at bigla na lang ibubulyaw sa kanila ang mga ito. Tipong akala mo napalampas at napatawad ka na tapos bigla na lang sasabihin, “e ginawa mo na sakin dati yan e” alam mo yung sakit nun? Akala mo hinde na damay ang dati pang ginawa mo pero nandun pa din?

Ibang usapan yung sinadyang kasalanan sa hinde naman namamalayan. May ilang bagay sa isang relasyon na hinde dapat iniipon, sa halip dapat tinatapon at tinatabunan ng pagpapatawad at pagpapasensya.

okaay. good afternoon.

nakita ko na yung gusto kung bilhin.

  • Yung kwintas
  • Panyo na batman
  • bag
  • yung iba pinag-iisipan ko pa.
  • T-shirt na batman (walang mabili na gusto namin design so, hanap pa o kaya papagawa)

HAHAHA! kelangan ko pa mag-ipon! :)))))

Baon.

Mga nakakainis sa baon:

  • Kapag natapon ang sabaw ng baon mo
  • Kapag natapon ang sawsawan ng baon mo
  • Kapag natapon ang tubig mo dahil nakabukas pala
  • Kapag nakalimutan ni mother ang kutsara at tinidor. Magkamay tayo haha
  • Kapag naiwan ang baong pera dahil nagmamadali o andyan na ang service

Masaya sa baon:

  • Masarap na ulam
  • May kasamang dessert pa si mommy na nilagay
  • Hindi natapon ang kung ano mang sabaw o sawsawan
  • MALAKING AMOUNT NG PERA

This is my Summer Money

Whew. I can’t believe I survived last year’s summer with the same type of ‘funding.’, through coins. 

Sa sobrang wala akong pera last year, nagalaw ko yung iniipon kong mga barya para makaluwas. Literal na barya talaga yung binabayad ko. At ang bigat lang nya dalhin.

This summer, ayun na naman ang nakikita kong solusyon para ngayong summer. Hindi kasi ako nakaipong ng 'normal’ bilang panustos sa mga babalakin kong pag-alis (na madalas eh konti lang naman) ngayong summer bilag wala namang baon.

Start ng school year ako nagsimulang mag-ipon. Originally, this is intended for the Santa Ana Project (kaso may nakahiwalay naman na na funding yun na nasa pautangan ngayon. at sana makabayad sila on time. haha) At tutulungan naman ako ng daddy ko sa project kaya nakaluwag. Thank you so much Dad!

At there, nakita nyo naman na ang alkansya ko ay strabucks cup. Hahaha. Yeah, I am one of those people na sobrang bihira lang mag starbs kaya inuuwi ko yan, at ginagawang alkansya. Hahaha. Cheap ba? Hahaha.

Tapos sasabihin nyo rin na kung yung pinambili ko sana ng kape eh sinama ko na lang sa ipon ko, ehdi sana mas marami pa yan. haha. Naiisip ko nga rin yan eh. Baka nga yung ipon ko dun sa lalagyan ng kape eh maipambili ko rin ng kape in the future. 

Kaya naman Starbucks cup yung gamit ko eh kasi

1. May butas na sya. Swak ang piso. yung lima tsaka sampu eh kaya namang ipilit

2. Transparent. Nakikita ko ang progress ng pagakyat ng pera. Namomotivate akonng mapuno pa lalo. Mas lalo na kapag malapit ng mapuno esp sa may dome part. Nakakakilig.

3. May pangalan ko. Akin yun. Bawal mangupit.

4. Ang mahal ng binayad ko sa kape na yun eh. Sayang ang lalagyanan. HAHAHAHAH!

Yung picture ay bago namin ipamalit yung mga barya sa local na sari-sari store dito sa amin (nadala na kasi mabait). Eh nakakapanghinayang na mawawala na yung mga coins ko eh. :(( Sayang ang mga memories, naattach na kasi ako at ang tagal naming magkasama. Hahahaha.

Pero seryoso, nakakapanghinayang din na pakawalan pero kailangan eh.

Hmm, naka 4k worth pala ako sa ipon kung yun! Oha! Sinong mag-aakalang 4k na yung mga baryables na yun. mga isang venti, dalawang grande at isang regular sizes na cups yun. Halo-halong piso, lima at sampu.

Ciao.

Gusto kong bilhan yung sarili ko ng isang bagay pero hind ko kaya, kasi hindi ako marunong mag-ipon.

Gusto ko niyan, gusto ko non.Kaso wala naman akong pambili. Mahirap ‘pag wala kang sariling pera. Hindi ka makakabili ng gusto mong bilhin para sa sarili mo. Kahit na sabihin nating mag-iipon tayo, magagawa ba natin? Ang hirap mag-ipon ano po? 'Pag nakita mo yung pera mo na madami na, kukulo si tiyan, mauuhaw si bibig, madudumihan si damit, magpapakita si KFC at si McDo sapatalastas with matching tag lines na nakakaengganyo, samahan mo pa ng isang kaibigang nagyayaya na mag-mall daw kayo.

Ang hirap mag-ipon. Kasi maraming bagay na uunahin. Pero dapat di ba, unahin yung sarili kaysa sa iba? Eh pano naman sila? Pano naman yung iba? Ang hirap palamigin ng pera sa mga kamay, kaya gusto ko ng matuto mag-ipon para mabilhan ko man lang yung sarili ko ng isang gamit, hindi yung puro pakainin lang ang bibig.