hbpp

10 Shades of Inlababo

The KAZOOM Shade

Eto yung shade na kung saan daig mo pa ang speed of light sa bilis pagkatext mo siya tapos biglang mageexpire yung load mo. Yung kaya mong itakbo ang 2 barangay for 30 seconds makapagload lang. Yung handa mong isakripisyo ang eardrums mo sa tlak ng nanay mo paginiwan mo ang sinaing makapagload lang

The Multitasking Shade

Yung pinagsasabay mo ang paghugas ng pinggan sa kalandian mo. Yung todo kuskos ka ng uniform mo tapos bigla siyang nagtext pak! HBPP CYCLE na (Hugas,Beep,Punas,Pindot cycle) inaabot pa ngang kalahating oras ang paghugas mo ng isang platito kakalandi

The Waterproof Shade

Eto yung tipong kahit sa pagliligo mo kasama mo cellphone mo. Yung kulang nalang ibalot mo sa plastic yang cellphone mo. Pumapasok din dito ang HBPP cycle. Minsan nagwrinkles na daliri mo sa sobrang tagal sa banyo

The WOSHOO Shade

Eto yung shade na parang sasabog na kalamnan mo pagbabanatan ka niya harap-harapan mapapa “wooshoo wooshoo” ka sa utak mo by means wala kang masabi kundi ka-alienan from the inside mo.

The Google Ninja Shade

Eto yung moment na nagiging bff mo si pareng google. Yung pagmemention siya ng favorite artist niya tapos makikifavorite ka din kahit wala kang alam. Tapos yung pagbabanggitin niya favorite niyang kanta makikifavorite ka din sabay search sa google ng lyrics tapos reply sakanya para kunware fan ka tapos dagdag points din kay kras

The Maputi lang yan Shade

Eto na ang inserkyora shade, yung pag may nakita kang kasama niya sa post sa facebook o instaggram mapapa “ay maputi lang hindi maganda” aba bes gandang-ganda? umayos ka di niya kasalanang naghihilod siya at ikaw hindi. Kaya bili ka na lang ng loofa

The Hurado Shade

Isa rin to yung nagiging libro lahat ng babaeng kilala niya sa kakajudge mo “ay panget ng kilay” “ay kapal ng foundation” “ay ang pabebe” Ay ganito ganyan leche di niya kasalanan na afoord niya bumili ng make up at di umaasa sa chin chan su lang.

The Holdaper Shade

Eto yung nagnnakaw ka na ng linya sa mga romantic movies pagdinedescribe mo siya sa tropa mo. Yung mga “I feel butterflies when I’m with him” mo o yung “his voice sound like music to my ears” mo ay bes wag ako sa paro-paro at music music mo laspagers na yan

The Professional Songer Shade

Eto yung kinakaya mong kantahin ng “Love on Top”pag naliligo ka. Yung nagiging MOA Arena yung kwarto mo sa kakakanta ng mga mamais na love song sa playlist mo. Minsan nagfifeeling music video ka pa sa sobrang inspire mo.

The Anon Shade

Eto yung pag nagpost siya ng account niya sa ask.fm tapos bobola-bolahin mo. Minsan naman sa Tumblr Ask ka nalang tapos magcocodename ng -secretadmirer Minsan mag i love you ka pa anonymously sabay codename tapos kahit di ka niya kilala kikiligin ka sa “i love you too” niya


alin ka diyan? :)