gusto mo

Gusto ko lang pasalamatan self ko. Thank you self at naisipan mo ring i-organize 1,198 songs mo sa phone ginawan mo na rin ng playlist finally ariel happened to me so pag trip mo puro betols ayan keribels na kung gusto mo puro rak ayan no problem na kung gusto mo puro gv hits lang shor gotchu fam. Edi saya mo ngayon the beatles straight tugtugan mo yey i’m so proud of u self mwa mwa tsup tsup. 💋

Speak In Tongues || Kim Minseok (Xiumin)

Drabble Game

31. “Did you just curse at me in a different language?“

58. “You never fail to surprise me.“

Kim Minseok + Reader + Fluff


“Sweetheart, do you think I should start learning a different language besides my native one?“ 

You locked your phone and threw it on the coffee table beside you. It was a rainy afternoon and Minseok has a day-off from work today. You both decided to stay indoors and just have a lazy day instead of going out and wasting gas and energy.

“I thought you’re currently learning how to play the piano? Can you do both at the same time?“ Minseok asked. He was sat next to you with a book in his hand. It was The Fault in Our Stars.

“I am.. But I want a new hobby.“ 

Minseok looked at you with raised eyebrows. “Another hobby?” he closed his book, “You never fail to surprise me.” he playfully pinched your nose and wiggled it from side to side.

“No, seriously. Should I learn a new language?“ you huffed. Besides your native language, you only knew English. It was actually funny that you can’t speak Korean, considering your boyfriend is a foreigner himself. Many people have asked you about dating a foreigner without learning their first language. Minseok was the one who adjusted with the language barrier. While earning his PhD, he took English lessons at the same time. He wasn’t planning on learning English, but when he met you, he got inspired. The two of you used to communicate using hand gestures and short sentences, sometimes calling Kyungsoo or Suho for help. And when Minseok knew his feelings were sincere towards you, he hired a tutor.

“Hmm.. Maybe Korean?“ he suggested with a bright smile. Of course! You need to learn how to speak Korean. It’s about damn time you start understanding what your boyfriend is saying whenever he’s watching a movie and getting so emotional he starts talking in a foreign language while you’re sat there only understand ‘Wae?‘ and ‘Chaebal‘.

“I can be your tutor.“ he continued. It took you a few seconds to decide, but then you finally agreed.

Boy did Minseok regret he even suggested that.

Because after a few days trying to teach you simple sentences, you were only able to pick up short everyday phrases.

“Honey, I said ‘Dinner is ready‘ not ‘Dinner is daddy’.“ Minseok groaned in frustration. “You’re not improving. Who eats their dad?!“ 

You pout at his reaction. You weren’t even doing this on purpose. It wasn’t your fault your tongue isn’t too fond with Korean accents. You didn’t even knew accents were important in his language.

“I’m trying okay! And I’m really tired..“ you whined. You slouched your back and stomped your feet like a child asking for candy. Minseok deeply sighed before leaning back on the couch. 

“You think doing aegyo can make you fluent in Korean, hm?“ he teased.

You stopped stomping your feet and stared at him with a blank expression. You scrunched your nose and gritted your teeth as if you were ready to bite him.

“Sapakin kita, gusto mo?“ 

Minseok’s head perked up at the foreign words he heard that left your lips. He looked at you with confused eyes, his mouth slightly agape in shock.

“Did you just..“ he stood up and started walking towards you until he was towering you. You nervously bit your lips, struggling to stifle in a laugh.

“Did you just curse at me in a different language?“ his eyes glared at you while you only stood there giggling.

“Maybe I did.. Maybe I didn’t..“ you took a step back, then another, until you were running away from him.

“You’re dead meat, (y/n)!“ 


Sapakin kita, gusto mo? = “Do you want me to hit you?”

Drabble Game is currently close.

Kung gusto mo malaman kung paano ka niya binabalewala dapat basahin mo to. Actually matagal ko na tong alam at hindi ako sure kung aware na rin ba yung iba dito pero kapag sinasabi ko kasi sa mga kaibigan ko nagugulat sila parang mga timang chot

Ayan so active siya. Siyempre mag a-assume ka na online yan tho sabi ng iba may instances “daw” na nakagreen button yan pero hindi naman daw sila online at naka-on lang ang wifi.

Etong sumunod hindi siya applicable sa iOs na messenger pero sa android working siya mga mamsh. Basta kapag gumagalaw yan na may bilog ibigsabihin nakatambay siya sa chatbox niyo. Interesado siya sayo at gusto ka niya kausap. Pero kapag nag chat ka tapos gumalaw yan ng matagal tapos ang ending tumigil at hindi siya nag reply, besh manggigil ka na jk.

Pero teka nagalawa rin pala siya sa iOs di ko lang napapansin kasi kapag may kachat ako ineexit ko na haha yun lang.

At dito ako pinakanaiinis. Guys wag kayo maniwala na hindi siya online kahit walang green buton dahil ang totoo, naka turn off chat lang siya sa lahat or sayo. Malalaman mo yan na online kapag naka stuck lang siya forever sa 1 minute at tangina nakakakupal ng pagkatao.

Take note talagang gagawin ka pa nilang tanga na hindi daw sila naka turn off chat sa lahat at hindi daw sila online. Kahit??? Mga ulol na to.

Eto rin hassle sa feelings. Inboxzoned/deliveredzoned ka bes hutaena

Pero sa lahat, dito ako panatag. Legit na hindi yan online mga mamsh. Basta ganyan itsura (unless nakapatay wifi at nakaclose ang app pero wag ka ring paranoid) pero minsan traydor pala yan haha online tapos ganyan nalabas ay ewan ko ba

Hindi ko na kelangan mag explain. Tangina mo seenlord.

So ayan lang naman ang mga nalalaman ko at hindi ko rin alam bat ko to shineshare haha pero yeah salamat at nawa'y marami ang maghiwalay charot.

Gusto kong nakikitang masaya ka. Kasi kapag nakangiti ka, kinikilig ako. Kapag nararamdaman ko yun, sumasaya na rin ako.

Gusto kong nakikita kang nage-enjoy sa buhay. Tumatawa kasama ang mga taong mahal mo. Gusto kong nakikita kang maligaya, doon pa lang, solve na ako.

Hindi ako perpekto pero gagawin ko ang lahat, mapangiti ka lang. Dahil sa pagpikit ng mga mata mo at pagkurba ng mga labi ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. 

Mahal kita kaya gusto kong masaya ka.

May aftershock palagi ang nasirang relasyon. Yung sa una wala kayong pake pero sa huli nararamdaman niyo na na mag-isa na lang pala talaga kayo. Madalas niyo itong maranasan kapag nag uumpisa na mawalan lahat ng oras ang taong dati niyong kasama nung maghiwalay kayo. Minsan kasi overwhelmed ka lang sa paligid mo kaya akala mo masaya ka pero kapag magpapahinga na ang araw at tanging simoy na lang ng gabi ang karamay mo doon mo nararamdaman ‘yong lungkot. Yung parang gusto mo siyang kausapin pero dahil kailangan mo lumayo ay pinipigilan mo na lang at tinitiis ang sakit.

Ang ginawa ko dati nung naranasan ko ito ay hinayaan ko lang maramdaman ang sakit at nagulat na lang isang araw ay nasanay na lang ako sa sakit na 'yon kaya parang nawalan na ng pake 'yong sistema ko. In short, namanhid at nalaman na niloloko ko na lang pala ang sarili ko. Nag-umpisa ako maghanap ng mga kaibigan na pwedeng makasama palagi at binabalik ko 'yong mga connection na nawala dati. Siguro pwede niyo ring subukan 'yon. Ibalik 'yong mga taong nawala. Mga kaibigan, mga taong pinagselosan at higit sa lahat 'yong pagmamahal sa pamilya na nawala dahil umikot ang mundo mo sa kanya.

Sana maging okay kayo at alam kong malalagpasan niyo ang lahat ng 'yan. Ikaw pa ba? :)

ABC ng Pagmomove-on

ACCEPTANCE.

   Tanggapin mo munang wala na. Tapos na. Wala nang kayo. Wala nang siya. puro nalng ikaw. Tanggapin mo na ang taong akala mo mag bibigay ng katuparan sa mga pangarap mo, pangarap nyo. Ay wala na. Na wala na ang Prince-in-shining armor mo na magtatanggol at magpupunas ng luha mo kapag pumapatak ang luha sa mata mo. Isiksik mo sa bawat silid ng utak mo at puso mo na wala na. 

BAWASAN ang pagassume

   Hindi porke’t tinetext ka nya, ay balik-kilig na. Na gusto nyo na ang isa’t- isa ulit. na babalewalain nyo na ang nangyare na parang ganun lang kadali ang lahat. Sa totoo lang, maaring namimiss nyo lang ang feeling ng inlove, ng attach, ng feeling na may magtetext sayo araw-araw at nag aalala. pero wala na. bawasan na ang pagaassume, sa huli, ikaw at ikaw lang nag masasaktan.

CHOOSE wisely.

   Piliin mo, piliin mo ang mga taong pag sasabihan mo. Pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo at pagsasabihan mo ng nangyare. Meron kasing mga tao na nakikiusisa lang sa mga nangyayari at worst-case scenario maging isa to sa maging rason para lalong lumala ang gulo sa pagitan nyong dalawa. Kaya kung maari, mamili ka. Kung hindi mo kaya, mas magandang manatili na lamang ito sa inyong dalawa. :) Respetuhin nyo ang isa’t- isa. :D

DONE.

  Tapos na. Wala nang KAYO. Wala ng SIYA. at nag meron nalang ay IKAW. Kaya dapat sa mga oras na to, natututo ka nang tumayo sa mga sarili mong paa. Tapos na ang mga oras nyo. tapos na ang mga maliligayang sandali nyo na magkasama. tapos na ang mga pangarap nyong magkasamang binuo. tapos na. :)

ENJOY the moment.

  Enjoy-in mo nlang ang oras na single kana. Hindi kaba masaya? wala kana masyadong iisipin? Wala nang magagalit pag hindi ka nakapag text ng good morning o good night. Wala nang magagalit sayo. Pwede ka nang pumunta kung saan saan kasama ang mga kaibigan mo ng walang iniisip kung may magseselos ba o wala. Wala nang limitasyon lahat ng kilos mo, wala ka ng masyadong iisipin. Hindi kaba masaya? Enjoyin mo nalng ang buhay single. :D 

FEELING mo kayo pa?

  TAMA NA ANG PANGUNGULIT SA KANYA. Pakiusap, maawa ka sa kanya. gusto kana nyang kalimutan. at higit sa lahat, maawa ka sa sarili mo. Feeling mo kayo pa? Dapat sa mga oras na to, kinakalimuta mo na ang konseptong ng salitang Kayo. Kasi ang meron nalng ay IKAW at Siya at iniwan ka nya para sa IBA. 

GIVE UP.

  Sumuko ka ng umasa na babalikan ka pa nya. Sumuko ka na umasa na dadating ang isang araw nakakatok sya sa pintuan ng bahay nyo at sasabihin sayong, ikaw pa din ang mahal nya. Tama na. Umalis na sya sa buhay mo at wala nang rason para muli mo syang tanggapin pa. Wala nang rason para umasa ka pa sa mga bahay na alam mo, na walang katuturan at walang patutunguhan. Hindi masamang sumuko kung alam mo naman na wala na talagang pag asa. 

HOPING ka pa kasi.

  Umaasa ka pa din kasi. Dapat magkaroon ka ng solidong desisyon kung gusto mo na talagang mag move on o patuloy ka pa ding mag papakatanga sa kanya. Huwag mo nang patagalin pa ang pagdurusa mo, maawaka sa mga taong nagmamahal sayo, sila ang nasasaktan para sa’yo, higit sa lahat maawa ka sa sarili mo. Sa mga oras na ‘to, hindi masamang mahalin ang sarili, hanapin at yakapin mo ang sarili mo ng mabuong muli ang puso na minsan mong pinagkatiwala sa maling tao.

ITAPON mo

  Itapon mo na lahat ng bagay na nakakapag paalala sayo sa kanya. Itapon mo na ang bigay nya sayong kendi, chocolate, mga pictures nyong magkasama, pictures nyong magkatabi, yung couple ring nyo na binigay nya sayo nung monthsary nyo, yung bouquet ng flowers na binigay nya sayo na kahit tuyo’t na tinatago mo pa din. Tandaan mo, hindi masamang gawin tong mga ito, isa kasi sa hakbang yan para mas madali mo syang makalimutan.

JUSTICE.

 Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo, hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, kung bakit ka nya iniwan, bakit bigla syang di nagparamdam, bakit hindi mapanatag ang loob mo. Karapatan mong malaman lahat ng iyan dahil yan ang makakatulong sayong tanggapin ang lahat. Para malaman mo rin kung saan ka nag fail sa relasyon nyo, o talagang malandi lang sya at makati na humanap ng iba. Alamin mo. 

KEEP it up.

  Kung sa tingin mo umaabante ka na. Keep it up! :D Tuloy mo lang yan! Wag mong madaliin ang lahat, tandaan mo na hindi ito, “kung sinong unang magkakaroon ng bf/gf sya ang panalo” dahil ang break-up ay hindi paunahan. kung abutin ka ng buwan, taon, dekada o milenyo pa man yan, ang mahalaga, step-by-step :D at makakasigurado ka na handa ka nang humarap sa panibagong yugto ng buhay mo.

LILIPAS din yan

  Masakit ba? Hayaan mo lilipas din yan. Para lang ding gutom yan, makakaramdam ka ng sakit, pero di tatagal lilipas din, kailangan mo lang tiisin panandalian,at dadating ang sandaling mabubusog ka na nmn ng pag mamahal. :D kaya chin up kapag nasasaktan ka, :) maging mas malakas ka kasi dadating ang sandali sa buhay mo na hindi ka na ulit malilipasan.

MAKE yourself busy

  Gawin mong busy ang sarili mo. Humanap ka ng bagay na makakapagtuonan ng pansin, mag aral kang mag gitara, kumanta o sumayaw. discover something about yourself. Umakyat ka ng sagada, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, umakyat ng bundok, isigaw mo hanggang maamaos ka. Puntahan mo lahat ng simbahan n gusto mong puntahan,magdasal ka. Ang daming pwedeng gawin :D mamili ka kung saan ka mas komportable at magiging masaya :D para mas makalimutan mo sya. 

NOT now.

  HUWAG MONG MADALIIN. Kung pakiramdam mo handa kana.For God’s sake, hindi kapa handa. Siguraduhin mo muna. I-double check mo muna ang istado ng puso mo. Kung handa ka na ba sa mga susunod na mangyayare. Kung handa ka na bang mag tiis ulit sa mga bagay na hindi mo ineexpect? Siguraduhin mo muna ang mga bagay-bagay. dahil kung ang sagot mo ay hindi pa, Hindi pa ito ang oras para diyan. Hayaan mo munang mag hilom ang malalim n sugat na naiwan sayo.

Okay lang maging bitter. 

  Uulitin ko,okay lang maging bitter. Nasaktan ka e. Itapon mo lahat ng bigay nya sa’yo, sabihin mo sa lahat ng couple na makikita nyo sa daan na walang forever! okay lang yan. Magpost ka ng nararamdaman mo. Magstatus ng mga hugot, na hugot na hugot. okay lang yan :D nasaktan ka, kung yan ang bagay na mas makakalimutan mo sya, Go! Suportado ka naming mga sawi. :D 

PRAY.

  Magdasal ka. Ito ang bagay na sigurado akong pinakamakakatulong sa’yo. Guard your heart. sa mga taong sasaktan ka lang ulit, samga taong madaming sinasabi tungkol sayo. Guard your heart. And always take time to pray. God is still writing the best love story for you. :D nasaktan ka man ngaun, malay mo, nasa introduction ka palang :D Tandaan na ang relasyon dapat may tatlong H, : HAPPY, HEALTHY, HOLY. :D 

QUOTA ka na sa drama

  Tama na ang drama. Hindi ka pa ba nag sasawa? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi ka nalang nakasimangot, gusot ang mukha, at nakamukmok kung saan saan :D  Tama na kaka simangot mo :D sobra na, dadagdagang kulubot sa mukha mo at mabilis kang tatanda :D Exercise your zygomaticus major. Smiile. :D

REMEMBER na may someone out there

  na may taong nakalaan para sayo, na madami pang tao jan sa paligid mo, nag aabang. maaring sya ang tiga punas ng luha sa mga mata mo ngayon, maaring sya ang taong laging nanjan para sa’yo even when all the odds are against you, maaring sya ang taong anjan para sayo sa oras na pinapaiyak ka nya, inaantay lang nya na mapansin mo sya. madaming taong nagmamahal sayo, ang kailangan mo lang ay buksan ang mga mata mo at ang puso mo para sa tamang tao.

SAY SORRY.

  Manghingi ka ng kapatawaran sa kanya. Siguro ito lang din ang hinihintay nyong dalawa. Mahirap oo, lalo na kung hindi ikaw ang nagkulang, pero alam namn natin na lahat tayo, nagkakamali, nakasakit at nagkulang. Siguro take this chance para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa mo. hayaan mo syang lamunin ng konsyensya nya. 

TANGGAPIN. TIGILAN. TANTANAN.

  Tatlong bagay na sigurado akong mahihirapan ka, pero kailangan mong tanggapin para mas mabilis mo syang makalimutan. Para mas madali ang paghilom ng mga sugat na naiwan sa puso mo. Para hindi na din kayong dalawa mas mahirapan pa sa sitwasyon nyo. Mas mapapadali kung iblock mo sya sa lahat ng social media na meron kayong koneksyong dalawa. Para wala kang nakikitang bakas mula sakanya. 

UNLOVE?

  “How do I Unlove you” - unlove. (ʌnˈlʌv) verb (transitive)archaic, literary, humorous to stop loving.  Sa totoo lang hndi ko alam ang sagot, wala namn sigurong paraan to stop loving someone. Makakalimutan mo sila pero naging parte pa din sila ng buhay mo na minsan sa buhay mo naging masaya ka sa piling nila. 

VICTORY

  Kailan mo ma-cla-claim ang victory? Siguro when you are over him/her. Kapag nakakapunta ka na sa lugar na hindi mo kayang puntahan dati, Kapag nakakain mo na ang paborito nyong ulam? Kapag nkikita mo ang picture nya, kahit may kasama pa syang iba, okay lang sayo. siguro kapag nagagawa mo n ang bagay na dati ay hindi mo kayang gawin ng wala sya. :) kapag nasasabi mo na sa sarili mong nakamove-on kana. Kapag handa ka ng salubungin ang isang umaga ng wala sya. Walang makakapag sabi nyan, kundi ikaw lang :D 

WAIT for the right time.

  Antayin mo ang oras na handa ka na sa lahat ng bagay. Tandaan mo, kapag minamadali ang isang bagay, it will end up messy. it will end up regretful. May oras para sa lahat ng bagay :D matuto tayong tanggapin ang katotohanang ito :D Oras para matuto, Oras para maging masaya, Oras para masaktan at Oras para mag move-on.

X.

  TANGGAPIN MO NA X MO N SYA :D Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Tanggapin mo na wala na sya. Wag kang gagaya sa mga Math professors na panay pinoproblema ang mga X nila. Masyado na silang madami, hayaan mo na sila. Ikaw, mas mag focus ka nalng sa buhay mo ngayon at tandaan mo sya bilang X mo, na minsang naging parte ng buhay mo, minsang nagbigay ng kulay sa malungkot mong mundo, at minsang nakasama mong mangarap. na ngayon ay isang mapait na alaala na lamang.

YOLO.

  You Only Live Once. But if you live it right, once is enough. Mag walwal ka kung gusto mo, enjoyin mo muna ang mga sandaling wala na sya. Life is too short para mag mukmok kapa sa isang tabi. Life is too short para sayangin mo ang luha mo sa mga bagay na wala namng kwenta. Kaya pick-up yourself from being down and smile :D a bright day is coming my friend :) 

Zzzzz. 

 Matulog ka. Ipahinga mo ang sarili mo maingay na mundo. Itigil mo na ang pagluha mo sa unan mong binabasa mo na namn ng luha mo. Lumayo ka muna sandali sa realidad. Lumayo ka mna sandali sa mundong maingay. Madaming tanong kung bakit, paano, anong kwento, at kung ano ano pa. ilayo mo muna ang sarili mo sa lahat ng to. Magpahinga ka. You’ve fought a great fight. Reward yourself. 


  sa huli, ikaw pa din ang makakapag dikta kung paanong paraan ka mag momove-on, walang makakapg sabi sayo kung paano, kasi magiging desisyon mo pa din kung paano ka mag momove on. walang makakapag sabi sayo kung ano ang tama at mali, kasi ikaw pa din ang nakakaalam kung anong paraan ang magiging mas maganda at makakatulong sa’yo. Ang mahalaga, kahit matagal, kahit mahirap, kahit ilang up and downs ang maranasan mo, ang pinakamahala ay bumangon ka mula sa pagkakadapa mo at natuto. :D Mahalin ang sarili sa mga oras na ito at wag kalimutang enjoyin ang mga sandaling malaya ka. Lagi ding tatandaang Wag sosobra, dahil lahat ng sobra ay masama. :) 

Bakit nga ba? Bakit nga ba kahit araw, buwan, taon na ang lumipas hinahanap-hanap pa rin natin yung taong wala na satin? Kung tutuusin, marami namang mas deserving. Marami namang taong kaya kang mas mahalin ng sobra kesa sa kanya. Pero bakit sa bawat oras na malukungkot ka, sya ang una mong naiisip? Minsan gusto mo nalang isipin na pagsubok ang lahat. Na binigay sayo ng Diyos ang lahat ng to para maging mas matatag ka pagkatapos nito. Pero bakit parang habang tumagatal, lalong sumasakit. Bakit parang habang lumalalim, lalong humahapdi? Bakit parang wala ng bukas? Wala ng sagot sa lahat ng tanong? Parang hindi na hihilom yung sakit ng kahapon? Bakit?

HUYYYY. TARA BLOG ULET?!

Kunware may special ininterview ako ni Tito Boy kase wala lang gusto ko lang tapos may mga series of questions siya sa’kin.

Tito Boy: “Boxers or briefs?”

Me: Boxers. “Para nagwiwiggle.”

Tito Boy: “Lovelife or career?”

Me: “Nakakain ba mga yan ha?”

Tito Boy: “Eminem or Willie Revillame?”

Me: “Willie Revillame tayo Tito Boy.”

Tito Boy: “Sex or Chocolates?”

Me:  “Chocolates…. habang nakikipagsex”

Tapos tatanungin niya ako ng ganito,

Tito Boy: “So bakit ka nga ba hindi ka na masyadong nagbblog?”

(Naks. Lakas makacelebrity ampota.)

Me: Akshwally Tito Boy, *grabs his kwelyo sabay singa*

Madaming dahilan eh. Pero dahil dami kong time, iisa-isahin natin yan. “Reasons Why I want to Quit Blogging” para kunware napakasignificant ng blog ko. Thought Catalog levels.

  1. Being an OFW is like, “Ohmayygahhddd!!!” ( in Bimby accent ), nakakastress at nakakadepress pare. Kung alam mo lang. The fact na malayo ka sa mga taong mahal mo, mas gugustuhin mo na lang na ikwento sa kanila yung gusto mong i-blog kapag kausap mo sila.
  2. Gusto ko lang magpa-miss. Nakakapogi daw kase yon. ( Pero hindi tumalab.)
  3. Feeling ko, my way of blogging is like hindi na akma para sa People of the Philippines this days. ‘Coz you know, “Henerasyon ng Madadaling Ma-Offend.” So sino mag-aadjust? Eh di ako na lang. Ayoko namang magviral sa peysbuk dahil nabash lang. Baka biglang mag Hannah Baker mode si aqoh.
  4. Parang mas gusto ko na lang maging ‘travHel bloGgerZ’ para sosyal. Yung kahit ipangutang yung pantravel basta may maipost lang level. Uso daw kase yun guys. Tapos post ako ng “Saan Aabot Ang 3 pipti Mo?” kahit ang totoo 3,500 pesos naman talaga. Kaya lang, ang hirap maglagay ng English caption pota. 
  5. Yung oras na ipang-bblog ko, spend ko na lang sa gym. Tapos pag macho na ‘ko guys instagram instagram na lang. Post ng shirtless pic tapos may hawak na Nivea. #SocialMediaInfluencer.  Tapos i-IG stories ko yung pagbubukas ng package from sponsors gamit isang kamay kase binooboomerang pa. Jusko ang hirap!
  6. And siguro dahil feeling ko sapat na ang ilang taon ng pagbblog. I’m a mature individual na kasi guys. Yung mga visions ko sa life nag-iba na. Yung priorities ganyan. Well, you know, oras na siguro para harapin ko naman ang panibagong mundong nagaabang sa akin. Charinggg!!~

Pero seriously, narealize ko talaga na kahit napakaraming dahilan pa ang sabihin at gawin mong excuse, kung gusto mo talaga ang isang bagay, kakalimutan mo ang isang libong dahilan kung bakit hindi pwede at doon ka pa rin lilingon sa nag-iisang rason para bumalik. Eh anim lang yung dahilan ko so ang ibig sabihin umaarte lang ako.

Well, Dito naman talaga ako masaya eh. At siguro sapat na dahilan na ‘to para magblog ako ng pa-chill.

Tito Boy: *snaps in Z formation.

Tito Boy: And for the last question, “Lights On or Lights Off?”

Me: “Lights on. Gusto ko i-check kung maitim singit Tito Boy.”

Tito Boy:  *Walks out

Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.

Minsan hindi mo alam kung may plano ba talaga sa 'yo eh. Hindi mo naman pinipilit at di mo hinahanap pero kapag sinubukan mong magkaroon ng pake sa mga dumating? Sa huli nakikita mo ang sarili mong hawak ulit nila. Tipong kahit gaano mo pinrotektahan ang sarili mo ay isusuko mo ito sa taong 'yon at magtitiwalang aalagaan nila ito kahit sobrang durog na.

Minsan di mo gets yung tadhana bakit gusto niya laging mag-isa ka at dadaanan lang ng mga tao na habang hinahanap din 'yong taong para sa kanila. Ayaw mong sanayin ang sarili mo sa kanila pero habang tumatagal ay nagiging paborito mo siya. Parang gusto mo palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon mo mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw ka rin pala.

Pero habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila. Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong tao na makakapulot at magpapalipad sa 'yo. Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa taong nakikita mo. Isang taong repleksyon ng kalungkutan. Isang taong nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang taong nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama.

3

i’ve never been this happy in my life before

i’ve been through a lot, madaming hindi ineexpect na blessing ang dumating sa akin simula nung natututo akong mag patawad at natuto akong magmahal ulit. at despite ng lahat ng pinag daanan at nilampasan, ikaw yung nakasalubong ko at niyaya na samahan ako sa paglalakbay ko. hindi ka sanay na may kasama, hindi ka sanay na may umaalalay, hindi ka sanay sa lahat. sa madaling salita, sabi mo, “kaya ko”. Pero as time goes by, unti-unti narererealize mo na hindi mo din pala kaya. na hindi pala madali. kaya ako, eto, gumagabay at umaalalay pa din sayo, sa kabila ng lahat, andito ako para sa’yo. mananatili at patuloy na magmamahal.

Hayaan mo akong maging karamay mo.

sa mga oras na pakiramdam mo mag isa ka na naman
sa mga oras na pakiramdam mo, tinatalikdan ka ng mundo
sa mga oras na pakiramdam mo, ikaw nalang ang lumalaban
sa mga oras na nahihirapan ka
sa mga oras na masasabi mong, “hindi mo na kaya”

hayaan mo akong maging sandalan mo.

sa mga oras na gusto mong umiyak sa sakit
sa mga oras na gusto mong ibuhos ang naiipon mong nararamdaman
sa mga oras na gusto mo lang ilabas ang sakit
andito ako para sa’yo

kaya, babe, :)
lagi mong tatandaan.
gaano man nakakapagod ang araw,
gaano man kahaba ang buong magdamag
gaaano man kalayo tayo sa isa’t- isa
gaano man kahirap ang LDR
kakayanin natin to,

para sa isa’t - isa
para sa’ting dalawa
para sa’ting mga pangarap
para sa hinaharap.

iloveyou babe. @hindichinita