intstant

THE TIME FRAME OF 'PAGHIHINTAY'

Sana may sneak peek din kapag naghihintay. Yung kahit 5 seconds preview para mabigyan ka man lang ng ideya kung may patutunguhan ba yung paghihintay mo o wala. O kung hindi man yun posible, sana kahit demarcation line man lang para alam mo kung hanggang saan at kelan ka lang maghihintay. Para kapag lumagpas ka sa time frame ng “waiting”, may sisigaw sa'yo ng, “Hoy! Mukha ka ng tanga diyan! Time’s up!”

Nakakapagod maghintay sa isang bagay na di mo naman alam kung darating pa ba or sadyang nalate lang. Hindi mo alam kung para ba talaga sa'yo o saksakan ka lang talaga ng assuming kaya cnclaim mong sa'yo.  

Paano na lang kung habang hintay ka ng hintay, may naghihintay din pala sa'yong iba?

Kaya minsan, pinagtitiyagaan na lang nating angkinin ang isang bagay kahit hindi naman para sa atin. Nagsesettle na lang sa kung ano yung ‘intstant’ at sa kung ano na lang yung andiyan sa takot na mawalan, maubusan o mapag-iwanan. Kaya siguro may mga taong hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinagsisisihan ang mga maling desisyon nila sa buhay. Pabigla-bigla kasi. Pero pabigla-bigla pa rin ba yung tawag dun kung naghintay ka na nga ng napakatagal? Jusko. Ang gulo.

Siguro, konting hintay pa. Naghintay na din lang, eh di panindigan na. Wag mo na lang isiping may hinihintay ka para di ka matagalan. Nasasabi mo lang na “nakakapagod maghintay sa wala” dahil naghihintay ka pa lang. Akala mo lang “wala” pero meron! meron! meron! At masasabi mo lang na meron 'pag andun ka na mismo. Minsan pinaghihintay ka hindi para paghintayin lang. Kundi para namnamin mo muna yung bawat oras habang naghihintay ka. Para kapag andun ka na, wala ka ng ibang iisipin kundi yun lang.

Ang gusto ko lang naman ay dumating na yung order kong lomi. Gutom na 'ko.