hapunan

Envy pt.I

Naalala ko si Cathy, crush na crush ko yun. Noong high school ata sa kanya na umikot ang mundo ko. Pero walang kinalaman si Cathy sa post ko na ito. Haha. Ang totoo nyan, lumaki ako sa pamilyang hindi naman mayaman, hindi rin naman kahirapan. Sakto lang. Saktong nakapag aral ng elementarya, sekundarya hanggang makatapos ng kolehiyo. Sakto lang na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw kung hindi isasama ang coffe break, yosi break, meryenda, snack time, midnight snacks at kung ano mang tawag sa pagkain sa pagitan ng almusal, pananghalian at hapunan. Saktong nakakabili ng gusto at minsan nasusunod ang luha kapag kinsenas (15) at katapusan (30).

Pero aaminin ko na minsan nagiging mainggitin ako. Alam mo yung feeling na natatalo ka ng kasamahan mo sa trabaho. Lumaki kasi akong competitive. Dapat ako ang star. Ako yung bida-bida. Ako yung dapat kinaiinggitan sa eskwela. Sa panahon ng high-school at maging sa college din naman dalawa lang ang uri ng lipunan, para sa mga sikat na pinagkakaguluhan at mga normal na tao sa lipunan. Maipagmamalaki ko naman na isa ako sa mga nakilala sa aming campus dahil na rin siguro sa dami ng atraso ko, napaiyak na guro, nakasuntukang barumbado, at niligawang babae na syota ng iba. Pero kahit pala pakiramdam mo na nasayo na ang lahat, (maliban sa pagmamahal nya. Whaaaaaat!), kapag may nakita kang higit sayo, maiinggit ka.

Inggit o envy, ito ay isang emosyon kung saan nararamdaman ito ng isang tao kung nagkukulang sya ng confidence sa sarili nya, napagtagumpayan, at kayamanan o kaya naman ay may kagustuhan tayong hindi natin makuha pero meron ang iba. Ayon kay Parrott sa kanyang sinulat sa Journal of Personality and Social Psychology noong 1993 na Distinguishing the experiences of envy and jelousy na ang inggit ang nagiging ugat kaya hindi tayo nagiging masaya. Hindi tayo nagiging kuntento sa kung anong meron tayo at dahil hindi tayo makuntento ay mag-iiwan ito ng puwang sa ating kalooban na hahanap-hanapin natin. Inggit din ang dahilan at naiisip natin na magkaroon ng hindi magandang mangyayari sa ating kapwa. Tulad ng gusto natin silang mapahamak o makarma dahil sa meron sila na wala tayo.

Tinanong ko ang ilan sa mga kilalang personalidad sa industriya at pulitika tungkol sa inggit. Narito ang ilan sa kanilang sinabi.

10. BEA ALONZO - Bakit nyo ako tinatanong ng tungkol sa inggit? Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?

9. TONI GONZAGA - Nagustuhan nga ba ng taongbayan ang ugali mo kaya gusto ka pa nilang magstay sa bahay ni Kuya o kaya naman nagustuhan na nilang palabasin ka dahil sa di mo magandang ugali na mainggitin. Malalaman natin yan sa aking pagbabalik.

8. KRIS AQUINO - im talking to Bimb and Josh not to make inggit with other kids because it’s bad. Nakakaloka! Syempre bad yun and we need is love love love like my lovelife. Mapagbigay ako sa mga boys around me.

7. Mga ka-DDS - kasalanan yan ng mga bwakang inang dilawan yan. Yang inggit na yan ay tulad sa pagsira ng aming pinakamamahal na pangulo na si Tatay Digong.

6. Angelica Panganiban - nakaiyak yang mga gagong yan eh. I dont need tissue! I dont need tissue! Wag nyo akong husgahan!

5. ALMA MORENO - Ang masasabi ko po sa mga Inggit? Dasal lang. Dasal lang talaga!

4. SENYORA - kasalanan yan ng mga walang dede. Mainggit kayo! Pwe!

3. MANNY PACQUIAO - Yang inggitero ay hindi makakapunta sa langit dahil you know, sabi nga sa bible Proverbs 27:4 Wrath is cruel, anger is overwhelming, at saka… at saka… basta nasa bible yun.

2. MOCHA USON - Hindi ko nga po alam sa ating madam vice-president kung bakit hindi nya masolusyunan ang issue tungkol sa Inggit. Madam Leni, nagtatanong lamang po ang taongbayan kung ano na po ang nagawa nyo sa pagsugpo sa lumalalang inggit sa Pilipinas? Madam Leni hindi na po kami tanga ngayon! Mahal tayo ni Tatay Digong. Mga ka-DDS please like this page.

1. PRES. DUTERTE. - Ay mga putang inang yan! Papatayin ko na lang yang mga inggitero na yan!

TANONG: Nakaranas ka ba ng inggit? Sa mga anong bagay ka nainggit? Totoo bang walang taong maiinggit sa taong may maputing singit? Share you idea on the comment section below.

egutakuya: The live ends here, please listen to this stimulating Egu-rap that won’t cool you down: “Not all 🙏✨✨ wishes 👐✨ become 👼🏼✨ fulfilled,🙅 but ☝🏻this existence 💃🏻is always trying 💪🏻💪🏻💪🏻Heart ❤️ tooth 👹 body 🏋 shall be sharpened🔪✨, waiting 😤 for an advantage, waving😫, waitin’🐶 like🐶🐶 a dog 🐶🐶🐶”

Note 1: If this showed up as all boxes it’s ‘cuz I copy-pasted his emoji straight from the tweet. 1) Why does my PC not have an emoji keyboard of some sort, and 2) WHY SO MANY EMOJIS, IT’S CUTE, BUT WHY

Note 2: This is his rap part from RESISTANCE!

4

Tapsilog (na puti lang ng itlog ang kinain ko dahil Random Fact: Hindi ako kumakain ng pula ng sunny-side up na itlog), minatamis na kamote at mashed potato (na isang manipis na slice lang ng patatas ang lamang ng mashed potato ng KFC dahil ang sarap nito na nabili namin sa may kanto) para sa hapunan. Ayos! Busog na busog ako. Ito din ang maganda kapag sa bahay ka kumain, kahit sa paanong paraan mo ito ubusin, okay lang – nakataas ang paa, habang nanonood ng telebisyon, habang nakabitin ka ng patiwarik. Kahit mag-uutot ka nang mag-uutot, walang pipigil sa iyo. Mas masarap kumain kapag ganoon.

Hapunan.

Dahil sa anong oras na, niyaya ko na sila kumain. Pero si ate kasi madami pang kailangang gawin kaya sabi nya mauna na kami. So, niyaya ko naman yung tita ko. Ang sabi naman nya mauna na daw kami. Sabi ko naman may gagawin pa si ate kaya dapat nya akong sabayan. Maliligo pa daw sya, ang init daw kasi. Edi yun, nag-iba na mood ko. Padabog na lahat ng kilos ko. Naalala ko kasi nung nagbakasyon kami sa Japan last 2009, sabay-sabay kami kumain nun. Walang busy-busy dun. Hindi tulad dito. At dahil naalala ko yun, kamuntikan na akong maiyak. As in tutulo na yung luha ko. Buti na lang napigilan ko pa. Ayoko kasi umiyak. Basta ayoko lang. Namiss ko tuloy bigla sina mama. Naiiyak ako habang tinatype ‘to. Ang sakit lang sa dibdib pag pinipigil yung iyak. Siguro bago ako matulog, iiyak muna ko. Pero sana hindi kasi ayoko magkasipon.

So yun.

Hapunan masarap!

I ate two boneless pork chops and a chunk of asparagus. I feel so full. I should have only ate one pork chop.

I would work out tomorrow, but I feel like I’ll be having a relaxation day of doing nothing. Maybe go to the library and stop by the bank, but no working out until Thursday.

"KINAIN KO PRIDE KO PART 2"

Ayoko talaga ‘tong kainin pero napakain na naman ako. Humingi pa nga ako ng extra rice at mainit na sabaw eh. Yan palagi almusal, tanghalian, meryenda at hapunan ko. Minsan nga hanggang midnight snack pa. Medyo nakakaumay na din siya ha . Maooverdose na nga ako eh. Okay lang kung kasing sarap ng french fries pero mas mapait pa sa ampalaya ang pakiramdam. Pero kapag naiisip kong nagawa ko siyang lunukin at kainin ng buong-buo for the nth time, na parang dinaig ko pa yung mga exotic challenge sa Fear Factor, marerealize ko na lang na,

Yun nga lang, Nakain ko na naman ang pride ko ng hindi ko nainstagram. Sayang ang hashtag na #foodporn.

HUSTISYA PARA SA 100 PESOS KO

Dahil tinatamad magluto ang inay ng hapunan namin, naisip kong yakagin na lang silang kumain dun sa isang fastfood kainan na since birth ko pang nadadaanan sa may highway ng Balagtas pero ni minsan ay hindi ko pa nasusubukang kainan dahil parang may kung ano atang supernatural force na pumipigil sa akin na wag akong kumain dun. Medyo nagtitipid din kasi ako kaya dun muna. Medyo karinderya lang naman siya na may aircon. 

To make the story short, eh di umorder sila. Libre ko eh. After 10 minutes, dumating ang order. Dalawang platitong kalderetang puro buto. dalawang order ng gotong puro sabaw, isang order ng pansit guisado at isang platito ng sisig na parang makaroni salad sa lamig. Eh ano pa nga bang ineexpect ko. Karinderya nga eh.

Nabusog naman sila. Medyo may tira pa ngang dalawang gayat ng ulam pero sabi ng inay ko, ipatake-out na lang daw para may pagkain yung aso namin. Eh di okay.

Kinuha ko ang bill. Nanlamig ang pawis ko. Lumuwa yung mata ko sa nakita ko. Tumataginting na 850php. “T*ng-inuuuuuhhhhhhhh!!!”

Hustisya para sa laman ng wallet ko! Kung oorderin ko yun sa ibang karinderya, nasa 250 pesos lang yun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganung kamahal ang mga pagkaing yun na para bang kumain ako ng swarovski crystals. Nanginginig kong kinukuha sa wallet yung 1000 pesos ko. 

Wala eh. Wala akong karapatang magreklamo dahil nasa bituka na namin yung pagkain. Hinintay ko na lang yung sukli kong 150. Yung blue paper bill sa wallet ko naging beyolet na lang. 

Pero 50 pesos lang yung isinukli sakin nung bruhang cashier kaya lalo akong nahighblood. Sabi ko, “Aba ate, kulang ka pa ng 100. Mahal na nga pagkain niyo dito, di pa kayo tamang magsukli.”

Sumagot si ate na busy sa paglilipstick na parang gusto kong gurihan ang mukha, “Sir. pinatake-out ng nanay niyo yung dalawang gayat ng caldereta. 100 pesos yung charge para sa plastic container.”

T*ngina ulet. Kung inubos ko na lang sana. =(