haba ba

Untitled

Hindi mo maitatago ang lungkot sa iyong mata
Hindi mo maitatago ang pagbagsak ng mga luha galing sa iyong mga mata
Hindi mo maitatago ang pagseselos mo sa tuwing may ginagawa siya para sa kanya
Hindi mo maitatago na mas mahal niya siya kesa sayo

Alam kong naaalala mo ang mga ala ala ninyong dalawa kaya ipaaalala ko pa para masaktan ka pa
Alam kong masakit pero iyong tinitiis
Alam ko, oo

Alam ko,oo.
Dahil saksi ako ng iyong mga pag tango
Sa iyong mga pag ngongo dahil sa mga luhang iyong tinatago
Alam ko ang lahat kahit umiyak ka ng walang habas

Naalala mo pa ba ang unang bes na niyaya ka niyang lumabas sa kaunting oras
Naalala mo pa ba ang unang bes na hinalikan ka niya
Naalala mo pa ba ang mga pangako niyong dalawa
Alalahanin mo ang lahat ng yan, dahil mananatili nalang yan sa ala ala

Bakit ba hindi pumasok sa isip mo na parang ka lang tanga na umiiyak
Bakit ba hindi mo maisip na mag isa ka na lang dahil nag sawa na silang intindihan ka sa paulit ulit na iyong pagdadrama
Bakit ka ba ganyan?! Ang tanga mo na nga ang martir mo pa!
Nakakainis na! Sawa na kaming intindihin ka!

Pakiusap, mapagod ka na dahil wala na siya sayo
Pakiusap, umalis ka na sa mundo niyong dalawa dahil matagal na siyang umalis at matagal ka na ring nagiisa
Pakiusap, dahil pinapahaba mo lang ang istorya kahit matagal na niya ng tinuldukan ang kwento niyo
Pakiusap, dahil nakakatanga na ang paulit ulit na kwento niyo

Nababaliw ka na! Nababaliw ka sa lalaking matagal ng patay!

Tigilan mo na.