green mango shake

4

Inilabas ko ang pinsan ko kanina kasi wala siya nung valentines. Pumunta kami sa resto at umorder ng bulalo, stuffed squid, green mango shake at watermelon shake. Sobrang busog kasi yung order namin pangapat na tao tapos naubos naming dalawa kaya lang medyo may natira akong onti. Grabe yung pinsan ko, naubos niya talaga. Tapos kala ko busog na siya pero nung pauwe na kami nagpabili pa ng pizza. Sinusulit talaga niya ang libre pero Food is life kaya ayos lang.

Wag niyo masyadong pansinin post na to dahil sinusubukan ko lang maging food blogger ngayon. Ngayon lang talaga yan kaya pagbigyan niyo na. Wala akong potential dito. Haha ge bye!