highwaisted leggings

My first job interview experience 💕

04/19/17 This is my first job interview EVER! So plano ko talaga sa pinagwoworkan ng pinsan ko ako magaapply. Unfortunately, wala syang work kahapon. Hindi rin naman ako marunong magcommute pag diko alam yung pupuntahan, makikisabay lang kasi ako sakanya. So napumunta nalang ako sa Convergys kasi malapit samin, I know how to go. Ayun na nga. This is the funny part. 😂 Yesterday, I was wearing a highwaisted leggings, heels, and a crop top!!! Hahahaha sabi nila, di daw ako mukang magaapply. 😂😂😂 Nakakulot pa ako teh! *San gimik?* hahahaha nung una, while I was still at home preparing, confident pa ako sa suot ko. Pag dating ko dun, ay puta! Muka nga akong gigimik. 😂😂😂 Formal attire sila. Kung hindi man, basta di katulad nang akin na mukang papasyal. 😂 Screw it! Kaya ko to. Pag pasok ko, dun sa front desk. Aba teh hinahamon ako kaagad ng englishan!!! Akala nya uurungan ko sya ah. So english din ate mo hahahaha. Nagfill out ako ng napakaraming forms tas may pinafill out din sakin sa computer. After non, waiting na for initial interview. May nakikita akong binibigyan ng letter. I wonder what’s that for. Yung iba pinapaakyat sa taas. Bilang lang sobra. So I was called na nga for initial interview. Actually, tatlo kameng tinawag sa loob. Hindi one on one interview. Nakakapressure. Maayos magsalita ung nauna. Tas ako sunod. Shet!!!! Oo alam ko maayos ako magenglish sa school at confident ako lagi pag nasa unahan ako mapareporting man yan or defense. Pero punyeta! Nadrain ako that time!!! Well, maayos naman ako magenglish kaso minsan nabblanko ako. So ayun, lumabas na kme. Waiting na kung out or pasado. Akala ko kasama ako na bibigyan ng letter na narealize ko, pag di ka pasado, ayun ung binibigay. Then, dumating na ung babae. “Conopio” omg!! Ako una tinawag hahaha ang saya naman. Kasama ako sa next round hahahaha. Umakyat na kame sa 7th flr. Exams!!! Magisa lang ako kaharap ko ung telephone. So once na pinick up ko na ung phone. Start na ung exams. Bawal bingi!!! Eh bingi pa naman ako. 😂 una, madali lang. More on reading lang. After non. Aba punyeta, story telling, repeating pati arranging sentences. Diko maintindihan sinasabe hahahaha. I was like, ano?? Diko marining! 😂 Tas next non, with computers naman. Confident ako this time, may voice through the headset tas lalagay mo spelling sa computer. Mga ganon. Spelling, Prob Solving, Identif onti lang. Type writing infos ganon. Mext written naman. Spelling ulit pati kung ano ano pa. Madali naman. Tas sabe sakin nung babae after ko magexam. I made it. Pasok na ako for final interview. Ay wow!! Hahaha pag labas ko. May nakausap ako 4 na babae. So bali lima kme, 2 lang kame nakapasok for final interview. Sad naman. Tas sa final interview, more on situational questions. Nakapasa ulit ako. Balil daw ako 7pm for mock call. Yey! Haha pag balik ko, out of almost 30-40 applicants, 5 nalang kme natira for mock call. Nakakaproud din. Tas ayun na, kaharap ko ung Op. Manager. Ang hirap!!! :( nabablanko ako. Nappressure & kinakabahan din ako. By isahan or twos kasi, natapat pa ako dun sa magaling na lalaki. Dalawa kme iniinterview. I felt small that time. Fresh grad, HRDM course. This time, patanga tanga na talaga ako haha. I failed for Paypal callcenter. Need kasi nila na magaling talaga, so as an undergrad & first timer. Ok na din na nakaabot ako dito. Tas tinawag ulit ako for mock call, I was transferred in Technical Solutions. There, I passed! Masaya din. For contract signing naman sunod 10pm na ako natapos. Sobrang daming pinipirmahan from morning to evening. Puro pirma ginawa ko. So hired na ako. May 29 start. Shet itutuloy ko ba? Pasukan na June. Sayang naman opportunity & ung salary!! Malaki pa naman. 😂 so that was my first time job interview experience. Masaya, fulfilling, nakakaproud & nakakapagod!!!