gusto ko ishare

hi john. Sana maging okay na tayo ulit. 

kasi may ikkwento ako sayo. 

Hindi man ako sigurado kung yun ba yung reason bakit ka nag decide na magkaganito tayo. gusto ko lang talaga ishare sayo yung mga nangyare at naramdaman ko non. No holds barred kumbaga. I mean, nasabi ko naman na sayo. Sayo nga ako nag breakdown nung hindi ko na kinaya nang mga unang araw. Pero hindi na natin napag usapan in person eh. Gusto ko i-open up sayo yung mga bagay na mas nagiging malinaw sa akin. Alam kong makikinig ka. Kung hindi ka man makinig, alam ko hahayaan mo akong magsalita. Hahaha.

Kung hindi naman yun, may isa pa akong naiisip na dahilan eh. And sana mapag usapan din natin

,

July 2014 CPA Board Examination

“The Professional Regulation Commission (PRC) announces that 1,107 out of 5,540 passed the Certified Public Accountant Licensure Examination given by the Board of Accountancy in the cities of Manila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo and Legazpi last July 2014.

The results were released in three (3) working days after the last day of examination.”

_____

Hi guys! For your future references, gusto ko lang ishare sa inyo yung insights ko regarding the recently held July 2014 (Supposed to be May 2014) CPA Board Examination. Alam naman natin na new set of Board of Accountancy ang nakapwesto ngayon and I must say that the exam questions they formulated  for each subjects is quite different from the trend of the CPA Board examination for the past years.

1. AUDITING PROBLEMS

Auditing problems consists of 50 comprehensive questions divided into 10-12 problems (I forgot the exact number of problems). May tatlong theory questions about test of transaction cycle na lumabas and feeling ko yung mga lumabas na problems e self-constructed problems with no known sources. Answerable naman mostly (Kung hindi niyo masolve, magworkback na lang kayo) except for the two problems na yung isa about sa nagbenta siya ng Land tapos may contract of repurchase at siyempre yung Accounting for Zoo Animals na dito madaming naguluhan kasi hindi malinaw yung standards (Hindi nga naturo ito sa klase e) kung icclassify ba siya as PPE or Bio Assets. then kung PPE ba siya, idedepreciate ba sila o hindi.  Nakagulo din dito e each questions may Nil na choice. 

2. PRACTICAL ACCOUNTING 2

Dito madami din nahirapan kasi yung dating trend na puro Cost Accounting ang ibinibigay, ngayon nawala na. And nakakagulat kasi parang naging TOA yung P2 dahil may 12 items na theory questions ang lumabas which were reported by Sir Conrado Valix sa BOA dahil hindi naman dapat magbibigay ng Theory questions sa P2 (Except if NGAS or NPO). Sabi ni Sir Valix, Bonus daw yung mga Theories (So may 24 bonus points agad kami sa P2? No one knows) more than 10 items are Business Combinations,more or less 10 items din ang lumabas sa FOREX at Hedging. and nakakagulat kasi walang Home Office and Branch Accounting na lumabas. Questions were patterned (But not exactly the same) from Sir Dayag’s Prac 2.

3. THEORY OF ACCOUNTS 

Sobrang nalungkot ako dito kasi more than 30 questions came from ReSA Preweek handouts and may copy ako nun tapos hindi ko man lang binasa kasi akala ko sa CPAR Handouts kukuha. Sayang. Pero okay lang, tapos na e. All are objective based questions mostly patterned din sa TOA reviewer ni Sir Valix. The questions were okay. Pagalingan at padamihan ng alam ng concepts.

4. AUDITING THEORY

Isa ito sa mga subjects na pinaka kinabahan ako kasi Akala ko mostly subjective type questions yung lalabas, yung mamimili ng BEST answer. Pero hindi pala. Laking tuwa ko dahil more than half of the questions were patterned from Salosagcol textbook.  Sobrang laking tulong ng libro nila Sir Jekell. If you have time, basahin niyo at sagutan niyo yung questions. Nawindang din lahat dahil may icebreaker na two questions na nangangailangan ng grammar skills. Yung Each, Is. Tsaka Less, More. Haha! Sayang kung magkakamali ka pa sa ganun. Sabi din ng iba, madami daw kinuha sa Wiley. 

5. MANAGEMENT SERVICES

Eto talaga sobrang nagbago yung trend. 70 items pa din naman pero 18 questions lang ang tanong na lumabas na nangagailangan ng calculator. Dati kasi almost 50 questions puro problems, the rest theories. Mostly CVP analysis ang lumabas and all are easy questions. Yung theories, objective type. Nakakalito hindi ko alam kung saan kinuha pero sabi ng iba sa review book daw ni Ma’am Cabrera nanggaling yung ibang questions. I don’t know, hindi ko pa nakikita e.

6. PRACTICAL ACCOUNTING 1

Honestly, hindi siya ganun kahirap unlike sa mga preboard ng CPAR na mahirap talaga. Labanan lang din ng concepts. Mostly patterned sa P1 ni Sir Valix at may tatlong questions sa PRC Preweek. Nakakalito lang din kasi hindi mo alam kung ano yung isasama mo as part ng Current Liabilities or Current Assets, pati Sa Cash flow from operating Activities kasi may mga items na parang doon ko lang unang nakita. Like yung doon sa inventory, inventoriable ba yung interest on inventory loan o hindi. Pati sa Equipment, capitalizable ba yung Interest o hindi. Answerable naman lahat.

7. BUSINESS LAW and TAXATION 

THE EASIEST EXAM FOR THIS BATCH! Lol for Sarcasm! Grabe last day pa man din ng exam and akala ko talaga na hindi ganun kahirap dahil sabi ng mga kakilala ko na CPA na, mostly objective type ang lalabas. Pero hindi. more than half ng questions hinulaan ko. Nalito lito na ako. May mga Case Analysis tapos may mga items na first time ko lang maencounter. Like yung abbreviation ng DOSRI, Grandfather Rule (Wala naman naituro lolo ko na may batas pala siya. Haha) Mas madami ata yung questions sa Tax na lumabas ngayon, tapos 5 or 6 questions ang problem solving sa. then may 3 questions na nangangailangan na naman ng grammar skills natin. About kasi yun sa paggawa ng report sa CIR or CTA. Kung ano daw ba yung best statement. With Regards, With Regard; On Behalf, In Behalf; meron pa lumabas "These are, This is; o These is”. Killer subject for this batch!

______________

Grabe yung batch na ito, ito na ata yung may pinakamadaming napagdaanan. New BOA, postponement of exam tapos low national passing percentage rate. Kaya gusto ko icongrats lahat ng nagtake ng CPA Board exam this batch!  Yung determination, perseverance at patience pa lang na tapusin yung exam, isang malaking achievement na. Never give up guys! Hindi man lahat pinalad, Lahat tayo magiging CPA din!

Para sa mga magtatake sa upcoming batch. Please don’t be bothered because this batch got a low national passing percentage rate (Lowest so far for the Past 10 years). Habang nagrereview, sabayan niyo ng prayers. Before examinations, mag pray ka. During exam, pagpray mo na tama ang ish-shade mong answer. After Examinations, prayers pa din. Wag ka magsawang magdasal. Hold on to God’s promises, dahil sa una pa lang, ang laban na ito, pinanalo na ni God sa atin! Papasaan pa at lahat naman tayo magiging CPA din in God’s perfect time! God Bless guys! Galingan niyo sa Board Exam! 

_____

Source: http://creditcedric.tumblr.com