gumawa din ako

Special project ng kapatid ko.. Ako gagawa. Kingina yung project nila dati ako din gumawa. binigyan nila ako ng tig 500 kase na 1.50 sila e kinuha ko lang sa internet yun tapos edit edit hahahaha

2

Step 1: cut the desired size ng index card. Kung maraming info ang ilalagay, gamitin ang ¼. pero ngayon, ang gagamitin ko ay 1/8.

Step 2:  sa handout ko, may dalawang columns. (see arow)
1st is Drug Agents. 2nd column is Drug of Choice.  sa front part ng 1/8 index card, isulat gamit ang marker ang mga Drug agents ( na nasa column 1). yun yung gagamitin ko KEY TERMS.

Step 3: sa likod naman nito, gamit ang ballpen, isusulat ko ang counterpart niya na nasa column 2. (see arrow) In short, ang nasa harapan ng index card ko ngayon ay “streptomycin” ang  nasa likod niya ay “tularemia”.
isang key terms kada index card. gawin ito sa lahat hanggang matapos mo ang hand out mo. (wag kang tamarin tapusin please)

Step 4:  pag natapos ka na isulat lahat, butasin ang mga index card sa top left gamit ng one hole puncher. pwede din naman gumamit ng 2 hole o yung puncher na meron sa bahay niyo. pero isang butas lang ang ilalagay.


Step 5: gamit ang mga rings, isuot ito sa butas para i-bind lahat ng  1/8 index card mo. (kung walang ring, pwedeng gumamit ng yarn, o tali, rubber band, ikaw na bahala).  ang mga metal rings ay available at National book store / expressions. maramihan ang benta and may sizes yung rings. mura lang siya. 

Step 6: simple lang siya no? pero paano nga ba siya gamitin?

  • test yourself
  • sa unang index card, basahin ang key term
  • recall info associated sa key term. sagutan sa isip.
  • flip mo yung index card at tingnan kung tama ang sagot mo.
  • ulitin lang yung process sa lahat ng index cards.
  • hindi mo mamalayan na mmemorize mo na lahat yan kakaulit mo. kaysa pag-aralan mo siya galing sa mahabang table ng handout mo.
  • remember, wag itapon kapag tapos mo na pag-aralan. store it in a shoe box. baka magamit mo pa to sa future
  • dahil handy siya, pwede mo siya dalhin kahit saan. 
  • wag gumawa ng flash cards the night before ng exam. do not cram. 
  • pwede kang gumawa ng flash card sa kahit anong subject pa yan. 
    1. nagawa ko na to sa history (date and event)
    2. sa LAW (yung RA then title ng law)
    3. gumawa din ako sa pharmacology (list of drugs per class)
    4. kahit formula sa mathematics nasa iisang index card lang sila
    5. sa botany/pharmacognosy: scientific names / english name / common name / pharmaceutical use

so just flip and flip and study everywhere you go now. no need to bring your bulky handouts. happy studying!