hindi na tulad ng dati

2

Nakakamiss rin pala yung mga panahon na palagi kayo magkausap. Yung mga tagpong kahit wala na kayo mapag usapan, hindi pa rin kayo nagsasawa. Nakakamiss yung mga kwento niya at mga joke niyang korni. Nakakamiss yung boses niyang sintunado sa tuwing kinakantahan ka niya bago matulog. Kung minsan hindi mo sinasadya, natutulugan mo siya.

Palagi kayong magkatext umaga hanggang gabi. Minsan nga inaabot pa ng madaling araw. kahit paulit ulit nalang yung pinaguusapan, paulit ulit pa rin yung nararamdaman niyong saya at kilig.

Hanggang sa nagbago ang lahat. Hanggang sa nawala na ang saya at tamis ng pag uusap. Kung dati wala kayo ibang pinoproblema, ngayon puro nalang away ang pinaguusapan niyo. Yung dating Masaya sa tuwing nagkukwentuhan kayo, bigla nalang tumamlay. 

Nakakamiss lang yung mga panahong yun. Hindi naman sa hindi ko naiintindihan na nagsawa siya, na napagod siya, alam ko naman un. Nakakalungkot lang naman isipin, syempre namimiss mo siya. yung kung ano kayo dati.

Kapag nagbalikan kayo ano nga ba mga posibleng mangyari?

Pros

  • Maaring maitama na ang pagkakamali na nagawa niya dati.
  • Maaring mas lumambing siya dahil giliw na giliw siya sayo.
  • Maaring mas tumindi ang pagmamahalan niyong dalawa.
  • Maaring mas tumindi ang inyong pagsasama dahil nalaman niyo na hindi niyo na pala kayang mamuhay mag-isa na wala siya.
  • Maaring lalabanan niyo na lahat ng problemang darating sa buhay niyo. Sapat na yung minsan na nagkamali kayo at mangangako na hindi na mauulit ang mga bagay na ayaw niyo ng mangyari.

Cons

  • Kung pinilit mo siya makipagbalikan at nakipagbalikan ito, siguro hindi na siya sing lambing tulad ng dati, maari kasing napilitan na lang o kaya naman sinasakal mo pa rin kahit hindi na kayo.
  • Maaring maulit muli ang mga nangyari, dahil nga sa nangyari na, paano magiging hindi posible ulit mangyari hindi ba?
  • Maaring label na lang ang mangyari sa inyong dalawa. Yung kayo, oo as in kayo. Pero may nararamdaman pa ba?
  • Maaring nanghihinayang yung isa dahil matagal na kayo, natatakot sa mga nakapalibot na kaibigan ninyo, nanghihinayang sa tagal ng relasyon at hindi sa nararamdaman sa relasyon.
  • Maaring pinagbigyan ka na lang, para matapos na ang lahat ng kadramahan, matapos na ang lahat ng iyong pagluluksa. Sa sobrang awa na lang niya sayo kaya siya nakipagbalikan.

Bakit parang ang dali para sayo na huwag akong kausapin? 

Bakit biglang dumating ka sa punto na parang kaya mo na mawala ako? Hindi ka naman ganito dati. Tandang tanda ko pa kapag magkaaway tayo– ikaw yung susuyo. Magsosorry ka kasi ayaw mong magkaaway tayo. Magsosorry ka kasi ayaw mong nakikita akong umiiyak. Magsosorry ka kasi ayaw mong mawala ako. Ayaw kong aminin, pero yun na yun eh. Kaya mo na.  Hindi na tayo tulad ng dati. Kaya mo ng nakikita akong umiiyak dahil sayo. Kaya mo ng mawala ako. Natatawa ako kasi, akala ko totoo yung mga sinasabi mo. Hanggangdulotayo. Hindi pwedeng sa iba ka at sa iba ako. Tayolangdalawa. 

Pero kahit anong pilit natin na bumalik tayo sa dating tayo. Walana. Hindi na pwede kasi pareho tayong nagbago. Siguro nagsawa ka na. Ilang beses ba naman kitang nasaktan din? Ilang beses ka ng nagpakumbaba at nagintindi. Sabi mo hindi ka na masaya, sabi mo hahanapin mo muna sarili mo. Pero bakit may iba na? Ang sakit kasi ganun lang ako kadaling palitan. 

Dumating na sa punto na ako naman yung nanunuyo sayo, kasi ako naman yung takot na mawala ka. Masakit magkaroon ng pakiramdam na hindi ako sapat para sayo. Hindi kitanapapasaya. Dumating na sa punto na naawa ka na sakin kaya binalikan mo ko. Hindi ko alam mararamdaman ko. Pero heto sumugal ulit. 

Pero may nagbago, hindi na tayo tulad ng dati. Wala ng sweetness, wala ng kilig sa bawat paguusap. Minsan pa nga sinabi mo, ‘kailangan ba talaga na magkausap tayo lagi?”

Oo nga naman, may point ka. Pero kasi, nagaalala ako. Natatakot ako. 

Baka bumalik nanaman na mawala ka. 

At sa puntong iyon.

Siguro kaya ko na 

Kahit masakit. 

HINDI SPECIAL SKILLS ANG MAGMAHAL”

Masyadong basic at effortless ang magmahal. Ito ang pinakamadaling gawin dito sa mundo. Hindi yan isang special skills. Kaya mong mahalin ang isang taong isang linggo mo lang nakikilala. ( Yung jowa nga ng kaibigan ko nirasyunan lang ng pagkain napamahal na agad sa iba. Malala eh. ) Kayang-kaya mong mahalin yung hipon na lumalandi sa’yo sa chat. Kayang-kaya mo ulit mahalin yung taong ilang beses kang sinaktan kase may masteral degree ka sa pagpapakatanga. Madaling magmahal lalo na kung ginugusto mo yung pakiramdam na nagmamahal ka. Kaya hindi mo dapat ipagmamalaking dakila ka dahil lang sa umibig ka. Maliit na bagay lang yan. Ang pinakamahirap gawin? To stay in love.

Sa dinami-dami ng taong nakakasalubong mo kapag tumatawid ka ng kalsada, nag-aabot ng pamasahe mo kapag sumasakay ka sa jeep, nakakasalamuha mo sa trabaho at mga naglalabasang nakakaakit na larawan sa newsfeed mo, makakakita at makakakita ka ng mas higit sa kanya. ( Yung mas yummy, mas mabait, mas sweet, mas malaki dede, mas bibigyan ka ng oras, yung mas malapit.)

Darating ka sa puntong mararamdaman mong “parang medyo mahal mo na lang siya.”  From “hayok sa pag-ibig” to “medyo mahal na lang”. Alam mong mahal mo pa rin pero hindi na tulad ng dati. Unting-unting nababawasan pero alam mong hindi nawawala. Falling out of love? Yun na nga siguro.

Pero ang pagmamahal ay hindi lang naman basta tungkol sa ‘nararamdaman.’ Hindi ka nagmamahal dahil lang sa rasong dito ka masaya o dahil gusto mo lang sumaya. Dahil kung ganun, gusto mo lang makinabang. Nanggagamit ka lang ng ibang tao dahil lang gusto mong sumaya. ( Eh di sana nagpa-footspa ka na lang. Masaya din yun sa feeling.)

Ang pag-ibig ay isang maya’t-mayang pagpili. Ang pagpiling mas tingnan ang kung anong meron sa kanya dahil kuntento ka na kesa sa mga pagkukulang niya na pwede mong makita sa iba. Isang pagpiling hindi dahil sa yun ang tama at kailangan o dahil sa isa lamang siyang bahagi ng pagpipilian. Patuloy mo siyang pinipili dahil sa kanya mo pa rin gustong manatili.

‘Cos staying in love needs commitment.

Pero pinakamahirap pa ring magdesisyon ~*kung saan nga ba talaga kayo kakain*~

Hindi ako galit dahil iniwan mo ako, nasaktan ako dahil sinabe mo na hindi ka aalis at mananatili ka lang sa aking tabi. Hindi ako umiiyak dahil wala ka na, umiiyak ako dahil nasayang lahat ng mga bagay na pinagpaguran ko para lang sa ating dalawa. Hindi ako nagsisi na nakilala kita, dahil pinasaya mo naman ako sa mga panahon na kailangan ko ng kasama. Hindi ako magiging ako ngayon kung hindi dahil sayo. Kaya salamat. Salamat at nawala ka na, dahil unti-unti ko ng nararamdaman na mas maganda ngang nawala ka. Hindi tulad ng dati, andito ka nga para sa akin, pero para mo na rin akong pinapatay dahil hindi mo ako pinapahalagahan sa bawat oras na magkasama tayo. Maraming salamat. 

Mga bawal kapag single
  1. Bawal manuod ng romantic at horror films. Dapat comedy lang papanuorin mo araw-araw para happy ka dahil kapag nanuod ka ng romantic at love stories, malulungkot ka lang. At kapag horror naman, wala kang kakapitan o walang kakapit sa’yo kapag gulatan moments na. Sad life. Yakap unan na lang sabay buntong hininga.
  2. Iwasang pumunta sa simbahan tuwing lunes. Huwag na huwag mong balaking magsimba at dumaan ng simbahan dahil tuwing lunes, may ikinakasal at maiinggit ka lang. For sure.
  3. Bawal magpa-load lalo na sa hating-gabi. Una dahil mapapahamak ka lang sa daan at pangalawa, wala ka nang kausap hanggang mag-umaga. Sayang oras, effort at pera.
  4. Iwasang magpuyat. Dahil tuwing madaling araw, mas malaki ang tyansa na maaalala mo siya o magkasala. Iykwim. Kaya hanggat maari itulog mo na lang ‘yan. Hindi ka na niya mahal.
  5. Bawal makinig ng mga pang-emo na kanta. Maaalala mo lang ang mga ka-jejemuhan at kalandian niyong dalawa. Malulungkot ka lang, masasaktan.
  6. Huwag tingnan ang cellphone pagkagising sa umaga. Dahil puro GM na lang ang mare-receive mo at hindi tulad ng dati na puro at tadtad ng long sweet text messages mula sa kanya. Para hindi umasa pa, iwasan mong hawakan ang cellphone sa pagmulat ng mga mata.
Hindi na tulad ng dati.

Hindi na kayo tulad ng dati, hindi na kayo yung dating masaya. Puro away na lang ang nangyayari sa inyong dalawa.

Yung dating malambing, masungit na.
Yung dating matiyaga, mainipin na.
Yung dating masayahin, malungkot na.
Yung malapit lang dati sa ‘yo. Lumalayo na.

Ilan yan sa mga nagpapalungkot sa tao kapag hindi na nila nakikita yung dating mahal nila. Kapag iba na yung inasal, sa ipinakita. Yung bigla silang gugulatin na nagbago na agad yung partners nila. Minsan, hindi nila alam yung dahilan. Parang crossword puzzle na hindi nila alam ang kasagutan. Madalas, kapag ganito yung nararamdaman, hinahanda mo na dapat sarili mo sa posibleng mangyari. Isa ata yun sa pinaka malungkot na mararanasan mo. Yung habang kayo pa, nag momove on ka na.

Short Story #1
  • Girl: Ano ba problema? Bakit ba umiiwas ka sakin? Ilang linggo mo na akong hindi pinapansin eh. Ano ba nagawa ko sayo?
  • Boy: Problema? Wala naman eh.
  • Girl: Wala pero lagi mo ako iniiwasan tapos hindi ka na tulad ng dati. Sabihin mo na kase kung bakit ka nagkakaganyan!
  • Boy: Gusto mo malaman? Umiiwas ako sayo kasi nagugustuhan na kita. Masyado ka kasing pa-fall, masyado kang clingy. Nasanay tuloy ako sa tabi mo. Nasanay ako na may ikaw na sa buong araw ko. Umiiwas ako kasi ayokong palalimin pa itong nararamdaman ko para sayo. Dahil alam ko, aasa lang ako sa wala. Aasa lang ako at masasaktan ng sobra. Dahil malabong maging ikaw at ako. Maganda ka at panget ako kaya alam kong hanggang kaibigan lang talaga ako. Ayokong sayangin ang pagkakaibigan natin pero alam mo ba, sa paglayo ko ay may na-realize ako. Na ang hina ko pala. Kasi hindi ko nagawang labanan yung nararamdaman ko. Kasi hindi ko pala talaga kaya ng wala ka. Kasi, hinahanap ka puso't isipan ko sa tuwina. Gusto kita.. nang higit pa sa isang kaibigan.
  • Girl: Pasensya na kung iba ang dating sayo ng mga kinilos ko. Hindi ko naman inakala na aabot lahat sa ganito. Akala ko kasi hindi ka mahuhulog sa akin dahil bestfriends tayo eh. Sorry pero hanggang kaibigan lang talaga tayo. Dahil alam mo namang may gusto akong iba. Sorry kung nasasaktan kita ngayon. Sorry.
  • Boy: Sorry? Aanhin ko yan kung nahulog na ako sayo? Yun na nga eh, may gusto kang iba pero nagbibigay ka parin ng motibo at rason para mahalin kita. Labo mo rin eh. Alam kong masasaktan ako kapag sinabi ko sayo 'to ng harapan, pero iba pa pala talaga kapag totoong nangyayari na ano? Hayaan mo, pagkatapos nito, lalayo na ako. At pipilitin kong mawala ang nararamdaman ko. Sana magtandang aral 'to para sayo. Huwag kang magbigay ng motibo kung wala ka namang balak sumalo.

X,

Sana maging okay na ulit tayo, yung katulad dati. Miss na miss ko na kasi yung dati, yung mga panahong lagi tayong nagaaway pero magsusuyuan din sa huli. Umaasa pa rin akong magiging okay ang lahat sa tingin ko, kahit alam ko sa sarili kong di na maayos yung tayo :) Ilang beses akong nagtry kausapin ka pero muka lang akong gago haha. Tagal na rin pero bakit di kita makalimutan, lagi kitang iniistalk sa twitter mo, sa fb. Pero nakakainis kasi napakamalimit mong magshare ng nangyayari sa buhay mo kaya gustong gusto talaga kitang kamustahin pero alam kong susungitan mo lang ako dahil wala na. Hindi na tayo yung tulad nung dati. Laki na din ng pinagbago ko dahil sayo… pero yun sana wag mong kalimutan na nandito lang ako :) haha kahit alam kong hindi mo to mababasa. Nakakainis bat ko ba to sinasabi, bakit kasi ikaw na lang lagi iniisip ko :( Alam kong masaya ka na ngayon kaya hindi na ko manggugulo pa. Sana sa susunod magkaayos na talaga tayo. Sorry sa lahat ng kasalanan ko, alam kong ang sama ng ugali ko pero ngayon nagbago na ko. Ilang beses din akong muntik makipagrelasyon pero wala eh ikaw pa rin talaga. Sana sa susunod na araw okay na ko.

:(

Dahil sa pride na yan madalas kang malungkot. Tipong may pride tayong huwag sila kamustahin dahil gusto mo ikaw naman ang unang maaalala nila. Napansin mo kasing ikaw na lang lagi ang una eh. So sinubukan mong huwag magparamdam. Tapos yung expectations mo na baka hanapin ka eh hindi nangyari. So, sa tagal mong nawala sa kanya eh kinamusta mo siya at tinignan kung kung ano ang magiging reaksyon niya. Tulad ng dati. Normal na hello na hindi man lang nagtaka kung bakit matagal kang nawala. 

Siguro, yun ang lesson. Never ka mag expect na mahalaga ka sa isang tao. Hayaan mo lang na magkakilala kayo. Never kang mag expect na espesyal ka sa kanya. Wala namang mawawala eh. Basta, keep doing the right thing. Do your best as kaibigan. Masyado kasing mag imagine ang mga tao minsan eh. 

Same thing sa relasyon. May pride ka na huwag mag sorry dahil siya ang may kasalanan. Sabi nga sa starting over again ni Toni at Piolo. Yung scene nila ni Iza. Kailangan daw kapag mahal mo ang isang tao talaga eh kailangan mo ng allowance for mistakes. Which is tama. Hindi porket nagka away o may nagawang kasalanan eh hindi na magbabago yun. Siguro ang makakagawa nun eh yung mga wagas talaga ang pagmamahal. 

At dahil dun, naintindihan ko kung bakit hindi ako yung napili nung ex-MU ko. Mas nanaig yung pagmamahal niya sa EX niya at tinanggap yung pagkakamali na nagawa nung ex niya. Dahil dun naging masaya na lang ako. Kasi naging parte ako ng buhay nung tao na yun. At nalamang mahal nila ang isa’t-isa. Yun na lang naman ang tanging mareregalo sayo ng tao na nang-iwan eh. Yung malaman mong masaya siya sa naging desisyon niya. Basta ang mahalaga. Sa huli? Ok kayong lahat at masaya. Every heart break is a blessing ika nga 

Oh. Somehow, I relate to this scenario.

Mga dahilan kung bakit iniisip mong nanlalamig si boyfriend.
* Kasi hindi na sya tulad ng dati.
* Yung mga ginagawa nya sayo noon hindi na nagagawa ngayon.
* Nabawasan na yung pagka-sweet.
* Madalas hindi na nagtetext o tumatawag.
* Parang walang gana kapag kausap ka.
* Laging busy.
* Wala ng time sayo.
* Kapag kausap ka parang wala lang.
* Okay lang sa kanya na hindi kayo magkita.
* Less I love you`s na.
* Nagiging ma-pride.
* Mabilis magalit.
* Natitiis ka na.

Kung mahal ka nya, magiging masaya sya na araw araw ka nyang kasama.
Ewan ko ha? Pero common sa mga lalaking kilala ko, palagi nilang gustong kasama yung girlfriend nila, Siguro at some point, makakaramdam ng ganun. Minsan kasi okay rin yung namimiss nyo yung isa`t isa pero kung ganyan yung sitwasyon nyo for two years, hindi naman dahilan yun para manlamig sya sayo. Napaka-babaw ng dahilan. Gf/bf palang kayo nyan, eh paano kapag mag-asawa na? So hindi rin pala sya tatagal sayo kung ganun? Pwedeng medyo manawa, pero manlamig? Iba kasi talaga yun.

Bakit nanlalamig ang isang lalaki? Simple lang..
* May lumalandi sa kanya.
* May nilalandi sya.
* Hindi sya seryoso sayo.
* Na-fall out of love na.

Tips para tumagal yung relationship…
* Sya lang mahalin mo, wala ng iba.
* Ikaw lang mamahalin nya, wala ng iba.
* Maging tapat at totoo sa isa`t isa.
* Magbigayan. Wag pairalin ang pride.
* Wag immature. Konting away, konting tampuhan break agad. Iwasan yan!
* Wag manakal. Know your limits.
* Stay inlove. Paglaban ang isa`t isa.
* Wag manunumbat. Wag magbilang.
* HINDI TO GINAGAWA NG ISANG TAO, DALAWA DAPAT KAYO NA NASA RELASYON.

Sa tuwing may problema, let him know.
Oo naman. Okay na okay na sabihin mo sa kanya. Hindi lang okay, dapat talaga. Isa sa mga factor kaya nasisira ang relasyon ay dahil sa naglilihim ng tampo, inis, selos at pagdududa. Everything will not be change, kung sasarilinin mo yan. Or worst yan pa maging dahilan para lumabo ang lahat. Tell him nicely. Explain everything. Ask appropriate questions. Use the right words/terms. Don`t argue, just ask him to clarify everything. As long as you do this, no matter what will be his answer.. you will never regret. You`ll never blame yourself. Coz alam mo naman na wala kang mali. Wala kang pagkukulang. You did your part. You give your best.

Tagalog love Quotes 2014

Tagalog love Quotes 2014

Ang mga lalaki marunong ding masaktan, hindi lang pinapakita.

Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano ka pang magpretend na hindi mo na siya gusto,
mas lalo mong naipapakita na hindi mo siya matiis. Lalo na kapag nagbibigay pa rin
siya ng motibo para mahalin mo siya.

Kung isang araw magising ka at maisip mong nag-iisa ka’t wlang kasama,
matulog ka ulit, baka naiwan lang ako sa panaginip mo dahil hangga’t
nandito ako hindi ka mag-iisa! Pangako yan.

“Minsan binabalewala natin yung mga taong nanjan lagi para satin,
hindi natin napapansin napapagod din sila.”

“Minsan may mga pagkaka
taon na nadadala ka sayong
Nararamdaman, may mga
Bagay na gusto mong ipagsi
gawan, pero dahil sa respe
tong iyong pinakaiingatan,
Mas pinili mong manahimik…
Itago at Pigilan.”

Sabi ng kamay ko, bitawan kita ..
Sabi ng paa ko, layuan kita ..
Sabi ng isip ko, kalimutan kita ..
Pero bakit sabi ng puso ko, HINDI PWEDE .. KASI MAHAL KITA ..

habang tumatagal yung isang relasyon. parami na ng parami ang nagiging
problema niyan. dito niyo rin masusukat yung tatag ng pagmamahalan niyo.
kaya kayo pag dumating na kayo sa punto na yan. kapit lang.wag susuko.
problema lang yan.lahat ng problema may solusyon. kapag nasimulan niyo na.
hanggang mahal niyo pa ang isa’t-isa. wag kayong bibitaw.

Tagalog love Quotes 2014

Ang kototohanan ay dapat nating tanggapin. Yung hindi na kayo tulad ng dati.
Lumilipas ang panahon marami ang nagbabago sa paligid natin.
kung hindi mo matatangpap ang katotohan, habang lumilipas ang panahon ikaw ang
mapagiiwanan. lahat ng bagay na nangyayare sa ating buhay ay merong dahilan
dadating yung araw na maiintindihan mo na ang lahat kung bakit nangyare yun.
Yung mga tanong mo sa sarili mo ikaw din mismo ang makakasagot.

“Minsan kasi sa pagmamahal. Kahit alam mong nagmumukha ka ng tanga sa kakaasa
at kakahabol hindi ka pa rin tumitigil. Kasi… mahal mo at wala ng ibang rason.
Kaya sorry naman. Nagmamahal lang.”

“Alam niyo kung bakit nahihirapan tayo magpatawad?
Akala kasi natin, tayo lang ang nasasaktan.”

Tuwing umiiyak ka, nasasaktan ako.
Tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.
Pero alam mo ang pinakamasakit na alam ko? Ito
Darating ang araw na sasabihin ko sa kanyang,
“INGATAN MO YAN, HA ? MAHAL NA MAHAL KO YAN”.

Sabi nila pag may nawala, siguradong may dadating.
Sabi ko naman, Di bale ng wag silang dumating.

MAHAL KITA

Trivia muna tayo, alam mo ba na ang salitang MAHAL KITA
ay naimbento nung panahong…
MAKILALA KITA
Wag ka lang mawala sa akin. :D

Alam nyo bah kung bakit LAPIS gamit ng mag
bata?
“Para malaman nila na PWEDENG itama ang
MALI”
Pero alam muh ba kung bkit BALLPEN gamit
natin?
“Para ipaalam saten na di na tayo BATA para
ULIT-ulitin ang mga pagkakamaling di natin
kayang burahin…”

Minsan, mangangarap ka kasama ang isang tao, at kahit hindi mo sinasadya,
may mga pangarap talagang hindi mo matutupad kasama ang taong yun.
Dahil hindi lang talaga laan sa inyo yung pangarap na yun.

Tagalog love Quotes 2014

It's really time to move on guys. I will tell you the reasons why.

Maaaring may ibang plan sayo si God - alam naman natin lahat ito na everything happens for a reason. Siguro kaya hindi siya ang para sayo eh sobrang better nung dadating na bago. Na kailangan mo maramdaman yun para may ma realize ka. Minsan kasi kailangan natin masaktan para may marealize sa sarili natin eh. Maaaring pan sarili okaya naman para sa kanila. Or dahil sa nasaktan ka ngayon eh posibleng ma appreciate mo yung mga taong minsan nang dumating sa buhay mo.

Kung kayo kayo talaga - naniniwala ka ba dito? Ako isa ako sa mga taong hindi naniniwala dito “DATI”. Pero ngayon? Feel ko maniniwala na ako. Tulad nga ng sinabi ko dati. Hindi porket nawala yung tao sayo eh forever na silang mawawala. Mapaglaro ang tadhana at magugulat ka na lang na mag kukrus ulit ang landas niyo.

Isipin mo na lang na kung ikaw ang mahal niya eh ikaw ang pipiliin niya at hindi ang iba - Mahal mo siya diba? Sino ba pinili mo? Hindi ba’t siya? So if ever nararamdaman mo na sobrang mahal mo yung tao na yun at hindi mo nakikita sa kanya yung mga bagay na binibigay mo then I think isa yun sa mga reason to hold off your feelings. Hindi ko sinasabing ipagdamot ang love dahil wala kang natatanggap. Alam naman nating mahilig tayo mag Love unconditionally. Ang ibig kong sabihin eh dapat alam mo na ang posibleng mangyari para hindi ka na mahirapan sa huli. Sabi nga eh magpulot na ng bubog ng puso habang maaga pa. Haha!

Huwag mainip. Masyado pang maaga - Yea, isa itong aral sa sarili ko na i share ko na rin sa inyo. Feel ko gawin niyo muna ang lahat ng posible niyong gawin. Kapag single ka. Nasa iyo ang lahat ng potensyal. Bukas ang buong mundo sayo. Hindi ba’t masarap mag explore muna bago magpatali sa iba? Tapos kapag oras mo na para magkaroon ng partner eh oras naman para i explore niyo ang mundo na magkasama. May mga bagay kasi tayong hindi ma accomplish minsan dahil taken tayo. Kasi syempre iniintindi rin natin sila. So yung mga bagay na para sa atin eh hindi natutuunan nang pansin dahil nga ang mahalaga sa atin eh yung kasiyahan nung partner natin.

Feel ko, ilan lang yan sa mga dahilan para ma engganyo kita mag move on. Umpisahan mo ito sa pag tanggap. Isipin mo na may magandang pangyayari sayo na darating. Never ka naman nag-isa sa mundong ito eh. Tingin lang sa paligid. Maraming nakaka appreciate sayo. Family, Kaibigan at yung mga susunod na tao mo pang makikilala. Mahalin ang sarili. Yan ang mahalaga  Ok? Ngiti na!

Nag message siya sa akin. Tapos may screenshot na natupad na niya ang pangarap niya. Ewan ko, iba yung feeling na kahit wala na ako sa buhay niya masaya pa rin niyang naipamahagi sa akin ang natupad niyang pangarap. Kahit na wala na kami, wala na yung lungkot na nararamdaman ko dati dahil sa kailangan na naming maghiwalay. Dahil sa mga bagay na natutunan ko dati, natuto akong gawin ang lahat ng posibleng gawin para maisalba ang relasyon, kahit na nagmukhang tanga at kawawa na ako sa harap ng mga kaibigan ko, sinuportahan nila ako at puro goodluck ang sinabi sila nung huling lipad ko noon. Umuwi man akong luhaan dati, may ibang feeling talaga na sabi ko na magiging okay din ang lahat sa huli. Hindi man natupad ang mga pangarap na binuo naming dalawa. Masaya na ako sa mga pangarap na nagampanan namin na hindi kinailangan nang isa’t-isa.

Masarap pala talaga magpatawad. Kahit na hindi na ulit magiging tulad ng dati ang lahat. Magiging masaya ako kasi naging masaya siya. Kahit na wala na ako sa buhay niya, masaya ako kasi na-consider ka niya pagsabihan na masaya siya. Parang pabebe emotions ang nararamdaman ko ngayon, walang makakapigil sa kasiyahan na nararamdaman ko.

Siguro ganun talaga kapag mas nanaig yung pagmamahal. Yung galit sa umpisa lang, sa una nagagalit ako talaga kasi hindi ko maiintindihan pero habang minamahal ko na rin ang sarili ko? Natututunan kong mas mahalin yung mga dumadating na blessings sa buhay ko. Yung mga bagong nakilala, mga bagong opportunities etc.

Salamat. Isa ka sa mga taong ipagmamalaki ko dahil dumating ka sa buhay ko. Goodluck sa mga sarili nating buhay. Sabi ko naman sa ‘yo. Mas minahal ko yung tao kaysa relasyon.

Maaaring hindi man naging successful ang relasyon na sinubukang buuin at patagalin  or let’s face reality na never na magiging kami ulit. Siguro, sobrang priceless na lang yung mga natutunan namin sa isa’t-isa. Ang mahalaga sa lahat e yung sinubukan namin kung kaya at naiintindihan ko na kung bakit may good sa salitang goodbye.

             Masakit ma-reject. Walang taong gustong ma-reject. Wala. Kailangan mong maintindihan na hindi mo kayang iwasan na mangyari ang ganitong bagay. Kasi hindi mo naman hawak ang desisyon ng taong gusto mo, hindi mo hawak ang puso niya, wala kang magagawa sa nararamdaman niya. Pero sa oras na ma-reject ka, dun na magsisimula ang lahat. Mag-iiba na ang takbo ng buhay mo at hindi na yun tulad ng dati. Pakiramdam mo hindi na ikaw yung dating ikaw. Palagi kang matamlay at walang gana. Yung oras mo para kumain eh mas gusto mo na lang gugulin sa pag-iyak. Hindi ka kaagad makatulog sa gabi kasi iniisip mo pa rin lahat ng mga sinabi niya sa'yo. Yung mga salita niya ang palaging tumatakbo sa isip mo. Sa una, normal lang na magkaganyan ka pero kailangan mo ring maintindihan na hindi dapat tumigil and buhay mo para lang sa isang taong hindi ka kayang mahalin. Madaling sabihin na magmo-move on ka na kaso mahirap gawin at patunayan. Ikaw lang mahihirapan kapag puro salita lang pinairal mo at wala kang gagawin para baguhin at ibalik sa dati yung buhay mo. Isipin mong sa daming tao sa mundo hindi lang ikaw ang narereject. Maging positibo ka lang at gawin mong insiprasyon ang nangyari sa'yo para patunayan sa kanyang sinayang niya ang isang tulad mo. Pero dapat hindi sumobra yung pagiging bitter mo. Gawin mo lang yun na isa sa mga rason kung bakit kailangan mong mag move on.

Maria Clara of 21st Century

Sa panahon natin ngayon, iba na ang depinisyon ng Maria Clara. Hindi na yung tulad noon na naka-barot saya, nakasuot ng sandals na abaca, mahinhin magsalita, kagalang-galang sa mata, may dalang abanico at hindi makabasag plato. Ang Maria Clara ng makabagong panahon ay sumabasay na sa uso, nagsusuot ng mga makukulay na damit, mapa-maikli o mahaba, mataas na sapatos at iba pa. Nagpapakita na ng balat, hindi nahihiya at ipinagmamalaki kung anong meron sila. Kung saan-saan gumagala at pumupunta at hindi na tulad dati na nasa bahay lang at natutulog ng maaga, palakaibigan at mahilig din magsaya. May mga makukulay na mga pagngiti dahil sa mga bakal sa ngipin na nagpapaganda sa kanila bawat sandali. Mas napapansin ang kagandahang taglay sa tulong ng teknolohiya, mas bukas ang isipan sa nangyayari sa kapaligiran at kahit pa hindi na magara ang kasuotan ay pinapanatili parin ang respeto sa sarili at sa katawan. Ang Maria Clara ng makabagong henerasyon ay makikita mo parin kahit saan, nagbago lamang ang kanilang pisikal na pamumuhay ngunit ang pag-uugali ay nananatili. Hindi man na natin makita ang nakagisnang Maria Clara ay nariyan parin ang makabagong uri na nagrereplika sa kagandahan ng mga Pilipina.