halfhumanhalfshootingstar

Hello Good evening :)

Ngayon lang nakapag-open ng tumblr kaya ngayon ko lang nakita mga messages niyo.. Thank you sa mga replys. Mag-iingat din kayo palagi :)

Epic Childhood Faces and Poses. XD

Ngayon ko lang hihiyain ang sarili ko sa Tumblr. Pagbigyan >:))

So ito yung epic faces and poses ko. Ang kadiri talaga. Eeeeew. HAHAHAHA. Pero nakakatawa. As in. HAHAHA. XD

Nakalkal kasi to kanina dahil dun sa mga batang bisita ko kanina. Gusto raw nila makita yung pictures namin nung CO kami. Sabi ko, meron ako pero nakatago. I-log in ko na lang yung account ko sa FB. Pero imbis na pictures namin nung CO kami ang makita nila, yung isang album ko na ang title eh Neneng Jaira kung saan nandun ang mga pictures na yan. HAHAHA. Pero di nila nakita ng buo yung album. HAHAHA! XD

Samo’t-saring comments ang natanggap ko. Nayurakan ang pagkatao ko. De joke. Ang drama. HAHAHA. Wala lang. Tawanan lang ng tawanan. Ang nene at ang panget eh XD HAHAHA. Pero di ako napikon. Namula lang talaga ako dahil sa kahihiyan XD

7

Graduate na kasi sila. :)


Medyo late lang tong post ko. Tamad na tamad kasi talaga akong gumawa ng post at the same time, kating kati naman akong batiin kayo. Hahaha.

1. First level, yung pinakamalaki. XD Hi sa super apo ko na si Viva. Pag pareho talagang Deputy Commander eh maganda at matalino nu? Tayo ang living proof niyan. Whuut? Hahaha. Maraming salamat sa mga panahong nagkukwento ka sakin ng kung anu-ano man kahit late na ako lagi sa balita eh keri lang. Alam ko naman na masaya ka ngayon dahil kay You-know-who. Malaki ka na. Alam mo na yung tama at mali. Wag mong hahayaan na masaktan ka at the same time, makapanakit :)

2. Second level, left picture. XD Hi Louie. Ikaw yung isa mga taong hindi ko expected na makaka-close ko. Alam mo namang may history ako sayo ng pagkainis dati diba? Pero you prove me na pwedeng mag-iba ang tingin sayo ng isang tao in a nice way. Thankful ako kasi nabigyan ako ng chance na makilala ang totoong ikaw. :)

3. Second level, right picture. XD Hi Clark. Tarages ka with feelings. XD Hahaha. Ikaw pa rin ang nag-iisang Valedictorian para sakin. Walang tatalo dun. Ang saya kasi hindi man kita nakakausap ng sobrang lalim eh nandyan ka lang lagi. Nakakasama sa mga bonding at kung anu-ano pa. Maraming salamat sa mga panahong nanlilibre at nagpapalibre ka sakin. Enjoy ko yun kahit nakakastress minsan. XD

4. Third Level, Left picture. XD Hi Perry and Monique! Hindi naman kayo magjowa pero kayo yung magkasama sa picture. Hahaha. Anyway, ang saya sa feeling kasi kahit patapos na yung school year niyo at dun ko pa lang kayo nakaclose, feeling ko ang dami na nating napagsamahan. Hindi ko hihingin na iextend ang panahon ng school year niyo kasi graduate na rin kayo at the same time, gusto ko na rin grumaduate pero hihingin ko na sana after ng lahat-lahat ng to, makasama at makausap ko pa rin kayo. :)

5. Third level, right picture. Hi Miko. Hindi ko na inexpect na magkaroon tayo ng picture together at the same time magkausap tayo ng sandaling panahon nung mga oras na yan. Gusto lang talaga kita i-congratulate kaya kita nilapitan pero dahil ang daldal ko talaga, hindi ko mapigilang magkwento ng kahit kaunti. Anyway, kung sa PUP ka man mag-aaral at kukunin mo ang frustrated course ko, galingan mo. Ipasa mo. :)

6. Fourth level. Hi Maru. Forever and always be famous kong kaibigan. Ayoko kasi ng something madrama na message dito kasi alam kong tatawanan mo lang ako. Never ka namang nagseryoso kahit nagrarants na ako sayo. Ang sarap mo batukan XD Kung saang school ka man mapadpad, kaya mo yan. Nandyan lang lagi ang google para tulungan ka sa school works mo at ako para maging cheerer. Ingat ka lagi. :)

7. Fifth level. Hi Julina. Kahit isang beses pa lang tayong nakakapagdate sa Starmall eh ang dami na nating napag-usapan. Ang daldal mo rin kasi eh XD Kung ano man ang course na kukunin mo, enjoyin mo lang. Wag mong hahayaan na magsisisi ka sa kukunin mo. Dapat yun talaga ang gusto mo. Magbobonding pa tayo. Hindi ko lang alam kung kailan basta pakita ka sakin. XD

Ayan. Ang drama ko na. XD Gusto ko lang talaga sila i-congratulate kasi graduate na sila. Papasok na sila sa nakakastress pero punong-puno ng freedom na college life. :) Alam kong kakayanin at magiging successful sila sa mga course na kukunin nila. Jusko. Sila pa ba? Hahaha. XD

God bless guys. Mamatay na makalimot. XD

2

Maru Aleksi Medina. Gwapo nu? Famous yan eh. Idol ko. Tapos ako ang kanyang number 1 fan. HAHAHAHA.

Si Maru yung isa sa mga “ka-close” kong SO sa batch ngayon. Sa kanya ako nag-oopen ng mga bagay-bagay anything and everything under the sun. Tapos, babarahin niya ako o kaya aasarin niya ako. Ang nice diba? Kahit ang seryoso na nung bagay, sasabihin niya pa, ang arte ko. Ang galing talaga eh XD Pero kahit ganyan siya, ganyan talaga siya. XD

Prangka siyang tao. As in kung anong makita niya, sasabihin niya. Walang pake yan kung anong sasabihin ng iba eh. Basta totoo lang siya. Isa to sa mga ina-admire kong ugali sa kanya. Iilan na lang kasi ang ganyan sa mundo. Pero isa rin to sa mga ayaw ko sa kanya. Baliw yan eh. Bully masyado XD

Nabigyan ko na siya ng Cadburry, Hershey’s, Isang pack ng Hany at 3 Pages of Letter. Hindi pa kasama dun yung mga random libre. XD Ang dahilan nun, nagpagawa ako ng doodle sa kanya. At grabe yung doodle na ginawa niya. Nakakaiyak. Nasa isang bond paper na lukot-lukot tapos ako na lang yung naglagay sa frame. Hiyang-hiya naman ako sa kanya XD Pero nagsabi na rin kasi siya na lukot-lukot na talaga yung doodle. Hindi lang ako naniwala at nag-expect pa rin ako ng maganda. Yun nga lang, kabaliktaran ang nakuwa ko. Sa kanya ko natutunan na wag mag-expect lalo na sa kanya para di ka masaktan. Joke. XD

Matagal-tagal ko na ring hindi nakakausap tong abnormal na to. Busy kasi yan eh. Sa studies, sa SC tapos famous pa. Ang hirap makasinget sa busy schedule niya XD Hindi na rin na-uupdate ang playlist ko. Siya kasi yung nagpapakilala sakin ng mga bagong kanta. Outdated rin kasi ko minsan. At wala pa rin siyang bagong cover. Iniipon ko kasi yung mga cover nya para sa kanyang debut single na irerelease sa February 20, 2013. XD

Thankful ako kasi nakilala ko tong bully, prangka, at famous na taong to. Nakakatuwa kasi kahit nakikilala siya ng mga tao na ganyan, may soft side din siya na minsan ko ring nakita. Sayang nga lang di siya naiyak nun. Bibigyan ko na sana ng tissue eh XD

Anyway, Maru, sana nga binasa mo to hanggang dulo XD Pangarap ko talaga matuloy yung 10 shots nating dalawa kahit ilang beses na tayong nagkikita at hindi pa rin tayo nakakapagpapicture. Pati yung sulat na gusto kong matanggap sa Pasko. Ishare mo na rin kung sino yung crush mo. HAHAHAHA. God bless! :)

Ngayon ko lang gagawin to. Walang magawa eh XD

psycho-tiktik - Hi insebebe :) HAHAHA. Natutuwa lang ako sa mga pinopost mo. Can relate eh. Salamat sa pakikinig ng mga kaartehan ko XD

halfhumanhalfshootingstar - Hay naku Maru. HAHAHA. Wala. Famous to eh. Ako pa rin number 1 fan mo! XD

lalakingwalangmata - Bakit ka nasama dito Miko? Epal epal mo naman XD HAHA. Joke :P

the-fickle-hearted-penguin - Jasmin na sobrang galing magdrawing! Infairness. Hangang-hanga ako sa mga gawa mo na nakita ko kanina sa exhibit. :)

beben-eleben - galing magblog nito. Wala na akong masabi pa XD

porkyboink - Hi mimi <3 Wala akong masabi masyado. HAHAHA. Basta, masaya ako para sa inyo :))

ynafinity -  Hi yums! Ikaw na umaariba ang lovelife XD

foreverpayatot - Chums! Wala lang. Kinikilig ako sa inyo ni kwan <3

princedouchewantscoffee - Robin! Smile. :) Wala lang. HAHAHA. Kung ano man pinagdadaanan mo, daanan mo lang. HAHAHA. Arte ko :P

Ok, last ko na to. Joke. Sabaw eh XD