hayyyy

Hindi ko alam

Hindi ko alam kung paano mawawala yung sakit
na nararamdaman ko sa tuwing naaalala kita.

Hindi ko alam kung paano mababawasan yung bawat
kirot sa tuwing naririnig o nababasa ko ang pangalan mo.

Hindi ko alam kung paano mo kita ibabalewala katulad
ng pag babalewala mo sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko ipapa-mukha sayo kung gaano mo ako sinayang. Dahil ibinigay ko ang lahat sayo.

Hindi ko alam kung paano matatapos tong nararamdaman ko para sayo.
Dahil nasasaktan parin ako.

HIndi ko alam kung bakit ngayon ramdam ko parin yung sakit na ginawa mo.
Kahit na wala ka ng pakealam sa akin.

Hindi ko alam kung ano pa bang kulang sakin para bitawan mo.
O sadyang nag sawa ka sa mga bagay na ginagawa ko para sayo.

Hindi ko alam kung naging totoo sa akin,
Habang naging totoo ako sayo.

HIndi ko alam kung sineryoso nga ba ako,
O ako lang ang nag seryoso.

HIndi ko alam kung minahal mo ba ako.
Katulad ng pag mamahal ko para sayo.

Hindi ko alam kung pano ka kalimutan,
Katulad ng pag limot mo sa akin.