hindi iiwan

Bumababa ang tingin ng tao sa sarili niya kapag nalalaman niyang pinagpalit siya sa iba. Hindi niya kasi maiiwasan ikumpara ang sarili niya sa mga taong pinili kaya rin sila nagiging malungkot. Yung akala kasi nilang best nila, mafi-feel nilang wala lang kasi hindi ka lang nakuntento.

Sa dami ng problemang pinagdaanan niya ay napili ka pa rin niyang pagsilbihan at sa dami ng doubts niya sa paligid ay natutunan ka pa rin niyang mahalin. Tapos iiwanan mo? Sa tingin mo ba magiging masaya ka kung alam mong may tao kang sinaktan? Masyado niyong pinapabayaan yung mga taong seryoso sa inyo. Palibhasa hindi niyo pinaghihirapan kaya wala lang sa inyo kung mawala. Sana i-consider niyo lahat ng efforts niya bago niya ito ipakita o ibigay sa ‘yo. Pinag ipunan, pinagharapan at yung oras na nilaan. Sana magseryoso na kayo, hindi biro bumangon ulit kapag sobrang nasaktan. Hindi singdali nang pang-iiwan niyo sa mga taong walang ginawa kundi intindihin ang kasiyahan niyo.

Bakit kita iniwan?

Akala ko kasi masaya hanggang dulo. Akala ko ayos lang kahit minsan hindi nagkakasundo. Akala ko okay lang kapag hindi ko nasusunod yung gusto mo. Akala ko masarap akong kausap kahit ‘hahaha’ na lang nirereply ko. Akala ko gusto mo ng may nagpapaalala palagi sayo, nabwibwisit ka na pala. Akala ko kailangan mo ng taga-suway sa mga bagay na di naman makakabuti para sayo, nasasakal ka na pala. Akala ko kasi ako yung taong para sayo. Akala ko kasi mahal mo ako, kasi ako sobrang mahal kita. Kaya nga iniwan kita kasi ayaw na kitang mahirapan pa. Hindi lahat ng nang iiwan, nananakit talaga. Yung katulad ko, nasasaktan na din kaya iniwan ka na. Sana sumaya ka, hangad ko yon simula nung umpisa. Mahal ko pa din sarili ko. Bigyan naman natin ng panahon ang bawat isa. Masakit na kasi..

Hindi ako ‘to eh. Hindi ako yung tao na nagpapakatanga kahit na alam nyang wala na talaga. HIndi ako yung taong naglalaan ng oras sa taong may gusto nang iba. Hindi ako yung taong mahina at di kikibo kahit nasasaktan na. Pero dahil sayo, naging ganto ako. Dahil pinili kong magbago para sayo. Iniisip na baka balang araw, mapansin mo. Makita mo man lang at pahalagahan mo, mga bagay na isinakripisyo ko dahil sa nararamdaman sayo. Hindi umaasa na mahalin mo. Mag aalay sayo ng panahon at oras. Hindi ka iiwan kasi ayoko. Ayaw kitang masaktan. Ayaw kitang makita na mawalan. Pero pag hiningi mo na ako ay lumayo sa piling mo, susundin ko. Masakit man, titiisin ko. Ganyan siguro talaga ako. Magpapaka martyr. Mas okay kasi sakin na ako ang masaktan at hindi ang iba. Lalo ka na. Gusto lang kasi talaga kita.

nakakatawang isipin na yung mga taong pinangakuan ka na lagi silang nandyan para sayo, na hinding hindi ka nila iiwan, na hinding hindi ka nila sasaktan ay unti unti na nawawala mula sa pagkakahawak mo sakanila, yung mga taong niyakap mo, pinatahan mo, yung ikaw na laging nandyan para sakanila kahit anong mangyare, yung mga taong kasama mo sa tawanan, sa mga kalokohan unti unti nalang nawawala ng parang bula at ngayong kailangan mo ng may hahakgan sayo at sasabihan ka na ‘’tahan na, andito lang ako’’, tila naglaho na silang lahat at ikaw, nagiisa nalang sa laban na tinatahak mo ngayon. 

Yung ibang mga babae kaya matagal silang single, yung iba sobrang nasaktan kaya ayaw muna nilang mag boyfriend. Yung iba naman inuuna pa ang pag-aaral kaya ayaw muna nila. At yung iba mas uunahin muna nilang makatulong sa pamilya nila bago ang boyfriend. Kaya kung lalake ka at isa ka sa matagal ng naghihintay manligaw o naghihintay ng sagot. Dapat intindihin mo dapat irespeto mo yung gusto ng babae. Kasi yung babaeng yun I’m sure hindi ka iiwan.

Tips kung pano mag MOVE ON!

Dapat pag magkakaroon ka ng boyfriend/girlfriend dapat matuto kang mag pakumbaba hiindi yung puro ka nalang pride wag mong papaandarin yan EGO mo dahil yan minsan yan ang nagiging rason kung bakit nag kakalabuan ang isang relationship at humahantong sa “BREAK UP” dapat kapag pumasok ka sa isang relasyon you need to face a lot of negativism sa isang relasyon!

Alam mo naman walang forever pero pag move on hindi ka marunong?! aba matinde! Syempre kung mag mo-move on dapat:

  • Wag kang mag papalit ng number. Dapat deadma kana lang kahit tumawag at mag text siya. Kasi magpapalit ka nga ng number, tapos bukas itetext mo din siya. Ay jusme sayang sim mo!!!

*nag text si ex* Siya: Uy sorry na di na mauulit *syempre malandi ka kaya* Ikaw: Sige na wag mo na uulitin ah.

  • Burahin mo lahat ng pictures niyo sa cellphone mo at laptop mo *kung meron ka man*, Taena move on nga eh! bakit siya padin wallpaper mo? Ano walang delete delete mahal padin kahit niloko na??

*kal-kal sa gallery* AY BE DI KA TALAGA MAKAKAKMOVE ON NIYAN! *pano pag easy to get ka pa?*

  • Kapag binangit ng mga tao sa bahay niyo ang pangalan niya, sabihin mo “DON’T SAY BAD WORDS” oo!! Bitter na kung bitter dahil nag mo-move on ka! sabihin mo break na kayo para sila din move on na!

Sila: Asan na si *name ng gf/bf mo*? Ikaw: Wag nga kayo mag mura?! *oh edi nag mukha kang adik?* jk lang

  • Mag paka ganda ka, mag pa parlor, mag paka busy ka *at kung lalake ka man* Mag work out ka!! *para pogi points sa mga babae* Mag iba ka ng style at maging cool para mag laway siya sayo!!

Gawin mo siya motivation isipin mo “PAG GUMANDA KA O GUMWAPO MAG LALAWAY SIYA SAYO AT MAG MAMAKAAWANG BUMALIK’ oh diba!

  • Mag aral ka!!! Ano love life lang aatupagin? puro landi nalang wala ng aral hala sige para Cinco grade mo kay prof!!

Dapat maging dead kid ka slash cool *gets mo?* para matalino ka na at gwapo/maganda at cool pa! para ultimate package!

  • Wag kang bitter kapag nakikita mo siya “DEADMA!” well, impossible yun pero dapat wag kang bitter! Ipakita mong mas okay ka kapag wala siya!

Hindi yung dadaan lang iiyak ka na ano JUSTIN BIEBER lang ang itsura?

  • Mag entertain ka ng bago i mean manliligaw syempre kung lalake ka duma-moves ka sa mga chixs! Pero ito ah, hindi ka totally move on kung walang bago in short “REBOUND!” pero syempre seryosohin mo yung tao! Pero dapat kung mag j-jowa ka yung mas higit pa sakanya para NGA NGA SIYA!!

Wala akong side comment basta gawin mo para laos na siya sa paningin mo!

  • ITAPON MO LAHAT NG EFFORTS,LETTERS, MGA REGALO na binigay niya sayo syempre ano tuwing uuwi ka nakikita mo edi babalik ka sa hayup na nayon? aba! o di kaya sunugin mo! pero be practical i donate mo sa mga bata if *stuff toys yan*

Wag kang mag tago ng mga materyal na bagay na binigay niya wag tanga ah *lol jk*

  • Do not unfriend him/her in some social media just like facebook, Dapat act normal lang! Wag papa apekto sa mga post or i mute mo siya para di mo makita sa feeds mo!

Kagaya ng pang-6 WAG BITTER!

  • Bago mo gawin lahat ng 1-9, siguraduhin mong naiyak mo na klahat ah!? Ilabas mo lahat ng saking neng/boy hanggang sa marealize mong mukha ka ng tanga kakaiyak sakanya. Madami pa diyang disenteng tao makadiyos matino at hinding hindi ka iiwan *ehem*

Ok ba? kaya be yourself i love you!

Mahal,pinapalaya na kita. Pinapalaya ko na rin ang sarili ko magmula sa sakit na dulot mo. Pasensya na kung hindi na nanaisin pang kumapit sa mga kamay mo–ang mga kamay na nagdulot ng saya’t kilig sa tuwing hahawakan ko noon ngunit sakit at pait na ang dulot ngayon.

Mahal,lalakad na ko papalayo sa'yo. Maglalakad ng walang direksyon at walang mapupuntahan ngunit mas gugustuhin na iyon kesa sa tuluyang masira nang dahil sa pag-ibig na ito.

Pag-ibig na nabuo sa saya’t katotohanan ngunit di aakalaing magtatapos sa isang kasinungalingan.Bumuo ng pangarap na tayo hanggang dulo ngunit may “siya” na dumating sa buhay mo.

“Siya” na hindi mo pa gaanong kilala; “siya” na hindi mo sigurado kung handa nga bang hawakan ang kamay mo sa hirap at ginhawa. “Siya” na hindi ka nakakasiguro kung hindi ka rin ba iiwan. Nag umpisa sa “ikaw at ako” ngunit di naglaon ay napalitan ng “ikaw at siya”.

Kaya mahal,pinapalaya na kita. Malaya ka na magmula sa pagmamahal ko. Ngunit wag sanang isipin na hindi ka pinaglaban. Ginawa ko ang makakaya ko ngunit mismong mga kamay mo na ang kusang bumibitaw.

Kaya sa huling pagkakataon hayaan mong sambitin ko ang tunay na nararamdaman para sa'yo. Mahal,mahal kita walang nagbago pero masyado nang masakit ang mahalin ka.

Kailan ba darating ang araw na makakaiyak ako nang walang pumipigil sa akin? Na maisisigaw ko lahat ng gusto kong isigaw? Na bibitawan ko na ang lahat ng mga dalahin ko? Kailan ba darating ang araw na makakakilala ako ng mga taong hindi ako iiwan?

Alaala

Dumating ka sa hindi inaasahang pagkakataon
Ngiti sa aking mga labi ay muling umusbong
Nagsimulang kiligin muli dahil sa iyo
Kalungkutan sa aking dibdib ay tinanggal mo.

Nahulog sa angkin mong kabaitan
Nang ako’y iyong simulang alagaan
Ang sabi mo pa nga’y hindi ako iiwan
At ang pagtingin mo’y aking nalaman.

Puno ng saya sa mga panahong iyon
Napakaraming alaala ang aking naipon
Walang sawang usapan mula araw hanggang gabi
Minsan pa ay nais nating maging magkatabi.

Hinding-hindi ko makalilimutan ang tawag mo
Dahil sa isang sandali ika’y naging pag-aari ko
Mananatili ka sa aking puso at isipan
Kahit na tuluyan ka nang lumisan.

Yung takot na lang na mawala ang isang tao sayo eh isang patunay na para masabing mahal mo siya. Hindi kasi lahat ng tao ayaw mong mawala sayo. May mga tao na dadating sa buhay mo na parang wala lang, parang napadaan lang. Pero yung tao na kinakatakot mo mawala. Kung sakaling napadaan lang siya. Andun ka para subukang pigilan siya. Ipaalam sa kanya na worth it ka din at hindi mo siya iiwan tulad ng ginawa sa kanya ng iba.

Dear Babe,

Kung siguro mawawala ka sa'kin, ikaw yung “The One Who Got Away” ko.

Ang daming dumating sa buhay ko, ang dami ding nawala. Pero ikaw, simula nung dumating ka, parang kinabit mo na yung sarili mo sa buhay ko, nandiyan ka parin sa tabi ko. Ang tibay mo. Minsan napapaisip ako kung ano bang meron sa'kin, siguro ikaw naiisip mo din. Pero seryoso, sobrang nagpapasalamat ako. Kasi alam kong meron akong isang tulad mo na hindi ako iiwan kahit na ang gago gago ko. Kahit di ko magawa yung mga bagay na kaya mong gawin para sa’kin. Gusto ko lang malaman mo na naaappreciate ko lahat, na sobra din kitang pinapahalagahan. You’re too important to lose. Antayin mo lang ako, darating yung time na hindi na tayo magkakahiwalay pa, at pangako babawi ako, kasi nitong mga nakaraang araw, sobrang busy ko. Mahal na mahal kita baby ko.

So iyon nagpakatanga nanaman ako. Naniwala nanaman ako sa mga salita. Naniwala nanaman ako sa mga “Hindi naman kita iiwan”. Ang tanga ko hahahaha. Nalaman ko na nung isang araw lang pala sabi niya sa kaibigan ko Mahal na Mahal niya pa yung ex niya. Proud na proud pa siya.😂😂😂😂. Ano nga namang panama ko sa ex niyang mala dyosa. Ang tanga ko lang hahaha. Kala ko wala na. Tangna naloko nanaman ako. Hahahaha walang wala na kong tinira sa sarili ko para sa mga gagong lalaki.

Para sa aking minamahal,

Matapos ng masasakit na nangyari sa akin, sinabi ko sa sarili ko na ayoko na. Hindi na muna ako magmamahal; na wala muna akong pakialam sa ganyan. Sinabi ko sa sarili ko na sa susunod ay hindi na dapat ganito; na hindi na dapat ako lang ang nagmamahal; na tama na ang pananakit ko sa sarili ko. Nagtayo ako ng pader para wala nang makapanakit sa akin. Sabi ko pa na hindi ko hahayaang may makapasok sa buhay ko na walang planong manatili pero dumating ka. Dumating ka at gumuho ang pader na akala ko’y matibay na. Dumating ka at para bang wala akong sinabi sa sarili ko. Sa madaling salita, pinapasok kita sa buhay ko. Hinayaan kitang pumasok sa buhay na wala akong ideya sa mga posibleng mangyari pero masaya ako. Masaya ako at nariyan ka. Masaya ako at may isang katulad mo na nakakapagtiis sa pagmamaldita at pagsusungit ko. Masaya ako dahil alam ko na hindi mo ako iiwan kahit na anong mangyari. Sabi ko sa sarili ko noon, “Swerte ang babaeng mamahalin niya.” Wala akong ideya sa nangyayari. Ang tanging alam ko ay masaya ako at napapagaan mo ang loob ko. Hanggang sa dumating ang araw na inamin mo sa akin na gusto mo ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero matapos kong marinig mula mismo sa labi mo ang mga kataga, tanging ang malakas na pagtibok ng puso ko ang narinig ko. Tinanong pa kita kung bakit ako pero sabi mo’y, “Hindi lahat ng bagay kailangan ng dahilan.” Hindi ko alam bakit pero napangiti ako sa naging sagot mo.

Hindi ako nakaramdam ng takot – takot na baka mawala ka o iwan mo ako kapag hindi naging maganda ang mga nangyari. Lumipas ang mga araw at alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ako. Paano nga ba ako hindi mahuhulog sayo? Ikaw ang naging sandalan sa mga panahong gusto nang sumuko. Ikaw ang naging unan sa mga panahong tila walang tigil ang pag-iyak. Ikaw ang nagbigay ng ngiti matapos ng isang gabing puno ng pagluha. Ikaw ang nagpalakas ng loob sa tuwing natatakot. Ikaw ang laging nandyan sa tuwing magigising sa kalagitnaan ng gabi. Ikaw. Ikaw na laging nandyan para sa akin at hindi lumisan.

Patawad sa aking mga pagkakamali at salamat sa lahat ng iyong alaalang binigay sa akin. Hindi na mahalaga kung masaya o malungkot o masakit.

Mahal kita. Sana maniwala ka.

Mahal kita. Wag ka nang magtanong pa.

Mahal kita. Hindi mo na kailangan pang mag-alala.

Mahal kita pero ang mahalaga’y maging masaya ka.

At alam kong hindi ‘yon sa piling ko kaya paalam na.

Nagmamahal,

P

Sobrang lungkot ko lang

Ang daming nakakalungkot na bagay na nangyari ngayon. Una, noong umaga sobrang pagod akong pumasok kasi nga gumala kami kahapon. Define STRESS talaga! Puro paperworks eh.

Ikalawa, naalala ko siya. Tanga ko ba? Oo, nakatulog ako sa jeep kanina kasi napanaginipan ko sya. Ang mas shunga moments ko pa, nakalampas ako! Kasalanan kasi ng bwiset na iyon!

Ikatlo, ayun pagkagisng ko kanina, nalaman ko na may isang malapit na kakilala ang nagpaalam na. Hindi ko akalaing iiwan nya kami ng ganun kaaga. :(

Yoko na. Paano ba sumaya?