hapkada

Marami na akong nabasa sa dash kung ano ang “kada” para sa kanila.. May mga nagtatanong din sa akin kung para san ba ang kada.

Marami akong kilala na ayaw sumali sa mga kada.

Dahil para sa iba..

  • Sa umpisa lang masaya.
  • Maraming sumasali dahil maraming gusto ng maraming followers at likes/notes.
  • Maraming ka-ekekan sa tag ng kada
  • May ma-i-post lang kahit wala naman yung ibang pake.

Pero para sa akin.. 

Ang isang kada ay..

  • Isang grupo binuo para magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.
  • Isang grupo kung saan hindi mo man maging kaibigan lahat, at least makahanap ka ng mga taong makaka-vibes mo at maituturing na kaibigan.

Marami kasi ang nagte-take andvantage sa pagsali ng kada para may ipagmayabang na maraming followers at notes.

Pano ka ba magsisimula kung wala ka masyadong kilala?

Blogging is not about following.

Aminin man natin o hindi, followers ang nagbibigay kulay sa blog natin.