himdy

Reject

Natatakot ako. Kelan nga ba hindi, sa simula pa lang alam ko na. Simula pa lang ramdam ko na. Matatapos din to pag tapos na kayo.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa thought na Pag wala na kayo. Wala na rin tong pagkakaibigang nabuo. Himdi ko nga maituturing na pagkakaibigan ito e. Kasi parang diary mo lang ako. Na kapag may away kayo sa chatbox natin takbo mo.

Pero pinaka nasaktan ako nung sinabi mo na nakikipag chat ka sa sarili mo pero sinesend mo sa ibang tao. I was hurt. Pero ano pa nga ba? WLa naman yun e. Wala lang yun. Tapos yung sinsabi mong walang may pake sayo. Like whut? Andito ako. Andito kami.

Nakakainis na dahil sa kaniya nagkakaganyan ka. Nakaka ewan. Himdi nga siguro talaga kita maiintindihan.