gr: perks

“I am here and I am looking at her. And she is so beautiful. I can see it. This one moment where you know you’re not a sad story. You are alive. And as you stand up and see the lights on the buildings and everything that makes you wonder. And you are listening to that song on that drive with the people you love most in this world. And in this moment, I swear, we are infinite.”
-Perks Of Being A Wallflower

PERKS OF BEING A PAMBANSANG THIRD WHEEL

Bakit ang pangit lagi ng dating kapag third no? Third party. Third wheel. Third place. Third choice. Third stage cancer. Third runner up. Third floor. ( Wait what? Anong meron sa 3rd floor? )

Pero balik tayo dun sa third wheel. Minsan kase kapag third wheel ka parang gustong-gusto mong dumulog sa DPWH para ipa-road widening ang bawat dadaanan ng kaibigan mong magjowa para hindi ka naiiwanan sa likod. Andun kasi yung pakiramdam na parang option ka lang at pwede ka namang wala sa setting ng istorya. Minsan parang ikaw pa yung lumalabas na antagonist sa kanilang dalawa. At ang mas masakit, yung kahit sa sarili mong kwento hindi pa din ikaw yung bida. Isa ka lang dakilang extra na hinihintay maglaho sa eksena. Yung they lived happily ever after pero ikaw nganga pa din.

Pero when you look on the other side, may perks din naman ang pagiging third wheel that will make you say, “Woooh! Sana ‘pag nareincarnate ako, third wheel ulit please!” ( Me ganun?)

1.       Parating busog. Dahil palagi kang libre kapag may date sila. Bahala silang magsubuan at magpahidan ng dumi sa mukha basta free foods. Choosy pa ba? Pagkain muna bago feelings.

2.      Hindi man ikaw ang Pambansang Bae pero para sa kanila ikaw ang #PambansangBes. Dalawa na agad ang BFFs mo. Dalawa na agad ang kakampi mo kapag may nanggago sa’yo.

3.       Whenever you need a double date, isa na lang ang kulang.

4.       Papa Jack levels ka na pagdating sa mga relationship advices dahil everytime na mag-aaway sila, sa’yo sila lagi humihingi ng payo ‘cos you always know both sides of the story.

5.       You will see love in a different perspective na pwede mong iapply sa next relationship mo. In short, nangunguha ka lang ng tips.

6.       May pa-popcorn at sopdrinks ka  everytime na manonood kayo ng sine basta dedma ka na lang habang naglalaplapan sila sa sulok.

7.       Hindi ka na mahihirapang mag-isip kung sino-sino ang isasama mo sa next travel mo. Kapag kasama si bes ‘matic kasama din ang jowa ni bes. Minsan kasama din yung kaibigan ng kaibigan pa ng jowa ni bes.

8.       Feeling Professional Photographer ka lagi kapag kasama mo sila bilang ikaw lagi ang dakilang taga-picture. Professional dahil kapag sinasabi mong ‘Smile!’, ikaw ‘tong pinipilit ngumiti kahit deep inside mangilid-ngilid na yung luha mo sa inggit.

9.       Third-wheel ka lang, hindi friendzoned. Mas masakit matawag na friendzoned.

10.   Isang magandang marketing strategy ang pagpopost nila ng picture kasama ka. Dahil kapag nakita ng ibang friends nila na single ka pa din, madaming mag-aatempt na landiin ka. #FreePublicity

11. Atleast hindi mo napagdaanan ang “Naaalala Lang Ako Ni Bes Kapag Single Siya Syndrome”.

12.   Everytime na makikita mo sila, mas lalo kang na-eexcite para sa sarili mo. Na one day, mararanasan mo din yung nararanasan nila. ( At mararanasan din nila yung nararanasan mo ‘cos karma’s a bitch. Ay pota bitter pala? )

13.   You will learn to be happy on someone else’s happiness.

14. Kahit bumabaliktad na yung sikmura mo kaka-PDA nila, maniniwala ka pa rin sa forever kahit wala kang ka-forever. Dahil habang nakikita mo sila, you will always be reminded that love really does exist at parating pa lang yung para sa’yo.

——–

Kung third wheel ka, sa tingin mo ba aandar ang pedicab kapag wala ka? Nilagay ang pangatlong gulong dahil mas mahirap balansehin ang takbo kapag dalawa lang.

Sa ngayon, enjoyin mo na lang muna kung nasaan ka. Darating din ang araw na mangyayari din sa’yo yung mga bagay na sa ngayon ay hanggang tingin ka na lang muna. Mangyayari yun sa tamang panahon at sa tamang taong nakalaan para sa’yo. At kapag nangyari ‘yon, silang dalawa ang kauna-unahang magiging masaya para sa’yo. May pa-banner at pa-pansit ka pa.