gulo ng buhok

Ang relasyon natin ay hindi perpekto, pero ang importante, kuntento tayo. Yung walang tinatago sa isa’t isa. Yung kahit na alam mong masakit, aaminin mo para lang mapatawad ka nya. Lagi tayong magkausap, pero hindi tayo nagsasawa sa isa’t isa. Yung kahit sandali palang nating hindi nakikita ang isa’t isa, namimiss na kita. Yung nag-aalala tayo kapag hindi natin alam kung anong ginagawa ng isa.

Lagi tayong gumagawa ng memories na magkasama, at marunong tayong sumuporta sa isa’t isa. Kahit na may problema inaayos nating dalawa. Walang sumusuko at bumibitaw. Hindi tayo natutulog hanggat di naaayos ang problema. Yung kahit na sobrang naiinis na tayo sa bawat isa, iniisip nalang natin na dapat magbati na, kasi di rin naman natin kayang mawala ang isa.

Yung nakita na nating gulo gulo ang buhok ng bawat isa, kahit wala palang naliligo sa ating dalawa, yung kagigising palang, pero walang may pakialam. Yung tanggap natin ang isa’t isa, mahal kasi natin ang isa’t isa, kaya tanggap natin ang bawat pagkukulang ng isa. Yung wala ng hiyaan, kasi sobrang kumportable na. Alam natin na hindi natin kailangan ng perpekto kasi sa paningin natin ay perpekto na tayo at wala ng makakapalit pa sa'yo sa buhay ko.