goodnight-na

Nakalimutan ko maaga pa pala watashi bukas sooo goodnight mga beks. Maaga pa ko bukas at kailangan ko ring gisingin ng maaga yung isa kong aport. Ay bes? Tamad akong tao pag ganyan you must be special abaaa. Sige goodnight. Tulog ka na. Di ka mahal nun. Nilalandi ka lang nun tas pag nahulog ka na saka ka nyan iiwan. Oo trust me. <3

PAHABOL. :))

Natawa ako sa maid namin eh. HAHAHA. Pinahanda ko kasi yung bagong bedsheets, blanket at pillow cases.

AKO: Goodnight, Manang!

SIYA: Goodnight. Magpe-peysbuk muna ako.

AKO: Add mo ko?

SIYA: Wag na. Baka makita mo pa boypren ko eh. Laitin mo pa.

Saying sorry doesn’t always mean that you’re wrong. It goes to show that you value your relationship more than your ego. After hurting, insulting, and everything, an apology is good, but somehow, it isn’t enough. You don’t know how simple, random mistakes can hurt so much. But at least you’ve tried. Still, proving that you’re not going to do that mistake again is better than saying a ton of sorry. Hence, In the first place, if you truly love someone, you wouldn’t do something you should be sorry of.

Masaya akong matutulog ngayon. Masyado akong naoverwhelm sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko inexpect na magiging ganun yung usapan namin ni Eco. Nakakataba ng puso yung lahat ng sinabi nya tungkol sa friendship namin. Halos maiyak na ako sa tuwa. Hahaha. Kahit na sa text lang damang dama ko yung sincerity nya. Hahaha nux:))

Salamat talaga parekoy, tropa, bestman, bestfriend, kapatid!

Isa to sa mga nagpapakilig sakin nung Highschool :“>

Tuwang tuwa ako sa tuwing ibabalik samin yung school works namin tapos sa dulo, makakakita ako minsan ng notes ng teacher ko na na-impressed sa mga naisulat ko. Lalong lalo na kung mababanggit pa nya yun minsan sa buong klase. Walang tatalo sa feeling. :”>

RF: Agad akong nalulunod sa adrenaline rush sa tuwing may reflection paper/formal theme/etc kaming gagawin o di kaya essay part sa exam. Ang weird ko lang.

Pero syempre, nung Highschool lang yun. Aba e kung pagawin ako ng essay tungkol sa Human Anatomy and Physiology at Nursing Diagnosis ay wag nalang, uy! =)) Lalo na kung thesis yan. No, thanks.

At hindi na rin ako masyadong nakakapagsulat ngayon :( Random posts nalang, tagalog pa. Reklamador yung iba kong friends dito e. Dinudugo daw sila masyado. Mga echosero’t echosera. Hahahahhaha.

Nakakamiss mag sulat.

RF

Ako yung tipo ng girlfriend na di marunong mag demand sa boyfriend. Ewan ko ba pero parang nahihiya akong mag demand sa kanya. Kunyare papaalam siya sakin na magdodota siya, sasabihin ko nalang sige. Kahit ayako naman talaga. Kase pag naman di ako pumayag baka magalit or sabihin ang strict ko. Kaya kung anong gusto nya, at kung san siya masaya dun nalang din ako. :)