immissnobody

Dear Girls,

 Hindi porket tinetxt ka niya at chinachat may gusto na siya sayo, minsan kasi na eenjoy niya lang yung company mo. Pag sinabi niya sayo na komportable siya sayo, hindi ibigsabihin nun may gusto na siya sayo. Hindi porket lagi ka nia inaasar may gusto na siya sayo. Hindi porket madami kayong things in common meant to be na kayo, Isang kagaguhan yan. Hindi lahat ng gagawin ng isang lalake bibigyan mo ng meaning. Wag ka magpapapaniwala masyado sa mga stories sa wattpad. Hindi ganun ang buhay.  Minsan kailangan nio rin imulat ang mga mata nio sa realidad, hindi habambuhay magtatago kayo sa likod ng mga Fantasy Romance. Hindi lahat ng nangyayari dun totoo. Walang lalake na katulad ni Sexylove, ni Stephen, ni kent pati ni Top. Lagi niyong isipin na babae kayo, madami kayong choice, wag mag settle sa lalaking hindi ka naman pinahahalagahan. Dun ka sa lalaking mas Mahal ka kesa Mahal mo, sa lalaking Mas Mahalaga ka kesa pinahahalagahan mo, yun yung lalaking makakasiguro kang hindi ka bibitawan. Iwan ka man niya, yun ay dahil may dahilan siya, hindi dahil lang may nahanap siyang iba. Alam kong hindi mo mapipigilan ang umasa, pero sana alamin mo yung limitasyon mo. Kung talagang gusto ka niya, hindi mo kaialangan umasa. wag kang magsesettle sa ½ or ¼ na pagmamahal, always aim for the whole thing. Walang babae ang dapat pumapayag sa patingi tinging pagmamahal lang. Don’t settle for less. Keep your heels, head and standards high. 

"Matuto kang DUMISTANSYA."

Ang daling sabihin niang Linyang yan ehh. Napaka dali! Pero pag ikaw na ang nasa posisyon baka di mo magawa. Ang daming nagpopost nian. Ang tanong ko? Naramdaman niyo na ba yang pakiramdam na kailangan mong dumistansya sa isang tao na napalapit sayo? Kung hindi pa, wag kang magsalita at manahimik ka dyan, dahil di mo alam ang pakiramdam! Di mo alam kung gaano kahirap! Hindi mo alam na may point sa buhay nia na naisip niang gawin yan pero di nia kinaya. Kung magpopost ka ng ganyan para lang makakuha ng notes or kahit anong impression pa yun, pinapayuhan na kita wag mong gawin yun. Dahil wala kang alam sa nararamdaman ng mga taong kailangang dumistansya. Bago mo sabihin yan, ilagay mo muna yung sarili mo sa pusisyon nung taong pinagsasabihan mo, tsaka mo sabihin “Matuto kang DUMISTANSYA.” Tanga ang tao, isang malaking Tanga! Kahit na mali, ginagwa dahil gusto nila wala kang karapantang pigilan sila! Kuha mo?

Daniel Padilla

Last April 26 1995, a Baby Boy was Born Named Daniel John Ford Padilla. He came from the well-known Padilla Clan. He is the Son of Karla Estrada and Rommel Padilla. He is a Son and a very caring Brother to his siblings. He soon became an Actor in the Gimik 2010, and bacame popular in the successful show on ABS-CBN Growing Up with his co Stars Kathryn Bernardo, Julia Montes, Diego Loyzaga, Niel Coleta and Yen Santos. He was Paired with the very Beautiful Kathryn Bernardo and they became the Very Well-known Love team in the Local television. He is now working on his current project Princess and I with Kathryn Bernardo. He has the most amazing Smile that made every Girl go gaga. He simply captured every girl’s Heart with his Swag Personality. He is now the Hottest boy in town and Surely the Next Big thing in the history of showbizness.

“One thing for sure, I will Always be Proud of this Boy. Always.”

Wattpad

I discovered this site 2 years ago because of tumblr. May nakita akong post with link nung story. Tapos yung story na yun, yun yung In Search. Yun yung unang story na nabasa ko sa wattpad and grabe yung ending nia pasabog! Then I started searching for new stories dun ko nakita yung That girl 1 then dun na nagstart yung pagka adik ko sa mga stories sa wattpad. Nasaksihan ko ang pagbabago ng wattpad ang pag alis at pagdating ng mga bagong writers. And to be honest mas maganda yung dating wattpad. Every story is unique. Hindi tulad ngayon lahat na lang gusto gumawa ng story kahit masyado ng cliche yung story nila. Paulit ulit nalang yung mga plot wala ng bago. Di na ako halos nagbabasa ngayon sa wattpad ang binabasa ko na lang eh yung mga stories ng mga favorite kong writers kasi yung ibang mga stories wala ng kwenta. Sobrang dami na ding characters ng wattpad sa Facebook, grabe lang!

Pagbabago

Nakakalungkot isipin na yung mga taong sobrang lapit sayo unti unti ng naglalaho. Isang araw nagising nalang ako wala na, di na katulad nung dati. Bigla bigla nalang silang nawala ng walang pasabi. Ngayon ko naiintindihan na hindi lahat ng kaibigan mo ngayon, mananatili hanggang sa dulo, madaming aalis at madaming darating. Tama si Paulo lumilipas ang panahon maraming nagbabago. Umpisa na ng isang malaking pagbabago sa buhay ko, hindi ako handa! Pero naisip ko baka ako nalang pala yung nahuhuli at napag iiwanan ng agos ng buhay baka kailangan ko na din baguhin kung ano ako dati, di dahil yun ang gusto nila pero dahil yun ang dapat mangyari. Magbabago ako para sa ikauunlad ng sarili ko at para narin mahanap ko yung mga taong kayang manatili sa buhay ko kahit sa paglipas ng panahon.

Appreciation

All my life I never felt appreciated. Yun lang naman gusto ko eh. Lahat naman tayo gusto makaramdam ng appreciation eh. Halos lahat ng bagy nakukuha ko, yun lang hindi. Minsan iniisip ko, Ano bang mali sakin? Nakakasawa na kasi yung gantong pakiramdam. Yung kahit anong gawin mo, hindi enough. I’m not seeking for attention, just appreciation. Maybe Someday I’ll find a person who can appreciate me.