half pinay

Gusto ko talagang maging artista.

Gusto ko talagang maging artista. Bata pa lang ako, pinangarap ko nang lumabas sa ANG TV o kaya naman ay mapasama sa cast ng Mula Sa Puso, kahit extra lang. Sabi ko sa sarili ko, kapag naging artista ako, makikita niyo rin ang mukha ko sa spiral na notebook kung saan tampok ang mga idolo kong sina John Prats, Stefano Mori at John Wayne Sace. Sabi ko sa sarili ko, mapapanood ko rin ang sarili ko sa mga pelikula tulad nina Jolina at Marvin at makakapunta ako ng Baguio para i-shoot ang pelikulang iyon.
Dumating ang isang oportunidad. May isang talent search tv program ang isang tv station. Kaya sabi ko, sana ito na ang chance. Kasama ang pinsan kong half-german half-pinay at ang kuya kong sumasali sa pageant, pakiramdam ko, mahahawaan nila ako ng pagiging artistahin.
Dahil bata pa lang ako noon, marami akong pimples, nognog ako dahil lagi akong laru nang laro sa kalsada, at wala akong sense ng hairstyle noon (kahit naman ngayon.) Ang tangi ko lang baon ay ang lakas ng loob.
Naunang mag-audition sina Kuya at Pinsan ko. Nakapasok sila sa second round. At yung ako na yung mag-audition, well, look test palang naman, doon na nagsimula ang lahat. Mga sampu kaming nakahilera. At noong tinawag ang number ko, tiningnan ako ng mga judges. Natawa sila at may nagsabi pa ng “Ang lakas ng loob mo ah!” at yung isa naman “Teka. Gusto kong manigarilyo sandali. Naumay ako.” Lahat ng masasakit na salita, natanggap ko. Hahaha.
Kaya ‘pag labas ko ng studio, lumuhod ako at tumingin sa itaas na tila ba may camerang nakatutok sa akin. Kinuha ko ang fliers na lumipad sa harapan ko at sinimulang lukutin ito sabay sabing “Balang araw, matitikman niyo ang batas ng isa apiiiiiiiiii!”
So after, 15 years, hindi ko man nakita ang mukha ko sa cover ng mga notebook tulad nina John Prats, ang pangalan ko naman ngayon ang sinusulat sa notebook bilang isa sa mga manunulat ng Pilipinas. Hindi man ako napasama sa ANG TV pero maraming TV shows na ang nag-imbita sa akin para ma-interview ako sa pinagdaanan ko sa buhay bago maging manunulat. Hindi man ako nakasama sa pelikula nina Jolina and Marvin, pero naging extra naman ako sa pelikulang hango sa sinulat kong libro, kasama pa ang modern Jolina and Marvin ng generation, ang JaDine.
Narealize ko na, hindi man sakto ang pangarap na napunta sa'yo pero may kakaibang paraan si God para tuparin ang mga ito. Na sa sipag, tiyaga at pananalig, makakamit mo ang mga gusto mo. Dreams do come true. Hindi man ngayon, bukas o sa susunod na buwan, darating ang araw na masasabi mong happy ending ang nangyari sa buhay mo.
And ang importanteng lesson talaga na natutunan ko:
Masama sa kalusugan ang paninigarilyo.
#BuhayNiMarcelo

2

apparently it was #asianinvasion today ??? have a look my trash face

so my name is Eddy, i was born in hong kong in 1993. Mom is half chinese, half pinay, she passed away when I was nine years old and then my family moved to California. But my (white) dad was a huge racist and always told me and my brother that we’re white, not Asian, and always told us stories about how Chinese people were the worst. When I turned 18 I escaped my abusive father’s house and joined the military, but then I quit because the lifestyle really wasn’t for me. Now I’m following my dreams and going to art school to learn how to animate! I’m surrounded by friends and I couldn’t be happier!