heemanipulator

Ako kasama Sila.

Ang mga nasa larawan ay isa sa mga pinakamamahal kong kaibigan. Madalas kaming mag-asaran, mangtroll at mangutya ng mga nilalang na hindi namin gusto. Minumura ang hayup na nagpapakita ng kabobohan, inaaway ang mayayabang sa grupo at pumapatay ng tao gamit ang aming imahinasyon. Ginagawan din namin ng codename ang mga nilalang na laging pinag-uusapan. Nagkakaintindihan din kami sa mga simpleng, “SI ANO..” Wala pang pangalang binabanggit na pangalan, tumatango na. Halatang palaging pinag-uusapan!

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi pa ako pwedeng mamatay. Sino na lang ang magsisilbing nanay ng mga ito? Sino na lang ang magpapakain dito? Kung di buburautin ang pagkain ko, walang pagkain ang mga ito! 

Pero sa kabila ng lahat, mahal na mahal ko ito. Sadyang hindi ko kayang iwan kahit ilang beses na akong sinaktan.

Madaming beses na akong sumayaw. Madaming beses na din akong umupo para magtanggal ng sapatos. Madaming beses na natapakan ang gown ko. Madaming beses na muntik na akong matalisod sa gown na ito. Madami akong “madaming beses” ngayon. Pero isa lang naman ang gusto ko. Gusto ko lang makasayaw siya.

Sana naman makasayaw ko siya.

“Ha? Sino?" 
"Ha?”
“Yung gusto mong isayaw, sino?”

Hala? Nasabi ko iyon ng malakas. Sa harap pa ng boyfriend ng nanay nanayan ko. Nakakahiya. Buti na lang di uso sa akin ang hiya.

“Si A. Kilala mo ba yun?”
Oo. Gusto mo isayaw? Tara.”
“HA? Ano? Teka teka?”
“Tara, akong bahala.”
“Eh may kasayaw siya eh.”
“Akong bahala.”

Hinintay naming matapos niyang isayaw yung babae. Naiinggit ako. Na kinakabahan. Naiingit kasi kasayaw nung girl si A. Kinakabahan kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Natapos ang sayaw nila. Nilapitan ng kasayaw ko si A. Masyadong mabilis ang mga pangyayare. Nagulat nalang ako at kasayaw ko na siya. Nakapatong yung kamay ko sa balikat niya at yung kanya naman sa bewang ko.

“Uhm. Hi?”
“Hi.”

Hindi gumana ang pagiging madaldal ko. Natahimik ako bigla.

“Sorry ha. Medyo pangit kasi boses ko. Kanina pa kasi ako nagsasalita eh." 
"Ha? Okay lang.”

Tumahimik nalang ako. Baka masakit na yung lalamunan niya eh. Pero nagulat ako. Kinausap pa rin niya ako. Nakakatuwa siyang kausap. Hindi boring. Walang dead air.

Sorry ako ng sorry sa kanya. Nakakahiya kasi eh. Pero ngumingiti lang siya at sinasabing “Okay lang.”

“All I wanna do is find a way back into love.” Magaling pala siyang kumanta. Napakanta ko kasi siya eh. Pero sandali lang. Madami akong nalaman sa kanya. Maliban sa alam ko na kung saan ang section niya. Alam ko na rin kung saan siya nakatira. Matalino din siya, pero maloko. Humble din siya. Sino ba namang gwapo ang magsosorry at magsasabing wala siyang itsura dahil sa kokonting pimples niya.

Nakangiti lang ako. Nakikipagpalitan ng jokes sa kanya. Ang lapit namin sa isa’t isa. Parang ayoko nang matigil yung sayaw namin. Gusto ko  hanggang dulo siya kasayaw ko. Gusto ko hanggang matapos lahat ng kanta, siya lang kasama ko. 

Nagkatotoo naman ang kahilingan ko. Kaso hanggang tatlong kanta lang ang kayang ibigay sa akin ng fairygodmother ko. Hanggang dun nalang ang extension ng kalandian ko.

Hanggang doon nalang.