ginoonggago

4

HAPPY BIRTHDAY RALPH JEREMIAH “BABE REJ” GOCO DIZON =)))

Hi-hello to a man of few words! :) Paano ko ba to sisimulan? Medyo nakakadistract lang kasi yung kapitbahay namin kumakanta ba naman ng ASAIAL tapos ang panget nung boses hahaha charot lasing lang siguro. So ito na nga…

Ilan taon ka na ba talaga? Alam ko kasi 18 ka na rin pero last year kasi sabi mo 16 ka lang at alam ko nanttrip ka lang nun so medyo nakakalito talaga dahil di naman ako ganun kagaling makatanda. Basta yun na yun hehe. Ikaw na lalaking napakamisteryoso! Mag-ayos ka na ha! Ayusin mo na yang sarili mo at magpakabait ka na hahahahaha. Ay de, mabait ka rin kasi hinahatid at sundo mo rin pala ako nun, maraming salamat =))

Kita ko naman kahit gago ka, mabuti kang kaibigan sa kanila. Thankful nga sila kasi nakilala ka nila. Alam mo bang masaya ka naman kasama sa mga galaan eh kahit ang tahimik mo kapag andyan ako, kaso bakit ganun? Di ko nakikita yung Ralph na sobrang ewan kapag sila ang kaharap, medyo madaya. Kung nahihiya kang gumawa ng kalokohan sa harap ko, tangeks okay lang :) 

Gwapo ka naman at matalino kaya sana gamitin mo ng mabuti. Yung boses at kaputian mo nakakainggit kaya medyo nakakailang dumikit sayo lalo na’t lalaki ka pa hahaha. Salamat sa regalo nyo ng MERJ, teka sshare ko lang hahaha di ko kasi alam kung sino nagregalo nun kaya nung di ka pa nagtetext naging palaisipan sakin kung sino nagbigay dahil di nga ako marunong maggitara. Tas yun nga nakita ko yung note, so pag-aaralan ko talaga yan sa bakasyon =)))) Onga pala salamat kasi pumayag kang maging escort ko, sorry kung biglaan, ako rin eh nabigla hahaha sila Mama kasi medyo magulo. 

Happy Birthdaaaaaaaaaaaaaay ulit! Take care =)))

The Most Pogi Person In The World

Putangina mo! Sinabi ko lang yan para makuha atensyon mo ginoonggago, now listen you son of a bitch… Since you are an intelligent piece of shit. And you believe in the benevolence and essence of the English language I will therefore give an English message for you, good fucking sir.

A Happy Birthday! 

If I would praise one thing about you. I would praise you’re nose. Hallelujah! Just kidding. I would never praise anything that is attached to you. On a serious note though, being totally vulgar in nature is your advantage. You are the epitome of reservedness but still preserved. A mystical roller coaster that once you ride will cause you extreme paranoia and over attachment to mang kanor sex scandals.  

You are something the world needs. A though piece of shit. A magical shit. You’re the kind of shit the world needs. For that I salute you brother. Sing like shit, talk shit, act shit, but for me, you will, and will ever be a mystical special piece of shit.

To end all this shit, again, happy birthday! May all the demons that you praise in your wet dreams guide you to somewhere… where there is light. I hope that all your demons would transcend into a stunning piece of angel (not shit), you may not be the most pogi person in the world, but you’re nose is the other most in this world (reconstruct if you can).

sorry for the typos. 2:33 AM na no! PUTANGINA! 

#FlashbackFriday! (Story-telling version)

Lumabas na ang newly-weds.

Kinakantahan ng Groom ang Bride. Tingnan ang kanilang ngiti. :“)

Pinatayo ng Groom ang Bride para may kasama siya sa kahihiyan sa entablado habang patuloy na kumakanta. 

Sa kasamaang palad, nagpasya ang dalawa na mag-divorce dahil hindi nagwork-out ang kanilang buhay mag-asawa. 

Sa kasalukuyan, sila'y nanatiling mabuting magkaibigan…

The End.

(Joke lang. Napagtripan ko lang talagang magbrowse ng photos. Ayan, sila tuloy napagdiskitahan ko. Charot-charot lang naman. HIHIHI PEACE!)

youtube

Kiligeeeeerssss! REblog niyo para makita na rin ng ibaaaaa.

August 10, 2013

After class, nagkita kami nina Yjoy at Ralph sa may Gateway, 7pm. Nung paalis na kami tinanong ko sila if gusto ba nilang bumili kami ng gift or cake so nag OO kaming lahat. DQ ang pinakamalapit sa aming harapan so bumili na lang kami ng ice cream cake na oreo at ang saraaap. Halos kaming tatlo nina Yjoy at Ralph lang ang nakaubos nun. Wala e. Sarap e. Hahaha! Sa may Loyola kami nag celeb ng b-day ni Jemz at ang taraay! May lamay pa! Hahaha! Masaya kaso mej bitin. Umuwi kasi agad si Yjoy. Tapos naglaro na lang kami ng Mahjong. Hahaha!

Another year added to Miss Camille-Ganda's age. And we're invited, again!

Before kami pumunta kina Camille, nag-meet muna kami sa may Araneta. Nakipaglandian muna.

Yung mga gwapoooo sa tabi. Hahaha!

Si Manong Driver na mabait at kalog!

And… Let’s start the Parteeey!

Yeaaah.

Happy Birthday, Camille-Ganda! Thank you for inviting us! Muaaaps! :* And thanks also for our friends! Till we meet again, guys!

Reblog & Like niyo na lang guys.

January's Last Day, 2015

Cock’s birthday celebration at Camille’s. Andon sina Michac, of course, Danica, binatangmaylaban, maamongmukha, viviklxxxng, kuyabra, Jane, Jayson, siligaya, ginoonggago, ako at syempre si blogofmsmicalle

Food Sesh. Chopsuey, Chopped chicks, Spicy Adobong Pusit (& idk pa kung ano meron dun basta yummy), & Fried Tilapia. Gustung-gusto kong iuwi yung chopsuey kasi nga ang sarap ng luto tsaka puro veggies. Dayum. Ang sarap magluto ng Mama ni Camille-Ganda at hindi na ako nahiyang kumain. Gusto ko tuloy iuwi ang Mama niya sa amin para gawing Mama ko. Charot. HAHA!

Booze time: “Oh, bakit ka tumatawa?” !!! As usual, Empi Lights ang tinira namin. With matching unripe mangoes with sawsawan, Marshmallows dipped in Nutella, and Fried Tilapia. Etong si Ralph, ang lakas-lakas ng trip. Mukhang gago lang. Sa ‘twing natatawa kami, bigla siyang sisingit at tatanungin kami ng “Oh, bakit ka tumatawa?” na seryoso ang mukha. Kung sino ang tatawa lalo, tatanong at tatanuningin niya ulit. At syempre, hindi mawawala ang bumabasag ng katahimikan na sina Yjoy at Kuya Bra. Sila yung pumipilit na patawanin si Ralph para lang basagin ang trip niya. Wala talagang makakatalo sa tawa ni Yjoy eh. Matatawa ka na lang din bigla nang dahil sa tawa niya. Sina Camille, Klang, Isma, hindi sinasakyan ang trip ni Ralph kaya tahimik at pangiti-ngiti na lamang sila.

Hanggang sa pinagtripan ni Ralph si Camille. Aba'y todo pula na ang mga pisngi namin sa katatawa dahil naglalabanan ang dalawa with their own “whogoats”. Talung-talo si Ralph. *Asuuuus* Ako naman, pinagtitripan ko lang si Cock, at hindi naman siya sumasakaaay. Bruuuuh! Nagtagpo-tagpo rin ang FOREVER ALONE CLUB. Tawang-tawa kami ni Klang kasi ang saya-saya namin dahil ang lalandi namin kahit alam mo na. May jowa pala kami. HAHAHA!

Nung mga panahong nagtatawanan at nagkkwentuhan kami, hindi namalayan ni Ralph na pinagtripan na pala namin ang Cellphone niya. Inabot ata sa'kin 'yon ni Kuya Bra at ako naman, todo tago. Tanga lang ni Ralph dahil di niya napansin iyon. Saka lang niya napansin nung tumayo ako at hinahanap ang daan patungo sa bubong nina Camille. Di niya alam na nailagay ko na pala ang phone niya sa isang tupperware nina Camille at naghahanap na non si Ralph. Hanggang sa si Camille na mismo ang nagtago no'n.

Uwian Time. 11 qrtr 2 12. Buti na lang at nagsalita na si Yjoy para umuwi. Dahil kung hindi eh, matatagalan ako ng uwi no'n. HAHA! So hatiran na sa sakayan sa may SM North. Di ko namalayan na nasabi na pala ni Yjoy na ando'n kay Camille ang phone niya. So ayun. FAIL ANG PLANO NA IRA-RAK ANG PHONE NIYA. ANDUN NA 'YUN EH. HAHAHA!

END SHITS. Nang makauwi na kami, nakuha na pala ni Ralph yung phone niya kay Camille na sabi niya eh tinago pa raw sa loob ng bra niya yon. Sabi yon ni Ralph ah. Tapos. ETO NAAA. BINIGYAN AKO NG GIFT NI CAMILLE-GANDUUUH! HA-HA-HA-HA! Nagulat ako nang makita kong dalawa ang regalo. Isang sling bag at isang sweatshirt! Kaya nagtaka ako kung kanino galing yung isa kasi walang sinabi si Camille na dalawa pala ang laman no'n. KAYA HAPPY BABY AKO. HARHAR!

THANK YOU SHITZ.

Thanks sa pag-invite ni Cocky. Ang saya nung gabing 'yon. Salamat din sa regalo, Camille-Ganda at kay Isma rin ba? Luh, di talaga ako sigurado. PERO, MAGSUKOL TUOD! :“>

December 03, 2014 Part 2

MERJ

Nagpa-wax muna ako bago kami kumain nina Jeremy at ginoonggago sa may Food Court ng Gateway. Habang inaantay si Yjoy, umidlip muna ako saglit dahil wala pa akong tulog simula Alas-Siete ng Gabi ng December 02, 2014 (hanggang ngayong ginagawa ko ‘to ng mga 2:50+ am na cuz sleep is for the weak charot). 

  • Dumating si Yjoy at wala parin ako sa wisyo.
  • Nagpasya kaming sa labas na lang kami magkkwentuhan sa may concrete road gutter ng tapat ng Araneta. 
  • At nagkwentuhan na kami ng kung anu-anong kagaguhan, kabaliwan, kamalian, katuwaan, kabwisitan sa mga nagdaang araw na di kami nagkita.
  • Doon nabuhayan ako. Nabuhayan kaming lahat.
  • Naging Santo sina Ralph at Jeremy dahil ang galing nilang mag-advice. Promise. HAHA!
  • Nagpasya kaming umuwi na ngunit dumaan muna ng Mang Inasal. Kumain.
  • Pag labas namin, may tumawag kay siligaya. Si mister we-don’t-know-who.
  • Habang naglalakad pahatid kay Yjoy sa sakayan, etong si Jeremy dahil sa kalandian, nakaapak ng TAE nang hindi inaasahan. Ang ganda ng reaction niya. Edi heto naman kami nina Yjoy kumaripas ng takbo dahil akala namin ipapahid ni Jeremy sa amin yung taeng kanyang naapakan. Kaya habul-habulan kami sa gitna ng daan. Hindi ko lang alam kung itatapon na ba ni Sis yung sapatos niya o kaya lalabhan na lamang iyon. Good luck sa kanya.

At doon nagtatapos ang araw ng December 03, 2014 na maaaring ilagay sa history ng aming pagkakaibigan. Charot. Joke. Hahaha!

Ang saya-saya lang because this past few days, madalas kaming MERJ yung nagkaka-bonding. Bale sinulit namin yung mga days na maaaring bawiin dahil before, lagi kaming kulang. That’s why every penny and efforts are worth it dahil puro kabaliwan, asaran, kwentuhan ng matino at kahit hindi. Na-miss namin ang isa’t isa eh. Senti kami eh. Hahahaha eh. Charot eh. Puro eh? Haha kainis.

Ayun lang. Fin.

youtube

INUMAAAN NAAAAA! HAHAHAHA! GO BIRTHDAY GIIIRL!

Tambay at Linear Park, PUP Sta. Mesa. January 24, 2015 | 4:27pm

ginoonggago pm’d me na magkikita raw sila sa PUP. Wala akong gana no'ng araw na ‘yon kasi may pinuntahan kami nung umaga ng mga kapatid ko, pero sige. Gora na lang. Nahirapan ako sa byahe. Jusko bh3, kulang na lang eh mag rosaryo ako sa jeep dahil sa ang lakas magpaandar nung drayber. Aatakehin na sana ako sa puso nung mga oras na 'yon. Tapos ang ingay-ingay pati nung jeep at walang tugtog, kainis. Tapos di ko pa kabisado yung daan. Buti na lang at may isang estudyante ng taga PUP ang sumabay sa akin hanggang sa babaan. O diba, may bonus pang kalandian.

Si Jemz, di na tumuloy. Kaya naglibut-libot kami sa campus. Umihi ako sa Gym hahaha! Tapos kung saan-saan pang bldg. Nilibot din namin ang buong building ng main campus. Pinakita rin nila sakin yung room na kung saan eh mage-exam si Jr. Hanggang sa na-meet ko na rin si Janelle, ang Gf ni kuyabra. Sumilip-silip rin kami sa iba’t ibang room ng 6th floor dahil sabi nila, doon daw ang room ni Kuya Clarence (thebribery). Sigaw-sigaw pa ko no'n ng name ni Kuya Clarence kaso waley. Todo paganda pa naman kami no'n ni viviklxxxng. Ninenerbyos ako nun tapos di mapakali kasi nga, diba. Crush ko 'yun eh. Harhar! Sayang, di namin kasundo ang tadhana nung araw na 'yon. Kaya, mesyon peld kami ni Inday Klang. Sayang talaga eh. Handang-handa kami nung araw na 'yon, tapos. Pakshit talaga. Sana naman next time, makita na namin si Kuya Clarence! Graduating pa naman na siya, konting panahon na lang ang natitiruuuh, jusko! *cries in japanese*

UPD. Hanggang sa napagdesisyunan naming sa UPD na kami magkita-kita with Sis Jemz. Doon na kami tumambay kasama rin si Jam. Nag food trip din kami ro'n at tanungan ng kung anik-anik. Nung pauwi na kami, ayon. Tinopak na naman 'tong si Sis Jemz at naghimatay-himatayan sa kalsada. Hanggang sa may tumulong sa amin na mga nagja-jogging do'n at pinisil nung isang Mama yung joint sa may siko ni Jeremy. Aba, di natiis ang sakit kaya bumangon na at nahimasmasan na sa kanyang trip. HAHAHA! Tawang-tawa ako no'n nang marinig ko yung sinabi ng Ale na “Ay, totoo nga!” lalung-lalo na nang lumapit na sa amin yung isang Guard do'n. Nako! As in, kaloka talaga ang trip niya. 

UWIAN TIME. Umuwi na sina Jemz at Jam. At kaming apat naman nina Kuya Bra, Ralph at Klang ay dumiretso muna kina Kuya Bra. Hanggang sa napagtripan namin na maglaro ni Ralph. Di ko matandaan kung ano yung pangalan ng laro. pero grabe yung nangyari sa left hand ko. Pucha. Pulang-pula na, pati na rin kay Ralph. So ayun. Umuwi na kami after naming magkasakitan. Charot.

18th B-Day lil' surprise and Monopoply

Everything was unplanned. First, I thought that Jeremy (wasseduced) was already at Kuya Bra’s (hussssssshh) so I thought that I should buy some foods and drinks, Cuervo in particular for his birthday. But since it was already late, close na yung pagbibilgan. Edi gora na ako kina Kuya Bra. Then itong si Ralph (ginoonggago) sinabi na ulam na lang yung bibilhin ko since gusto ko namang bumili ng makakain namin. Kaya bumili kami ng ulam sa may Petron.

Edi ayan na. Jeremy came after 30 minutes na ata yon, hindi na 15 mins. Haha! So we lit a candle and pinatay namin yung ilaw to be more romantic. Charot! And we sang “Happy Birthday To You” as usual. Feel ko naman na masaya si Sis Jemz sa lil’ surprise namin sa kanya. Nag-kwento siya about sa 3-day celebration ng Lovidabs niya which was really sweet to imagine. Pano kasi, ang effort sa kanya nung boyfie niya. Kakakilig. Kaya ayun, lumabas na naman yung katawang lupa niya kanina. And they ate, Kuya Bra, Ralph and Jeremy. Then minutes later, dumating na rin yung ibang friends ni Kuya Bra na sina RG (binatogatnilupak), Badz and Kuya Gio and also, dumating na rin si Bowri (binatangmaylaban). So syempre, nagkwentuhan na, asaran at tawanan. Nag-demo pa nga si Sis Jemz on how to do the “man’s business’ massage” basta, alam niyo na yun. Haha!

Then Sis Jemz have to go home na. Edi kami-kami na lang ang natira. Wala si Yjoy (siligaya) because she have to prepare for her Departmental exams. Hanggang sa naglaro kami ng Monopoly. Since ako, si Ralph at si Bowri, wala masyadong knowledge about that game, sumali kami at nagpaturo and of course to try it na rin. Sosyal kasi eh. HAHA! Hanggang sa na-bankrupt na si Kuya Bra, at tumagal-tagal din ang laro namin hanggang 12 am. And… I WON THE GAME BITCHES! Haha! Nanalo ako ng walang kaalam-kaalam kung paano ako nanalo. Basta nakinig na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Charot! Then 2nd si Tol Ralph. 

Nung natapos na kaming maglaro, syempre uwian na. So kanya-kanyang uwi na. And it was fun meeting new friends! Kaloka. Hahaha! Yun lang. Out of words na ako eh. Bye!

Above logo viviklaaang ©

Yow, Klasizze! Salamat nga pala sa tag. Sabi ko naman sa'yo, “dahil sa ikaw ang laman ng utak ko, ikaw susundin ko”. Kaya heto na oh. Effort to para sa'yo! Hahahaha! ;) (Nag-banat pa eh)

1. In your own words, what is the meaning of life?

- Significance of life or existence in general? Anyway, life for me is the existence of an individual or animal. Basta yung living organisms. 

- Life: Without it, we’re nothing.

“Life has no meaning. Each of us has meaning and we bring it to life. It is a waste to be asking the question when you are the answer.” 
― Joseph Campbell


2. Why is there suffering?

- To prove to ourselves that we can do such things than we can ever thought. To test ourselves if how much/long we can survive life. And to test our faith.


Why are relationship so hard these days?

- ‘Cause you’re the one to blame. That’s your thought/opinion, not mine. So answer that. Hahaha! Jokwa, Klang! Hindi, kasi ganito yan. Since you’re not giving yourself the chance to mature enough to handle things like so, you can not tolerate him/her. Dyan na nagsisimula, sa tingin ko. Haha! It really depends on how you handle it.


Is it really possible to change? How?

- Yes. You’re in the cusp of adolescence. That’s a change! Hahaha! Oo naman. How? Depends on your choice. It is a choice.

Is there any meaningful purpose behind man’s evilness?

- Irdk. Pero sa tingin ko yung meaningful purpose niyan ay yung naipapakita mo yung dark side mo na hindi mo akalain na taglay mo. It’s like you don’t know who you really are without showing your evilness.

What is your life plan?

- To finish college (clean). Get a college diploma. Rest. Find a job. Help my family. To earn enough money for myself and to study again. Travel around some places in the Philippines. Then back to studying again. Get graduated for my second degree. Review. Pass the board exam. Build a business. Find a job again. Help my family even more. To apply a work abroad. To work and work. Earn and earn money. Travel around the world. Then if my business works pretty well, time to build a new branch. Still in abroad, somewhere around the globe. Back to Philippines. Build a nice house. Not that gigantic, enormous house. Just a nice house for our family. Have fun with friends. Invest. If given a chance and enough money, I want to build a Resto-Bar with my friends, MERJ my will-be co-owners. And live with my mom even if she gives me pain in the ass sometimes.

If you’re going to date me, when? where? and why there? 

- Anytime, when I get a job and had enuf money. At Cloud 9, Antipolo. It’s a simple romantic place that I can ever thought. It’s like you’re up above with the sky. And looking down, it’s like I’ve already shown you the world. Charot.


And describe me. 

Ikaw. Klang. Mabungis bang kitaun, suplada bang aturun. Sah in kabunnalan, marayaw bang bagayun. ;) Maganda, para sa'kin. Curvy. Ganda ng mata at smile. Kalog! Minsan, malakas ang trip. Minsan mami-misinterpret yung actions mo pero wala naman pala. Trip lang pala. Pero mabait 'to. Akala mo siya yung nangbu-bully. Pero hindi naman pala. Basta, yung first impressions mo sa kanya, kadalasan hindi tama.

Below 11 people:

viviklaaang, siligaya, ginoonggago, wasseducedpantasngpagibig, binatogatnilupak, dudeisthatkevin, jslrbrl, maamongmukha, luluie, crisacrisostomo

Na-dyahe ako sa 11 people, Klang! Wala akong masyadong ka-close dito eh. Ikaw talagaaa! Ayan, na ah. Ok na ba yan? Intindihin niyo na lang sana. Hahaha! 

Tinychat

In-invite ako ni Ralph. At kaming tatlo nina ginoonggago at masdanmoangakingmata ang unang nagchat.

Lumalamon kaming tatlo. Si Klang, skyflakes. Si Ralph, basta pagkain. Ako naman yung favorite kong saging, as usual. 

Tapos ayan, sumali na rin si pantasngpagibig. Yeeheee!

Yan yung biglang nawala si Klasizze. Ewan ko kung kumain ulit. Hahaha!

credit to: masdanmoangakingmata salamat dito sa epic fail na litrato.

Ayan yung dyaheng moment ever ko. Iniwan nila akong tatlo sa ere. Si Kuya Twoda nga pala. Putek yan. Para akong naging birhen agad. Set up daw eh. Badtref.

Thank you Ralph ah. Sobra. Bullony kayo!