idol-ko-sya

youtube

Im her biggest fan. Once again, Rose Ann Tan.

This is when a programmer hits the note. ;)

“Minsan hindi lang drug ang may incompatibility eh, madalas tayo din.” Katawang lupa talking to schoolworks. 💊
Ps : Same concept kami ng post ni @musikoww kasi po Idol ko po sya. Haha! 😂🙌🏼

Dati rati naiisip ko kung bakit nga ba nabubuhay pa ako sa mundong to. Kasi kung malalaman mo yung mga bagay na pinagdaanan ko baka masabi mo na lang na ‘Buti buhay ka pa..’. Heard that line before with a savior. He loves me for who I am. Kahit na minsan lang kami magkita, magkausap, magkasama, di pa rin nagbabago. He will always hug me tight everytime na magkikita kami and show me that lovely smile. Yung smile na pag nakita mo, mapapangiti kana din. He is a great man with a big dream. Pero yung mga pangarap nya, hindi para sa sarili nya but for the family. He loves to crack jokes na minsan talaga or let me say madalas, corny talaga. But then matatawa kana lang dahil sa unique na pagtawa nya. He is well-known sa buong barangay namin doon. Kahit sinong tanungin mo, kilala sya at pagtinanong mo kung anong ugali nya, laging sinasabi ng mga tao na napaka bait at mapagbigay nya, idol ko sya actually. No. 1 fan ko sya kasi lagi nya naririnig kay mama na sinasabi na maganda ang boses ko, kahit di nya naririnig yun, pinagyayabang nya pa rin sa mga kaibigan nya. Nakakamiss. Sobra. Miss na miss ko na sya. Di ko alam kung bakit ganon at ngayon ko pa sya naalala kahit madalas naman sya sa isip ko. And then I saw this picture. Exact location kung saan ako nakatayo dyan, i felt the comfort of his super hug. That one last hug. I never thought that one day he will be that weak. And I pictured him again in that hospital bed. Fighting for his life. Kung hindi lang talaga ako may dengue nun, i should have given him my kidney. Maybe I saved him right? But then, umayaw sya, at hiniling na makauwi sa bahay. I know inay mameng knew that from that moment, malapit na. Sobrang lapit na. So we grant his wish. Gusto ko sana sya alagaan but then sabi nya. 'mag aral ka. Magtapos ka. Yan lang ang tanging mapapamana ng mga magulang mo. Pahalagahan mo apo.’ At kahit labag sa loob ko, pumasok ako pero lagi ko sya kinakamusta. Days passed, okay naman daw sya so nabawasan na ang kaba sa dibdib ko. Nag overtime pa ako sa school para gawin yung mga papers na kailangan sa head office ng bsp nung biglang nagtext si mama na dadaanan daw ako. Sobra akong nagtaka, kasi 1st time sasabay umuwi si mama sa akin so tinapos ko agad ang gagawin ko at lumabas na sa may gate. Nagulat pa ako na nakavan pala kami nun, sumakay ako nung pagkaupo ko, nakaramdam ako ng kaba. Lalo na nung nakita ko ang cake na paborito ni tatay tony. Tahimik lang sa loob ng sasakyan, halos walang nagsasalita. Hanggang sa humarap sa akin si mama. Mapula ang mata at ilong nya na halata na umiyak, parang tumigil ang mundo ko, 'hindi… Sana mali ang iniisip ko.’ Sabi ko sa utak ko. Matagal tumitig sa akin si mama hanggang sa yumuko sya at hinawakan ang kamay ko, sabay sabi ng mga katagang ni minsan hindi ko hiniling na marinig.

Miss na kita tatay tony. Sobra. Sana masaya kana dyan 😢😔😇 mahal po kita 😊💕