grabe ah

2

After namin bumogchi (maaga pa) naisipan naming mag-ktv. Ah grabe ty Lord bat lahat ng mga bet ko isa isang nangyayari today. Chinicheer up lang siguro ako ni Lord hihi ty po talaga. Anyway sideway as usual pag di ko abot ang kanta napapa-kathryn bernardo mode ako charot lang syempre sinisigaw ko ang lyrics so kinakabahan mga boyps nina roomie sakin. Di po ako lasing, di po ako sinasapian, natural po to.

Di ko na alam anong oras nako nakatulog sa sakit ng dysmenorrhea naiyak talaga ako sa sakit lakas pa ng bisita ko so hirap gumalaw. Tulog na halos lahat ng mga tinext ko kagabi (mga tropa ko here) magpapatulong lang sana kahit mefenamic lang so text ko sa kanila is: “(insert name nila) help!” wala tulog na lahat. Morning. Grabe miss call ni pingping at ni bernard. Kinabahan si ping kala nya ano nangyari sakin pero sobrang touched ako kay bernard mah gorl (pumipilantik hands nito) matic “you want food?” AH GRABE PERSTAYM MAY GUMANYAN SAKIN LALO NA PAG MASAKIT PUSON KO. Pero syempre no kasi ang kailangan ko now is napkin. Loads and loads of napkin w wings yung pangheavy mumsh (okay na yung mefenamic ty kay ate mila) kala ko papalag but xet meyn may “i gotchu fam” pang nalalaman. Ahhhhh bless his soul. Di ako makapag grocery and shit kasi masakit talaga puson ko eto nakaplanking na naman ako. Ang sakit. Ayoko na.

HALLWAY

Naglalakad ako sa hallway. Galing kasi ako sa may cr para mag-ayos ng buhok. Pagbalik ko sa may dressing room ay naabutan ko ang nakahalukipkip na si Winwyn. Nakasandal siya sa may pintuan at nang makita ako ay tumayo ng maayos. Siguro tapos na ang closing kaya andito na siya at naghihintay sa akin. Ganun na ba ako katagal na nawala?

“San ka nanaman galing, ate?” tanong sa akin ni Wyn.

“Ha? Ano diyan lang. May tinitignan lang ako.” sagot ko. Tumingin siya sa pinanggalingan ko tsaka nagbalik ng tingin sa akin at nagtaas ng isang kilay.

“Sino?” tanong niya.

“A-ano. Tara nga muna sa loob.” sabi ko sabay hatak sa kanya pabalik sa loob ng dressing room.

Kami na lang ang nandun kaya malaya na kong makakapagkwento sa kanya.

“Ano ba yun?” tanong niya nang makaupo na kami.

Nagsimula na siyang mag-ayos ng gamit niya. Uuwi na kami.

“Hoy!” sabi niya sabay palakpak sa harap ng mukha ko.

“Oh?” tanong ko.

“Hala na. Ikaw tong may ikkwento sa akin tapos ikaw yung wala sa sarili. Adik!” tumawa siya saka nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.

“Ah. Haha. Eh di ko alam paano ko ikkwento.” sabi ko sabay kamot sa ulo.

“Ha? Weird mo! Kwento na kasi!”

“Tsk. Eh kasi ito na nga. Kanina kasi nung nasa labas ka habang nanunuod sa gilid ng stage, may nakita ako…”

FLASHBACK…

“Tss. Kakanta-kanta ng ganyan tapos tumitingin sa kanya. Bwiset. Malaglag sana mata mo.” narinig kong sabi niya.

Paborito yung prod nun at nanunuod siya dito sa dressing room. Inaayusan kasi siya dahil malapit na ang grupo nilang magperform.

“Tss. Di pa din kabisado yung kanta. Ilang Sunday ka na kumakanta diyan tas di pa din memorized?!” asar na sabi nanaman niya. Hindi ko na napigilan kaya natawa na ako. Ayan nanaman kasi siya sa mga pamumuna niya eh. Halatang nagseselos nanaman sa napapanuod.

Napatingin siya sa akin at napangiti. Nginitian ko na lang din siya. Ang ganda talaga ng batang ‘to. Kahit na halata sa matang nagseselos siya sa napapanuod niya ay madali niyang naitatago iyon. Swerte ko kasi nakakasama ko siya kapag Linggo. At alam ko kung ano talaga ang totoo.

“Uy, cr tayo.” pagyaya sa kanya ng kaibigan niya nang makitang tapos na siyang ayusan. Tumayo na sila tsaka naglakad palabas ng dressing room. Ako naman bumalik sa panunuod ng tv.

Pagkatapos nun ay hindi na sila bumalik sa dressing room. Yun pala, sila na ang next na magpeperform. Siguro kaya natagalan sila ay pinanuod na lang nila ang naunang grupo.

“Ang galing nila.” sabi ng kaibigan ko sa akin.

“Oo nga eh. May chance silang manalo.” sabi ko. Tumango naman siya tsaka na kami nanuod ulit.

Pagkatapos ng prod nila ay bumalik na rin naman sila sa dressing room. Mga nakangiti. Positive naman kasi lahat ng sinabi ng judges tungkol sa prod nila.

“Ano ba yan. Nagutom ako bigla.” sabi niya sabay tapik sa tiyan niya.

“Ako din.” sabi ng kaibigang si Diva. “Tara bili tayo sa baba.” pagyaya nito. Tumango na siya tsaka na sila umalis uli.

“Uy!! Sama ako!” sigaw naman ni Rita tsaka na humabol sa kanila sa labas.

“Ate, san sila pupunta?” tanong sa akin ni Andrea.

“Ha? Bibili ata. Yun pagkakarinig ko eh.” sagot ko. Tumango siya tsaka na umupo sa harap ng salamin niya at nagsimulang magtext.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik rin naman sila. May mga dalang pagkain habang nagtatawanan sila papunta sa mga mesa nila.

Nakikinig lang ako sa paglolokohan nila at nakikitawa na rin. Minsan kasi ay kinakausap nila kami.

“Diba ate? Hahahaha.” tawa nang tawa si Diva habang hinahampas-hampas pa ko. Tapos na silang kumain nun kaya nakaupo sila malapit sa amin.

“Hahaha. Oo nga eh. Ang kukulit niyo talaga.” sabi ko.

“Sus. Di ka pa ba sanay sa amin ate?” tumawa siya.

“Sanay na pero iba pa rin eh. Iba-iba trip niyong tatlo kada linggo. Hahaha.” nagtawanan na kaming lahat.

“Oh. May naghahanap sayo, ganda!” nahinto ang tawanan namin nang marinig si LJ.

Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng pinto at nakita namin ang isang lalaking nakatayo at nakadungaw ang ulo sa uwang ng pinto. Hindi siya pinansin nito kaya pumasok na lang ito ng diretso sa loob at saka umupo sa harap ng salamin niya na malapit sa pwesto namin ngayon. Siya naman ay tumayo at umupo sa isang sulok ng dressing room at kunyari'y may kinakalikot sa phone niya.

Lahat kami ay natahimik sa loob. Inoobserbahan ang dalawang taong mukhang kanina pa ata hindi bati.

“Natatae ako.” ani Diva. “Samahan niyo ko.” pagyaya nito tsaka na lumabas.

Tumayo na rin sina Diva, Andre, Rita at LJ tsaka na naglabasan ng dressing room. Wala ng natira dun maliban sa mga PA at ang dalawang andun.

Napuno ang dressing room ng nakakailang katahimikan. Wala ni isang nagsasalita sa kanila. Di naman bawal pero hindi rin naman makapagsalita ang mga PA.

“Musta?” tanong ni lalaki.

“Ayos lang. You?”

“Not good.” sagot niya. Umirap si babae tsaka tumingin sa sahig ng dressing room.

Maya-maya ay nag-angat ito ng ulo at nakipagtitigan uli sa lalaking nakatingin rin sa kanya gamit ang salamin sa harap nito.

“H-how is she?” tanong ni babae.

“N-no comment.” sagot naman ni lalaki.

Napairap si babae tsaka na tumayo at lumabas ng dressing room. Agad naman siyang sinundan ni lalaki. Syempre di ako papahuli. Lumabas rin ako pero di ko pinahalata. Kunyari'y manunuod ako ng prod sa labas.

“Tell me…” narinig kong sabi ni babae. Pagkakita ko ay nakasandal ang kamay niya sa pader at nakaharap kay lalaki. Halatang hinaharangan ito sa dadaanan niya. “Do you still love her? Siya pa din ba? O may iba ka na talaga?” nanginginig ang boses nito.

“Wag na nating pag-usapan to please?” sabi ni lalaki.

“Shit naman! Simpleng sagot lang ng oo o hindi di mo pa din magawa?!” tumaas na ang boses ni babae at napatingin na ang ibang dumadaan sa kanila.

Nagulat ako nang biglang ikulong siya ni lalaki sa dalawang kamay niya kaya napasandal siya sa pader. Nanlaki ang mga mata ni babae sa nangyari.

“Fine! You wanna know the truth? I’ll tell you!” sabi ni lalaki. “Wala na akong feelings para sa kanya okay? May iba na nga siya diba? And I’m very okay with that. Besides I don’t love her anymore and wala din akong iba okay?”

“No…” sabi ni babae at halatang nagpipigil ng iyak dahil kahit dito sa kinatatayuan ko, kita mo ang panginginig ng labi niya. “Kung wala kang iba anong meron sa inyo ni–” hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na siyang hinalikan ni lalaki sa pisngi.

“You know that eveything’s for promotion only. Diba napag-usapan na natin to?” malambing na sabi ni lalaki.

“Kung promotion lang to, bakit nasasaktan ako? Everytime you look at her, parang may ibang meaning na yun.” sabi niya.

“Baby please naman? Ikaw lang kaya mahal ko. Yung sa amin, para sa show lang yun okay? Wag kang maniwala sa fans na nagsasabing kami na or may something kami. They don’t know what’s really happening behind the cameras. Diba sabi ko naman sayo, ikaw lang?” marahang hinaplos ni lalaki ang mukha ni babae. “I love you.” sabi nito.

Napangiti ako. Grabe naman kasi sila. Kung makadeclare ng pagmamahal walang pinipiling lugar.

“Wala bang 'I love you too’? Ha?” tanong ni lalaki habang pinupunasan ang mga luha ni babae. “Di na ba ako mahal ng baby ko?”

“Psh.” umirap nanaman si babae. “Mahal siyempre.” sabi niya.

“Good. Now, what will you say?” pangungulit ni lalaki sa kanya.

“I love you too. You’ll forever be my always.” sabi ni babae. Napangiti si lalaki at agad siyang niyakap nito.

Umalis na sila sa hallway at naglakad papuntang parking lot. Uuwi na siguro. Bati naman na sila eh. At halatang nagmamahalan talaga sila. Yun nga lang di maiwasang may masaktan dahil hindi naman sila magkasama ngayon sa lahat ng shows nila. Pero alam naman nila na sa pagtatapos ng araw, sa isa’t isa pa rin ang uwi nila.

END OF FLASHBACK…

Nakangiti pa rin ako kahit tapos na yung kwento ko. Iba talaga yung kanina eh. Lagi akong nakakakita ng lovers pero kapag sila na? Ewan ko ba. May iba talaga sa kanila eh. Alam mo yung kahit isang milya ang layo mo sa kanila, ramdam mo pa din na may spark sa kanila? Na kahit sila na lang tao sa mundo, kaya nilang supplyan ng kuryente ang madilim na mundo kasi titigan pa lang nila, kakabugin na ang 3 planta ng kuryente.

“Grabe makangiti ah! Ano na? Engrossed masyado sa nawitness mo?” sabi ni Winwyn sabay siko pa sa akin.

Bigla naman akong napapitlag dahil sa gulat ko sa kanya.

“Ano na Ate V? Grabe oh! Yung pisngi mo super nagbblush ka na oh!” biro niya sa akin.

“Che! Eh kasi naman di ko mapigilan.” sabi ko sabay hawak pa sa dalawang pisngi ko.

“Hmp! Umiral nanaman pagiging chismosa mo Ate V ha. Hahaha.” tumawa nanaman siya.

“Ikaw talagang bata ka. Kurutin kita eh.” banta ko.

“Hahaha. Eh kasi you’re like a teenager again.” tumawa nanaman siya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. “Oow!!” sigaw niya sabay tawa nanaman. Tignan mo to. Parang baliw nanaman. Masama na bang kiligin ang mga kagaya ko? Talaga to.

“Haha. Grabe naman kasi sila Wyn. Ganun ba talaga sila?” tanong ko.

Sanay naman ako na nakikita ko silang magkasama tuwing Linggo. Minsan ay sabay na dumadating sa umaga at sabay na umuuwi pagkatapos ng show. Pero iba talaga yung ngayon. Kasi nung mga nakaraan akala mo, simpleng magkaibigan lang naman sila. Pero ngayon? Sa nasaksihan ko kanina? Di na magkaibigan yun. Nagmamahalan na talaga sila.

“Nakikita ko naman sila every Sunday pero di yung ganun.” kinikilig kong sabi.

“Eh sino ba kasi yang kinukwento mo ha? Hahaha.” natatawa niyang tanong.

“Sina Julie at Elmo.”


- END -

AGAIN

“Uy. May reunion daw bukas?” she heard Maricris said.

Nasa technical rehearsals na sila nun and she’s waiting for their team’s turn onstage.

“Weh? Sino daw?” Aicelle asked.

“Hm. Loveteam daw eh.” Jonalyn replied.

Bigla silang tumingin kay Julie na kasalukuyang nakaupo sa bleachers.

“What?” pagtataka niya.

“Wala naman. Mala-Romeo and Juliet daw lovestory ng dalawang yun eh.” halatang nang-aasar na sabi ni Maricris.

“Adik niyo.” sabi niya sa tatlo at nagtawanan lang naman sila.

“Julie! Dun muna tayo sa green room.” she heard Ms. Yani said. Tumango siya tsaka na naglakad papuntang green room. “Dear, you’ll be the first artist featured in our new segment ha? The Green Room Session.” sabi nito sa kanya.

“Okay po.” she said. Umupo na siya sa harap ng laptop na nakaready na for recording a video.

After she records her song ay tumingin na siya kay Ms. Yani na nakaupo sa kabilang side ng green room.

“I’m done, Ms. Yani.” she said.

“Alright. Labas ka na. I think kayo na daw magrerehearse eh. Parang narinig ko sa staff.” sabi nito. Tumango na si Julie and walked out of the room.

“Julie!” she heard someone called. Paglingon niya ay si Diva.

“Uy pre! Bakit?”

“Dun muna tayo sa dance studio. Rehearse tayo nung song natin.” she said excitedly.

“Tara tara!” energetic na sabi naman ni Julie. Magkaakbay silang pumasok sa dance studio and sat on the floor with the other Instagang members.

“Vocalization muna tayo.” Mark instructed.

They started rehearsing at napagkatuwaan pa nilang ivideo ang vocalization nila.

“Feeling singer na talaga ako.” Diva said.

“Hahaha. Bagay sa name mo brad.” sabi naman ni Andrea.

“Porket ikaw rapper na ha.” asar ni LJ sa kaniya.

“Hep. Rapper? Diba reunion bukas ng rap and rhythm?” pang-aasar ni Diva sabay tingin kay Julie.

“Huh?” she said curiously.

“Maang-maangan pa pre?” asar pa rin nito.

“Ewan ko sa inyo. Che!” tsaka na siya tumayo at lumabas ng dance studio.

She walked towards the main studio and sat beside her friends na abala sa paglalaro sa mga phone nila.

“Anak ng! Mabbeat na kita brader oh! Konti na lang!!” Kristoffer yelled sabay pakita ng phone kay Derrick.

“Haha. Brader, ako pa din reigning champion.” mayabang naman na sabi nito.

“Hep hep! Ako kaya!” Ruru said and showed his phone to the two.

“Badtrip ka alam mo yun?!” asar na sabi ng dalawa.

“Ano yan?” she asked them nang makalapit sila.

“Kanina pa yang tatlong yan. They’re playing Flappy Bird. Again.” natatawang sagot ni Jonalyn.

“Haha. That game’s annoying. Mauntog lang konti sa pipe, game over na agad. Tsk.” she said and sat next to Jonalyn.

“Highest score mo, Jules?” Derrick asked, his eyes still focused on his screen.

“7” sagot niya. Nagtawanan ang tatlo saka siya tinignan nang sabay-sabay.

“Seryoso?!” Kris asked.

“Oo nga! Look oh.” sabi niya sabay pakita ng score sa mga to.

“Hina mo naman. Akala ko ba macho ka? Flappy Bird lang talo ka na agad.” asar ni Derrick sa kanya.

“Ts. Sa sobrang macho ng thumb ko, di kinakaya ni birdy yung force. Hahahaha.” nagtawanan silang lahat. “But seriously. Nakakainis tong game na to.”

“Hahaha. Sabi sa twitter, it’s a good distraction for people who are moving on.” sabi ni Kris.

“Alam mo, may nagtatag din saken ng ganyan. Yung totoo?!” she laughed.

“Eh bakit? Moving on ka na diba?” asar ni Maqui sa kanya. Nagulat siya because she didn’t see her coming.

“Maq! Kanina ka pa?” she asked.

“Haha. Che ka! Kakadating ko lang.” she said. “Pero diba nga? Moving on ka na?” asar nito sa kanya.

“Ha? Haha. Oo. Pwede. Hindi.” she said.

“Suuuus. Porket reunion, confused ka nanaman?!” asar niya uli sa bestfriend.

“Haha. Whatever!” sagot niya.

“Artists! Rehearse tayo ng opening!” sigaw ng floor director.

Sabay naglakad sina Maqui and Julie papunta sa stage for the opening rehearsals.

“Dadating ba?” Maqui asked her.

“Ha? Ewan ko dun.” she replied.

“Sorry I’m late!” nagulat sila when their subject stood before them at nakatingin sa kanya.

“Eh bakit kay Julie nagsosorry? Siya si direk? Ha, Magalona?” asar ni Maqui sabay pameywang pa.

“Haha. Uhm. Sorry direk! Late po ako.” Elmo said again sabay harap kay direk.

“You’re just in time, Elmo.”

*****

FLASHBACK

He thought he’s late for the technical rehearsal. Medyo natraffic kasi sila from SM Molino kaya kinabahan siya pagpasok sa studio.

“Don’t worry. Makakahabol ka pa.” Janine said.

“Yeah. Sana lang di magalit sa akin.”

“I doubt it.” sagot nito. He couldn’t stop fidgeting dahil naiinip na siya sa biyahe. “Will you stop that! Para kang may kiti-kiti sa tiyan.” sabi ni Janine sa kanya.

“Eh kasi ang bagal ng kotse.” he answered.

“Hahaha. Halata sayong you’re excited to see her again. Bakit ba?”

“She gave me another chance.” he replied sabay ngiti ng malapad sa kaibigan. Napaawang ang bibig ni Janine saka siya napangiti ng malapad dito.

“Seriously?! As in okay na uli kayo?!”

“Not okay as in kami na ulit. Pero okay as in pwede na ulit manligaw. Pwede na uli bumawi. May second chance ako ulit.”

“Second chance ka diyan?! This is your 10th chance no!”

“Hahaha. Grabe ka naman.” natatawang sabi niya.

“Hey. If you failed one more time, I swear ako na sasapak sayo.” Janine told him.

“I’ll make sure that this time, I won’t be a failure anymore.”

END OF FLASHBACK

“Hoy. Nakangiti ka nanaman diyan.” sabi ni Rocco sa kanya.

Hindi pa siya ang nakasalang sa rehearsal and nakaupo lang siya sa bleachers.

“Wala wala.” he said.

“Tss. Bakit bro? May nangyari ba? Tsaka hoy, absent ka nung birthday bash ni JayR.”

“Ts. I was busy that day.”

“Busy where?” malaman na tanong ni Rocco sa kanya.

“Busy magpaimpress.” nakangiting sabi niya.

“Yun!!! Oh kwento. What happened? Are you back together? Ano?”

“Atat?” he laughed. “Well, we’re not yet together. Pero getting there?” he smiled.

“Eh bakit getting there pa lang?!” tanong nito. “Julie!!! Bakit getting there?!” sigaw ni Rocco kay Julie na abala naman sa pakikipagchismisan with Maqui and Diva.

“Ha?!” Julie yelled back.

“Wala!!”

“Tsk. Baliw ka talaga. Syempre getting there kasi di pa ko sinasagot uli. I have to win her heart again. Kailangan malamangan ko yung ginagawa ko sa kanya dati. I should bring her trust back. I should break her walls again.” he explained.

“Ikaw kasi eh. If you didn’t take that stupid left turn, di ka maliligaw. Edi sana kayo pa din.”

“Nagsisisi na nga diba? Kaya nga I’m going to pursue her again.” he said. “You know how much I love her.”

*****

Sunday. The day of their comeback. Dahil ang araw na to, araw nilang dalawa.

“JuliElmo! JuliElmo!” sigaw ng fans sa studio. They smiled at them habang nagrerehearse sila.

“Oh. After ng Instagang, commercial then kayo na ha?” the director said. Katatapos lang ng prod rehearsal nila and pabalik na sila sa backstage.

“Okay po.” nakangiting sagot ni Julie. She’s about to go inside the dressing room nang hawakan ni Elmo ang kamay niya.

“Baby.” he whispered. Tinignan siya ni Julie and raised an eyebrow at him. “Ah. I mean, Julie. Haha. Uhm…”

“What is it, Elmo?” she asked.

“Uhm. Goodluck later. Haha” nahihiyang sabi niya sabay lakad palayo. Napailing na lang si Julie at napatawa tsaka na siya tuluyang pumasok sa dressing room.

“Ang ngiti pakitabasan.” Diva told her.

“Che!” nakangiting sabi ni Julie.

“Hay nako. In love again?” Andrea teased her.

“No!” deny niya.

“No your face. Bilisan mo na magbihis dyan. Opening na.” pagyaya ni LJ.

“Oo na.”

*****

Opening na and hindi pa naman siya ang kakanta. He stood at the side of the stage as he watched her sing. Napangiti siya. Right after her segment ay umalis na rin siya at naglakad papunta sa dugout.

“Oh. Grabe ngumiti ah!” Janine teased him.

“Namiss ko lang siya panuorin kumanta.” he confessed.

“Yiie! Why don’t you ask her out after the show?”

“She’ll hear mass with her family. Sure ako dun.”

“Edi attend mass with them. Simple naman oh.” Janine said.

“Haha. You’re right. Thanks ha.” tsaka na siya naglakad sa backstage.

*****

“JuliElmo! JuliElmo!” rinig sa buong studio ang sigawan ng fans nila. Dala pa nito ang malalaking tarpaulin na puro picture nilang dalawa.

Julie was waiting for the show to come on air at habang naghihintay ay napapasayaw siya sa gilid ng stage. She feels happy. Parang nasa cloud 9 siya na di niya malaman. Basta lutang siya. Yun ang nararamdaman niya.

“JuliElmo!!!” sigaw nanaman ng fans.

Paglingon niya sa kabilang side ay nakita niya si Elmo. Wearing the smile she missed so much. Abala ito sa pagkaway sa fans nila kaya napangiti siya. Namiss niya ang dating Elmo. Yung gwapo, fresh-looking Elmo Magalona she knew and loved.

“Okay. Julie and Elmo, standby na.” sabi sa kanila ng floor director.

She walked to the side of the stage and saw Elmo smiling at her. She smiled back at him tsaka na nila narinig ang intro ng kakantahin nila.

Nagsimula na kumanta si Elmo and she smiled. Namiss niya ang boses nito. Ngayon na lang niya kasi narinig ito na kumanta ng hindi lipsynch at hindi hirap. Kumanta na rin siya at saka na lumapit kay Elmo. A smile automatically appeared on their faces as they sat next to each other.

‘Cause I’m in love again
Oh it feels so good to be in love again
Never thought that I would feel this way again
Until she came around
Now it feels so good to finally be in love again’

Their hands automatically found their way to each other. Feeling each other’s presence. Holding each other’s missing piece.

They did a little dance number at pagkatapos nun ay automatiko niyang naabot ang phone niya kay Elmo. Agad namang binulsa ito ng binata tsaka na sila umupo ulit, his arm resting at the bench’s backrest. They stared at each other’s eyes at alam nilang ito ang namiss ng tao sa kanila.

'Cause I’m in love again
Oh it feels so good to be in love again
Never thought that I would feel this way again
Until she came around
Now it feels so good to finally be in love again’

*****

They finished the song at hawak niya pa rin ang kamay ni Julie. He doesn’t want to let her go. Ngayon na lang niya uli nahawakan ang malalambot na kamay nito.

“Alright!” narinig nilang sabi ni Jennylyn. Nagsimula na ang spiels and dahan-dahan na inalis ni Julie ang kamay niya sa kanya. Ayaw man niya but he can’t do anything about it. Kaya naman pasimple na lang niyang nilagay ang kamay niya sa beywang nito.

He felt her stiffened a bit but relaxed after a few seconds.

“Namiss nila tayo.” He heard her say. Ngumiti siya tsaka tumango.

“Namiss ko din tayo.” he said. Napangiti naman si Julie pero umiwas ito ng tingin.

After the spiels ay bumaba na sila.

“Moe, phone ko pala.” she said. Agad niyang kinuha ang phone sa bulsa niya and handed it to her. “Uhm… Moe this is yours.” she smiled.

“Ay. Sorry.” he said tsaka na kinuha ang phone ni Julie sa kabilang bulsa niya. “Here you go.” he said and smiled at her.

Bumaba na siya ng stage habang kumakaway-kaway pa sa mga fans nila. He thought that Julie’s right beside him but when he looked ay naiwan pa iyon sa stage. He waited for her downstairs and agad niyang nilahad ang kamay niya so that he could help her get down. Nang makababa ito ay nilagay niya ang kamay niya sa beywang ni Julie tsaka na sila sabay na naglakad.

“JuliElmo! Beso! Beso! Beso!” sigaw ng fans. Nagtawanan naman silang dalawa and waved at the fans.

They walked towards the backstage nang harangin sila ng pinsan ni Julie na si Mae.

“Ate, Kuya picture tayo.” she said. Pumayag naman si Julie and they both smiled for the camera. “Thank you!” Mae said.

“Thank you din, Mae.” Elmo said to her.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad papuntang backstage.

“Julie…” he called her.

“Yeah?”

“Uhm. Magsisimba ka after the show right?” he asked.

“Yes.”

“Uhm…”

“Gusto mong sumama?” pagyaya ni Julie sa kanya.

“Uhm… If that’s okay with you.” nahihiya niyang sabi.

“Di naman siguro kita iinvite if ayaw ko right?” she said and smiled at him.

“Hahaha. You’re right. Sige sama ako with you.” he said. Tumango na si Julie sa kanya.

“See you later then.” sabi niya sabay pasok ng dressing room.

“See you.” agad siyang naglakad papunta sa dressing room niya, a smile plastered on his face.

Right after the show ay umalis na rin si Elmo. He saw Julie’s car going out of the parking lot kaya sumunod na rin siya.

“Tara na po kuya.”

“San tayo sir?” tanong ng driver niya.

“Sundan na lang natin yung Sorento kuya.”

“Okay po.”

*****

After the mass ay pinagpaalam ni Elmo si Julie na kakain sila sa labas.

“Uhm… Sir, can I take Julie to dinner?” he asked.

“You don’t have to be formal, Elmo. Parekoy pa rin tayo.” natatawang sabi ng papa ni Julie.

“Ah eh. Haha.” nahihiyang sabi niya.

“Sige na. You know my daughter’s curfew. I’ll see you both at home.” he said sabay tapik sa balikat ni Elmo.

“Bye po, papa.” Julie said.

“Enjoy kayo ha.” her mom said.

“Bye ate! Bye kuya!” sabi naman nina Jac at Mae.

Sumakay na sila sa sasakyan ni Elmo and they went out of the church’s parking lot.

“Moe, san tayo pupunta?” Julie asked him.

“Basta.” Elmo answered and winked at her.

Dumating sila sa isang restaurant and they were ushered to a table reserved for two.

“Ano to?” Julie asked.

“Uhm… Date? Hahaha.” natatawang sabi ni Elmo.

“Psh. Daming alam.”

“Haha. Namiss ko lang to. How are you, baby?”

“Hmm?” nagtaas siya ng kilay dito.

“How are you, Julie?” tanong niya uli.

“I’m okay. Masaya.” she replied.

“As in?”

“Yeah. Ayaw mo ba?” she asked him.

“Gusto siyempre. Haha. And you know that I’m happy too.”

“Halata nga sayo eh. Hahaha.”

“In love kasi ako.” Elmo whispered to her.

“Really? Kay Janine?”

“Tss. You’ve got to be kidding me.” sabi ni Elmo.

“Hahaha. Eh malay ko ba?”

“I’m in love with someone. Her name starts with a J, she sings well and knows how to play a lot of instruments. She loves the color orange and she’s a multi-platinum artist.” he said.

Hindi naman kumibo si Julie.

“I’m in love with you, Julie.” sabi sa kanya ni Elmo.

“Tss.”

“Seryoso ako and I’m willing to do everything just to win you back, baby. Gagawin ko lahat to make you fall in love with me again.”

“You don’t have to do that.” she said. Natigilan si Elmo sa sinabi niya.

“W-what?”

“Coz I’m in love again. I’m in love with you again, Elmo.”


- END -