iibigin

Baka kasi hindi talaga tayo?

Baka kasi pinapaglaruan lang tayo ng tadhana?
baka kasi pinaparanas lang sa atin yung sarap ng pagmamahal, pero may sarap ba talaga sa pagmamahal kung tayo ang nagsasama?
baka kasi, pinipilit lang natin? baka naman kasi nakalaan tayo sa iba?
baka kasi pinipilit lang natin na maging tayo kahit na yung tadhana ayaw na sa atin?

Hindi kaya hanggang dito lang tayo?

Ang sakit sakit na kasi eh,
at alam ko nasasaktan na din kita.
hindi ko alam sa kung anong paraan pero, alam ko at ramdam ko na ayaw mo na.

Itigil na lang kaya natin to?
itigil na kaya natin to?
Sumuko na kaya tayo?

Sabi ko sa sarili ko minsan, gusto ko na. gusto ko nang tumigil sayo.
Pero dumadating yung punto na, lumalakas yung pintig ng puso ko at iibigin nanaman kita.

Pero sa tuwing nagaaway tayo, at hindi nagkakaintindihan, pumapasok sa isip ko na wakasan nalang natin ang lahat lahat.

Siguro, hayaan nalang natin ang panahon na magpatila ng ating katiting na nararamdaman para sa isa’t isa.
malay naman natin kasi… tayo pala, sadyang pagsubok lang ang mga ito diba?

BAKA KASI TAYO NAMAN TALAGA?
Sadyang malupit lang ang pagsubok para sa atin?

Baka kasi, TAYO NAMAN TALAGA?
Sadyang madami lang problema ang dumadating.

Baka kasi, nagugugluhan lang tayo dahil sa dami naman ng nakapaligid na pagsubok na pilit tayong pinaglalayo at tinatapos ang kung anong mayroon sa atin diba?

Siguro, kailangan lang maging malakas.
Siguro, kailangan lang maging matatag.

Baka kasi yung “hindi tayo talaga” nakuha lang ng mga isip natin dahil sa hirap ng pinagdadaanan natin? baka kasi, pinagtagpo na tayo pero sinusubok lang tayo.

—  Ang gulo mo kasi, Tadhana

Heto na naman tayo!

Pag-uusapan ang salitang LOVE AND RELATIONSHIP.

But let’s focus sa mga grupong hindi pinalad sa PAG-IBIG.

At kung ikaw ay kasama sa mga grupong SAWI.

Don’t stop reading this.

Ready ka na ba?

Let’s go!

Maraming tao ang umibig, ngunit nasaktan.

Umibig ngunit UMASA.

Umibig ngunit hindi nasuklian ng tamang PAG-IBIG.

At marami pa rin na umaasa at patuloy nagpapakabaliw sa PAG-IBIG.

Pero, ang tanong…

Kung nasaktan ka na, may pag-asa ka pa rin bang magmahal muli?

Kaya mo na bang magmahal muli?

Kaya mo na bang magmahal ng tama?

O takot ka pa rin masaktan?

At takot umibig muli?

Kung ako ang tatanongin mo…

Siguro nga kaya ko na, at hinihintay ko na lang yung pagkakataon, at ang taong iibigin ko ng WAGAS at FOREVER.

Pero ang tanong…

Paano ko kakayanin?

Kung ang salitang PAG-IBIG na nagpasaya sa’kin.

Siya rin pala ang bibigo ng PUSO kong SAWI.

Simple lang yan, kung naging SAWI ka dati. Ngayon mas marunong ka na, mas naiintindihan mo na ang tunay na halaga ng salitang PAG-IBIG.

Naalala ko nung unang beses nakapaghiwalay yung ex-girlfriend ko.

Sa una takot at insecure ako kasi iniisip ko yung sasabihin ng ibang tao.

Iniisip ko na may magiging kulang sa buhay ko, at akala ko siya lang yung taong magpapasaya sa’kin.

Pero, na-realize ko.

Hindi lang pala siya.

Kaya ko rin pala maging masaya na wala siya.

Kaya ko rin pala maging masaya na kasama ko ang sarili ko at ibang mga tao sa buhay ko.

Friends,

Minsan takot tayong magmahal kasi umaasa tayo sa pagmamahal ng iba.

Kasi naniniwala tayo na ito lang yung pagmamahal na magpapasaya sa’tin.

But…

Friends, hindi totoo yun, ang tunay na pagmamahal nagsisimula sa’yo, nagsisimula sa puso mo.

Kasi may bahagi diyan sa puso mo, na si Lord lang ang nakakapagbigay ng PAG-IBIG na hinahanap mo.

Maniwala ka man sa’kin o hindi.

May pag-ibig na si Lord lang ang magpapatunay sa’yo .

Kaya kung ako sa’yo.

Mag-try ka magmahal muli, huwag kang matakot. Kasi kung SAWI ka dati, ibig sabihin mas marunong ka na ngayon.

And always remember,

Hindi mabubuo yang puso mo kung hindi mo susubukan magmahal at magpamahal sa ibang tao.

Sa Pag-ibig, hindi kailangan minamadali o kaya pinipilit ang isang bagay na  impossible pang mangyari sa kasalukuyang panahon. Sabi nga nila kapag nagmahal ka, dapat matuto ka ng maghintay at magkaroong ng mahabang pasensya para sa mga haharapin mong  sitwasyon ng magiging karelasyon mo o sa taong iibigin mo at magiging parte ng puso at buhay mo. Para sa mga lalaki, kapag ikaw may mahal ka na hindi pa handang sabihin yung tamis ng kanyang “Oo” dapat matuto kang maghintay at wag ipilit na sabihin ka kagad ng salitang “i love you” kung hindi pa naman niya talaga ito nararamdaman sayo. Ang bawat babae kasi madali lang paibigin. Pero yung fact na 100 percent sure na talaga kami na mahal na talaga namin yun guy. Not sure. Hindi naman kasi ganun kadali e, oo mdaling ma fall pero hindi madaling umibig ng as in talaga. Kaya hindi ibig sabihin na hindi mo nakikita sa kanya yung mga bagay na ginagawa mo para sa kanya e, parang pinapaasa ka niya hindi ganun yun. Naninigurado lang siya na kapag sinabi niya yung word na “Mahal kita” eh yung with 100 percent feeling kilig at totoo from the heart talaga. Mas masarap kasi yun kapag totoo talaga at walang alin langan na baka ganito o ganyan lang ang gawin mo sakin kapag ganito ganyan ng lahat lahat.

Hindi kasi minamadali ang pag-ibig. May kanya kanya kasi yang tamang panahon para maging handa talaga ang lahat. Kasi kapag pinilit mo ang isang bagay na hindi pa napapanahon. Ikaw at siya mismo ang magsasakripisyo. Hindi sapat na mahal mo lang talaga siya dapat nasa gawa mo din yun kung paano mo mapapakita na mahal mo talaga siya. Ikaw nga nila. Action speak louder than words. Kaya wag ka laging umasa sa baka sakaling sabihan ka niya pabalik na mahal ka din niya. Hayaan mo na maramdaman mo ito paunti-unti. At sa mga umiibig dyan na may relasyon. Alam ko masaya na kayo. Alam ko din na masaya mag mahal, oh diba? sobrang sarap pero in the point na di kayo pagkakaunawaan at may unting nabitawan na salita. Love is patient tandaan mo. Kailangan mong kumalma at tanging isipin na magiging ok din ang lahat at ang puso mong nagmamahal ang dapat nangingibabaw sa bawat desisyon na panininindigan mo.Learn to wait.

“There is no such thing as a perfect relationship, only a strong one.”

Once may nagtanong sa akin “Ano nga ba ang sangkap sa perpektong relasyon?” ano nga ba, 1 cup of love?, 2 table spoon of trust?, 1 liter of happiness? hindi ko din alam ang sagot pero alam ko walang perpektong relasyon.

Nung bata ako lagi kong pinapangarap magkaroon ng isang perpektong relasyon pero narealize ko wala nga pa lang perpekto. sa buhay ng tao hindi binibigay lahat-lahat, hindi ka makakakita ng isang tao na iibigin mo na magiging perpekto para sa iyo. 

Isa lang ang bagay na makakasigurado ako, walang perpektong relasyon pero merong isang matatag. kasi kung hahanapin mo ay isang perpektong tao, hindi ka makakahanap nun pero kung gagawin mo ang lahat para maging perpekto para sa kasintahan mo at pareho na ang kaisipan nyong ganun tatagal kayo.

Ganun lang naman kasimple ang buhay eh, hindi mo kailangan ng madaming tao para buohin ang mundong perpekto para sa iyo minsan kailangan mo lang ang isang taong matatag at kayang gawin ang lahat maging perpekto lang para sa isang katulad mo at ganun ka din sa kanya siguro nakita mo na ang mundong hinahanap mo.

© dakilang-doodlero

Nakakamiss din pala yung magsasabi ka ng iloveyou, imissyou sa taong mahal na mahal mo. Tapos maglo-long message ka ng kung ano ano. Magkukulitan kayo sa text/tawag. Tapos kapag nalulungkot ka may dadamay sayo may magsasabing “okay lang yan” “kaya mo yan” “malalagpasan mo din yan” “nandito lang ako, okay?” yung mga ganyan. Pero sa panahon mahirap na magtiwala lalo na kapag paulit ulit ng nasisira. Minamahal mo na nga nagagawa ka pang lokohin at pagtaksilan. Mahal na mahal mo kaya kapag iniwan ka masakit na masakit. Ganyan tayo eh. Pero naisip ko hindi pa siguro eto yung tamang oras para saken para makahanap ng iibigin ay wow ang lalim jaymee. Hahahahaha pero yun nakapagdrama nanaman ako kasi kadadating ko lang and guess what? ang daming naglalampungan sa harapan ko kanina. Sa bus pa lang juskooo po liberated nga pala dito kaya ganun. Hmp, pero lampake magbebreak din sila kala naman nila forever na hell noooooo!!!! Hahahahaa hi pips usap tayo mwa