iamjason110

One week from now, graduates na kami. One week from now, may iba’t ibang landas na kaming tatahakin. Iba’t ibang school, iba’t ibang lugar, iba’t ibang plano sa buhay. One week from now, iba na ang lahat. 

Nakakatuwang isipin na apat na taon na pala ang nakakalipas mula ng mag-aral ako sa Lagro. Naaalala ko pang mag-isa akong bumili ng uniform at patch, naligaw pa nga ako para lang mahanap ang egays na nasa harap lang ng school.

Naaalala ko pa nung first year ako. Mathay 1 101. Sampaguita daw ako. Naaalala ko pa kung paano ko dinala ang kadaldalan ko nung first day at dun ko unang naging kaibigan si Jessica. Naging close din ako sa iba. Doon ko nakilala ang una kong best friend, si Wilyne. Naging masaya ang unang quarter naming magkakasama. Kaso may isang malungkot na balita ang dumating. Magrereshuffle daw. By elective. Lahat sila umiyak, ako natawa. Eh magkikita kita pa rin naman kami e. Isang pader lang ang pagitan, kumalma lang tayo. At doon na nga ako nalipat sa Anthurium. Noong umpisa, malayo pa ang loob ko sa kanila. Naaalala ko pa noon. Tinanong ko yung gf ni Aldy kung anong nakasulat sa board, malabo kasi ang mata ko, at wala pa akong salamin noon. Hindi ko lubos akalain na magiging kaclose ko yung babaeng yun. Hi Joanna, ikaw ‘to. Naaalala ko pa yung babaeng katabi ko sa room. Yung babaeng kasabay ko pag-uwi. Pero inabandona na ako nung second year kaai lumablayp na. hahahahahaha. Hi Christine, ikaw 'to. Naaalala ko pa yung lalaking mahilig sa kpop na labis ang kalibugan sa katawan, yung lalaking poser na gago, oo Jason, ikaw 'to. Syempre, naaalala ko pa yung babaeng katelebabad ko madalas, buong araw yata kami sa telepono noon, hanggang sa may kumain sa amin kaya kailangan na ibaba yung telepono. Naalala mo pa ba to? Hi Julia, ikaw 'to.

Nagkaron ng Descartes Family, dumami pa ang kaclose ko. Sinong magaakalang tapos na ang unang taon ko sa high school. Ang bilis lang ng pangyayari.

Second Year High School. Bagong taon, bagong kalokohan. Dito ko nakilala si Mama, ang favorite teacher ko sa math. Dito ko din nakilala si Desagun, ang teacher na mahal na mahal kami sinundan pa kami hanggang third year. Dito ko nakilala si Maam Dizon, Pinakamakulit naming adviser. Dito ako unang nagdissect, unang nakilala yung crush ko na mamaya ko na ififeature, unang nagkaron ng role sa play, naging first honor sa room. Naaalala ko pa yung coca cola family, yung paglalaro ng moro moro. Naaalala ko pa yung transferee sa amin nun, si Jehann, ate naming lahat pero mas mukha pa akong matanda kesa sa kanya.

Nagkaron ako ng bagong mga kaibigan dito. Yung babaeng mahal na mahal si Kyuhyun, yung babaeng napakapossessive sa kaibigan, yung babaeng nangangagat bigla bigla, yung babaeng bigla bigang sumasayaw at kumakanta, oo Angelie, ikaw 'to. Eh yung babaeng unang girlfriend/asawa/nanay ko na mahal na mahal si Anolin, na ngayon e.. may iba na. Naaalala ko pa kung gano niya kamahal ang secret garden, kung gano kaganda ang memory niya, at kung gano niya ako minumura sa text, Hi Jade, ikaw 'to.

Doon ko unang naging close ang NG. Ang Noble Gases. Solido kami. Solidong tanga, Solidong bobo, Solidong malilibog, Solidong siraulo. Mahal namin ang isa’t isa. Siguro kung wala sila, hindi mabubuo ang high school life ko.

Third Year. Nagpatuloy ang krusada ng pagkakaibigan namin. Kaliwa’t kanang kalokohan at kagaguhan. Pero hindi siguro mawawala na magkaron ng pagkakatampuhan. Nagkaron ng away sa pagitan namin, Malungkot ang mga araw na yun. Naging sakitin na rin ako. Pero naaayos din naman kami nung birthday ko na.

February 2013, First Prom. Nakasayaw ko yung crush ko. Kinilig ako ng bongga. May blgpostpa nga siya dito e. Pero hindi yun ang nagmarka sa Pebrero ko. Oo, ikaw 'to Marco, ikaw 'to. Nakilala kita noon. Matagal na kasi kitang crush. Second year palang. Ewan ko ba kung bakit. Pero tuwang tuwa ako sa pagiging singkit mo at may salamin. Maging kulot ka lang siguro ikaw na ang ideal man ko. April 2 naging tayo. Napakasaya ko noon. Napakasaya.

Fourth Year High School. Huling taon. Himala, napunta ako sa Platinum. Masaya ako nung mga unang buwan. Magandang lovelife, magandang pagkakaibigan, magandang grades, ano pa bang hihingin ko? Pero nagkahiwalay tayo Marco. Napakalaking pagbabago ang nagawa nun sa akin. Buti na lang may Press con sa Journ at Les Miserables kaming play na nakapag paalis sayo sa isipan ko, pansamantala. Doon ko nakilala yung lalaking laging may baon, yung lalaking ibibigay sa akin yung tinidor niya para makikain sa baon niya, yung lalaking naging kasama ko sa mga panahong bitter at malungkot ako, Yes naman Ralp, may pwesto ka pala dito sa blog post na 'to, Hahaha, Noon ko din nakilala at naging close yung napakagwapo kong kaklase na crush ko noon, pero barkada ko na ngayon. Mantakin niyo yun, tropa ko ang Prom King? Hahaha, Adrian, ikaw 'to, Yiii.

Nakilala ko din yung Commonwealth People, yung Fab 5, yung Tropa, naging kaclose ang halos lahat ng Platinum. Naging masaya ako sa panahong wala ka Marco, naging masaya ako, pansamantala.

Ngayong gagraduate na tayo. Narealize kong napakadami ko palang maaalala tuwing lilingon ako sa 2010-2014. Apat na taon. Ngayon, nasa huling limang araw na tayo ng pagiging high school. Gagraduate na tayo? Hindi ko dama. Pero masaya ako, Masaya kong titignan ang nakaraanan at masasabi kong, naging masaya ang high school life ko.

04.05.13

So kahapon, chinat ko sya.

Nalaman ko lang na sa UPLINK sya. At nakakatuwa syang kausap.

I mean, wala yung thrill, pero wala din yung takot. Kasi bangag sya e.Galing sa byahe, pagbigyaaaaaaaan. 

So, dahil tanga-tangahan sya kahapon, ang gaan nung feeling. Walang intimidation. Malupet lang.

Pero hindi tungkol jan yung post ko. May isa pa.

Kuhaan ng card namin kanina. At nagkita-kita kami. Sayang nga lang, wala si Christine.

Wala kaming picture nang magkakasama, bakit? Kasi pawis kami. Alangang picturan ko sila ng ganung itsura, at ayaw din naman nila nun.

Magkakaresectioning daw. Panget na balitang narinig ko.

So, si Julia, 91 ang average. Delikado ang gaga.

At nagpunta nalang kami ng 7-11, para icelebrate ang tendency ng pagiging Platinum nya. Hindi namin sya pinapaalis. Mahal talaga namin sya e. HAHAHA. 

Naglakad kami pataas. Sa initan. Bonding daw e. Habang naglalakad, nakapulot si Joanna ng pink na gumamela. Joke, pinitas pala nya yun.  :))

So, natripan namin ang Slurpee. May art pa daw dapat. Pero si Angelie ang nakagawa ng pinakamaganda, sa Slurpee ko. 

Wag kumontra, maganda na yan. 

 

So, tumambay kami dun. At pinag-usapan namin ang iba-ibang bagay na hindi ko na naalala. 

Naubos na yung Slurpee. Kaya naman, bumili si Anna ng Pepsi Blue. 

Si Julia pa yung nagbukas, ‘te, di makapagpigil? Anyway, pinagpasa-pasahan namin yung Pepsi na Blue, kasi ngayon lang kami nakatikim nun, maliban kay Anna, na nahuli pang uminom ng binili NYA. 

So, eto naman yung picture nung Pepsi na Blue, at nung gumamela ni Joanna. 

Sweet 16th Birthday!

Sobrang saya ko kahapon. Kahit hindi ganoon karami ang pumuntang mga kaklase ko, at least may pumunta pa rin. Nag-abala pa si Hail na bigyan ako ng Cadbury! Tawa kami ng tawa habang nagkekwentuhan. Naikwento ni Hail yung mga pangyayari sa enrollment. Officer kasi sya ng Student Council at sila ang naka-assign na mag-assist sa mga mag-e-enroll.

“Happy Sweet 16th Birthday, Joanna! From: Super Junior” <— Yan ang nakalagay sa cake! Sabi ko na nga ba hindi ako makakalimutan ng all-time favorite KPOP group ko eh! Actually, nanay ko ang nagpalagay nyan. She knew how much I love them ♥

Iba’t ibang anggulo pa ng cake ang kinuhaan ko!

Nag-ayos pa ako ng buhok bago ko i-blow yung cake. Kumakanta sina Anna, Angelie at Hail nyan. 

Pagkatapos ng kantahan, kainan na! Ako ang nagsandok ng spaghetti para sa mga kaklase ko. Syempre, nasa bahay ko sila at dapat lang na pagsilbihan ko sila. Wag lang abuso ah!

Late dumating si Jason. At sobrang nagulat ako sa itsura nya! Ang gwapo nya sa long hair! Kasi sa school namin, bawal sa mga lalaki yung mahabang buhok. Yung may mahabang patilya o bieberized. Kaya napipilitan magpagupit yung mga estudyanteng lalaki kahit na ayaw nila. 

Bagay sila? Unfortunately, close friends lang talaga sila.

Hindi ko alam kung celebration ba ng birthday ko o fanmeeting ng Jasonatics!

Hindi nakapunta si Jehann kaya ipinag-drawing na lang niya ako. Sobrang galing ano? Sobrang na-appreciate ko sya. Simple lang pero ang laking tuwa ang dulot sa ‘kin.

Isa rin sa mga masarap na regalo sa 'kin ay yung finollow ako ng paborito kong blogger. Binati rin nya ako! Maraming Salamat Ate Athena ♥

Maraming Salamat po sa lahat ng bumati na at babati pa lang! Kahit na pinaalala lang ni Facebook yung birthday ko, ayos lang! Nag-effort pa rin kayong batiin ako. Maraming Salamat sa mga pumuntang mga kaklase ko. Sobrang napasaya nyo ako. Sana nag-enjoy din kayo sa bahay namin. Sa mga relatives kong ang layo pa ng binyahe para lang makarating sa birthday ko. Kahit wala po kayong regalo, simpleng HAPPY BIRTHDAY! lang masaya na ako.