inspiredkada

How Sweet of a Girlfriend I'am?

  Hi! :) Naisip ko lang toh kaya sensya na.. :)

Okay…                                                                                                       

      Sabi nila sweet daw ako na kaibigan, anak, kapatid at GF. Yup! I don’t find it hard too believe because it is very TRUE. Kasi I’m the kind of person who will cherish you if you are my friend. I will show it in a way that would make you smile or laugh. Pag may Birthday ang kaibigan ko nagbibigay ako ng regalo, or sumusulat ako ng letter. But enough of me being as a friend.

    Kung ako GF mo lagi kang pagod pag ako nakasama mo. Masakit din siguro katawan mo pag-uwi  ng bahay niyo kakahampas ko sayo. Masakit din siguro ulo mo kasi sobrang dami kong sinabi nung magkasama tayo. Siguro sasakit din paa mo sa kakalakad natin (mahilig ako mag lakad eh). Masakit siguro yung mga braso mo sa dahil sa mga kagat ko. Masakit din likod mo sa kakapasan sakin. Higit sa lahat! Inis kana siguro dahil nagmumuka akong EWAN na kasama mo. Ang sweet ko noh?     

   Daming masakit sayo noh? Kaya siguro ayaw mo na ako maging GF, o iniisip mo na BRUTAL ako na GF. Pero MALI KA! Hahaha! Kung Boyfriend kita, kahit saan man tayo mag punta basta kasama kita okay na sakin yun. Kahit wala kang gift tuwing monthsary, at binati mo ko tuwang-tuwa na ako. Kahit mag laro ka ng DOTA, LOL, BB,  etc. basta nag paalam ka at alam kong ligtas ang gagawin mo, hindi ako magagalit. Sasabihin ko pa nga “Sige! Galingan mo ha!:*" Kahit kasama mo tropa mo okay lang, basta alam ko na ligtas ka. Pag pinawisan ka naman pupunasan ko pawis mo. Pag malungkot ka aba! papasayahin kita..Kasi gusto ko lagi kang nakangiti. Kaya kita kinakagat, hinahampas kasi nanggigigil ako sayo. Ang saya mo kasi kasama. Pag-uulan sasabihin ko sayo "Huwag ka mag paulan ha!" . Syempre lahat naman para sakin pwede mo gawin basta TAMA lahat. Pag may problema ka, malamang makikinig ako sayo. Pag magkasama din tayo bihira ang tahimik, kasi ang dami ko sayong kwento.

      Ako naman wala akong hinahangad na ibibigay mo tuwing Monthsary or Anniv. ‘man yan. Makasama ka lang okay na talaga. At kung GF mo ko at ikaw ang BF ko SWERTE AKO kasi mahal mo ang isang tulad ko. At isa pang bagay kung bakit ako sweet? Mahilig ako mag sulat. Kaya Kahit anong araw humanda ka kasi bibigyan kita ng notes, or letter, para lang malaman mo na mahal na mahal kita. Yan! that’s me :) Simple lang naman para maging masaya ako kung BF kita. Basta nanjan ka lagi, handa ka makinig at tiisin ang kabaliwan ko, masaya na ako. :)

Yan oh.. mga nabigay ko na letter at notes sa EX ko. :)