gusto ko sa lalaki

anonymous asked:

Bakit sya pa, bakit hindi na lang ako pinili mo

kasi di ako pumipili ng kalbong nakashade na black haha :( 

Lahat kasi ng gusto ko sa isang lalaki nasa kaniya. pati mga flaws niya gusto ko din. 


anonymous asked:

Bakit kung buntis ako, malibog ako sa mga magandang babae pero kung hindi malibog ako sa mga lalaki? Kahapon kasi first time na gusto ko magsex sa isang babae sa party pero hindi ako buntis ngayon. Confusing, pero tuloy pa rin ako. First time ko malaman kung anong lasa ng... pepe. Hangang tatlong beses siya nagorgasm, hindi ko tigilan. Ang sarap e, sobra. Surprising talaga sakin, kala ko hindi maganda ang lasa. Pero ako hindi ako masarap dyan e, sabagay yung lasa depende sa diet.

Ang agang confession nito ah. Hahaha. Hindi ko alam sis eh. Siguro naguguluhan ka pa sa gusto mo talaga, kung lalaki or babae. Ay ewan ko. So may anak ka na pala.

katfly13  asked:

Mas gusto ba talaga ng guys yung mga babae na long hair?

Oo? Di ko sigurado. Kasi ako mas gusto ko mahabang buhok eh. Di ko alam sa ibang lalaki. Pero depende din kasi sa babae. Meron kasing mga babae bagay sa kanila yung short hair. Pero mas gusto ko long hair :)

Kaya nga siguro yung ibang babae nagpapagupit after breakup eh. Para magulat kami. Kasi isa talaga yun sa gusto namin. Ganun nga ba yun? Kayo naman nga sumagot! HAHA :))

  • Her: Nasaktan na ko noon, ayoko ng masaktan pa ulit. Alam ko naman na may gusto siyang iba. Sa dinami dami ng lalaki bakit sa kanya pa? Wala siyang ginawa kundi asarin ako. Hindi ba niya alam na imbis na mainis ako ay nahuhulog na ko? Ayokong magkagusto sa kanya dahil alam ko, alam ko hindi niya ko sasaluhin. Masasaktan lang ulit ako.
  • Him: Hindi ko maamin sa kanya kaya dinadaan ko na lang sa biro at pang-aasar. Hindi ko maamin sa kanya dahil natatakot ako na masaktan ko siya. Natutuwa ako sa tuwing napipikon siya. At kahit na yung pag-aasaran lang namin ang naaalala ko, sa tuwing naiisip ko yun, natutuwa ako. Mahal ko siya pero hindi ko magawang maamin dahil alam ko iba ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya sa'kin.

CLOSURE

Ang hirap talaga pag di nakikinig ang bestfriend mo sayo. Sarap tanggalan ng tenga kasi di naman makikinig kahit na ilang beses mo na pagsabihan. Kakaloka din tong babaeng to minsan eh.

KRRRRRRRNNNNG!!!

“Julie Anne, bakit?” bungad ko sa kanya. Kilala ko na sino caller ko pag gabi. Siya lang naman willing puyatin ako eh. Ganyan magmahal ang bestfriend ko. Namumuyat.

“Maqui…”

“Wait! Huhulaan ko kung ano sasabihin mo.” pigil ko sa kanya.

“Okay go.”

“Nagpahiwatig nanaman siya sayo no?” tanong ko. Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay umiyak na lang siya.

Lagi naman kaming ganito ni Julie. Tatawag siya saken, huhulaan ko kung bakit siya tumawag, pero madali lang yun kasi isang reason lang naman palagi yan eh. Tapos iiyak siya. Iiyak lang siya nang iiyak. Nakakaiyak ba kapag gabi? Hay.

“What did he do this time?” tanong ko. Umayos ako ng higa saka hinintay ang sagot niya.

“Kasi naman eh. Napaka niya. I’m trying to move on, alam mo yan…”

“Nagmmove on ka na?! Oh my god I wasn’t informed!” sabi ko.

“Maqui naman kasi eh…” angal niya.

“Julie, tell that to me if you’re really moving on. Yung hindi ka umiiyak.”

“Di naman ako umiiyak ah.”

“Ako pa niloko mo, Bes? Ako pa? Eh paano ka ba umiyak? Tahimik, parang di makahinga, singhot nang singhot. Oh ano?”

Matagal bago siya nakasagot.

“Siya kasi eh…”

“Lagi namang siya eh. Di ba pwedeng iba naman?” tanong ko.

“Wala namang iba eh.”

“Alam ko. Kasi di mo naman sasabihin na ‘siya kasi eh’ kung may iba na diyan sa puso mo.” sabi ko. “Oh game. Ano na uli yung ginawa niya?”

“Kasi nga. Diba nung Sunday ako umuwi from Kuwait?”

“Oh. Anyare?”

“That night nagdrunk call siya sa akin. Tapos, sabi niya he misses me and he still loves me. I don’t know what to do anymore Maqui. Ang hirap niyang ispellingin!” she said.

“Drunk call huh? Tas ansabe mo?”

“Sabi ko, lasing lang siya and he should just go home and sleep. And I told him that I have a jetlag and I want to rest as well kasi nga may pasok na kinabukasan.” sagot niya.

“Hm. Tapos?”

“Tapos sabi niya uuwi daw siya sa akin. Mag-uusap daw kami. Alam mo yung feeling na ayaw mo na siyang makita pero pinipilit ka pa rin niya?”

“Di ko alam yun, bes eh. Ikaw lang nakakaalam niyan.”

“Hay. Basta yun. And then, sabi ko sa kanya wag na. Tapos naman na kami and he should just go to Janine kung ayaw niya talaga umuwi sa condo niya. Pero he insisted. He told me that he wanted to see me badly.”

“Let me guess, nagpunta pa rin siya?” tanong ko.

“Y-yeah.” narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at pagkatapos nun ay mahabang katahimikan.

“Hey. You still there?”

Singhot lang ang narinig ko sa kanya. Hay. Kailan ba mauubusan ng luha tong bestfriend ko? May dam ata sa mata to eh.

“Maqui, bakit ganun? Bakit kahit anong gawin ko di ko pa din siya makalimutan? Bakit kahit sinasampal na sa mukha ko yung katotohanan na wala na kami, na wala ng kami, di ko pa rin magawang di umiyak everytime I see him. Why does it have to be him? Why does it have to be always Elmo?” hinaing niya sa akin.

“I don’t know Julie. I have no idea. Try asking that to yourself. Bakit nga ba laging siya?”

Natahimik siya saglit at saka narinig ko nanaman ang singhot niya.

“Bakit nga ba, Jules? Bakit nga ba siya na lang ang naiisip mo?” tanong ko ulit.

“I don’t know. Maybe because there was really no closure between us?” may alinlangan sa sagot niya.

“Exactly. You didn’t get any closure kaya ganyan ka.” sabi ko.

“Siguro nga. Kasi hindi naman talaga malinaw sa akin ang lahat. He didn’t really clear things up between us. He just left without even saying goodbye.” aniya. “Maq…”

“Yes, Jules?”

“Am I not enough?” she asked.

That question will always be my most hated question. Sa lahat ng tinatanong niya sa akin, yan ang pinakaayaw ko. Bakit ba kasi kailangan pang tanungin kung sapat ka o hindi sa isang tao? Leche kasi eh. Sobra pa nga siya eh. Pero dahil sa ginawa ng punyetang lalaking yun, bumababa ang tingin ng bestfriend ko sa sarili niya. Lecheng mga paasang lalaki kasi yan eh!

Sinubukan kong pakalmahin muna ang sarili ko bago ako tuluyang sumagot sa kanya.

“Why are you asking me that again, Julie Anne? I told you I hate it when you ask me that stupid question.” sabi ko.

Napaupo na ako sa kama saka ko pa kinuha ang teddy bear na binigay sa akin ni Julie dati.

“It haunts me Maq. Iniisip ko, di pa ba ako sapat kaya naghanap siya ng iba?”

“Bullshit. Julie, you are more than enough okay?! He was just stupid because he never appreciated you. He never really cared. Admit that to yourself.” sabi ko.

“Maybe he really never cared. Pero… Maq?”

“Yes, Julie Anne?” singhap ko.

“Ang sakit…” she trailed off.

Naiiyak na rin ako. This is why I hate it when I talk to her at night. We would always have these scenes and I would feel double the heartache because I love my bestfriend so much and it hurts that the one she loved never really loved her back.

“I know, Julie. I know.” sabi ko. Nagpunas ako ng luha at saka nagsalita ulit. “Masakit alam ko. Pero Jules, we both know that love hurts right? Mahal mo siya kaya ka nasasaktan pero please Julie. Tama na. Wag na. Kasi kapag hindi ka pa nagmove on, mas lalo ka lang masasaktan. Masasaktan din ako.”

“Ang hirap kasi eh. Gusto ko siyang kalimutan pero di ko alam kung paano because I really don’t know what happened to us. Kung bakit kami nagkahiwalay.” aniya. “I just want answers to my questions.”

“Then talk to him. How would you know kung hindi ka makikipag-usap?”

“Yun nga ang mahirap eh. Everytime I tried talking to him, this stupid heart of mine would forgive him even with just his stupid smile. Nalulusaw ako agad, Maq! Ang hina-hina ko when it comes to him. Napakahina ko…”

I can already hear her sobs and each sob breaks my heart into tiny pieces. Naaawa na ako sa bestfriend ko kasi alam ko naman kung gaano niya kagusto na kalimutan si Elmo pero di niya magawa kasi sobra pa rin yung pagmamahal niya para rito.

“Julie, don’t you think that asking him straightforward is better than not asking him at all? Kasi atleast kung kakausapin mo siya and lilinawin mo lahat, edi malalaman mo kung anong naging mali diba? Kaysa naman manahimik ka lang pero iyak ka nang iyak because you don’t know what really happened between the two of you.” sabi ko.

“Natatakot kasi ako eh. What if ako pala yung may mali? Maybe I just assumed because of his actions and his sweet words. Maybe I was just too clingy and needy and too interested kaya ayaw niya sa akin. Maybe I wasn’t confident enough kaya di niya ako gusto. Ayoko itanong sa kanya kung anong mali kasi alam ko naman na ako ang mali. Masyado akong naging needy sa kanya. I wanted to be with him all the time and I know that he doesn’t want me that much pero pinilit ko ang sarili ko. Maqui, natatakot ako kasi ayokong marinig sa kanya yung mga salitang yan.”

This time, humahagulgol na siya. Tanginang Elmo kasi eh. Bakit nabuhay pa eh!

“Julie, you weren’t clingy. Ang luwag mo nga sa kanya diba? Hinahayaan mo siya mag night out with friends kahit na gusto mo siyang makasama. And hindi ka naman mag-aassume kung hindi siya nagbigay ng motibo diba? Julie, the problem is not you. It’s him. You’re a diamond, honey. But he wanted to settle for stones and we can’t do anything about it.”

Narinig ko nanaman siyang suminghot at matapos nun ay humugot siya ng malalim na hininga.

“Napapagod na ko magmahal, Maqui. Alam ko naman kasing walang patutunguhan yung pagmamahal kong 'to kasi may iba na siya eh. May mahal siyang iba at mas mahal niya yun kaysa sa akin.”

“Alam mo minsan naiisip ko, hindi naman ako nagkulang ng pangaral sayo. Diba simula pa lang naman sinabihan na kita na mag-ingat sa kanya? I told you that he’s not a keeper. Pero you never listened to me. Sabi mo, hindi naman aabot sa point na maiinlove ka sa kanya. Pero look at what happened? You fell in love with him and he didn’t even catch you. Tapos ngayon, umiiyak ka kasi nasaktan ka. If only you listened to me, Julie. Siguro masaya ka pa rin hanggang ngayon. Yung masayang Julie na kilala ko talaga. Yung Julie na baby namin. Yung Julie na buong-buo.”

“I’m sorry for not listening to you, Maqui. Pero alam naman nating pareho kung gaano kahirap kapag puso na ang nagdikta diba?”

“I know that. But we have to remember that yes, we have to always follow our heart. But we should always take our brains with us when we do that. Wag nating kakalimutan yun. Mind over heart, Julie. Look at you. You gave him everything. Wala kang tinirang pagmamahal sa sarili mo kaya ganyan ang nangyayari sayo.”

“He was my ideal guy. Nasa kanya lahat ng gusto ko sa isang lalaki at akala ko siya na talaga eh. Pero I was wrong. He was my ideal guy but I wasn’t his ideal girl and it just hurts thinking that one day he’ll soon forget about the color of my eyes and I’ll soon forget about his. That one day, we would just be mere strangers to each other as if we never really got to know each other. And masakit isipin na yung dating kami, parang wala lang sa kanya. Na tinapon niya lang nang basta na lang ganun. As if our friendship wasn’t even that important to him.” sabi niya.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Minsan kasi the only thing to console a broken heart is to stay silent. To let them vent out. To just lend your ears.

“Alam mo, Maq? Iniisip ko pa rin talaga, ano ba talagang nangyari? Lahat ba yun totoo o fiction lang? Was that just a dream? And if that was a dream, was it that good that made me feel bad and broken about it the moment I woke up? Ang hirap talaga sa part ko because I was always the one reaching out for him. He was the silent-type. We both know that. Pero di naman masama na sabihan niya ako diba? Kahit, 'Julie you’re a great girl but it’s just not going to work out between us.’ But no! He never spoke about his feelings.”

“I understand you, Julie.” sabi ko.

Napahikab ako at saka tumingin sa oras. 3:32am. 3 ½ hours na kaming magkausap ni Julie.

“Ayaw mo pa bang matulog? May pasok ka pa diba?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ako makatulog. Inaantok ka na ba?”

“Para sayo, hindi. Kaya go lang bes. Kwento ka pa more.” sagot ko. Kahit sa totoo lang eh pumipikit na yung mata ko. Hay Julie Anne. Pasalamat ka talaga mahal kita eh. Kaya kahit magmukhang maleta na yung eyebags ko okay lang.

“Alam mo ba, nung nasa 71 Gramercy kami nila ninang, nung night na niyaya din kita. Pinuntahan niya ko nun. Hindi daw ako dapat nagpaparty whatsoever.” kwento niya.

“Wag nga siyang epal. Siya lang ba pwede pumarty? Nako kung wala lang talaga akong lakad nun nakasama sana ako eh. Edi sana nasapak ko yung gago mong ex na yun.”

“Ewan ko sa kanya, Maq. Sabi ko sa kanya wala na kami so di na niya ko dapat binabantayan pero di naman siya kumikibo. Pinapaasa nanaman niya akong may chance pang bumalik yung dating kami.”

“Oh tapos? Aasa ka nanaman? Gusto mo pati ikaw sapakin ko na din? Julie, you gave him everything already pero he never appreciated those. Di pa ba sapat na rason yun para di ka na magpaloko uli sa kanya? Once a manloloko, always a manloloko.” sabi ko.

“Sabi ko nga, ayoko na. Nakakapagod na nga diba? Naiinis na din ako sa sarili ko kasi isang banggit niya lang sa pangalan ko naghuhuramentado na agad yung puso ko. Nagwawala nanaman yung mga demonyo sa tiyan ko. Pero I have to control myself kasi ayoko na. Wala akong balak na agawin pa siya kay Janine kasi nagsawa na ako maghintay sa taong wala namang magbalak magpahintay.”

“You know what’s funny? He was the one who told you that he’ll wait but in the end you were the one left on the waiting shed while he rode another bus. Pero wag ka mag-alala. May ibang bus pa na dadating para sayo. Mas okay, mas maiintindihan ka, mas aalagaan ka at mas mamahalin ka. Let’s just say that Elmo was just a bad memory and that he was a lesson that not all those who said that they’ll wait actually waited. Some are just saying that to give you false hopes.” sabi ko sa kanya.

Narinig ko naman siyang nagbuntong-hininga.

“Yeah. Maybe there are buses waiting for me pero dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Elmo, di ko tinangkang sumakay sa iba. Naghintay pa rin ako. I lived in the past.”

“And living in the past will only fuck you up, Jules. Alam mo yan.” paalala ko.

“I know. Kaya nga tignan mo ko? Nasasaktan ako kahit di na dapat.” aniya. “Pero buti na lang nandito ka pa, Maq. You never gave up on me.”

“I will never do that. Kahit na minsan nagtatampo ako sayo kasi wala kang time sa akin. Puro na lang si Elmo. Kahit na minsan nakakatampo na naaalala mo lang ako kapag may problema ka kay Elmo at kahit di ka nakikinig sa akin kahit na alam mong tama ako, at kahit gabi-gabi na lang na ginawa ni Lord eh pinupuyat mo ako, di kita iiwan. Bestfriends tayo and di ako basta nang-iiwan sa ere.”

“Thank you, Maqui.” sabi niya. Napangiti naman ako. Minsan talaga itong si Julie kahit gaano na kalaki tampo ko dito, konting imik niya lang, nagiging okay na uli kami. Ganyan siguro talaga kapag pamilya na turing niyo sa isa’t isa.

“Sus wala yun. So ano? Matutulog ka na ba? Anong oras na bes. Papasok ka pa sa school.” sabi ko.

“Yeah. Matutulog na ko. Nahihiya na ko sayo eh. Haha.” aniya.

“Sus nahiya ka pa eh gabi-gabi kang namumuyat.” sambit ko.

“Hmp. Ewan ko sayo. Matulog ka na antok lang yan.”

“Oo na. Pero bes, may nakalimutan pala ako.”

“Ano yun?”

“Umamin na talaga tayong hindi tao ang bago ng ex mo. Ibon siya. Okay?”

“Gaga!”

“Hahaha. Pinapatawa lang kita kanina pa tayo heavy scenes pwede na tayong mag heavy drama eh.”

“Thanks.” aniya.

“Anytime. Oh pano? Mamayang gabi ulit?”

“Scheduled na yan, Maq. Matic na saten yan.”

“Alright. I’ll wait for your call. Good night, bes. I love you remember that.”

“I love you too, bes. Good night and good morning.”

- END -