hahehihohu

Sabi nila kadalasan daw sa magbestfriend nagkakainlove-an.
—  Di totoo yan. Siguro yung iba oo. Nasa sayo naman kasi yan kung kaya mong kontrolin yung sarili mo o magpapadala ka nalang sa emosyon at nararamdaman mo. Yung tipong hindi mo iniisip yung mga posibleng mangyari sa pagkakaibigan nyo. Hindi mo pinagiisipan yung mga desisyon mo. Iniisip mo lang yung nararamdaman mo pero bandang huli pag nasira na yung friendship nyo, mapapaputangina ka nalang sa sarili mo.
OKAY OMG

Ge ang OA. Hahahaha. Kauwi lang namin galing SM at birthday party ng pamangkin ko. Pumunta muna kaming SM para bumili ng kung anu-ano at ng regalo para sa pamangkin ko. Habang bumibili si mommy ng ipangreregalo sa pamangkin ko, sabi bigla ni daddy sa kanya, “Saglit lang may titignan lang kami.” Tas sinama nya ko, kaming dalawa lang. Sabi nya “San ba bilihan ng iPad mini?” And I was like :O what hahaha. Nagulat kasi ako, tas sabi ko “Sa taas.” Sabi nya “halika na.” HA HA HA. Tas ayun, diretso kami sa bilihan. And yun nga binili nya ko iPad mini. Mehehe gulat aketch biglaan kase. Hahahaha. Tas habang binibili namin, tumatawag si mommy hahaha nagmamadali kasi nga start na daw ng birthday nung pamangkin ko kami nalang hinihintay, naka3 tawag si mommy tas galit na nagmamadali kasi, eh nilalagyan palang ng screen protector. Tas nung tumawag ulit si daddy na sumagot, sabi ni daddy “eto na tumatakbo na kami.” Kahit hindi naman talaga nandun padin kami sa store HAHAHAHA Okay ang saya share lang nestea

Ganito palang ung feeling na hindi mo alam gagawin para mapatawad kaniya. Para mapawala ung galit niya sayo, bukod sa ayaw kang kausapin eh malayo pa siya sayo. Anong gagawin mo? Hihintayin. Hihintayin nalang. Ganito pala kahirap, simpleng ganito lang nahihirapan na ko eh. Sorry, wala pa naman kasi kong karanasan sa ganito.