gusto ko nyan

Gusto kong Magka BOY BESTFRIEND. pwede ka ba?

Basta gusto ko talaga. Yung sasamahan ka kapag depress na depress ang buhay mo. Yung kasabay mong kumain. Yung laging sumasama sa mga family outing niyo kasi close din siya sa family mo. Ang cool lang. Yung parang si Bogs at Mae lang ng paano na kaya di ba? Gusto ko nun. hahahaha. Pero masyado atang telenovela pangarap ko e no? Masyado akong mag-isip. Pero gusto ko talaga. Naisip ko kasi, Mas okay pag boy ang bestfriend mo. Kasi iba talaga e. Iba ang dating. Astigin! haha! :) 

Sana sa darating na 2012 magkaroon na ako ng boy bestfriend. please naman o :) Kahit tumblr bestfriend lang na katulad mo. okay ba yun? 

  • IBA'T-IBANG KLASE NG BOYFRIEND.
  • 1. Mais
  • - Un bang wala ng ginawa kundi bumanat ng bumanat, “mais kaba? bakit?” “hindi tayo tao hindi tayo hayop. anu tayo? bagay tayo”. In short BADUY pero aminin kinikilig!
  • 2. Galante
  • - Sabihan mo lang na gusto ko nito gusto ko nyan, bibilhin kaagad nya. Minsan kahit nagjojoke ka lang nabili na pala nya. Kasaya! haha.
  • 3. Feeling Kanya
  • - Nang-aangkin. Magulang kita?, “akin ka lang ha!”. Sa una masaya pero pag tagal na puro nalang kanya. Wala ng sayo.
  • 4. Kapitan Pangako
  • - Pangako! Pangako! Pangako! Lagi namang napapako. Promise hindi na mauulit.. Utot mo! ikaw naman ito maniniwala na lang. Ano pa nga ga? Mahal mo ee.
  • 5. Mr. Bawal
  • - Wag kang pupunta dyan. Wag mo gawin yan, Nakakainis na. Lalabas ka lang ng bahay magagalet kaagad? Pati makipagtext sa kaklaseng lalaki para magtanung ng assignment magagalet na? Tapos pag sa kanya na dahilan ki dahilan ng eto naman ay ganito ganyan. Itsura mo!
  • 6. Man of Surprise
  • - Magpaparinig ka tas kunwari walang narinig or kunwari di kayang gawin. Syempre Ok lang sayo. Yun pala pinagiipunan na tas bigla ka nalang nya isusurprise. Nakakainis no? : ”“”>
  • 7. Pretender
  • - Yun bang kita mo ng may problema sa kanya, tanggi pa din? kita mo ng nagseselos. Hindi pa rin DAW? Kita mo ng napapagod. tas tatanungin mo Ok lang daw sya. Ok lang ako, Ok lang talaga.
  • 8. Kuripot
  • - Wala akong pera ee. Next time nalang. Reregaluhan nalang kita ng aking pagmamahal. Kunwari pasweet ayaw lang namang gumasto. Un bang kaibigan mo pa ang bumibili ng mga bagay na gusto mo tas sya naman magseselos. Krisis ga? at wala kang pera haha.
  • 9. Boring
  • - yan na. best definition na yan. Title itself. kailangan pa bang ipaliwanag? haha.
  • 10. Dependent
  • - “San tayo pupunta?” “Ikaw, ikaw bahala, Kung san ka dun ako.” “San tayo kakain?”“kahit saan. ikaw na magdecide” Wala kang sariling desisyon? Puro nalang siya. haha. nakakainis minsan. Kadalasan ding pinagmumulan ng tampuhan.Yun bang hindi mo matanong, tas pag tinanong mo ibabalik sayo ang tanong? Bola lang? Bouncing.. xD
  • 11. Sumbatero
  • - Super baet. Mapagbigay at mapagmahal. Tas maya maya isusumbat lahat sayo ang kanyang ginagawa na parang kala nya lahat na lang ay siya ang gumagawa. Aba naman.
  • 12. Effortman
  • - Ito ang gusto ng mga babae. Effort kung Effort, Prideless. at Super mapagmahal. Un bang ikaw na ang mahihiya sa kanya. Ikaw na ung manliliit kasi di mo matumbasan ung mga bagay na nagagawa nya. Un bang parang baggage counter na magbibitbit ng bag mo. Parang electric fan na papaypay sayo. tas lageng andyan kapag kailangan mo. Magiintay kahit umuulan at gabi na. napapatanung siguro kayo. Mayroon pa ba nyan? haha , malay natin.
  • pansin nyo ba?
  • walang seloso no?
  • kasi lahat ng lalaki.. SELOSO wag lang aabusuhin