gusto ko 'to

anonymous asked:

Bakit ayaw mo magkagf ng blogger?

Tumblr blogger, specifically. Wala namang assurance na hindi ako magkakagusto sa blogger. Ano lang, ayoko lang na through this blog niya malaman yung mga mahahalagang bagay tungkol sa'kin at mga nararamdaman ko. Gusto kong ikwento sa kaniya yung mga ‘yon habang magkatabi or magkaharap kami. I want to see her face/reaction, if she’s interested to know more about this average guy.

mga qaqo diba sobrang open nga namin sa isa’t isa ng crush ko sa office? kanina kasi may pinakita akong chatbox sa kanya (convo namin ni ex) tapos nalimutan ko nagsend nga pala ako sa ex ko ng picture naming dalawa ni crush. gulat ako taena nanigas ako eh kasi nakita niya. good thing wala naman siyang sinabi fak buti iniba niya topic luh pota alam ko naman na alam niy na gusto ko siya pero iba pa rin talaga sa feels. matutulog na sana ako kaso nabbother pa rin ako wew bahala ka dyan. ano ba naman tong pinasok ko pota napakahirap lol.

I’m sitting here waiting for my night class to start and I’m thinking to myself: I just realized how much love and passion I really have for my craft. Of course noon palang iniisip ko na eto gusto ko, mahal ko ginagawa ko. Pero syempre as time passes, napapanghinaan ako ng loob and naiisip ko na wala akong mapapala dito. I’m not good enough, mga ganon. Dagdag mo pa yung nawalan talaga ako ng oras para ipursue yung ganitong career.

But because of this whole wanderbattle thing, it made me realize how badly I want this pero at the same time, okay lang kahit di ko muna makuha kasi ngayon palang, bumalik yung drive kong magpursigi sa ginagawa ko and nakikita ko rin na yung mga taong malalapit sakin, they’re really rooting for me. Masaya na ko no matter what that’s all I really needed.

So, no matter the outcome of this whole thing, I’ll make time na talaga para sa art ko. Ilang taon ko siyang prinocrastinate. I’ll just keep doing what I do and ayoko nang mag-miss out sa mga ganitong opportunity 🌻

Panaginip

Kanina nanaginip ako na nasa P.E room daw ako dun sa school namin nung HS. Dun kasi ang room ng dance company tapos nakasama ko dun yung ilan sa mga bestfriend ko tapos nakausap ko pa yunh teacher namin na pinakamagaling sumayaw for me. Tapos sabi ko kung pwede pa ba ako sumayaw after college kasi yun talaga ang gusto ko. Hindi daw pwede sakit naman HAHAHAHA tapos nagising ako tas naisip ko di na nga siguro pwede kasi iba na daw ata nagtuturo tapos syempre matanda nako. Sana makasayaw ko ulit yung mga taong matagal kong nakasama sumayaw sa sayaw ng buhaym charot! Hahahaha nakakamiss sumayaw yung sayaw na alam mong galing sa puso :)

2

every month iba-iba ang theme ng mga birthday celebrators sa office. since absent ako yesterday, una nilang tinanong sakin kung nakita ko na ba daw yung nakapost sa lobby. tuwang tuwa yung mga officemates ko tapos ako napapaisip kung ano kaya yung theme ngayong october. basta ang sinasabi lang nila, “uy mark saktong sakto at bagay na bagay yung sayo”. luh mga qaqo pagkakita ko tawa ako ng tawa pota??? buti na lang qt ako dyan haha astig ge yun lang.

Mahal, nandyan ka pa ba?

Tara, dito ka, sa tabi ko, kwentuhan mo ako ng mga bagay, maging delubyo, hinanakit, at kahit magluha pa ng dulot ng sakit.
Kwentuhan mo ako, at iintindihin ko.

Iintindihin ko katulad ng pag intindi na ginawa mo sa akin noon,
Iintindihin ko katulad ng pag intindi mo sa akin na umaabot ng alasdos imedya ng madaling araw, kakwentuhan ako,
Iintindihin ko ang bawat detalye na ilalahad ng isipan mo, gaya ng ginagawa ko sayo hanggang ngayon.
Hindi ba’t parang napakalayo ng noon, sa ngayon.
Pansin mo ba?
Ramdam mo ba?

Dahil alam mo ba noon, nasanay ako, na sa kada umagang gigising ako, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko, minamahal ako, mas higit sa inaakala ko, mas higit sa pinapadama ko, at mas higit sa dati mo. Anong saya ang nararamdaman ko na sa kada umagang didilat ako, maiisip kong may isang lalake, naghihintay na dumating ang umaga, para mahalin ako ng walang kakupaskupas, sa napakaraming bukas.

Pero noon iyon, dahil ngayon, alam mo ba, nasanay ako, na sa kada umagang gigising ako, gumigising akong ikaw ang pumapasok sa isipan, subalit hindi malagyan ng ngiti ang mukha, hindi malagyan ng bahid ng pagmamahal, dahil puro takot, at sakit, ang sumasakal sa pagdilat ko. Puro takot at sakit, sumasakal sa isipan ko.
Bakit? Gusto ko ng sagot, bakit ba ako nagkakaganito?
Nais ko lang namang hingan ng mga kasagutan, kasagutan mula sa iyo, mula sa isip mo, puro at totoo.
Mahal, sagutin mo ako, ikaw ba'y nagbago na?
Nakalimot ka na ba sa dati nating gawi?
Ikaw ba'y nagsawa na sa dati nating ginagawa?
Na ang oras ay para lamang sa isa’t isa, at hindi sa iba.
Na ang isipan ay para lang sa pagmamahal, at hindi laan para sa mga sagabal.

Bigyan mo ako ng kasagutan, mahal.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng palatandaan, na hindi mo pinagsisisihang mahalin ako.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng senyas na hindi mo ako bibitawan.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng pagmamahal, mahal, gusto ko ng pagmamahal, mula sa iyo, buong buo, at walang tinatago.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Ngayon, habang dumadaloy ang mga luhang sabik na magpapunas sa mga kamay mo,
habang dumadaloy ang mga luhang nagnananais na mapatahan ng pag-ibig mo..
Tatanungin ulit kita, sa huling pagkakataon na mabasa o marinig mong muli, tatanungin ulit kita..

Mahal, nandyan ka pa ba?
Dahil kung nandyan ka, kwentuhan mo ako ng mga bagay, sa kung paano naging ginhawa ang delubyo, kung paano naging bulaklak ang mga itinanim nating buto ng hinanakit, at kung papaano naging pag-ibig ang mga luhang dulot ng sakit.

Mahal, kung nandyan ka pa,
tara dito,
sa tabi ko,

kwentuhan mo ako.

—  “Istorya”
HUYYYY. TARA BLOG ULET?!

Kunware may special ininterview ako ni Tito Boy kase wala lang gusto ko lang tapos may mga series of questions siya sa’kin.

Tito Boy: “Boxers or briefs?”

Me: Boxers. “Para nagwiwiggle.”

Tito Boy: “Lovelife or career?”

Me: “Nakakain ba mga yan ha?”

Tito Boy: “Eminem or Willie Revillame?”

Me: “Willie Revillame tayo Tito Boy.”

Tito Boy: “Sex or Chocolates?”

Me:  “Chocolates…. habang nakikipagsex”

Tapos tatanungin niya ako ng ganito,

Tito Boy: “So bakit ka nga ba hindi ka na masyadong nagbblog?”

(Naks. Lakas makacelebrity ampota.)

Me: Akshwally Tito Boy, *grabs his kwelyo sabay singa*

Madaming dahilan eh. Pero dahil dami kong time, iisa-isahin natin yan. “Reasons Why I want to Quit Blogging” para kunware napakasignificant ng blog ko. Thought Catalog levels.

  1. Being an OFW is like, “Ohmayygahhddd!!!” ( in Bimby accent ), nakakastress at nakakadepress pare. Kung alam mo lang. The fact na malayo ka sa mga taong mahal mo, mas gugustuhin mo na lang na ikwento sa kanila yung gusto mong i-blog kapag kausap mo sila.
  2. Gusto ko lang magpa-miss. Nakakapogi daw kase yon. ( Pero hindi tumalab.)
  3. Feeling ko, my way of blogging is like hindi na akma para sa People of the Philippines this days. ‘Coz you know, “Henerasyon ng Madadaling Ma-Offend.” So sino mag-aadjust? Eh di ako na lang. Ayoko namang magviral sa peysbuk dahil nabash lang. Baka biglang mag Hannah Baker mode si aqoh.
  4. Parang mas gusto ko na lang maging ‘travHel bloGgerZ’ para sosyal. Yung kahit ipangutang yung pantravel basta may maipost lang level. Uso daw kase yun guys. Tapos post ako ng “Saan Aabot Ang 3 pipti Mo?” kahit ang totoo 3,500 pesos naman talaga. Kaya lang, ang hirap maglagay ng English caption pota. 
  5. Yung oras na ipang-bblog ko, spend ko na lang sa gym. Tapos pag macho na ‘ko guys instagram instagram na lang. Post ng shirtless pic tapos may hawak na Nivea. #SocialMediaInfluencer.  Tapos i-IG stories ko yung pagbubukas ng package from sponsors gamit isang kamay kase binooboomerang pa. Jusko ang hirap!
  6. And siguro dahil feeling ko sapat na ang ilang taon ng pagbblog. I’m a mature individual na kasi guys. Yung mga visions ko sa life nag-iba na. Yung priorities ganyan. Well, you know, oras na siguro para harapin ko naman ang panibagong mundong nagaabang sa akin. Charinggg!!~

Pero seriously, narealize ko talaga na kahit napakaraming dahilan pa ang sabihin at gawin mong excuse, kung gusto mo talaga ang isang bagay, kakalimutan mo ang isang libong dahilan kung bakit hindi pwede at doon ka pa rin lilingon sa nag-iisang rason para bumalik. Eh anim lang yung dahilan ko so ang ibig sabihin umaarte lang ako.

Well, Dito naman talaga ako masaya eh. At siguro sapat na dahilan na ‘to para magblog ako ng pa-chill.

Tito Boy: *snaps in Z formation.

Tito Boy: And for the last question, “Lights On or Lights Off?”

Me: “Lights on. Gusto ko i-check kung maitim singit Tito Boy.”

Tito Boy:  *Walks out

This is HL! Chara, I hope TK would welcome them into the AU community even if they are kind of a tsundere(at least they like puns and make one). Don’t worry, they don’t bite….maybe cut if you dare treathen thier timeline and of course if you dare touch Asriel. Don’t worry it won’t hurt(it will only torture and corrupt you till you get erased)(=. Anyway, TK as the guardian of Aus please keep watch of them and go HELL MODE(A special mode this Chara has capable of deleting and corrupting multiple timelines). Also have fun with them.

Sorry, ito ang pinaka una na naisipan ko na au….at dahil highschool(Gr.7) palang ako at walang account sa tumblr. Gusto ko lang maipahatig ang aking nagawang character sa Au. Sana hwag kayo maging judgmental…..yep tagalog ito