hischool days

LANDI MOMENTS SA SCHOOL
  • yung lagi kang nakaabang kung kelan iinom sa water fountain si crush, tapos magmamadali ka para ikaw agad ang kasunod.
  • pag ngumunguya ka ng pako tapos siya ngumunguya ng magnet, tapos nagdikit yung lips nyo.
  • yung tinutukso kayo ng barkada nyo na bagay kayo tapos kunyari galit ka kasi ayaw mo pero deep inside kinikilig ka.
  • pag sayo nanghihingi ng papel ang crush mo, kahit araw-arawin pa nya. Nagseselos ka pag sa iba sya nanghihingi.
  • yung pagbalik sayo ng quiz paper mo, pangalan ng crush mo yung nakalagay sa “corrected by: your crush’s name” (sabog ovary)
  • when he said, “ang bango naman ng buhok mo”. Kahit kasing laki ng pinipig yung balukabak mo dun sa brand na yun, talagang yun ang gagamitin mo araw-araw.
  • yung sya yung nabunot mo sa exchange gift tapos yung binigay mo sa kanya super lagpas sa price limit.
  • pag nag-wacky class picture ikaw yung inakbayan ng crush mo.
  • pinapasulat ka ni crush sa slambuk nya, hindi mo mailagay yung under crush, kasi sya yung crush mo, kaya maglalagay ka na lang ng artista kunwari.
  • yung tatawagin mo syang pangit para hindi halatang crush mo siya.
  • yung may baon syang champorado tapos ang baon mo naman tuyo kase poor ka, kaya ayun nag-share na lang kayo.
  • yung kahit malabo yung presentation ng crush mo standing oblation ka with matching slow clap pa.