henry sy hall

Ang pinakabagong SM sa Taft, Manila. Echos lang. Malapit na rin matapos ang Henry Sy bldg ng DLSU. Tangina, magkaka SM La Salle na. Ano, may ganyan ba ang ibang pamantasan. Natatawa na lang ako sa SM La Salle. Very wrong.

Balita daw eh sa baba nan eh may may mga tindahan para dun mamili ang mga estudyante pag may kailangan sila. SM na SM talaga. Tapos sa taas eh yung mga opisina at ang irerelocate na University Library. Tapos sa bubong na yung football field para cool. Mahulog, patay.

Discalimer: hindi lahat ng sinasabi ko ay totoo.

Wala kaming napala nang kami ay pumunta dito. Ang nakuha pa namin ay galing sa  UST Publication. Fail talaga. Imbes na research, field trip ang naging peg ng aming pagpunta. Facilities ang aming binayaran. Hihi :p

Pero seryosong nahiya talaga kami sa facilities nila. World-class design. It was really awesome. For awhile, I felt like I’m not in the Philippines. Pero ganun din naman sa UST pero, traditional lang talaga yung design. Yung Henry Sy Hall kasi modern. Kaya nakakapanibago bilang taga-UST ako.

Ito ang kanilang dating football field. (Sa aking pagkakaalam)

Those two are my thesis buddies! (Roselle and Issan)

What we were looking at down below…

The Rizal Memorial Sports Complex

Tingnan niyo naman, mukhang mall. And actually amoy mall rin sa loob. Centralized aircon pa. Sana talaga nag-take din ako ng entrance exam dito. Huhu

Anyway, wala na  tayong magagawa roon. Tingnan mo naman, nagtthesis na ako sa UST, ngayon pa ba ako manghihinayang? Haha. So para di na kami masyadong magmukmok, we decided to do something that would make us really happy…

EAT!!!

It was my first time to eat at Zark’s! Sorry, me pagka probinsyana talaga ako. Self-proclaimed probinsyana talaga. Hihi. Pero I had no problem when eating this gigantic burger! It took me just around 5 minutes to finish. It was really an awesome experience kahit mejo fail sa mismong purpose. :p