hepalane

Nadaan ako sa morayta kanina tpos ayun ang hepa lane kain lng unti hepa lane kasi mddumi dw pgkain oh well 3 kakilala ko dti naospital ksi un last nkain nila gling hepalane daw haha isa lng msabi ko wag msydong masiba chos mas mtbay ata sikmura ko hehe chchoosy kpb pag gutom kna pinoy streetfood d best!

Bakit siya pa rin?

Sabi ko dati sa sarili ko, kailangan ko ng i-let go ang feelings ko para sa taong ‘to? Pero paano ko naman mai-let go ang feelings ko kung halos lahat ng gusto ko sa isang babae eh nasa kanya?

  1. Siya ‘yung babaeng sobrang daling patawanin, ‘pag ako talaga ang nagpapatawa o minsan duo kami nung boy bestfriend ko, wala na yung humpay kakatawa. Nakakatuwa lang siya tumawa sobrang natural, walang halong kapabebehan. Tawa kung tawa talaga.
  2. Siya ‘yung kahit titigan ko ng matagal buong magdamag hindi ako magsasawa. Kahit na may konting pimples siya, hindi ‘yun nakabawas sa kagandahan niya. Minsan nga nasasabi ko sa sarili ko: “Thanks to her parents for creating this beautiful woman!” Oo, bes napapa-English talaga ako sa isip ko.
  3. Siya ‘yung babaeng walang ka-arte-arte sa katawan. Kahit dalhin mo nga lang ‘to sa hepalane, masaya na ‘to eh. Hindi rin siya ‘yung babaeng pala-makeup–powder, eyeliner at lipstick lang ata ginagamit nun, but still for me, she’s the goddess! Though, nakita ko na siyang nag-makeup nung graduation pero mas maganda pa rin ‘yung simple lang siya. Bilib din ako diyan kasi ayaw niya talaga sa mainit, pero nung nag-LRT kami sobrang siksikan as in official mandirigma na kami nun, pero never ko siyang narinig magreklamo.
  4. Siya ‘yung babaeng kahit maliit lang na bagay ibigay mo, naa-appreciate niya na ‘yun. Sa totoo nga niyan bigyan mo lang ng siya fries at mcfloat, masaya na siya or kahit fries nga lang eh.
  5. Siya ‘yung babaeng sobrang family oriented. Never ko pa siyang narinig nag-kwento na nasagot na niya magulang niya. Patunay na rin yung minsang nag-kwento siya sa amin na, kaya niya raw gusto na magka-trabaho para makatulong na sa mga magulang niya.
  6. Siya ‘yung babaeng hindi bastusin, sobrang simple niya lang manamit pero sobrang lakas ng dating niya sa akin. Hindi siya mahilig mag-skirt o mag-sleeveless. Siya yung “simple shirt and jeans” type of girl.
  7. Yung mga ngiti niya, sobrang genuine lang para sa akin. ‘Yung mga mata niya para ring ngumingiti sa tuwing ngingiti niya. Sobrang cute lang talaga.

Pero lahat ng yan, hanggang diyan nalang ‘yan. Hindi ko na kayang i-level up ang friendship namin kasi nga taken na siya at feeling ko wala na talaga silang balak mag-break. Hahaha! Hanggang admiration nalang ‘yan lahat. Itatago ko nalang feelings ko sa kanya hanggang sa mag-fade nalang ‘to. Hahaha! Though, I really really like her, but I am no longer hoping for the possibility of us.