idmeetup2011

Tips para makasama sa lakad ng barkada.
  • Maghugas ng pinggan.
  • Ipasok ang tuyong sinampay.
  • Mag Mop ng sahig.
  • Pakainin ang aso
  • Linisin ang kwarto.
  • Maligo, magbihis at sabihing MA/PA alis muna ako sasama ako sa kaibigan ko manlilibre daw paalis na kasi ng ibang bansa kaya magpapadespedida.
  • Siguraduhin bago sabihin ang nasa itaas na tips, meron kang pera. Dahil wala naman manlilibre sayo at nagpapaalam ka lang.
  • At kapag hindi ka pa rin pinayagan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa gawaing bahay.
  • Sabihin mo sa kanila na

Tips para hindi ma OP sa Meetup.
  • magdala ka ng isang kakilala na tumblrista.
  • Bago kasi mag meetup 2 weeks before ito sinasabi at pinopost sa meetup page.
  • Makipagkaibigan ka muna sa tumblr, magtanong ka kung sino ang pupunta, kapag may nagsabing pupunta sila tanungin mo kung taga saan sila, at kung malapit lang sila sa inyo sumabay ka na. Dahil doon may bonding na agad na mangyayari.
  • Hindi ka ma OOP sa meet up dahil may kasama kang isang kakilala, kahit siya lang ang kausapin mo ok na, pero sayang naman ang pinunta mo kung hindi makikipagusap sa iba. Ayain mo yung kasama mo na makipagkilala rin sa iba.
  • Lahat naman ng tao approachable sa meetup, kailangan lang lakas ng loob, wag mong isiping feeling close ka sa kanila, dahil kaya nga nag meetup para magkaroon at makakita ng bagong kaibigan.
  • Kapag na OP ka pa, choice mo yan. Hinayaan mong ma OP ang sarili mo.
  • Tandaan mo na umpisang umpisa pa lang, hindi magkakakilala lahat yan. Sa meetup lang nagkita kita mga yan at naging mag kaibigan, malay mo ikaw rin sa susunod na meetup ok na rin, ma enjoy mo pa ang lahat ng meetups.
  • Sumali ka sa mga activities, dalhin mo yung 102% confidence mo dun. Makipagkilala ka, ngumiti ka, maki picture kasama nila.
Happy 6th Monthsary Tumblr!

Tama, ngayon palang yung 6 months, parang kailan lang nagkamali ako sa buwan ng tagal ng pag tutumblr ko. December 23 2010 ako nag umpisa sa mga hindi pa nakakaalam, at sa tuwing 23 ng buwan nag popost ako ng ganito, pasasalamat sa isang buwan ng ating mga pagsasama.

Ito ang shortcut ng mga pictures na nangyari sa akin sa loob ng June Month.

Ilan yan sa masasayang araw ng buhay ko, pero mas gusto ko yung pinakamasayang araw ng buhay ko, syempre yun ang makasama ang GF ko, sa mga hindi pa rin kasi nakakaalam, LDR kami at never pa po kami nag kita. Pinasok namin ang relasyon na ito dahil may tiwala kami sa isat-isa. Magkikita rin kami, kapag mabait ang panahon at pagkakataon.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa aking blog, kung wala akong natatanggap mula sa inyo eh siguro matagal na akong wala dito, siguro masasabi kong nag boblog ako sa sarili ko pati na rin sa kapakanan ng ibang tao, simple lang naman mag sulat eh, edi ishare ko na lang diba?

Maraming salamat sa mga meetups. Dahil doon nakita ko sa personal yung mga kaibigan ko dito ng ilang buwan na, marami pa rin akong kaibigan dito na hindi pa nakikita ng personal. 

Maraming salamat rin sa a4kada, dahil sa inyo patuloy na sumasaya ang ating samahan, walang iwanan mga tsong, mataas at buong buo ang respeto ko sa inyo.

Sa Followers, sobrang maraming maraming salamat sa inyo talaga.

Ky Khye, salamat at lagi kang nandiyan para sa akin.

At sa lahat lahat ng taong nandito ngayon, sa mga taong nag memessage, nababasa ko lahat ito, minsan hindi ako nakakasagot dahil hindi palakaibigan yung internet.

Ang bilis ng panahon.. Kalahating taon na ako.

Bawal na ang PLASTIK sa Muntinlupa.

Ang ATC/Alabang Town Center ay nasa Muntinlupa. Bawal na ang mga plastik doon. Dahil sa dahilan na…

Madami nang plastik sa Muntinlupa. Sa ATC ko kinuha yung pictures ng basurahan na yan. Tignan mo naman ‘to. Para sa mga pupunta sa IDMeetup sa June 12, pinapaalala ko lang na bawal ang plastik sa muntinlupa.

May mga taong ka close mo sa tumblr, pero sa personal hindi pala.

Meron palang ganun, tipong parang hindi kayo magkakilala sa oras na nagkita kayo maaring kilala mo pero yung inaasahan mong kulitan kapag nagkita kayo. Tipong sana pala hindi ko na lang siya nakita dahil mas kinakausap ka niya kapag wala siyang magawa sa tumblr niya.

Ganun daw kasi talaga yun kasi kasama niya yung mga kaibigan niya, syempre ang hirap naman mag approach kung napapalibutan siya ng ibang kaibigan niya, baka sabihin feeling close ka pa. O maaring na iimpluwensiyahan siya ng mga kaibigan niya kaya sobrang layo ng ugali niya sa nakikita mo sa ginagawa niya sa blog niya.

IDmeetup2011 - Long, tiring, happy day.

word of the Day: FAMOUS~
Haha the meetup was fun, kahit hindi ako masyado active sa games. lol sorry na, ang aim ko lang naman is to meet my Online friends and to meet new ones :)


Nameet ko na si Corinth! nastarstruck ako sa kanya, binigla niya ako di ko alam ang sasabihin ko, di pa ko nakapaghanda ng script ko. LOL joke nice to meet you Corinth, balak ko na sana lumapit nung una, naunahan mo lang ako, sa uulitin :P

Another is Yeye, ang dakilang RN at masabaw na blogger haha, natuwa ako at parang lang tayong tropa na nagtatapikan at sikuhan. lol, pasensya sabaw din ako kanina.

At sa mga famous na nakasama ko pagkatapos ng meetup. Tata (the big dick :D), Chef Nikko, Aurora and Audrey haha, mga tunay na famous. Nakita ko na lifestyle ninyo. I had fun kasama mga famous LOL, ‘til next time.

And sa mga friends na nakita ko pa kanina, I don’t know, hindi ako makalapit sa inyong lahat kanina. May ganung feeling e, nagdadalawang isip ka kung lalapit ka or hindi. haha di ko maexplain. siguro naunahan lang ako ng hiya. err haha sa susunod nalang :D

And ikaw kung nakita mo ko kanina, bakit di mo ko nilapitan? kaw talaga~ haha jk

Saka na ako magkwento ng buo, di pa uploaded ang pics. Masaya ako naging part ako ng Independence Day meetup. Sana may susunod pa. :)

eto lang mas-share ko ngayon, walang kasing bagal ang uploaders e. LOL
GO RED TEAM!

What independence?;

Which independence are we talking about? Years ago, I’ve stopped recognizing the celebration of independence of this crap of a democratic and independent country. When we speak of independence, we have to be sure of one’s actual independence, like, let’s say, Mao Tse Tung’s era of ruling in China–that is pure independence and democracy. 

But, really, which independence are we talking about? Happy Independence Day of what? The Philippines? I’m not happy and we’re not independent, we never were. Independent in which way? Our government had been dictated by imperialists and how could you call that independent? Our government is leaning on bureaucratic capitalists for their funds and not on their own because of some historical bullshit reason why we have to borrow money and be in deep debt. Our culture had always been dictated by westerners, we never had freedom for independently cultured cultures. We are scavengers of the western craps. Independently scavenging? I say generic scavengers. We’re taught to beg for everything that we aren’t and we couldn’t have.

America declared the Philippines independent over a decade ago, but which independence are we talking about? The independence that they declared but controlled? It is like saying to a 5-year old kid that he is now independent, you get my point. Independent in which way? That we need guidance of “more advanced” governments so our own government could function on its own? God bless UN. God bless imperialism. God bless feudalism. That our land is basically a pseudo-state of USA, is that independence?

We have been pets of the imperialists and pets aren’t independent. We still are in need to fight for genuine freedom and social change. This pseudo-independence isn’t what we need. Genuine liberty is what we need. Genuine and national democracy is what we need. And what we need we have to struggle for.

(Un)Happy (Un)Independence Day, my fellow pets.

Kunwari stolen shot, kita kits sa Gateway meetup. Este sa ATC meetup pala. Punta muna sa gateway dahil andun ang ibang tumblrista. Ewan ko bakit ako naka long sleeves. Baka umulan kasi, parang kapote na rin.

Sa wakas makakasama si bes keizia. O siya, mamaya na lang ang kwento. Ayaw ko kasi nang na OOP sa dashboard minsan kapag may mga ganitong meetup, kaya gusto ko at pinipilit kong sumama. Sige kita kits!

About the O.P issue...

2 statement lang nag ilalabas ko dito.

  1. Hindi role ng organizers ang ipakilala kayo sa isa’t isa ng bawat tao dun, lalo na’t ang dami natin. Hindi sila ang dapat sisihin kung bakit wala kang naka-usap o anuman during the event. RESPONSIBILIDAD ng bawat isa sa atin ang makihalubilo sa crowd at maka-usap ng personal ang mga taong nakaka-usap ninyo lang sa internet. [ito yung part na kung saan kakausapin ng mambabasa ang kanyang sarili at sasabihin na “kaya mo lang naman nasasabi yan kasi hindi ikaw yung na-o.p at meron kayong mga -kada / peymus kasi kayo], Well, pakyu sagad. Kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil sa mga taong katulad mo. Nag-e-expect ka ng mga bagay na hindi dapat i-expect at isisisi mo sa iba kapag hindi mo na-abot yung expectations mo. UNA, walang peymus-peymus dito, oo peymus na kilala pero hind yung depinisyon ninyo ng peymus na parang artista na kapag binansagan ang isa na PEYMUS ay ang hirap na nitong lapitan at para kang hindi deserving na lumapit sa kanila. Yung sa mga may -kada, hindi naman kami nangangain kapag nilapitan, malamang kung first time ka at wala ka talagang kakilala, dun papasok ang salitang EFFORT, meron naman diyan na kapag nginitian mo ay kakausapin ka na, at yung iba na katulad ko ay mahiyain talaga, pero hindi naman kami nag-rereklamo sa huli na na-O.P kami dahil ako, alam ko sa sarili ko na pagkukulang ko yun.
  2. Wala talagang number 2, joke lang to, nasabi ko na ata yata sa 1 eh. Sa susunod, kung sa tingin mo na ma-o-O.P ka lang, ipinapayo ko na gawin mo muna bago mo sabihin, walang mabuting nadudulot ang pakikinig sa emosyon/feelings mo. At kung na-o.p ka man nga sa pagpunta mo sa isang meet-up, isipin mo to.. may ginawa ba ako para hindi ma-o.p? Kung inisnab ka ng isang tumblrista, marami pa diyang iba, hindi naman siguro lahat ng nasa isang meet-up eh ii-snabin ka. 

P.S :

Pasumalang tips para sa mga baguhan sa meet-up, mapa-lalaki o mapa-babae. Lapitan ninyo ang isang tumblrista at sabihin ang linyang ito ”Ate/Kuya, may nahulog sa iyo..“, mapapalingon yan sa baba, tapos pag-tingin niya ulit sa iyo, hawiin mo yung buhok mo o di kaya basain mo yung lips mo sabay banat ng … ”AKO". Epektib yan, tried and tested. Iwas O.P.