inadoptable

bakit mo sila crush
  • ayon kay @dettsu at @stilestatofry
  • arron: si arron yung lehitimong college jockey crush mo yung wala kang choice eh gwapo sya at mabait at approachable kahit na sobrang misleading ng scruff nya kaya crush mo sya kahit di lantaran, yung tipong low-key yung kilig mo kasi nga nakakatuwa at magaling syang bata ignore mo na lang yung killer biceps nya at amazing dorito shoulder to waist ratio
  • joem: si joem kasi yung tipong manang crush hahahahaha all the titas and lolas love him ganyan kasi ang cute nakakatuwa at ang bait ng mukha ang sarap pang pisilin ang mukha at misleading rin yung facial hair nya as in kislap kislap pati yung mata nakangiti sayo ganyan para syang naglalakad na teddybear at ang warm ng mga yakap nya yung dalisay nya nakakahawa isa syang spiritual cleansing pag naexperience malulunasan mga sakit mo at mabubura lahat ng mga problema mo
  • alex: si alex yung gagong friend mo sa kanto na laging andyan nakatambay tas ayaw mong pansinin pero puta nag-eexude sya ng kagwapuhan kahit initially di mo sya type he just grows on you kasi kakaibabe yung appeal nya tas pag nadagit ka na ng mga pagtaas-taas nya ng kilay at ng nunal nya sa pisngi wala ka nang takas
  • paulo: si ploo yung habulin HAHAHAHA na you dont want him pero gwapo sya eh kaya naiintindihan mo kung bakit habulin pero deep inside alam mo nerd sya na you want to protect and he has this certain charm na maliban sa objectively gwapo sya, meron syang talino at pagiging dweeb na tinatago at gusto mong maging confident sya sa ibang aspects ng pagkatao nya kasi di lang naman sya gwapo kasi he's so much more ganun at gusto mong ilabas nya yan lahat
  • art: jusko si sir art may sOMETHING SIYA NA DI KO MAEXPLAIN lalo na yung tikas at tindig nya dun pa lang nahuli ka na tas shit yung boses nya at kung paano siya magsalita lalo na kung ingles wala kang choice kundi mahumaling as in kung nag-usap kayo hahayaan mo lang syang magsalita papakinggan mo sya buong gabi kahit wala na kayong gawin maliban dun pakikinggan mo lang sya magsalita tatango ka na lang para umoo sa mga sinasabi nya kahit pagbasahin mo sya ng yellow pages makikinig ka pa rin
  • archie: naku po kakaiba rin to pero kasi sya yung tipong best friend mo na hindi mo namamalayang nafa-fall ka na pala unti unti mong narerealize yung kagwapuhan nya dahil nadadaan ka nya sa kwela at pagpapatawa pero di nya alam at di sya aware na nadaanan na rin nya puso mo
  • mon: ay dios por santo si mon pag nginitian ka nya at lumabas dimples nya itago mo na diwa mo beh kundi lulundag ng kusa ang diwa mo sa kawalan super duper bait at talented at mahal na mahal nya ang ginagawa nya at tinatrato nya with so much sweetness ang kanyang mga tagahanga na kahit hindi pa kayo pakiramdam mo alagang-alaga ka na nya
  • epy: hahaha si epy yung tipong hinahangaan mo muna dahil ang galing nya sa mga ginagawa nya pero unti unti mo ring narerealize na gwapo rin sya yung tipong bonus na lang yung cheekbones nya sa talent at ugali nyang maganda na di naman maipagkakaila
  • john: ay nako makuha ka sa bigote at sa tingin super bait at tatay vibes sa lahat ng tao kahit na naging luna sya hindi mo maiisip na capable syang magalit sa kahit kanino tapos ang dami pa nyang aso na inadopt galing sa shelter kaya alam mo may ginintuan siyang puso alam mong kayang kaya ka nyang alagaan at kaya kang panindigan pero syempre bago siya naging crush mo o nobyo mo ay mamamayan muna sya ng bansang pilipinas