imissphil

daily routine.

Pag ako bumalik ng pilipinas maninibago na naman ako siguro. kse pag bakasyon halos di ko na alam yung araw at yung date. sobrang wala akong pakialam. pero dito lagi kong alam e. haha. panu ba naman.

  • monday

ordinary day. wala lang. nasa bahay lang kame kase nasa work aking ama. kung gagala man kame minsan pupunta kame kila mare nya. minsan naglalakad kame sa farmer’s jack. (yun ay kung maaga kong nagigising)

  • tuesday

PIZZA DAY! eh kase pag tuesday ang pizza dito half prize lang. kunware 12$. magiging 6$ lang yun pag tuesday. kaya lagi kaming nabili dalwa lang :) tas puntang woolworth.

  • wednesday

kuhanan ng basura? haha. wala akong maisip e. :) dito kase lahat ng bahay merong dalwang malaking trash bin. free lang yun sa goverment. yung isa e biodegradable at syempre non-biodegradable yung isa. sobrang nakakatuwa kase napaka disiplinado ng mga tao dito. talagang segregated . 

  • thursday

eto siguro yung paboritong araw ko sa lahat. thursday kse lagi kaming nasa rockingham mall. panu ang mall dito pag weekdays at S&S e 7am to 5pm lang. pero pag thursday e 7am to 9pm kaya kame nagpupunta. pag MTW kase 5 umuuwi daddy ko e. kaya di kami nakakapunta.

  • friday

pag friday naman. e 3:30 umuuwi daddy ko. kaya nakakagala pa dn kame kaht papano. kadalasan napunta dun sa mga kaibigan nya. well enjoy naman.

  • saturday

halfday lang an daddy ko pag saturday kaya gala time na naman to. minsan may party :)

  • sunday

time for god? ugh. sorry po. i always woke up too late na that’s why i’m not able to attend mass :( yung palm sunday lang naattend-an ko. churi churi. 

saturday or sunday kase ang party lagi dito . puro filipino lang dn :) minsan may half.

~parang nakakapanibago na pag bumalik satin. maninibago ko sa panahon, sa mga pagkain :D eh kase ang mCdonald,chickentreat,dominos,woolworth e napaka lapit lang saamin. paguwi sa pinas 30 minutes pa bago makarating sa tanay. ugh. pero ok lang yun :) mas masaya parin naman kase sa pilipinas e. kht lahat ng kaartehan ko dito ko nalalasap iba parin talaga pag kasama ko yung mga friends and family :) sabi nga e “there’s no place like home.” tunay naman yun e :)