hindi ako mahilig sa pagkain ngayon

Para sa mga nagtatanong, eto na po. Wayback 2007, highschool pa lang ‘ko non, before ako pumasok sa school, nagbebreakfast muna ‘ko sa karenderia malapit sa'min. Araw-araw ‘yon. Kapag umaga, wala pang mga ulam don. Yung tipong sopas, champorado, spaghetti, pancit, at mga kakanin ang menu nila.

Then, one time, medyo nalate ako ng gising. Pagdating ko dun sa karenderia, pancit na lang ang available, so ‘yon yung inorder ko. Ang problema, hindi ko nagustuhan yung lasa. Nakalimutan ko na kung matabang ba ‘yon or kung ano, basta, hindi ko nagustuhan. Eh ayoko namang magsayang ng pagkain, at hindi din naman ako mareklamo. Naghanap na lang ako ng pwedeng ilagay na pampalasa para matolerate ko siya. Eh tadhana nga naman, ubos na yung toyo. Wala na ring calamansi at ayoko naman ng suka. Tapos, nakita ko yung ketchup. Hindi ko alam kung ano naisip ko pero nilagyan ko ng konti. Nung tinikman ko, nagustuhan ko naman kaya dinamihan ko na yung ketchup.

The next day, marami nang choices, pero tinry ko ulit. Nagustuhan ko ulit. Haha. Ganon ako lagi kapag pancit ang inoorder ko sa kanila. Ang problema, nasanay na yung panlasa ko sa ganong set up. At ang problema ulit, since then, kahit saan ako kumain ng pancit, hindi ko na gusto yung lasa ‘pag walang ketchup. Life changed.

Kung sasabihin mo sa'kin na sana, nag spaghetti na lang ako, gago, ‘wag mo nang ituloy. Hindi ko naman siya ginagawang alternative sa spaghetti dahil una sa lahat, hindi din ako mahilig don. Kumakain lang din naman ako ng pancit kapag no choice at ‘yon lang talaga ang nakahain na pagkain. The thing is, kelangan ko lang talaga ng ketchup para makain ko siya. That’s why ‘pag umoorder ako ng fries sa mga fast food, hindi ko ginagalaw yung ketchup. Nilalagay ko na lang sa bag ko para may stock ako, in case lang.

Nung una, nahihiya pa ‘ko. Pero ngayon, pucha, nahihiya pa rin talaga ‘ko. Lalo na kapag may bagong kakilala, nakikita ko yung itsura nila habang nakatingin sa'kin. Disgusted. Tumatalikod na lang ako.

Yung mga kaibigan ko naman, sanay na sila sa'kin. Hahaha. Ayun lang. The end. :)

Marami sa atin ngayon, selfie dito.. selfie doon! Makapunta sa ibang lugar, selfie. May bagong damit, selfie. May bagong kakilala, selfie. May biniling pagkain, selfie. At kung anu-ano pa. Isa ako sa mahilig mag-selfie. Makahawak lang ako ng phone, cam at kahit ano pang pwedeng gamitin na pang-picture, nagseselfie ako. Pero hindi lahat ng tao mahilig magselfie o gustong mag-selfie. Yung iba, natatakot. Yung iba nahihiya. Yung iba ayaw lang, hindi nila feel.

Mahilig akong mag-selfie kasi..
- gusto ko lahat ng mapupuntahan ko may remembrance.
- gusto ko lahat ng bagong gamit ko na pwede kong suotin, na-ishe-share ko.
- para makita nilang maganda ako. (Whut?) Hahaha.
- wala, pang-palipas oras!

Bakit ayaw mong mag-selfie…
- Eh kasi nahihiya kang i-post yung mukha mo tapos makikita ng madami.
- Natatakot ka baka lait-laitin ng iba.
- Tinatamad ka.
- Wala kang cellphone.
- Di mo rin naman iuupload. Nonsense.