happy chaddy

CSE PASSER. Alam mo yung pauwi ka na kanina from work tapos masakit ulo mo at pumunta ka sa pinagpa-repair-an mo ng pantalon mo at pinaliitan mo yung bewang at maluwang na tapos eto ang makikita ko sa Facebook, Twitter at message sa phone mo! Aba, hindi talaga ako makapaniwala kasi una kong nalaman sa text lang na galing sa aking butihing Kapatid (bestfriend) eh iniisip ko na baka ine-echos lang ako nito at imposible nga at ang hirap nga nung sa Math section at nanghula na lang din ako sa iba. So sinabi ko sa sarili ko, naaaning lang tong Kapatid ko. At nung pagkauwi ko sa bahay at nag-online, aba teka, seryoso nga si Kapatid! May post nga of name on the list of the Civil Service Professional exam passers! May tweet pa! Talaga naman! NAPAKASAYA KO SYEMPRE NA NATATAWA NA EWAN!! Basta nakangiti pa rin ako ngayon! One take! Professional level! Nakapasa si Doubty Chaddy! (alam kong wala naman talagang doubty eh. gusto ko lang i-match sa nick ko!) Haha! Good evening guys!